Chapter 23 - Federal Maharlika
Nakita ko ang anunsyo ng isang Indigenous People’s Convention sa Buenavista, Bohol Simula Agosto 12
hanggang 14, 2022. Nakita ko ang poster at andun kaagad ang logo ng Gising Maharlika sa poster.
Marahil pangunguna ni Capt. Rey Valeros. Hindi nasabi sa lahat ng core members ng Gising Maharlika
ang partisipasyon. Minarapat ko pa ring dumalo at irepresenta ang movement. Inimbitahan ko ang aking
Tatay. Sasama daw siya kung may Customary Law course, meron nga at doon sumama siya.
Biglaan ang aming pagbili ng bus at airplane ticket pa- Bohol. Kakagaling lang namin sa mahabang
lakbay kasama ang pamilya at natapos noong Agosto 9. Agosto 10 bumili kami ng ticket. Kinaumagahan
ay bumyahe na. Agosto 11 ng gabi ay nandoon na kami sa Buenavista Bohol.
May nag-abang saming si Tony, na nagmamaneho ng motor o habal habal. Dalawa kami ni daddy
umangkas kasama ang mga gamit namin paakyat ng bundok. Ganito ang pagtrato ni Papa Romeo sa
kanyang panauhin, susunduin talaga kung walang sasakyan. Sa iba ganun rin motor o sasakyan depende
sa dami ng kasama mo.
Si Papa Romeo ang host ng IP Conventions. Dalawang beses na rin kami nakabisita sakanya tungkol sa
pagsulong sa pederalismo at pagkakaiisa ng bayan.
Ang daming kwentong aming narinig kay Papa Romeo. Ikwkwento na lang namin kung ano ang
naobserbahan namin muna. Napakadaming pamilya sa Buenavista. Marami doon ay hindi naman araw
araw bumababa mula sa bundok. Nandoon na ang pamumuhay nila. Ang sabi sa amin ng mga nakatira
doon, sagot daw ni Papa ang kanilang basic needs tulad ng kuryente, tubig at bahay na itatayo. Kung
kailangan nila ng panimulang pagkain ay ibibigay. Sa mga susunod ay magtatanim na sila, magtitinda o
didiskarte ng paraan kung papaano dagdagan ang pamumuhay.
Napakapayapa ng mga tao doon. Walang naka-diaper ang mukha. Walang nag-iinuman sa gabi. Walang
nagsisigarilyo. Maraming mahilig kumanta at sumayaw at deboto sakanilang espiritwalidad.
Karamihan daw ng nakatira sa Buenavista ay mga tinanggihan ng hospital at hindi na kayang pagalingin.
Si Papa lamang daw ang nakapagpagaling sakanila. Maraming kwento ng mga mahiwagang tao sa
Pilipinas tulad nila Ruben Ecleo na nagpapagaling gamit ng radyo. Isa ba si Papa Romeo Melecio sa
mahiwagang manggagamot?
Sa unang dalawang beses ko ng pagpunta doon at napagitnaan ng bisita ni Manny Pacquaio sa bohol at
pakikipagusap nila kay Digong at MNLF. Malaki ang Impluwensya ni Papa Romeo sa pulitika ng
Pilipinas.
Hindi ko alam ang kahihinatnan ng Convention noong Agosto 12, 2022. Hindi ko alam bakit Gising
Maharlika ang nasa poster nang halos walang paalam, pero dahil kay Papa Romeo, panatag ang loob ko
binuksan ko ang puso at utak ko sa mga magaganap.
Hindi magsimula ang convention hanggang hindi dumadating ang isang Tao. Naunahan namin ni Daddy
ang dating ni Cap Rey ng isang gabi. Noong kinaumagahang dating nya ay agad ang tanong ko kung
kelan magsisimula ang convention. Hintayin muna daw si Atty. Rajah Junbert Guigayuma.
Naging pasensyoso ako at nakasalamuha muna sa hapagkainan. Napakadaming pagkain at napakadaming
taong dumalo. Yon ang normal sa lugar nila Papa Romeo. Laging umaapaw ang pagkain. Hindi ka
magugutom. Laging tinatao. Palagi ring puno ng kwentuhan.
Nang nasa hapagkainan na, nagulat ako dahil may isang long hair na batang lalake at matipunong
magsalita. Ramdam ko kaagad na may ibubuga. Nasukat ko kagad siya at kinilala. Naging kaibigan ko
kagad si Kali Malantip o tinatawag na Dwyane Cabaron. Kabisado ang Badlit, Baybayin at Paleo Hebreo.
Siya nag nagturo muli sakin ng ating pagsulat.
Tubig may bakanteng oras ay kasama ko si Dwyane at magtatanong tungkol sa Customary Law. Hindi
kalaunan dumating ang sinasabi nilang Rajah Atty Junbert Guigayuma. Naka itim na t shirt sa taas, at
pulang pormal dress ng tribo na pang ibaba. Ang dami nyang burloloy. Ang daming nakakabit sakanyang
katawan. Ang dami nyang baong nga nga o momma. May nakasabit pa sakanyang foot long na pipa na
may sungay ng usa. Lagi siyang nagsisindi ng tabako doon at nag- nga nga.
Impormal ay nagkwkwento na sya sa Customary Law habang kumakain at bago magsimula ang Session.
Maingay magsalita si Rajah Junbert. Malakas ang boses. Animated. Laging tinatawag ang atensyon ng
mga tagapakinig.
Meron siyang dalang dalang bag na puno ng dokumento. Kapag may babanggitin siyang batas o
dokumento ay may dala siyang pruweba. Nagsimula ang kurso ng Customary Law at sumabog ang utak
ko kinagabihan ng tuloy tuloy na ang paliwanag. Nagkwentuhan ang buong klase at nagkumpirma ng
kasaysayan ng Pilipinas kung pano nawala ang ating soberenya, kung pano tayo sinakop, at kung pano
nawala ang ating original na gobyerno at pamumuhay at pinalitan ng pang aliping sistema.
Doon ko nasabing nag-level up ang laban. Dating dugo at karapatan laban sa experimental gene therapy,
senseless protocols ang laban. Ngayon buong maharlika na. Ang pagtumba ni Babylon at pag angat ng
Divine Government.
Natapos ang Event Noong Agosto 14, nakapag Dang Ul Ceremony ang karamihan at nakapagtapos ako
ng Customary Law pati ang tatay ko. Ang bilis ano? May certificate na kami bilang Customary Lawyer
wala pang 3 na araw? Hindi kailangan ng degree para mag customary law. Walang diskriminasyon sa
kasarian o edad. Kung kaya ipaglaban ng konsensya, puso at isip mo at karapatan at pamumuhat natin
bukas ang pinto sa customary law sayo.
Ang tanong para magkaroon tayo ng perspektibo. Ang Civil Law ilang undergrad years ang kailangan?
Ilang law proper? Gaano katagal bago pumasa ng Bar? Sino ang nagpapatakbo sa Civil Law? Traydor at
kurakot na sistema ba o makataong sistema?
Ang customary law ay walang kahon. Both unwritten and written law. Nasanay kasi tayo ng may schedule
sa school at work. Samantalang ang pag-aaral ay hindi nalilimitahan ng sistema o institusyon. Ang
totoong pananaliksik ay nasa kalooban, nasa konsensya at nasa kaluluwa.
Hindi ko matatawag ang sarili ko ng customary lawyer kung wala akong naipanalong kaso. Certified pero
not proven. Pero bago pa ako naging customary lawyer, sibilyan pa lang ako ay alam ko na pano
ipagtanggol ang aking karapatan. Nakapanalo rin ng dalawang set ng kaso laban sa gobyerno ng maynila
dahil hindi nagdiaper sa mukha at naglayag ng saloobin sa Liwasang Bonifacio. Hindi ko kailangan ng
titulo upang alamin ang karapatan ko. Ang kaalaman ang mismong armas. Ang bolpen at papel ang
mismong sandata.
Naging simple sakin ang movement. Kapag mas maraming makaalam ng Customary Law at mas
maraming Customary Lawyers, mas maraming lupa ang mababawi, mas maraming karapatan ang
mapoprotektahan. Ang Civil Lawyer ay Attorney de Kampanilya, ang Customary Lawyer ay Attorney de
Konsensya.
May Appearance/ Consultation/ Professional fees ang Civil Lawyers. Walang presyo ang serbisyo ng
Customary Lawyer kahit ilang lupa ang mabawi nito. Nasa puso ng kliyente ang regalo. Dahil ito ay
sagrado at purong propesyon at misyon. Wala itong katumbas na salapi. Kung anong biyaya ang nasa
puso yun ang buong galak na tatanggapin.
Mas Maraming Customary Lawyers, mas maraming makakaalam ng De Jure governance ng Self
Determination kesa sa De Facto governance tayo na reliant sa slave-master system.
Ang lumang sistema na ang mentalidad ay “Kung wala kami, wala kayo, gutom kayo”. Ang Self
Determination na nakaankla sa Divine Government ay pagpapalakas at pag-aarmas sa bawat nilalang na
tumayo sa sarili nilang mga paa. Ang mga liderato ay gabay lamang at hindi mga feeling Diyos na
kamkam ng kamkam.
Kung maraming customary lawyers, maibabalik ang “Balangay” system, sa lahat ng baranggay may Datu
at may nakakaalam ng Customary Law. Hindi ka na pwedeng ipitin ng mapang-aping De Facto
government. Mabagal ang Civil System. Mabagal ang mga hearing. Mabagal ang hustisya. Sa Tribal
Justice, mabilis ang hearing, pag may kurakot pwedeng may death penalty, mabilis ang arrest warrant pag
guilty. Walang check and balance and De Facto government, kapag mas maraming customary lawyers,
mababawasan ang mga kurakot at matatakot sa mabilis at makatarungang hustisya. Customary Law,
hustisyang walang salaping kapalit.
Meron at merong aabuso ng Customary Law at gagamitin ito sa kasamaan. Yan ang ginagawa ng ibang
Tribal Leader kuno at ibang niluklok sa NCIP. Mananagot rin itong mga ito sa tamang hustisya at sa
tamang panahon.
Habang nadudurog ang lumang sistema at binubuhay kung anong meron na tayo dati. Kailangan nating
magparami at magpalakas.
Ayon sa Preface document ng world bank meron tayong common ancestor na si King Bernardo Carpio.
Royal Family sya. Kung ninuno nating lahat ay may royal blood, hindi ba tayong lahat yan ay minana rin
ang royal blood niya?
Sa aking pananaliksik dahil sa paglilihim ng mga inapo si King Bernardo Carpio ay si Kublai Khan o
anak ni Genghis Khan. Si Genghis Khan ang namuno ng Mongolian Empire at ng Tartaria ay
nagmamayari rin karamihan ng yaman sa mundo. Si King Bernardo Carpio, ang kanyang anak ang
tagapangalaga nito at ibibigay sa Pilipino. Ayon sa Preface, ang nag mamayari ng yaman ng Pilipinas ay
ang “People in the Philippine Islands”. Hindi iisang tao o pamilya. Nagkataon lang may mga broker nag
alaga ng mga papeles tulad nila Jose Rizal at Ferdinand Marcos. Poporsyento ang parte ng World Bank, at
pamilya ng tagapangalaga. 30% sakanilang lahat ata 70% para sa lahat ng Pilipino.
Hindi natin maimplement implement ang yaman ng Pilipinas kasi tayo mismong mga Maharlikano ay
may piring pa at mangmang. Mas maraming enerhiya sa eleksyon, pakikipaglaban sa partido, sa debata sa
relihiyon kesa mas importanteng bagay na YAMAN NATING LAHAT NA MAHARLIKANO. Kapag
nagkaisa tayo ay ipresenta natin sa World Bank, na “GISING NA PO KAMI, KILALA NA PO NAMIN
KUNG SINO KAMI, KAMI PO ANG MAY-ARI NG PILIPINAS AT YAMAN NITO”
Habang dumadami ang nag-aaral ng Customary Law ay maraming makakaunawa nyan ng may galak at
tuwa.
Isa tayo sa mababansagang Idealistic. Pero sa pangahon ngayong kinikitil na ang ating mga anak at ang
ating kasaganahan ay pinapakialamanan, kinakailangan na ng solusyong bayanihan.
Ang galing natin sa Tsismis. Customary Law at ang ating tunay na yaman ang ating itsismis. Kasi nandun
na lahat. Ito ang pundasyon ng modernong sibilisasyon. Mga taong rumerespeto sa inang kalikasan at
sangkatauhan. Walang progresibong imbensyon ang makakapagtanggal ng kamangmangan ng mga tao.
Puso at utak at maghilom. Mabubuhay ang mga imbentor at mga henyo. Kesa iniisip nila ang kanilang
mga pangunahing pangagailangan, bakit hindi tayo magbayanihan sa mga komunidad para ibigay ito?
Kung kaya nga ng iilang tao, bakit hindi kaya ng komunidad? Kasi pag hindi gutom at walang iniisip na
bills ang isang komunidad mas maraming oras maghilom, magimbento, magtanim, magsaya. Kesa yung
oras natin nasa lumang sistema ng pagtutok lang sa sarili at paghahanap ng pera. Gaya ng Buenavista.
Kung kaya ng Buenavista kaya rin ng lahat.
August 13 Pormal na naratify ang konstitusyon ng Federal Maharlika. Nagdesisyon ang mga lider galing
sa mga tribo na isulat at implementa ang Customary Law. Agosto 14 ay nailuklok si Papa Romeo Melecio
bilang Sri Maharajah ng Visayas at ang kanyang asawa bilang Sri Maharani.
Ang tumatakbo sa isip ko at malamang sa isip nyo. Ganun ganun na lang ba magtayo ng Gobyerno?
Makagawa lang ng konstitusyon tapos na?
Ang tanong ko naman sainyo, sino ba ang sumulat ng republika at ng konstitusyon, hindi ba mga tao lang
din? At sigurado ako nung 1987 constitution ay puro na mga oligarko ang nakinabang, tinanggal ang
Death Penalty sa treason at heinous acts.
Traydor ang nagtayo ng Republika. Base pa sa pekeng papeles? Na wala man lang paalam sa sa Pilipino?
Bakit hindi ko bubuksan ang puso at isip ko sa mga Pilipinong itutuloy lamang kung anong meron ang
ating mga Ninuno?
Bago pa dumating ang mga kastila ay may Federal Monarchy na tayo na nirerespeto ang Self
Determination. Self Governance ng bawat kaharian sa Pilipinas. Ganon din ang nakikita kong sinimulan
sa Bohol.
Meron lang mga nagsulat at nauna ngunit hindi nawawala ang pagrespeto sa self-determination at self
governance ng lahat ng pamumuno sa bansa. Interfacing sa constitutional law (Article 2, Section 2,
Section 22) dahil sa RA 1997, UNDRIP AT ISCAHR, Civil Code of the Philippines.
Ito ay legal at mataas na batas na pagiimplementa ng soberenya at pagbabalik kultura. Pagbabalik Tribo.
Pangpapalakas sa Self-Determination ng bawat Pilipino.
Sino ang kailangan ng De Facto government kung bawat tao ay kayang igobyerno ang sarili nya? Paapano
ba ang pagkalika sa atin ng Diyos? Sa wangis nya? O sa iba? Bakit tila ang lipunan at sistema babansagan
ka kung hanggang saan ka lang?
Nawala ang ating pagkakapantay pantay. Nawala rin ang ating mga pakpak.
IKALAT NYO ANG MAGANDANG BALITA. MALAYA NATAYO. ONTI ONTI NATING
BABAWIIN ANG MAHARLIKA! NASA SA ATING ANG BILIS NG IMPLEMENTASYON.
Ang importante ang kaalaman. Ipasa ang kaalaman.
August 27 Nang sumumpa bilang Lakan ng Luzon si Dr. Sevillo B Tamayo sa Dasmarinas, Cavite. Sa
linya ng mga Binondo siya ay parte ng royal family. Walang tumatayo sa royal families ng Manila at
Southern Luzon. Minarapat nyang tumayo at ipakalat rin ang pagbalik Kultura.
September 14 Bumisita kami sa Tacloban sa opisina ng “Divine Government”, ang mga taong may
koneksyon sa mahiwagang siyudad ng Biringan. Kasama namin sila Tatay Lakan at hinihingi ang basbas
bago magpatuloy sa Mindanao. Dito nabasbasan ang iyong lingkod bilang Deputy for National
Communications. Dito kami nlahat nakipag blood compact para sunduin ang Universal Laws, na
katotohanan lamang at batas ng maykapal ang masusunod. Walang sasasaktan o lolokohing tao.
September 17 Natapos ang Final Leg ng ratification sa Mindanao ng Lumad Mindanao representation, Si
Supreme Datu Mauinda Shago. Abraham Ecleo Sr. Leader ng Knights of Rizal Agricultural Endeavor,
Inc. Tulad ng Self-Determination na ehemplo ni Papa Romeo sa Buenavista. Ganito rin ang ipinakita ng
grupo at pamumuno nila sa Butuan City.
Kasagahan sa Pagkain, lahat may matitirahan, may kuryente at tubig, at pagkakakitaan. Nabalitaan rin sa
araw na iyon na ang nakapagpaisa na ang Sultanate Regions ng Muslim Mindanao sa iisang Sultan.
Sa aking vision ay nabubuo na ang larawan. Ang pagkakaisa ng Pilipinas sa De Jure government. Ang
pag-assert ng bawat grupo ng Section 14 ng IPRA Law o Self Determination. Nagkataon lang may mga
nauna at nanguna. Hindi naman ibig sabihin neto na sila nag nanguna o nauna ay mas nakakababa ang
karapatan ng mga susunod na mag assert ng kanilang Customary Rights.
Mandala Leadership. Tunay na pagkakapantay pantay. Nagkataon lang ang mga Royal Blood ang nasa
harap dahil sila ang nakapagprotekta ng linyahe at kalupain nila. Nagkataon lang na nauna silang merong
self-dtermination at nakatulong sa iba. Ang mga Royal Blood na lumabnaw dahil sa intermarriages at
displacement ay mababawi ang kanilang kamalayan. Lahat naman tayo ay may ninunong Royal Blood.
Lahat ng Maharlika ay royal blood. Puso at isip na lang ang mahirap.
Bago matapos ang Nobyembre 2022 ay nagkaisa sa iisang liderato ang Luzon,Visayas at Mindanao.
Nagkasundo silang magpasailalim kay Papa Romeo Melecio. Natuwa ako noong unang marinig ko to
dahil magulo nga naman kung may tatlong “Ego” ang magbabangayan. Maari siguro sa dulo may isang
boses na magdadala ng respinsibilidad.
Sabi ng propesiya at ng mga psychic kong kaibigan na ang mga taga pagserbisyo sa Divine Government
ay sa konsensya at Kamalayaan susukatin.
Wala pa kong nakita na singbuti at may track record na si Papa Romeo Melecio. Mapagkumbaba at
napakaespiritwal. Napalakas ng Self-Determination.
Biruin nyo ang kanilang tirahan sa bundok ng Buenavista ay ilang buwan nilang hinukay ang daan
paakyat. Gamit ang sarili nilang mga kamay, dugot at pawis. At nung nagkagipitan na sa bakuna, sila
lahat sa Buenavista ay walang naipit. Ligtas ang mga bata sa pamimilit at propaganda.
Dang Ul Ceremony
Nakatayo na ang Skeleton ng Federal Maharlika. Onti-onting nagkakalaman na. Sa bawat taong mag-aral
ng customary law at dumaan sa Dang Ul Ceremony. Mabubuhay at sasagana ang Kaharian ng Maharlika.
Ano ang Dang Ul Ceremony? Ito ay sagradong pakikipagayos sa Diyos at kapamilya upang maalala at
makilala ang relasyon sa Diyos at sa komunidad. Pagbabalik sa Diyos. Pagbabalik Kultura. Pagbabalik
Pamilya.
Pagkatapos ayusing ang banal na lugar at lagyan ng tela kung saan pwedeng umupo ang mga elders/
ministers at mga bago sa Dang Ul. Mag aalay ng prutas at gulay sa gitna. Pwedeng kainin pero bawal
itapon. Ibabaon lahat ng gagamitin sa Dang Ul pagkatapos ng seremonya sa sagradong lugar. Sa mismong
gagawing altar ay maglagay ng simbolismo ng kultura ng komunidad.
Ang Dang Ul ay ginagawa pamilya sa pamilya. Hindi pa kumpleto ang Dang Ul kung di pa nakasama ang
pamilya na gustong magbalik kultura. Ang Dang Ul ay paghihingi ng tawag sa isa’t isa. Walang tinatago
at kayang magtingingan sa Mata. Ako ay nabighani sa Dang ul. Kung puro ganitong seremonya ang
gagawin sa Pilipinas, magkakaroon ng paghihilom. Magkakaroon ng pagkakaisa.
Mas marami kasing programa at indoktrinasyon ng pag-aaway, pagkakaiba kesa sa pagaayos at
pagkakaisa. Kesa magrally ng magrally, Dang Ul na lang ang gawin, maayos pa ang Pilipinas. Ang
pagbabalik Kultura ay walang diskriminasyon sa Relihiyon. Magkakaroon ng Religious/ Faith tolerance
sa komunidad at magkakaroon ng pagkakaunawang sa pagkaparehas natin. Sa iisang espirito ng
sangkatauhan, ng maharlika.
Hindi ako nakahingi ng tawad sa mismong Dang Ul sa aking tatay, dahil siya ang kasama ko noon sa IP
convention. Umakyat ako ng bundok at doon ako humingi ng tawad sakanya sa lahat ng bigat na dala ko.
Ganon rin siya. Nakita ni Kali Malantip at doon nagsimula ang Dang Ul ko.
Hindi pa tapos ang aking Dang ul. Masasabi kong hindi pa ako deretso sa ibang myembro ng Pamilya ko.
Napatawag ko na sila, pero sa parehas na partido ay walang reconciliation. Napakadaming spiritual
attacks simula noong tumutok ako sa Customary Law at Balik Tribo.
Nag Facebook Live ako tungkol sa Balik Tribo dinelete kagad ang Isang Malaya page. Kinabukasan
gumawa ng panibagong page, naglive ulit pero dinelete kaagad! Naglive sa personal fb, dinelete kagad.
Takang taka ako bakit noong bakuna at diaper sa mukha ang pinaguusapan hindi nila madelete ang mga
accounts natin. Ngayon first attempt sa Balik Tribo ayaw nila lumaganap?
Ramdam na ramdam kong Right on Target tayo. Kasi pinipigilan nilang lumabas e. Kapag nalaman
naman talaga ito ng Buong Pilipinas tapos na ang buhay ni Babylon. Malaya tayong lahat! Kaya siguro
todo pigil sila.
Dumami pa lalo ang spiritual attacks. Merong panahon na apat kaming nasa Balik Tribo ang
hinihiwalayan ng Partner. Sobrang sabay sabay ang pangyayari hindi naman ata ito coincidence. Pati ang
spiritual world ayaw na ayaw lumaganap ito. Parang immune system ng old matrix system na nakahanap
ng mga nabuhayang cells na ililigtas ang katawan ni Inang Bayan. Ang kanser ng babylon halatang
halataga pero paaagnas na. Kapag naalala natin at inaral kung sino talaga tayo iilaw ang bawat cell ng
Maharlika, ng inang bayan.
Ngayon halatang halata ang dungis at palapastangan sa pangagagahasa sa sating Inang Bayan. Pero
hangga’t may buhay may pag-asa. Iniwanan tayo ng solidong batas. Mandatory vs. Mandatory. Batas sa
Batas! Malaya tayong lahat!
Habang nagugunaw ang De Facto government. Babalik ang mga Datu, Sultan at Rajah. Babalik ang ating
Kultura. Dahan dahang babalik ang sigla ng De Jure Government. Hindi ito magiging madali sa mga
nakatutok at nakasubscribe sa Gobyernong sibil o kay Babylon. Pero sa mga wala ng piring ito ay natural
lamang. This is the Divine Government of the New Earth. Lahat ng gobyerno sa mundo ay liliit ay
babalik sa De Jure form of government. Decentralized at gabay lamang ang mga nakaupo. Papalakasin
ang bawat indibidwal at mga gustong maglingkod.
Mabuhay ang Federal Maharlika. Mabuhay ang De Jure government. Mabuhay ang bawat soberenyang
No Comments