Chapter 5 - Fuck 2020
It is Sunday August 30, 2020. Anim na buwan na nakalipas mula nung kumalat ang “Virus”. Dito sa
Pilipinas, paglabas mo ng bahay lahat naka facemask. Bilang sa daliri ko ang di mo nakikita na
nakafacemask.
Walang tao sa mga park. Pagdating ng mga hapon iilan ilan ang pupumunta pero lahat naka face mask pa
din.
Pagpunta mo sa lahat ng basketball court, lahat ng net nakalock, hindi lang nakatali may lock na
naka-dedicate para sa bawat net. May tatlong full court sa amin at lahat nakalock.
GCQ ang tawag sa palatuntunin kung saan lahat daw ng tao ay kailangan sumunod. Mas maluwag
kumpara dati. Pero nirerequire pa din sa labas na nakafacemask. Mga security guard ay laging
pinapaalalahaan ang dumadaan sa gate ng village na lahat mag facemask.
Pagpunta mo naman sa mall ganun din mas mahigpit. Social distancing daw para sa mga mag-asawang
galing sa kanilang bahay.
Parang panaginip para sakin lahat ng nangyayari. Fast forward 2022? Ganun pa rin.
Hanggang ngayon di ko pa rin tanggap at di mapigilang malungkot habang nakikita ko ang mga taong
napipilitang mag-facemask at mag-social distancing. Naabuso ang mga bata. Kasi karamihan ng mga bata
sa village ay hindi lumalabas. AT kung lumabas man ay kahit gano kabata ay nilalagyan pa rin ng
facemask. December 2022, may executive order na ang Malacanang para sa boluntaryong pagsuot ng
facemask parehas sa labas at loob ng mga gusali. Marami pa ring mangmang, takot o ignorante.
Tila parang Civil War ang nangyayari sa online world at tila walang pansaninan ang mga tao sa personal.
Sa Internet, nagbabangayan ang mga taong takot sa pandemya at mga taong naniniwala na sobrang
nakakamatay ito.
Sa personal naman, napakadami kong kwento na tila ang kinabukasan ng ating mga tao kung ito ay
magpapatuloy ay sobrang dilim at hindi makatao.
Araw-araw lumalabas kami ng anak kong 2 years old at 8 years old noong mga panhong iyon. Walang
mask. Magbibitbit kami minsan sa bulsa kung may maninita. Pero di ko sila pinilit magmask. May isang
beses na pumunta kami sa isang playground o park na malapit lamang sa security guard o Clubhouse ng
village.
May tatlong batang babae na naka-mask. Dalawang tahimik at isang 4 years old na babae mahilig
makipag-usap. Inaalala ko ito ngayong tinatapos ko ang libro. Ang mga batang iyon ay nagdidiaper pa rin
sa mukha. Nakakalungkot. Oh well papel.
Ikukwento ko ang lahat ng importanteng nangyari kung paano ako nagising sa katotohanan at kasi
napakadami pa ding Pilipino at tao sa buong sobrang takot sa virus.
Malalaman nyo ang kwento ng mga ordinaryong Pilipino na tinakot at sapilitang sinarado ang ekonomiya
ng anim na buwan para lamang sa virus na 99.8% ang mortality rate kahit na may nagmamanipula pa ng
mga numero at may korapsyon.
Malalaman nyo ang mga pahayag ng mga Doctors, Science Professionals, Lawyers, Celebrities na may
bitbit na ebidensya etong COVID 19 ay ang pinakamatagumpay na
Psychological Operation sa recent history ever since the Twin Tower bombing in September 11,2001.
Hindi pa ba obvious? Ngayong 2022 ay napakadami na nilang nagsasalita? Pati sa mainstream media.
FUCK 2020. Biggest Psy-Op ever!
Hindi lang tungkol sa Covid ang pag gising na pag-uusapan natin. Ito may mas hihigit pa sa pag-gising sa
katotohanan mula sa pandemya. Ito ay ang pag-gising mula sa totoong kasaysayan ng Pilipinas at ng
mundo at kung papaano ito tinakpan.
Kung papaano pinasok ang media ng mga elitista upang magpalaganap ng idea at magkontrol ng balita.
Kung papaano ginamit ang relihiyon upang manatili ang kontrol, at gumawa ng kaperahan, at
mapalaganap ang abuso sa buong bansa.
Kung papaano ginamit ang gobyerno upang manitili ang mga taong sumusunod, nagbabayad ng buwis
ngunit sa mga bulsa nila napupunta.
Kung papaano pinagkakitaan ang mga tao sa pagtago ng mga gamot at lunas ng tinatawag na Big Pharma.
Kung papaano pinasok ng terrorista ang mga school at kung papano nainfiltrate ang educational system
natin simulang simula pa lang.
Lahat ng sektor ng lipunan ay pinasok ng masasamang elemento. At ang tanong ko lang naman simula
nung bata ako, sino ang nasa pinakataas? Napapansin kong parang tatsulok ang lipunan, Sino kaya ang
mga taong pinakamakapangyarihan at pinakamayaman upang meron silang kakayahan para
magimpluwensya sa takbo ng mundo? Gaano na sila katagal dito?
Ang mga hindi kayang pag-usapan habang nagiinuman at kape at simpleng kwentuhan ay mapag-uusapan
dito.
Mula kadiliman lalabas ang ilaw ng katotohanan. Dahil lahat tayo ay pinanganak na mabubuting mga
bata, mapagmahal, masayahin at puno ng pangarap. Ang ayos ayos. Mapayapa. Ano ang nangyari at bakit
tila puno ng gulo? Uso ang kabastusan. Uso ang sakit. Usong ang bangayan. Tila normal na ang
kasamaan?
Eto ba ay natural lamang? Natural ba na ang mga batang pinanganak na matino ay ltatandang taliwas sa
bukod-tanging kabanalan nung pagkalabas natin sa mundo?
May padating na magandang mundo ngunit hindi alam ng madla. You won’t appreciate this new world
kung di mo alam ang katotohanan at kung pano ka niloko ng society. Kung di pa malinaw sayo ang mga
importanteng katotohanan.
Susubukan kong kausapin sa librong ito ang bawat Pilipino kahit ano mang background. Sa bawat
nagbabasa neto, kailangan ko ng tulong nyo.
Dahil sa mga rebelasyon na magaganap, araw araw may taong babaliktad ang mundo. Yakapin natin sila
at dahang-dahang sasamahan patungo sa padating sa magandang buhay na pinangako.
Let's get this out of the way. Totoo ba ang hirap na nararanasan ng Frontliners? Oo. Totoo bang mga
bayani sila sa gitna ng Health Crisis? Oo. Totoo bang underpaid ang overworked sila? Sobrang Oo.
Tandaan ang kwento ng itim at pulang langgam. Dapat bang magkaaway ang Frontliners at mga taong
kumkwestyon sa opisyal na kwento ng gobyerno? Tinatapakan ba namin pagkatao nyo kung yung mga
kupal na boss ang kinukwestyon?
Bakit marami nang frontliners ang gising sa delikadong experimental drug? Bakit may mga frontliners
naman na may diskriminasyon sa sa walang bakuna at face diaper sa mukha? Bobo na ba kagad ang
frontliner na kumukwestyon sa mga nangyayari?
"Trust the Science" ba kung ang bawal kwestyunin ang existence ng Virus at bawal kwestyunin ang
Teoryang (hindi batas) na nagpapatakbo nito? Questioning The Science is the foundation of Science!
Panghabang buhay na pagdodoublecheck kung tugma ba ang mga proseso. At syempre, FOLLOW THE
MONEY! Ituloy natin ang pampakyu sa 2020.
Noong January 23 2020 sa atin unang lumabas ang mga balita sa Virus na kumalat. Sa mga panahong ito
nakatira kami sa Sta.Rosa, Laguna. Nagrerecover pa yung lugar namin sa Taal eruption. May mga bakas
pa ng ash sa labas ng bahay.
Makapal. Walang kulay ang labas. Nakakabinging katahimikan, dahil walang huni ng mga ibon. Tila
naging Black and White movie ang buong lugar. Laguna, Batangas at iba pa ay nadepress ng todo.
Dumagdag pa nito na Nung January 26 sa united states namatay si Kobe Bryant. Halos lahat ng lalaking
kilala ko na mahilig sa basketball ay iniluksa ang kanyang pagkamatay. Two months akong malungkot.
Tapos may anxiety pa ako kasi baka mag-cause ng earthquake yung pagkalma/ paglala ng Mt. Taal.
Hindi pa naman ganun kadami savings namin. Syempre iniisip ko kung magiimbak ba ng groceries and
food and gaano katagal. Kung babalik ba kami ng Sta.Rosa, Laguna o makitira sa Baguio. Hassle kasi
yung wife ko sa Makati nagtratrabaho. Nung sa Makati naman kami tumira saglit ang mahal kasi wala
namang short term lease, puro Air Bnb at hotels lang meron na madali ilakad. Ang mahal ng ginastos
namin doon para lang makalayo sa toxic fumes.
Ang daming pumapasok sa isip ko. Kung papaano ko gagawing safe yung pamilya ko. Tumawag pa
ermats ko. Nasa Tagaytay pala siya that time attending a conference. Aba ang mga walanghiya
nagpaselfie pa usok ng taal. A few kilometers lang away from them. Sinabi ko sakanila umalis na kahit
gano katraffic!
Malapit kasi kami sa extension ng Marikina Valley fault line. 5 minutes away from us. Nag-isip kagad
ako, kapag nagkaroon ng mahigit 7 magnitude doon, sasarado ang mga daan. At baka magsarado rin ang
mga mall. May mga hindi makakaevacuate, at kung tumagal ang renovations ng kalsada, meron ding
magugutom.
Pero grabe, sa Taal eruption pa lang, makikita mo na ang magkakaibang ugali ng mga tao. May
matulungin, may magkukusa, may tuliro, may magdadamot.
January 12, nung nasa computer ako nagpprep para sa tuturuan ko sa hapon. Ako’y naging isang Online
English Teacher sa mga Chinese students, parehas older and mga young students.
Napansin namin na parang umuulan, kaso parang mas maingay yung ulan. Di naman naka pure yero yung
bahay. Pagsilip ko sa labas halata kaagad na hindi siya normal. May ash fall sa labas na parang ambon
lang nagsimula ngayon palakas na ng palakas. Yung dalawang manok ng Kapitbahay nagwawala at di
mapakali. Sinarado namin ang mga bintana. At ang isip ko gumulo. Kasi yung isip ko nasa work na i
aaccomplish mamaya. Si Mama(mother in law ko, mommy tawag ko sa ermats ko), sinabi “Wala lang
yan. Saglit lang yan. Matatapos din yan”
Nung gumabi di halata kung gano kadami yung ash sa labas kung di ka mag-flashlight. Nagbigay ako ng
mga plano sa asawa ko kung ano mga pwedeng gawin kinabukasan. Pwede kaming pumunta ng Baguio
tapos pag hinanap sya sa work baba na lang ulit kesa gumastos ng Air B&B or hotel. Sina Mama at
Nathan (yung adopted son kong 8 yrs old) papuntahin muna naming Tarlac sa mga kamag-anak for a
while.
Basta ang sigurado ako ayaw ko malanghap ni Atlas yung sulfur sa labas kasi may symptoms sya ng cold
nung before Eruption pa.
Sabi ni misis, kung may masasakyan why not, gastusin muna savings mas importante ang safety. Yung
work ko kasi sensitibo sa attendance and time. Byahe kami kinabukasan hindi naman ako makakapagturo.
Hindi ko alam kung matatanggal ba ako o kung makakalusot ang absent.
Sa isip-isip ko naman. Sumabog yung bulkan sigurado naman maraming teachers ang naapektuhan na
need umalis sa place nila. Priority ang safety.
Mga wala kaming masks that time. Buti na lang sa school ni Nate merong first aid kit na may masks.
Dalawa. Sakto sa dalawang bata. Walang dalawang-isip magmask, mabaho talaga e.
Pagabi na ng pagabi pero patahimik ng patahimik. Nawala nga yung tunog ng ashfall pero nawala rin
yung huni ng mga kuliglig at mga insekto na normal mong naririnig kapag bago matulog.
Sinubukan kong matulog ngunit kakaunti lang ang nakuha ko. Tila ang hirap din bumangon sa realidad na
may pagsabog nga na nangyari at kung anong itsura na sa labas. Chineck ko kung nasan na ermats ko,
ayun buti nakauwi naman na at nung madaling araw ay nakabalik na ng Baguio.
Kinaumagahan sobrang tahimik at walang mga huni ng mga ibon.
Ako naman nag-online kaagad sa messenger para humanap ng mahihiraman ng sasakyan para mahatid sa
Bus Station sa Nuvali. Ang dami kong kinausap. Sa kinasamaang palad kasi ang pinag-ipunang kong
sasakyan ay nawala samin, dahil na-scam. So kailangan kong ibaba pride ko para manghiram ng kotse
upang makalikas na.
Sa sampu ata na kinausap ko buti may isang may-oras para magpahiram. Papa-gas na lang. Nag-tuloy
magimpake si Misis nung sinabing may sasakyan na. Ngunit di namin sigurado kung bukas ba or sarado
yung bus station. Salamat sa iisa kong tropa na si Weng, solid na manunulat, singer at rapper.
Dumating na si Weng sa labas ng bahay. Nagmamadali rin pala siya. Tropa kong nagbigay ng oras at daan
para maka-likas kaming lima. Sa unang beses nang ako’y makalabas ng pinto. Sobrang bahong amoy ang
bumati sakin. Ilang segundo lang ako nasa labas sumakit na mata ko.
Pagkakita ko sa labas napakakapal na ng abo umaabot sa ibang lugar na 3-4 inches. Mga sasakyan meron
na ding abo. Mga bintana. Lahat. Mga halaman at puno. Walang pinalagpas.
Kailangan kong balutan lahat para di kami makaamoy at masaktan ang mga mukha. Nagmadali kaming
lahat sa sasakyan na parang mga refugee. Nung umandar na yung sasakyan pagsilip ko sa labas nandun
yung manok ng kapitbahay, bloated na at di na gumagalaw.
Nagcheck ako ng newsfeed para kung anong update meron sa Taal at kung may earthquake ba, at kung
ano lagay ng public transportation. Lumabas sa newsfeed ko mga friends ko namatay ng mga alaga nilang
aso dahil di kinaya yung ash fall. Pati na rin mga nahihirapang mga kabayo sa Taal nang maligo sila sa
ashfall at kung ano ano pang mga hayop. Grey apocalypse. Walang kulay Green na kulay sa lahat. Parang
nawalan ng buhay lahat ng naapektuhan.
Paglabas namin ng village, walang mga tao. Bihira magkaganito. Parang kakaunti lang ang mga sasakyan
at ang luwag ng daan. Pero sobrang alikabok madulas din ang daan hindi ganun kadali magdrive.
Pagdating namin sa Bus station. Walang mga Bus mg Nuvali at nagtanong din kami sa Security Guard,
sabi nya wala din daw dadating. Tama nga ang hinala namin.
Nagmamadali na tropa ko. Kailangan din magpasundo ng kapatid nya. Sabi ko ihatid na lang nya kami
kung may makita syang tricycle. Sa awa ng diyos sakto pagbalik namin sa labas ng village, may dalawang
tricycle na nakaabang. Blessing na din kahit di kami nahatid ng tropa ko sa isa pang Bus station atleast
nalabas nya kami sa village ng hindi naglalakad.
Nagpasalamat ako at sabi ko babawi ako sakanya. Napakalaking tulog ng ginawa nya. Binalot ko ang
aking pamilya at nagmadali sa loob ng tricycle. Nung umandar na di ka pwede sumilip sa labas. Wala
kaming mga goggles and masks soo nasa loob lang kami ng taklob buong travel.
Nakahinga ako ng onti nung nakita ko may Buses pa sa Balibago. May mga taong nakaimpake rin pero di
na ganun kadami mga tao sa labas. Kakaunti pa rin.
Nakasakay kami sa wakas, Bus pa LRT Buendia. Ang plano ay magtaxi at pumuntang PITX. Nung nasa
SLEX na kami hanggang San Pedro and before Alabang may bakas ng ashfall. Inoobserbahan ko kung
may mga sasakyan ba na bumyabahe nakabalot sa ash. Madami. Sa mga kakaunting sasasakyan na
bumyahe meron at merong naapektuhan ng ash fall.
Bakit importante yung kwento ng Taal Eruption? Kasi lumabas din mga tunay na ugali ng tao.
Nagsi-ubusan ng masks sa mga stores and pharmacies. Nagbebenta sila overpriced na. Maramaing
kwentong ganun. Yung iba tinaasan din presyo ng ibang bilihin.
Bakit ko to ikinwento bago ang Scamdemic? Kasi ito riin ang nag-set sa over-all emotions ng masses.
Karamihan ay takot at madaming nagsasarili. Humanity was beginning to disappear for many. Mga low
vibes na energy ang nagsulputan. That was before ordinary citizens came to the rescue.
Ang dami ring heroes that rose to the occasion. I had a friend na naglakad sa labas mag-isa nakamask lang
and naghanap siya ng masks for his friends. Meron ding mga residents along Tagaytay road na may
pressure washer. Lahat ng dumadaan libreng tanggal ng ashfall. Day1 palang ng eruption may mga Tao na
rin na naghatid ng relief goods and sumali sa mga rescue. Hindi biro magbyahe at gumalaw noon.
Nakarating kami ng maayos sa PITX noong araw na yon. 3PM bumyahe na kami sa Baguio. Saglit lang
stay namin doon dahil nirequire ng boss ng wife ko na pumasok sya. Dahil nga sa eruption may
kailangang mga ayusin sa office.
Kinabukasan sinamahan ko rin siyang bumyahe kasama si Atlas. Naghanap na lang kami ng murang Air
B&B or hotel. Nakiusap kami sa boss ni Andeng kung pwede sagot nya accomodation. Sa kabutihang
palad pumayag naman.
Sa pagstay namin sa hotel ay nakapag-pause kami at nakapahinga. Sa baguio parang natulog lang kami at
bumyahe rin kinabukasan. 2 weeks kami halos sa Makati nagpapahupa ng Eruption. Hinintay namin
dumating ang clean-up crew ng local government para malinis na ang mga daan.
Sa aming pagpapahinga nakakita ako ng naging viral na video sa Facebook. Isa siyang compilation ng
mga News sa United States na parang pareparehas ang script nila. It goes like this “The sharing of biased
and false news has become all too common on social media...etc” Ito ang RED PILL na nagsimula sa
pagkwestyon sa Kwento ng Covid.
You can check CNN’ s news titled: Sinclair requires anchors to read script bashing ‘fake’ news. Kung
gusto mo mandiri at matakot. Tulog na tulog na tupa na lang hindi mandidiri at magigising dyan sa video
na yan.
Napaisip ako. Sa video na yun more than 30 companies pareparehas ng script. Tapos nagresearch ako.
Ngayong 2020, ang dating anim na lamang na major corporations ang may ari ng 90% ng media
companies ngayon ay apat na lamang.
Napaisip ulit ako. Kung scripted pala ang mainstream media sa US. Saang bansa pa kaya maaring
nangyayari ito?
Noong 2019 ay nagfile si Solicitor General Jose Calida ng Quo Warranto petition laban sa #1 Media
company sa Pilipinas ang ABS-CBN. At noong May 5, ay tuluyan itong nagshutdown dahil sa kanilang
mga offenses. Scripted din kaya ang Mainstream media sa Pilipinas at sa ibang parte ng Mundo?
Dahil sa natuklasan ko. Naging open ako sa pananaliksik at naging maingat sa sinasabi ng Mainstream
Media (MSM). Dahil ba sa pagconsolidate ng 90% ng media may monopoly na? Kung may monopoly na,
masasabi ba nating mayroong ILLUSION OF CHOICE?
Sa kakatago kay Bulkang Taal may natagpuan akong video sa youtube sa youtube sa taong
nagngangalang Nathan Rich na may title: The Coronavirus Conspiracy - Did COVID-19 come from
America? (by Nathan Rich)
Sa panahong pinapanuod ko ito. Ang laman ng mga balita ay may virus daw na nakakamatay galing
China na pinangalanang COVID-19 na nanggaling sa Wuhan Wet Market galing sa mga paniki. Madami
daw ang namamatay. At ilolockdown daw ang buong Wuhan. Di ko ito masyado pinapansin dahil iniisip
ko pa nga ang epekto ng Taal ngunit pinanuod ko pa din ang video.
Sa video ay ginawa nyang chronological ang mga events at naglagay ng sources sa kanyang bawat
binanggit. Sa susunod na kabanata ay bubusisiin natin ang mga kaganapan bago makarating ang balita
satin ng "pinakamalalang" virus sa kasaysayan ng mundo
December 2022, at nagbabadya nanaman sa Mainstream ang matandang "Zombie Virus" na nanggaling
daw sa pagkatunaw sa yelo ng Russia. Maniniwala pa kaya ang Pilipino? Nag-aklas na ang pinakamalala
at pinakamalaking Communist country sa mundo. Ano kaya ang magiging reaksyon ng Pilipinas kung
mag-lockdown ulit dahil sa Zombie Virus? Magtatago nanaman ba sa kanikanilang bahay? Tutok
nanaman sa partido sa Barangay Elections? O magkakaisa? Malalaman natin sa mga susunod na linggo o
buwan.
Fuck 2020! Ginulantang tayong lahat. The Year that the Earth stood still. Ang taong mas marami pang
nahugasang utak kesa sa kamay. Binago ang pang-araw araw na buhay ng Pilipinas. Ang ibang bansa
karamihan wala nang diaper sa mukha. Ang Pilipinong sanay na sanay maging subersibo, takot sa
sasabihin ng iba, kahit voluntary na nga ay sige pa rin sa pag-bawas ng kanilang hangin.
Fuck 2020! Pero I Love 2020 rin. Dahil sa kadiliman, pag-iisa, ay napilitan akong mag-isip at
magsaliksik. Mula sa pagkahimbing ng aking tulong sa paghahanap ng Tunay na Kalayaan, ako'y muling
nagising.
21 Day Challenge - Day 5
Life Path Number
Add your Month of Birth to your date of birth plus each digit of your year of birth. Then add the final
digits
Example: July 7, 1992 is 7+7+1+9+9+2 = 35, 3+ 5 = 8
Life Path #1 - Action/ Initiation
Life Path #2 - Balance/ Harmony
Life Path #3 - Communication/ Expression
Life Path #4 - Fortification
Life Path #5 - Freedom
Life Path #6 - Nurture
Life Path #7 - Analysis
Life Path #8 - Abundance
Life Path #9 - Old Soul
These are the basics of numerology. Cross-reference this with your research on your life path.
Life Purpose Statement
Have you answered these questions?
What are you passionate about or enjoy doing with the fullest of your heart?
What skills do you excel in?
How do you want to help humanity?
How do you want to get paid?
Based on your answers above, fill up your life purpose statement:
I will use (my skills) to (how to help humanity) in (specific community) using my (passion)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________
Congratulations on Finishing Day 5!
No Comments