Skip to main content

Poem

 

"Walong bilyong tao. Walong bilyong pananaw ng katotohanan.Wala tayong karapatan manghusga, kundi mangolekta lamang. Sa bawat palaisipan, iisa pa rin ang hantungan.Walang pasubaling pagmamahal ang dulo ng walang hanggan.

Nangingibaw ang kapangyarihan ng paglikha kesa sa pagkawasak,kundi wala nang sansinukob. Tapos na ang kanilang balak.Tayo ay kanyang salamin sa lakbay ng ating buhay.Wala nang piring at ilaw ng kabutihan ang gagabay.

Makita ang tunay mong anyo bilang isa ring taga-likha.Ang laro natin ay Chess sila ay Dama. Babala sa mga nanghihila patago at pababa. Sinubok na ang nakapaligid sa iyong Pamilya.

Ipadama naman natin sa sarili ang tunay na kalayaan. Ang inang bayan, daang taong ginahasa at nilapastangan. Lalaya siya, kung magkaisa ang Pamilya. Magkakaisa ang pamilya, kung bawat puso ay malaya.

Maligayang pagdating sa malawakang pag-gising. Nandito na ang bagong mundo sa ating piling. Makikita mo sa mata ng mga pagod nang lumaban. Sinasagad ka para isuko lahat. Bathala ang mangingibabaw, ipagsigawan. "

-Al