Chapter 19 - Mahiwaga
Hiwaga. Kelan ka nakaranas ng hiwaga? Pag nakakita ka salamangkerong payaso sa selebrasyon ng mga
kaarawan? Kapag may bagong teknolohiya na mararanasan mo? Kapag may lugar na elegante at kakaiba?
Oo ito ay karanasan ng hiwaga. Sa aking paglalakbay natagpuan kong may mas hihiwaga pa pala.
Ilalathala ko ang aking personal na mahiwagang karanasan dito sa ating bansa. Hindi porket mahiwaga na
ay hindi kayang patunayan ng agham at hindi porket kayang patunayan ng agham ay mawawalan na ito
ng hiwaga.
Kasama sa pinag-aralan namin nung kolehiyo ay ang Pisika. Ayon sa pisika at kaugnay sa aking kursong
Biology, ang ating mata ay nakakakita lamang na kakapiranggot sa haba ng daluyong at dami ng mga
frequencies. White light lamang daw ang kaya ng ating mga mata. Napag aralan ko ang mga mata ng iba’t
ibang mga hayop at iba iba rin ang kanilang kakayahan at pagkakaiba.
Pano kung merong ibang tao na mas malusog ang paningin? Bakit na parehas na may rod and cone
photoreceptor cells ang mata at ang pineal gland? Para lang ba ito sa pagtulog o para makakita rin sa
ibang paraan?
Simula noong tumigil ako sa fluoride tooth paste at gumamit na ng asin o baking soda. Doon nagsimula
dumami ang mga mahiwagang karanasan ko. Nagsimula noong salubong rin noong kaarawan ko June 6,
2020. Isa sa mga kaibigan ko at sa tulong na rin ng kabute ay may pinarating na mensahe sakin. Habang
nasa gitna ng paglalakbay sinabi sya” Paano kung mga sisidlan lang tayo?”. “Papaano kung ang Void na
nakikita natin tuwing naglalakbay tayo, ay tayo rin yun, nagkataon lang na sisidlan lang tayo?” “Papaano
kung pwede natin lakbayin ang Void, saan o kelan tayo pwede makarating?”
Sa aking pagsasaliksik tungkol sa Quantum Physics, o sa pagkakaroon ng iba’t ibang dimensyon ng ating
realidad. Kung paano natin nararanasan ang oras ay iba sa katotohanan. Sa dimensyong ito ay parang
linya ang oras. May kanina, may mamaya. May kahapon, may bukas. Ngunit ano ba talaga ang meron?
Ang kanina ay tapos na, ang mamaya ay wala pa. Hindi ba ang ngayon lang ang meron? Sa ingles, “The
Past and the Future are also in the present moment”. Ang kanina at kahapon ay nagiging memorya, ang
mamaya at bukas ay nagiging plano o pangitain.
Nadaanan ko din ang Quantum Entanglement. Sa pinasimpleng salita:
“Quantum entanglement is when two particles link together in a certain way no matter how far apart they
are in space. Their state remains the same.”
Nasagot rin ba ito ng tanong sa isip ko, ano ang pinamaikling distansya sa dalawang magkalayong butil
saan man sa kalawakan? Isang derechong guhit ba? O wala dahil magkakonekta sila sa ibang dimensyon?
Balikan natin yung hamon ng tropa ko habang nakakabute kami. Ego Death ang aking naranasan. Wala
akong pake na naka-boxers lang ako noon. Habang nagrelax ng todo. Pinalala ko sa sarili ko na “I am the
Void”. Gamit ng aking intensyon sinubukan kong silipin kung ano ang ginagawa ng aking mga magulang.
Pinakawalan ko ang aking mga inaasahang makita at nag-obserba lang.
Una kong naranasan ay para akong nasa taas ng kisame ng condo at nakikita ang mala-rosas na langit sa
bintana at mga pine tree. Nakita kong nasa kusina ang tatay ko at abala doon. Nakahiga naman ang
kapatid kong babae at may kausap ang nanay ko. Pilit kong hinahanap ang isa kong kapatid na lalake
ngunit wala sya doon. Napakalinaw ng aking mga nakita.
Isang paraan lang para malaman kung totoo ang nakita ko. Tinawagan ko kinabukasan ang nanay ko at
sinabi ko lahat ng nakita noong mga oras na yon. Lahat ng sinabi ko ay sinang-ayunan nya. Isa ito sa
pinakamahiwaga kong karanasan.
Dalawang beses ko pa ito sinubukan ng walang tulong ng kabute. Sinubukan kong kumpirmahin sa aking
nanay at tama ulit.
Susunod kong mahiwagang karanasan ay nung sinubukan ko ang “Past Life Regression” exercise.
Nagsimula ito alalahin ang mga pinaka hindi ko malilimutang mga memorya isang taong makalipas,
dalawang taong makalipas, limang taong makalipas, sampung taon makalipas, hanggang memorya ko na
pinaka maaga kong natatandaan at pabalik sa tiyan ng magulang ko at bigla sa kawalan. Sinundan ko ang
ilaw at pinakita sakin ang mabuhanging mundo. Iba na ang itsura ng paa ko ng katawan ko. Kulay itim
ang paa ko at hindi paa ng tao. Isa akong matangkad na itim na aso na may damit na ginto.
Ang gabay sa video sa youtube ay sinabing isipin ko daw kung anong hawak ko, pinipilit kong maging
baril ito. Dahil sa eksenang pinakita sakin may higanteng “spaceship” kasing lawak ng siyudad. Wala
akong natirang kasama at tila ubos na. Ngunit ito baril ang hawak ko kundi gintong “pamalo” o staff. May
pakpak rin ako.
Bakit sobrang linaw ng mga eksenang pinapakita sakin at mas malinaw pa sa ibang memorya ko nung
bata ko? Napakahiwaga. Ang unang tanong sa gabay na video noong sinubukan ko yan ay, “Kung ang
sabi ni Albert Einstein na Imahinasyon ang susi sa kinabukasan hindi ba imahinasyon rin ang susi sa
nakaraan?”. Mahiwaga.
Lumalim ang pananaw ko tungkol sa paksa ng Imahinasyon. Hindi lamang ito portal sa kinabukasang
mga posibleng gawin at kaganapan, kundi paatras din. Napakahiwaga.
Laking pasasalamat ko dahil may mga kaibigan rin akong parehas nagaaral ng kamalayan. Minsan
magsasama lang kami upang kumpirmahin kung tama ba ang nakikita namin sa dating buhay ng mga
kaibigan natin. Sabay sabay kaming tahimik magninilay at maglalakbay sa “Quantum Realm” walang
halong kung anong kasangkapan.
Sa tulong ng isa sa mga mentor kong si Leshara Maniego, nag-aral din ako kung pano bumisita sa
“Akashic Records” at kung pano mag “Astral Travel” ng matino at ligtas. Matinding respeto at
pagpapakumbaba ang kinakailangan upang makapasok ka sa malaking aklatang ito. Napakalawak at
napakaganda ng Akashic Records. Iba’t ibang gabay ang sumasalubong saking upang tignan ng libro ng
kaluluwa ng bawat nilalang na payagan akong sumilip dito. Tinatanong ko lagi kung anong kailangan
linisin sa minana nilang karma upang mapabuti nila ang sarili nila, damay ang sangkatauhan o ang
“collective consciousness”.

Sa aking pag “Astral Travel”, nakakabisita ako sa ilalim ng dagat, nakabisita ako sa Lemuria, Mt.
Olympus, at ang pinakamahiwaga sakin, ang Biringan.
Noong September 2022, bumisita kami sa Tacloban. Sinabi ng aking kasamahan na doon daw ang
mahiwagang siyudad ng Biringan. Madami daw deliveries na iniiwan lang sa gitna ng kagubatan at
nawawala kinabukasan. May mga kamag-anak na daw na nakapunta doon ngunit hindi nakakabalik.
Habang natutulog sa sofa ng tinuluyan naming Bahay, may pinakita sakin. Ang may-ari ng bahay ay
sinasabing 238 years old. Lalaking apat lagi ang kaha ng sigarilyo at laging may kape. Hindi siya
kumakain at halos hindi natutulog. Hindi namin siya nakitang kumain noong nandun kami.
Ang pinakita sakin habang patulog na dapat ako, ay ang kabundukan sa Tacloban, may dagat na katabi.
Ang daming gusaling punong puno ng ilaw. Iba’t ibang kulay ng ilaw. May mga lumilipad pa na iba’t
ibang klase ng ilaw. Kinwento ko ito sa aking kasamahan. Noong mismong gabi ring iyon, lumangoy
kami sa dagat sa ilalim ng San Juanico bridge. Bago kami umahon sa dagat, Dalawa kami ng kaibigan
kong si Alex ang nakakita ng dragon sa langit. Mahigit sampung segundo namin ito pinapanuod. Sabay
kaming nakaturo at manghang maghangang sinusundan ang galaw nito. Nagsimula ito sa maliwanag na
berde at biglang naging maliwanag na puti na lamang sa malayo. Mala-ahas ang paglipad sa langit.
Kinabukasan sa parehas na sofa, pinakita naman sakin ng mas malinaw pa ang loob ng siyudad kung saan
dumadaan ang mga barko. Napakagandang arkitektura, gawa sa bato at ginto, may mga malalawak na
balkonahe. Nasa tabi ng bundok. At sa eksenang pinakita sakin mayroong magsinta Lalake at Babae
nakadungaw sa balkonahe. Parang naghihintay ng barkong dadaan. Matino ang kanilang suot parang
1900’s na pananamit. Matino ang gupit at malinis silang tignan.
Sobrang linaw at nag-zozoom in pa nung pinapakita sa akin ito. Sobrang hiwaga. At susunod na eksena
noon ay may pinakita sakin maraming kawa. Nakita ko ang kaibigan kong Rajah na itim ang pangtaas, at
pulang pormal na pambaba. Ang eksena ay ang kasal nila ng aking kaibigang si Claude. Agad agad kong
kinwento ang nakita kong mga kawa at ang pangitain. Kumatok ako sa kwarto nila.
One Day after, sa lugar na katabi ang maraming kawali ay nagpakasal sila isang Orthodox Priest. Parehas
na parehas ang suot ng kaibigan kong si Rajah Junbert. Napakahiwaga.
Bakit ba tinawag na Tacloban ang Tacloban? May sinakluban ba? May itinago ba?
Sa aking pagsasaliksik, napagkaalaman ko na ang Pilipinas at iba pang arkipelago na malalapit ay parte
ng dating Lemuria sa mga sinaunang mapa. 2017 ang una kong punta ng Bohol. Sa Panglao beach.
Polvoron ang buhangin, napakaganda. 2021 noong sunod kong bisita kasama si Captain Rey Valeros para
isulong ang Pederalismo katulong nila Papa Romeo Melecio sa Buenavista, Bohol. Agosto 2022,
pangatlong punta ko dahil may Indigenous People’s convention, kasama naman ang tatay ko. Gusto
namin maging Datu at Customary Lawyer.
Pagkatapos ng convention ay nilinot namin ang Chocolate Hills. Hindi mawala sa isip ko na ang mga
burol na ito ay pantay pantay at simetriko. Kakaunting mga burol lang ang tinubuan ng puno. At ang
burol ay gawa sa limestone. Hindi matanggal sa isip ko kung mga Pyramid ba ito noong panahon ng
Lemuria ginamit sa iba’t ibang rason? Napakahiwaga.
January 2022, nakilala ko ang mga Kalinga warriors ng Gising Maharlika Baguio. Kinwento nila ang
Silent Mountain sa Kalingan. Doon daw nanirahan ang isang banal na tao. Habang siya ay naghahanap ng
huhulihing hayop. Nagkaroon siya ng onting hamon. Hindi niya marining ang kasama nyang asong
tumatahol para ituro ang nahuli nyang hayop. Ayan sa bagong kaibigan kong Kalinga warrior, Inutusan ng
banal na taong ito tumahimik lahat ng hayop para marinig nya ang kanyang aso. Nakuha nila ang kanilang
huli, ngunit ayon sa kaibigan ko, nakalimutan rin nila pabalikin ang tunog ng mga hayop. Sa parte doon
ng kabundukan ng Kalingan ay tahimik rin kaya binansagan itong Silent Mountain. Napakahiwaga. Sikat
ito sa mga dokumentaryo at mayroong bukas na imbitasyon para bisitahin iyon.
Ang lupain natin, at ang katauhan ay puno ng hiwaga. Ayon sa Preface document, tayo ay “Land of incant
spirits and fairies, mystical and biblical, BUT TRUE.” Alam ng world bank, Committee of 300 ang
katotohanan sa ating bansa.
Ang daming kwento sa mga probinsya. Mga albularyo, aswang, mambabarang, tikbalang, tiktik,
mangkukulam at iba pa. Ito ba ay puro kwento lamang o may basehan?
Totoo ba na noong panahon ng espanyol na lahat ng manggagamot mabuti o may kakayahang masama ay
itinapon sa Siquijor Island? Totoo ba na meron daw tayong mga salamangkero na hindi kailangan
magbanggit ng kahit anong salita, itataas lamang nila ang kanilang kamay at mamatay na ang taong may
masamang balak sakanila?
Kaya siguro hindi kaya na gera lang ang taktika ng ating mananakop. Hindi nga nila kinaya ang ating mga
Moro at mga taga Cordillera di ba? Kinailangang makipagkaibigan ng mga misyonaro at daanin sa
sanduguan upang unti unting mapasok ang gusto nilang doktrina. Ang Kristanismo at Katolisismo.
Magpapasalamat ba tayo sakanila dahil sila ang nagpakilala nito sa bansa?
Binansagan nilang paganismo at anismo ang pagrespeto at pakikipagugnay ng ating mga ninuno kay
inang kalikasan, sa mga elemento ng hangin, lupa, tubig, at apoy. Sila ang tunay na nag-alaga at
rumespeto sa ating tinubuang lupa. Samantalang ang nagbansag sakanila at isinantabi sa lipunan, ang
silang sumisira sa ating kapaligaran at patuloy na nagpapahirap sa mga tao. Oo ang mga prayle noon at
mga kastilang naiwan dito, sila sila pa rin naman ang mga oligarko ngayon.
Binababoy pa rin nila ang hiwaga ng ating bansa. Samantalang lahat tayo nakakulong sa ating mga kahon,
mga selda. Pinakamalala ang selda ng isip. Nakulong ako ng mahigit sampung araw ngunit ang aking
napagtanto, mas malaya pa ang isip ng ibang nasa loob, mas malawak lang ang selda ng nasa labas.
Babalik ang hiwaga ng bansa, sigurado ako dyan. This is the Golden Age after all, The Age of Aquarius.
Pero sa bilis ng pagbalik? Nasa sa atin pa ring lahat. Ang pagbalik ng sariling hiwaga ay
magpapanumbalik ng hiwaga sa paligid, sa pamilya. Sakanila kakaiba ka tignan, minsan baliw na nga.
Pero walang maipagkakaila kung ikaw mismo ang makaranas, maka alala sa perpektong pagkagawa sayo
ng maykapal. Hindi lang lima ang pandama ng katawan ng tao, higit pa. Clair senses. Marami tayong
nakikilalang mga kaibigang napapabuti ang kanilang pandama. Malalaman nyo ang istorya ng iilan sa
mga nakilala ko, dito sa libro.
Ibabalik natin ang hiwaga ng bansa. Babangon muli ang Maharlika. Babangon muli ang Lemuria.
Pansinin nyo ang mga pelikula. Mga pelikulang tungkol sa Atlantis, sa Hollow Earth, sa World Tree at iba
pa. Ito ba ay kathang isip lamang o may pinagbasehan? Marami nang sinaunang sibilisasyon ang nauna
satin. Kapag ba sinauna ay hindi sila technology advanced?
Alamin ang kwento ng Tartaria at ng Mudflood. Ang daming arkitektura sa buong mundo na ginawa mula
1800s-1900s. Na noong mga panahong iyon ay wala pang power tools. Kabayo, kariton, martilyo, pait at
iba pa. Pero wala pang nakakagaya ng arkitektura hindi ba? Bakit ang ibang arkitektura nila ay katumbas
halos parehas sa mga parte na ginagamit sa modernong pagproseso ng kuryente? Bakit may mga electric
cars na noong 1900s na sa isang karga pa lang ay 3000 milya na ang kayang byahe? Ang daming
sinaunang arkitektura na halatang hindi kayang gawin ng tao lamang at simpleng makina.
Kung totoo ngang moderno ito. Bakit hindi na gumagana? Anong ginawa ng kalaban para hindi na ito
mapagana? Pinalitan ba ng layunin o gamit ang mga lugar? Cathedral, nanggaling sa salitang Cathode. Isa
bang malaking free energy generator ang mga ito? Kung may cathode, nasan ang anode? Bakit ginawang
lugar nang pang iindoktrina ang mga lugar na ito? Bakit ginawang trono ng mayayamang obispo? Bakit
ginawang lugar kung saan maraming batang lalake o babae, pisikal na inaabuso?
Ibabalik natin ang kapurihan at mabuting layunin ng mga lugar. Dinungisan nila ng todo todo. Nasa sa
ating lahat kung papaano at gano kabilis. Alam na natin hindi ba? Nasa sa atin na lang kung ano ang
gagawin natin.
Kung may mga lugar na mabuting layunin na sinira nila. Itinatag din nila ang mga lugar kung saan
ginagawa ang kasamaan sa iba’t ibang antas.
21- DAY CHALLENGE DAY 19
TASK 1: 21-minutes Meditation/ Planning
Evaluation 1:
How are my 7 aspects of life? Did it improve even 1% daily? How is my 21 minute meditation?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Evaluation 2:
Have you reflected on the goals you set yesterday? How do you feel about your goals?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
TASK 2:
Find an accountability group. Find like minded individuals, maybe as few as two or three, to share your
visions with. These are people who you trust, like and love.
Evaluation 3:
Who is part of your accountability group? What are the details that you shared with them
regarding your goals? What are their reactions?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Congratulations on Finishing Day 19!
No Comments