Chapter 3 - Selda
Oras na para malaman nyo ang nangyari noong araw na nilusob ng malakas ng tubig ang mga Patriots noong January 11,2021. Noong araw na naaresto ang GM 6/ Gising Maharlika 6.
Bago yun, simulan natin noong January 2 hanggang January 4. Nag organize si Capt Rey sa Liwasan na magcamping para matrigger ang People Power para matapos na ang pagtuturok. Galing pa ako ng Nueva Ecija noong mga panahong iyon galing christmas vacation. Kahit sa Bus ay hindi ako nagfafacemask papunta sa Liwasan.
Unang araw ay marami nang pumunta. Pati mga taga Baguio, Marikina, at iba pang malalayong lugar ay dumalo. May mga nagpadala ng pagkain. Maaga ako dumating sa Liwasan. Pero mas naunahan pa ako ng mga taga Baguio. Si Captain Rey Valeros ay hapon na dumating.
Kinagabihan ay nagtumpok sa isang sulok ang mga Patriots na natira para mag-camping sa sa lugar kasama ang mga homeless na nandoon. Hindi madali. Maingay. Malamok. Mausok. Kaya kumuha ako ng 300 pesos per night na kwarto sa Quiapo at kung sinong gusto matulog doon na Patriot ay pwede maligo at matulog. Doon din nakatambak ang mga Tarps, Tents, megaphones etc.
May katulong akong isa na si Boyet na maghakot nito, maliban doon ay wala na. Kanya kanya ang effort ng mga Patriots. Kinaumagahan ay naglive ako at naging viral lalo ang video, hindi ko mapigilang lumuha para sa ating kabataan dahil sila na ang tuturukan sa mga panahong iyon.
Mas maraming pumunta noong araw na iyon, at meron pa ngang nagdala ng isang buong kusina! Sila Ate Pearl at kanilang pamilya na galing pa sa Taguig. May pangluto sila at maraming rekados na dala. Kapag may donations ang patriots ay inaabot ko sakanila pambili ng karagdagang rekados. Hindi lang Patriots ang napapakin pati na ang homeless na mga bata at mga matatanda doon. Inuuna muna ang mga bata, sunod ang Patriots, sunod ang homeless na matatanda.
May mga patriots na kasama mismo ang mga homeless na matulog doon. Hindi ako isa doon. Sa kwarto ako sa quiapo tagabantay ng gamit. Sila Cap Rey ay humahanap rin ng ibang lugar. Saludo sa mga katipunerong talagang tumabi sa mga homeless.
Natapos ang pangalawang araw na mas maraming views ang live videos at patuloy na nagyayaya sa mga taong dumalo sa pangatlong araw.
Pinakamaraming dumalo noong pangatlong araw January 4,2022. Umaga pa lang ang daming nang tao. Sa hapon ay mamartsa papuntang Department of Health sa Tayuman, Manila. Sa mga panahong ito ay nasa 30+ thousand followers na ang Page ng Gising Maharlika. Ang original page ng gising maharlika ay dinelete na ng facebook. Pinagkatiwalaan namin na gamitin ang back up page na pinakaunang admin si Mel Lugod.
Simula nang pumila ang mga tao. Dala dala ang kanilang mga plakard. Halo halo ang mga dumalo. May mga pastor, may mga emplyado ng gobyerno, nsaa health sector, business sector, at iba pa. Walang binayarad kahit isa sakanila para dumalo. Tanungin mo ang isang nagmamartsa, at alam nya ang pinaglalaban ng lahat.
Simula kami nagmartsa, wala ako sa harap pero malapit ako sa harap. Umabot kami ng 300+ noong araw na iyon. Lumabas ang galit ng mga patriots. Kinalampag ang maynila! Mata sa mata sa bawat taong makakasalubong nila. Halo halo ang reaksyon. May mga nakikibaka sa atin, at sumalado at meron ding kumokontra at bansagan kami ay sagabal. Nasa gilid lang kami ng kalsada. At sa tulong ni Cap Rey at may police escort malapit sa Tayuman para magabayan ang dalay trapiko.
Nagsimula akong mag-Live sa tulay mula Liwasan. Inilalabas ko ang nararamdaman ko. Tama na. Mga anak na natin ang susunod na pag-eeksperimentuhan. Sinasabi ko rin na papunta kaming DOH, pinapakita ko ang dami ng taong dumalo.
Wala kaming takot na haharap kay Duque o kung sino man makaharap namin sa Department of Health. Umabot ng 7 minutes ang unang video at 21 minutes ata yung susunod. Sa unang araw ay umabot ,g 1.5m million views ang ang isang video, at 800k views yung pangalawa.
Nakapila kami lahat at sinimulan ni Capt Rey at pinatahimik ang nga dumalo para makapagsalita siya sa Megaphone. Dinelete rin itong video na ito sa Facebook at Tiktok. Naging viral ito. Common sense at lohika ang ginamit ni Capt Rey.
Nagsalita ang mga pastor at pastora, sila Chris at Alexis, tatay ko, at ako ay nakapagsalita. Naging viral ang video ko. Inilathala ko ang nangyari sa aking anak pagkatapos ng 3-in-1 turok nya sa Baguio General Hospital. Malalang sakit ang dinanas nya ilang linggo pa lang, at ngayo'y may ADHD. Nagsindi kami ng mga kandila. Pagot ang lahat. Paos ang karamihan.
Umabot, 25m+ views ang bilang namin pag sinama ang Facebook at Tiktok. Lahat ng kakilala ko ay nagmemensahe na sa facebook. Ang naging follower count ng Gising Maharlika page ay umabot ng 100k+ followers.
Kumalat na ang binhi ng pag-gising!
Muli gustong ulitin ito ni Capt Rey sa January 11. Magsasama siya ng mga Doctor at iba pang mga speaker. Mas mainam di umano kung naka LED screen. Humanap ako ng pondo para may generator ang mismong kaganapan at kumpleto sa gamit. Handa ang lahat salamat sa tulong ng Patriots. Behind the scenes ako pa lamang ang umaasikaso nito dahil nagpahinga ang ibang GM core members. Ako ang nag outsource ng karamihan ng kailangan.
Dumating ako at punong puno na ang liwasan. Napakadaming tao. Aabot ata ng 700+ sa umaga pa lang. Sineset-up ko yung tent para makapamigay ng fliers at ng libreng gamot. Mabilis itong naubos. Hindi pa dumadating si Capt Rey, kaya ako ang punong asikaso kuno.
Mga bandang alas dos ng hapon ay kinakailangan na isetup ang generator at ang LED wall. Kaya hinananapan ko sila ng mapwepwestuhan. Sinundan ko ang kanilang pwesto at may mga nakatutok sakin na mga camera, sila ay nakafacebook live. Nagpapapicture yung iba.
Di nagtagal ay napaligiran na kami ng naka-camouflage, Pulis Maynila. Disperse na daw ang mga tao. Sinabi ko naman ay "Hindi pa po nagsisimula, mag seset up pa lang po" .
"5 MINUTES DISPERSE NA YAN!" sabi ng kanilang hepe. Habang nanggagatong naman yung ibang Pulis. Hindi ba may batas na bawal silang lumapit sa taong nagproprotesta at 50 -100 meters away? Sa aking karanasan ay inaagitate nila ang mga tao.
Bakit ang bilis ng deadline? 5 minutes? Hindi pa nga nagsisimula? Kaya sinabi ko, "Freedom Park po ito, hindi kailangan ng permit, pagbigyan nyo po kami mag-setup". Sabi nila "MAG-MASK KA NGA!"
Sabi ko naman, "Hindi po ako nagmamask, yan po ang kasama sa protesta namin ngayon." Sabi ng isang tiniente, "BAKIT ANO BA PANINIWALA MO?". Hanggang imbitahan ako sa presinto, pero kesyo hayaan akong maglakad ay binitbit ako ng dalawang malalaking Pulis ng sapilitan.
Pagdating ko sa loob ng malapit na station ay kinukuha kagad ang detalye ko. At may isang babae na si Eric JEan ang mataas na ang boses sa Pulis. Di nagtagal ay binitbit nanaman ako papunta sakanilang sasakyan patungo sa Station 5, Manila Ocean Park. Sapilitang kinuha ang cellphone mula saking kamay bago pasakayin.
Kung ano ano ang pinagtatanong ng mga Pulis sa loob. Minarapat ko na lang kaunting detalye lang ang binigay. Katotohanan naman ang aking sinasabi lalo at galing sa puso patungkol sa ating mga anak.
Pagdating ng Station ay pinapasok ako at pinagmamask. Sinabi ko hindi po ako nagmamask, yun po ay parte ng protesta namin sa Liwasang Bonifacio. Pinapasok ako sa isang kwarto at kinukuha na ang aking detalye. Binalik ang cellphone ko at cinocontact ko na sila Capt Rey. Nakapasok na ako sa loob ng presinto bago pa dumating si Capt Rey sa liwasang Bonifacio. Sinabi nya na pupuntahan daw nya ako sa Station 5.
Sinabihan ko na rin ang aking asawa sa nangyari. Sinabihan kong magdasal at kumalma. Ang alam kong parusa base sa pinabasa sa aking bagong memorandum galing sa Pulis ay multa at tiket. Walang sinabing ikukulong,
Dumating ang hapon at nagsidatingan silang lahat. Capt Rey, Tita Sonia, Atty. Albert, Dan Parungao at Chris. Umabot kaming anim bago lahat basahan ng miranda rights. Nakuha na ang aming mga mugshot bago pa kami basahan ng miranda rights.
Ngumiti ako sa aking mugshot dahil alam kong tama ang ipinaglalaban ko. At alam kong mananalo. Pinamedical kami habang nakaabang naka-abang ang Patriots sa labas. Bantay sarado kami ng swat team.
Nakakapagtaka na kami ay idedetain samantalang ang parusa lang sa walang mask o vaccine card ay multa. Dinagdagan nila ang aking kaso na resisting to arrest at illegal assembly. Panong resisting arrest sa payat ko at dami nila? Kinaladkad nga ako at maraming nakakakuha sa video. Paanong illegal assembly?
Freedom park ang aming pinuntahan at hindi kinakailangan ng permit doon para magtipon. Hindi nawawala ang constitutional rights kahit na pandemya pa.
Alert Level 4 nga hindi kami inaresto noong mga naunang pagtitipon namin. Ngayon alert level 1 pa kaya. Kaya nyo kami dinampot kasi dumadami na tao, ag pag naging tatlong araw ulit ang mga kaganapan, People Power na ang labas!
Nagkataon pang Drive Through vaccination drive nyo sa Quirino Grandstand, tapat ng station 5 kung saan nyo kami kinulong!
Inamin pa ni Isko Moreno sa live video na siya ang nagpakulong sa mga nagpoprotesta sa Liwasan. Sino ba yun? GM 6.
Di nagtagal ay pinapasok na kami sa 2nd floor ng stasyon. We spent the night inside the cell. Pinasurrender ang lahat ng gamit naming walang natira. Except Capt Rey, natira pa ang phone nya for one night and Tita Sonia, nasa labas sila sa ng cell matulog. Siksikan kami nila Atty. Albert, Dan, Chris, ako at ibang mga inmates. Binigyan kami ng briefing ng mga inmates, ipinakilala sa Mayores. Bastonero at iba pang mga opisyal sa loob ng detainment cell.
Sa kalagitnaan ng gabi ay ginising ako ng warden. May nagpakilalang abogado ko raw. Kalbong nakasalamin. Maganda ang relo at sapatos. Sabi nya siya daw ang hahawak ng kaso ko. Hindi ko alam bakit may abogado ako.
Kinaumagahan ay Piano Day na namin, Kung saan ang mga daliri ay papadaanin sa black na tinta at ilalagay sa permanent record. Sa labas kami naghihintay at hindi naman sa loob ng selda. Nagdesisyon ang mga patriots na manatili sa labas ng stasyon at magvigil. May mga nagpapadala ng pagkain sa loob. Napakadaming pagkain pa nga ang dumadating. Ang sobra ay binibigay namin sa ibang nakakulong.
Walang pagkain mga nasa detainment center. Pag may dalaw ka doon ka lang makakakain.
Nakakapagtaka na kami ay idedetain samantalang ang parusa lang sa walang mask o vaccine card ay multa. Dinagdagan nila ang aking kaso na resisting to arrest at illegal assembly. Panong resisting arrest sa payat ko at dami nila? Kinaladkad nga ako at maraming nakakakuha sa video. Paanong illegal assembly? Freedom park ang aming pinuntahan at hindi kinakailangan ng permit doon para magtipon. Hindi nawawala ang constitutional rights kahit na pandemya pa.
Alert Level 4 nga hindi kami inaresto noong mga naunang pagtitipon namin noong 2021. Ngayon alert level 1 pa kaya. Kaya nyo kami dinampot kasi dumadami na tao, at pag naging tatlong araw ulit ang mga kaganapan, People Power na ang labas!
Nagkataon pang Drive Through vaccination drive nyo sa Quirino Grandstand, tapat ng station 5 kung saan nyo kami kinulong!
Inamin pa ni Isko Moreno sa live video na siya ang nagpakulong sa mga nagpoprotesta sa Liwasan. Sino ba yun? GM 6.
Di nagtagal ay pinapasok na kami sa 2nd floor ng stasyon. We spent the night inside the cell. Pinasurrender ang lahat ng gamit naming walang natira. Except Capt Rey, natira pa ang phone nya for one night and Tita Sonia, nasa labas sila sa ng cell matulog. Siksikan kami nila Atty. Albert, Dan, Chris, ako at ibang mga inmates. Binigyan kami ng briefing ng mga inmates, ipinakilala sa Mayores. Bastonero at iba pang mga opisyal sa loob ng detainment cell.
Sa kalagitnaan ng gabi ay ginising ako ng warden. May nagpakilalang abogado ko raw. Kalbong nakasalamin. Maganda ang relo at sapatos. Sabi nya siya daw ang hahawak ng kaso ko. Hindi ko alam bakit may abogado ako.
Kinaumagahan ay Piano Day na namin, Kung saan ang mga daliri ay papadaanin sa black na tinta at ilalagay sa permanent record. Sa labas kami naghihintay at hindi naman sa loob ng selda. Nagdesisyon ang mga patriots na manatili sa labas ng stasyon at magvigil. May mga nagpapadala ng pagkain sa loob. Napakadaming pagkain pa nga ang dumadating. Ang sobra ay binibigay namin sa ibang nakakulong.
Walang pagkain mga nasa detainment center. Pag may dalaw ka doon ka lang makakakain. Meron silang sistema na ang unang bibigyan ng pagkain ay ang dalaw at huli ang mga wala. Kapag ikaw ay inalok ay tanggapin mo kundi ay kawalan yun ng respeto.
Nakatakda rin kaming magpakita sa Munisipyo sa naka-assign na Municipal Trial Court. Kasama namin ang iba sa arresting officers. Gamit ang mobile, nakaposas kaming dinala sa munisipyo ng Maynila. Pinagsusuot kami ng facemask, lagi ako nagproprotesta na hindi suotin kasi nga yun nga yung ikinakulong namin bakit pa namin susuotin. Hindi na tao ang trato samin at pinipilit na lang kami isuot, kaya ibinababa ko na lang.
Pagdating ng munisipyo ay tinitignan ng security guard ang vaccination card ng mga papasok. Kami libre pasok. Haha. Lol. Kami ni Dan ang pares na nakaposas. Sila Christ at Albert, si Cap at si Tita Sonia. Sa third floor kami pumunta. Dumating ang aking abogado. Sinabi nya na ako lang ang nirerepresent nya pero damay naman lahat kasi iisa lang kami lahat ng kaso. Para hindi na tumaas ang professional fee, at isa lang ang kausap.
Hinihintay namin ang huwes na nakatakda. Para magtanong tungkol sa kaso sa harap ng arresting officers. Matagal bago dumating. Nagsimula na rin ang tanungan. Tinanong kung ilang sa amin ang walang vaxx card at ilan samin ang walang mask noong araw na yon. Tinanong sa arresting officers kung saan kami hinuli at bakit. Sabi ng arrresting officers, "Sa Liwasan, dahil sa illegal assembly". Nakita ang mukha ang huwes na kumunot ang noo. Tinanong rin kung ilang araw na kami nakadetain. Mukhang okay naman ang kaso sa abogadong binigay sakin.
Tinanong ko kung sino ang nagbigay sakin ng abogado, Tita ko daw. Pinakusap sakin sa telepono. At bigla ko nakilala. Laging pasasalamat ko dahil may guardian angel ako kahit wala naman ako pera pangbayad sa abogado.
Nagkaroon ako ng pag-asa dahil parang problemado ang mga arresting officers sa kanilang mga naging sagot. Nakakatuwa at nakakatawa lang dahil yung mismong officer na kasama namin sa likod ng mobile eh nagsasabing "Pasensya na sir ah, trabaho lang, naiintindihan naman namin pinaglalaban nyo."
Bumalik kami sa Presinto at nakapagpahinga sa hallway sa labas ng mismong preso. Sa aming pagbalik nakita namin ang suporta ng mga Patriots at nandun ang aking asawa at mga kaibigan at anak. Di ko mapigilang lumuha sa loob dahil di ko sila malapitan. Ngumiti ako at pinakitang okay naman talaga kami sa loob. Dahil sa suporta ng lahat hindi kami napanghihinaan ng loob.
Dinadaanan na lang namin sa kwentuhan sa loob at kung ano pang magandang gawin para matapos na itong panggigipit sa di makataong protocols. Dumaan ang gabi at wala pang pag-asang malinaw na makakalabas. Sa hallway kami natulog magkatabi ni Daan. Anim na tiles ang para sa aking katawan. Buti na lang may karton at onting damit na pang-unan. Jacket para hindi malamigan sa gabi.
Habang ang mga preso sa loob ay nagsisikan. Nag-aaway away kung may magising dahil sa likot, ingay o pag-ubo. Sumasakit ang aming likod at tagiliran sa pagtulog, pano pa kaya yung mga matatanda. Nakakahanap naman kami ng onting tulog.
Madaling araw noong mga unang gabi doon ay nakita na naming ang pagsimula ng Drive Trhough vaccination. Nasisilip namin mula sa hallway. Ang daming nakapilang sasakyan. Mga Van, SUV, sedan, lahat ng klase. Ang dami ring nakaabang na ambulansya. Naaninag ko sa layo kung anong brand ang pinipilahan ng mga tao.
Nakapag-isip ako. Grabe namang kabalintunaan to. Ano to? Frontrow seat sa apocalypse? Haha.
Isa sa mga pinapagawa samin ng ay pumila sa linya para sa bilang. Fall in! Tapos sasabihin mo ang bilang mo at pangalan mo. Sa mga unang araw ay mahigit 60+ na kami. Alas nuwebe ng umaga ang attendance at alas nuwebe ng gabi. Nakakatuwa nga noong unang araw ay may warden na ang unang bati sa amin ay "Gising Maharlika!". Kilala nya pala ang grupo natin at ang pinaglalaban natin. Kagagaling nya lang sa bakasyon kaya di nya naabutan na i-detain kami. Ang dami nyang kinaklaro tungkol sa laban natin.
Nakakita naman na siguro kayo ng selda? Sa loob lamang ng dalawang maliit na kwarto at isang common area". Siguro mga 20+ sqm lang ang pinaghahatian ng mga nasa loob ng selda. Napakadaming hammock sa loob. Wala ng natirang espasyo para maglagay ng bago.
Lalagi kami naghahanap ng balita kung magkakahearing na o makakalaya na. O makakapag-piyansa ba. Laking tuwa namin kapag may mga sulat na dadating galing sa komunidad, sa patriots na nagvivigil. 24 hours laging may tao sa labas ng presinto. Nakikita rin nila ang dami ng pumipila sa katay. Laking tuwa ko naman pag nakikita ko ang sulat ng aking asawa. Alalang alala sakin at laging nandoon sa umaga naghahanap ng paraan pano kami makakalaya. Miss na miss ko na mga anak ko.
Napapailaw ang mga araw namin dahil sa pagkaing dumadating. Laking pasasalamat ko at hindi kami nagugutom at nabibigyan pa ang mga tropa sa loob. Nakakatuwa rin ang mga preso sa loob. Kapag may bagong pasok (araw araw meron), sinasabihan nila na tanggalin ang facemask, at biglang sigaw ng "Walang covid covid dito!". Haha.
Pano ba naman siksikan, ang daming ubo ng ubo. Buhay pa naman lahat! Nakahalo doon ang may turok at wala.
Noong pangatlong araw dumaan ang isa officer na nandoon sa aking pagkadampot. Siya yung sumigaw ng “ANO BA PANINIWALA MO HA?” Sumilip siya sa hallway. Hindi nagtagal ay pinasulat ako ni Capt. Rey ng lihim para ipadala sa mga nagvivigil na kami daw ay hinaharass at baka papasukin ng tuluyan sa loob ng selda. Tinapos ko ang sulat at pinadala sa runner na si Roger.
Kinakailangan naming pumirme lamang sa isang sulok kapag office hours. Maraming pabalik balik na pulis. Ang daming operations na nangyayari. Kinagabihan noon ay may dinalang tatlong drug suspect. Nagulat ako noong nakita ang pisngi ng isa, singlaki ng tennis ball. Hindi malayo ang edad nya sa akin. Yung isa naman ay 21 anyos at yung isa ay 40+. Lahat sila sinuotan ng grab driver uniform.
Noong gabing iyon ay maririnig mo ang sigawan sa isang kwarto. Tila pinapaamin ang tatlo at hinahanapan pa ng mahuhuli. Naririnig namin na umaaray ang mga suspect at napakalakas ng sigaw ng mga pumipigang pulis. May iba’t ibang opisina doon sa 2nd floor ng detainment center. Meron isang opisino ng Drug Operations at merong isang masungit doon ng Head ng Drug Operations. Babae siya.
Dumating ang ika-apat na araw at dito nagbago ang lahat. Bago mag-fall in, pumunta ako sa dulo ng hallway para matutukan ng araw. Naka-black ako na t-shirt. Nagtanggal ako at pinaarawan ang aking likod bago mag-stretching. Magmemeditate na sana ako sa isang sulok nung nilapitan ako ni Albert sabi nya, “Don’t use black shirt while meditating, masama yan.”
Sabi ko naman, “Relax.” Sagot nya, “It will attract negative spirits. Let’s find a light colored shirt.” Sa isip isip ko naman. Nasa detainment center kami, hindi naman ako nagbaon ng damit. At walang kulay ng damit ang aapekto sa akin. Nasa puso at utak yon kung maka-attract ng negative vibes o negative spirit. Di nagtagal ay tumaas ang tension ng usapan. Nabanggit nya ang pangalan ni Sadghuru. Sinabi ko na cabal si Sadghuru. Habang tumataas ang boses nya at dumadami ang sinasabi. Inaawat na siya ni Capt Rey at sinabing baka mapansin nung masungit na Department Head. Pati ang boses ni Capt Rey att tumaas na rin at gumatong.
Parang pelikula ang pangyayari at saktong lumabas sa pinto ang Department Head at tumingin sa amin lahat. Tumahimik kaming lahat at pumunta sa gilid. Wala pang alas nuwebe nito. Hindi nagtagal at pinapasabi na ng night shift warden na pumasok kami lahat sa loob ng selda bago mag-fall in. May inspection daw kasi.
Pumasok kaming lahat except kay Tita Sonia. Si Capt Rey ay tumagal doon ng mahigit isang oras at lumabas din. Kaming mga lalake ay hindi na nagkaroon ng tsansa buong office hours na lumabas. Doon kami unang nagkaroon ng pagkakataon para makausap talaga ang mga inmates at makilala sila.
Isa sa bumabagabag sa isip ko ay ang banyo. Kapag hindi kami nakalabas ng selda pagkatapos ng office hours, mapipilitan kaming makisama sa banyo ng mga inmates. Lumagpas ang alas singko. Hindi kami nakalabas. Nakiusap kami sa warden kung pwedeng sa hallway matulog. Hinintay namin ang wala. Sinabing sa loob na muna matulog. Simula gabing iyon kami ni Dan Parungao ay hindi na nakalabas sa selda. Sila Chris at Albert ay natulog doon ng dalawang gabi. Nakalabas din si Chris dahil sa naagnas nyang paa, at si Albert dahil sa masakit nyang likod.
Nagkataong may pera pa ako noon. Merong mapilit na inmate ang nagsabing nagmamasahe daw siya at ako na daw bahala kung magkano i-abot ko. Nagyoyosi kami ni Dan kaya naghanap kami kung sino rin meron sa loob. Patago nila ito inaalok. At ibinenta sa amin ng 100 pesos isa. Hindi na kami nagreklamo tutal kami mga bago doon. Nagkataong may tinatago rin silang “laruan” o cellphone. Minabuti kong alamin magkano sila magpahiram at kung pwede tumawag o magtext.
Ang tinutulugan namin dating 6-8 tiles ngayon ay 2-3 tiles na lang pagdating sa loob. Umabot kami ng 95+ sa loob. May mga dumagdag na 17 na sabungero at iba pang mga drug cases. Naunahan pa kami ng ibang sabungero makalaya. Yung iba isang gabi lang, yung iba dalawang gabi lang. Depende sa piyansa at sa kapit.
Noong nasa loob na kami ni Dan ng selda noong mag-alok ang isang warden na magpatulong sa piyansador. Nagtanong kami kung magkano at lumalabas na 3k/head. Pinasulat ako ni Captain Rey na humingi kay Cha ng pondo na 18k para masimulan na ang pagpiyansa. Pinapahabol bago ang cut-off,
nakarating naman ngunit nagkaroon ng miscommunication sa labas at hindi kaagad naabot sa piyansador nag pera.Nagalit si Capt Rey at ang kanyang anak na hindi umabot ang pera sa cut-off. Lahat ng ito nangyayari dahil lang hindi nagsuot ng facemask at walang vaccination card.
Dumaan ang mga araw na ang naging pag-iisip na lang namin ni Dan ay wag isipin kung kelan lalaya at daanan na lang ang bawat isang araw. Natetesting ang aming mga bait, at napapadalas ang bulyawan. Kami ni Dan, wala kaming arte. Napapansin na lang namin na natutuliro na si Capt Rey. Maayos naman madalas ang usapan namin. Pero minsan bigla na lang siyang pipitik.
Sinisisi nya ang tropa ko nagiging presko na daw sa Pulis. At sinisisi pa ang asawa ko.Isang beses, habang nasa loob kami ng selda ay dinuduro nya kami ni Dan. Sabi ni Capt. Rey, “Mabubulok kayo dyan, sisiguraduhin ko! Papatrabaho ko yang tropa nyo!”.
Ang nasa isip ko naman. Bakit ang sisi ay nasa tropa kong tumutulong lang naman, at asawa ko? Ang desisyon naman at schedule ay depende sa korte. Ang pondo ay check and balance na dumadaan sa isa pang Tao (si Jacqui Albano). Hindi ba si Captain Rey dapat ang madaming koneksyon na pulitiko, abogado at pulis? Bakit biglang nasakanila ang sisi.Simula noong gabing iyon. Nakita ko ang mga aninong nakatago.
Hindi biro ang manakot na ipapatrabaho ang tropa. At ang manakot na mabulok kami ni Dan sa loob.
Ilang gabi ang makalipas, nagkaroon nanaman ng tensyon, ngayon naman sa night shift. Nakarating sa warden na VIP treatment daw kami sa loob at pinapabayad ng mga may posisyon inmates. Bago pa mapag-usapan, sumigaw ang isang warden, “Hindi nyo ba alam ipinaglalaban kayo ng mga yan? Ipinaglalaban ang mga pamilya nyo?”. Hindi nagtagal pinalabas ang Mayores para makausap ng warden. Si Capt Rey ay sumali sa usapan. Dumaan daw ang liham sakanila na nanghihingi ako ng pera. Pero walang pinakitang lihim.
Ang usapan ay umaakyat na parang paparusahan ng mga warden ang mga inmates na may posisyon. Totoong nanghihingi ako ng pera. Ang mahal ng yosi sa loob. Pinalabas din ako para kausapin ng mga warden. Nilinaw ko na ang perang pinapaabot ko mula kay misis ay pangbayad sa Yosi at hindi pangbayad sa VIP treatment. Kumalma naman ang sitwasyon. Ang hindi ko tantsa ay kung saan kampi si Capt. Rey, sung sa akin ba o sa mga Pulis. Sinubukan niya akong titigan sa mata at sinabing, “You are sharp Al, alam mo bakit ganito ang kailangang mangyari. You have been a great soldier”. Ang nasa utak ko naman, bakit kailangan may mind-games na ganito? Bakit kailangan dumagdag sa drama? I can handle myself I am not doing anything wrong. Baka daw gulpihin ako ng mga preso? Dahil napagalitan sila ng warden? Samantalang tropa ko lahat ng preso doon pati Mayores, maayos naman sila lahat, wag ka lang gago.
Pinapasok na kami lahat at pinulong ni Mayores lahat ng inmates. Nakinig naman lahat at kumalma. Nabago ang presyo ng yosi, mula 100 naging bente pesos na lang. Hindi na namin sinabi ito sa warden na malaki pala ang patong nila sa yosi.
Napakadami namin natutunan sa loob. May mga posisyon. Para syang sample size ng malalaking preso. May mayores ang puno ng lahat ng pangkat. Ang mga pangkat ay, Batang City Jail, Sputnik, Commando, Muslim, at Bahala na Gang. Bawat pangkat ay may lider. May bastonero, na pumapalo sa kailangan maparusahan. May mga mahinarya na hindi natutulog sa gabi para lang magbantay. Noong umabot nga kami ng 90+, mahigit sampu na ang mahinarya. Hindi natutulog. Nakatayo na lang at nagbabantay ng mga malilikot ang kamay, at mga mag-aaway.
May mga iba pang papel ang mga inmates. May mga tagaluto, madalas nga bakla. May sarili rin silang ekonomiya. May nagbebenta ng kape, ng yosi, sabon, noodles at iba pa. Mababait silang lahat.
Ang tawag ng mga inmates sa pagyosi ay adjust. Kaya pag yayain ko si Dan, “Tara adjust tayo.” Kapag nagsindi ka ng yosi lahat na ng inmates titingin sayo at makiki-hithit. Buong buo pa ang abo ng yosi at hindi pa na-tataktak, dahil sa sobrang dami ng hihipak.
Nakakatuwa nga ang lider ng mga mahinarya, dahil gising sya sa gabi ay pinahiram nya samin ni Dan ang tulugan nya. Kumot na ginawang hammock. Sa tapat at taas ng banyo. Natuwa kami dahil may mahihigaan at hindi matigas na sahig. Sinubukan namin ni Dan magtabi sa isang hammock na iyon. Paa nya ay nasa mukha ko na at ganun din sakanya. Kapag may naliligo sa banyo at nagbuhos ay malaki ang tsansa na matalsikan ng tubig. Kapag may tatae ay siguradong maamoy mo. Umabot kami ng 90+, ilang beses sa isang araw may uutot. Noong unang gabi ng pagtulog namin sa hammock ay successful naman.
May mga electric fan naman sa loob, mga clip-on na tila galing sa Lazada. Madalas tinatamaan ang electric fan ng kung sino sino at natatanggal ang mga elisi. Kinakailangan i-assemble ulit. Pangalawang gabi ng pagsubok namin sa hammock, napigtas ito at nahulog kami ni Dan. Si Dan ay surpresang nakatayo pagbagsak at ako naman ay tumama ang tagiliran sa half-wall ng banyo.
Tawa kami ng tawa at hindi namin makakalimutan ang gabing iyon. May isa pang mabait na inmate na nagpahiram ng hammock nya at doon kami lumipat. Magkatabi ulit kami ni Dan. Paa ko sa ulo nya, paa nya sa ulo ko. Walang gabi na hindi napuputol ang tulog, walang gabing nakukumpleto ang tulog. Laging may ingay, o may ginagawa.
May mga kaaliwan naman na nangyayari nang matanggal sa buryo ang mga nakaselda. May telebisyon at may basketball. May mga palabas. At may balita pa rin na pinapalabas. May darating na pastora ilang beses sa isang linggo. May alas tres na dasalan ang mga katoliko. May mga espesyal din na hapon na nagkakara-krus ang mga nasa loob. At hindi na ko nagulat noong may nagsindi ng bato sa harap ko. Oo,
nakakalusot pa rin doon. May isang beses na mabilis pumasok ang isang warden para magcheck, at mabilisan rin nilang natatago ang mga baraha at mga kagamitan.
Sa labas ng selda. Sa normal kong buhay, nakakapagmeditate ako. Ang pagsubok ko sa sarili ko ay kung makakahanap ba ako ng kapayapaan sa loob ng selda. Humiram ako ng hammock sa isang inmate at sinubukan ko ito. Kahit sobrang kapal ng hangin at halos hindi makahinga ay nagmeditate ako. Tumutok lang ako sa sarili kong paghinga, at bawat ingay ay isinantabi. Naging lila ang aging paningin, at sobrang naging payapa. Naramdam ko ang kapayapaan at pasasalamat. Posible pala kahit halo halong mga aura ang nasa kwarto at wala ni isang bahid ng inang kalikasan. Naging payapa ako sa loob ng selda. Naging mas masaya ang bawat palitan sa mga inmate. Meron pa nga isang taga lutong bakla na nasira nag ngipin. Nakakunot ang buong mukha dahil sa sakit. Nirerespeto ako nito at kinukwentuhan. Inilapat ko ang kamay ko sa kanyang pisngi at humingi ng paghilom sa maykapal. Sinabi ko sakanya na habang naliligo siya ay isipin nya ang puting ilaw na huhugas sa buong katawan nya at dalhin ang sakit sa ngipin papalayo. Ito ay umaga pa lang. Noong tanghali ay nawala na ang kunot sa mukha ng bago kong kaibigan. Wala ang sakit sa kanyang ngipin at hindi na bumalik hanggang makalaya kami.
Nakakatuwa rin na ang bestfriend ko na si Jetross ay nagbigay ng notebook. Ang dami ko drawing dito. May sinulat rin siya sa notebook na pangpalakas ng aking loob at mga babala. Babala sa mga asong ulol na kapag nakulong ay tahol na lang ng tahol.
Ang daming kwento doon sa loob. Ang daming bata. Ang daming napatungan lang ang kaso. Tinaniman ng ebidensya, lalo sa droga. May mga napatungan ng mahigit 125,000 na piyansa, ang kaso nya aay nagtutok ng pellet gun sa baranggay official. Dahil ipinagtanggol ang kapatid.
Inisip ko bakit ang dumi dumi ng sistema? Hindi naman tao ang trato samin dito. Babait ba ang mga tao pagkatapos makakulong? Magbabagong buhay ba? May mga nagkwento sakanila na mas gusto pa nila makulong dahil nagagawa rin naman nila ang ilegal sa loob, kesa sa labas na pinapahirapan lang sila ng sistema.
Meron bang rehab program na matino ang gobyerno at nakakabalik sa buhay na may dignidad ang mga kinulong? Grabeng parusa sa utak, puso at espirito pag hindi makatao ang pagtrato at nakakulong lang sa maliit na espasyo. Bakit ganun na lang din ang trato ng Pulis sa kapwa nya Pilipino? Aliping sagigilid at Aliping namamahay?
Umabot ang pang labing-isang araw at may hearing daw kami sa hapon. Kinagabihan noon ay may pinasok na matanda pinatulog sa buyon (sa CR). 50+ na siya at malaki ang hubog ng katawan. Kumalat ang bulong bulungan ng kanyang kaso madaling araw pa lang. Hindi naman dapat sa buyon kagad pinapatulog ang bagong dating. Bakit itong bago doon pinatulog?
Nalaman ko noong umaga ang kanyang kaso, pangmomolestya. Hindi maganda ang pangtanggap ng mga inmates sa nangmomolestya at mga rapist. Minarapat kong tanungin ang bagong huli. Inamin nya ang kanyang ginawa ngunit hindi ang kumpletong detalye. Nakita namin na dumating ang magulang ng biktima at ang mismong biktima. Dose anyos na batang babae.
Naiinis ang mga inmates kapag hindi nagsasabi ng totoo ang bagong kulong. Nalaman namin ang katotohanan na pinilit nyang dilaan ang ari ng batang biktima at kinuhanan pa ng litrato. Ang inamin lang nya noong una ay kumuha lang ng litrato. Narining ko sa bastonero kung anong gagawin sakanya. Papasukan ng baston at lata sa butas ng pwet. Ilulublob sa inidoro at doon sya matutulog. Siya ang maglilinis palagi ng buyon. Habang naririnig ko ito ay hindi ko maipinta ang aking nararamdaman. Wala naman dapat sakin ang panghuhusga at pagpaparusa.
Napakaganda ng pakiramdam ko noong araw na iyon at may hearing na kami. Mga 1pm ang aming hearing at buti natuloy naman. Ang aming naging abogado noong hearing na iyon ay si Atty. JR Moreno, na nirefer ng anak ni Capt. Rey. According kay Capt. Rey, ay sanay ito sa mga kaso sa rally. Nagsimula ang hearing at tinanong kung present ang lahat. Present ang anim, sa GM 6. Sinabi ng judge ang mga kaso, at tinanong ang mga arresting officer.
Lumabas na dapat ang parusa lang samin ay multa at ticket. Naging mahigit sampung araw na ang pagkadetain sa amin at wala kaming kailangan bayarang piyansa. Sayang ang 18,000 na inabot sa piyansador na wala namang pinuntahan, at umabot pa sa death threat sa tropa ko. Narinig namin sa posible na mapakawalan sa araw na iyon at may hinihintay na lang na endorsement. Hindi pa tapos ang mga hearing pero makakalaya na daw kami.
Kakaibang ngiti ang nasa mukha naming lahat at lahat kami ay nagyakapan. Nagpaalam ako sa bawat pangkat sa loob. Gumawa pa nga ako ng kanta para sakanila, kinanta ito sa harap nila habang nagbebeatbox sila. Ilang beses ako napaluha kay Dan, dahil di ko matanggap ang kalagayan ng mga tao sa loob. Iisa pa lang to. Napakadaming kulungan sa Pilipinas. Hindi mga mahuli huli si Duque, mga oligarko, mga kurakot na pulitiko, mga tunay na Mafia.
Hindi nagtagal at lumabas ang endorsement at pinag-iimpake na kami. Iniwan ang ibang gamit sa mga inmates. Ang dami nilang hiling. Kakaunti lang ang nabigay namin pagkaalis. Pero lahat ng pagkain at ibang damit ay iniwan na sakanila.
Nag-aabang ang mga nag vigil sa labas. Kumaway ako sa mga nagvivigil sa labas at niayakap ang iba. Nandoon ang aking asawa at anak. Pagkalabas ko ng hallway sa selda, tumingin kagad ako sa langit at sa mga halaman. Sa maikling mga araw, namiss ko ang kalayaan. Tuwang tuwa akong makita ang langit at ang mga halaman. Niyakap ko agad ang aking asawa at anak, pati ang mga tropang nag-abang at tumulong. Nagmadali na rin umuwi sila Dan, Capt. Rey, Tita Sonya, at Albert. Nagpalit kagad ako ng damit at nagpabango. Ninais namin makaalis bago mag rush hour at umepekto ang coding. Napakaling salamat sa tropa kong si Lex Barci sinakripaso ang sasakyan at oras para tulungan ako at ang asawa ko. Maraming salamat Charisse Aanonson Santillan, sa pagod at pagsisikap sa aming paglaya.
Nakipagkita ako kagad sa mga kaibigan ko sa movement na malapit sakin. Ikinwento ko ang nangyari sa loob. Nagsaya ng onti dahil malaya na. Kinabukasan ay nagpost si Abby Bensali, isa sa core ng Gising Maharlika, at tila napukaw ang tugon ni Capt Rey. Pinalhan nya ako ng mensage na huwag ipagkalat ang nangyari sa loob na naging palitan, kundi ay ibubunyag nya ang pag-gamit ko ng Cannabis bilang gamot.
Sinabihan ko sya na mali naman talaga ginawa nya sa loob at at sinabihan ko lang ay mga kaibigan ko. Pinigilan na naming lahat si Abby magpost, pero nagpost pa rin. Hindi biro sakin ang pang-blackmail ni Capt.Rey Valeros. Isinantabi ko ito, dahil may mga pending cases pa kami. Nagpahinga muna ako. Hindi muna nag live video. Si Capt. Rey nag-live kagad. Nagpalamig muna at hindi muna lumalabas sa mga aktibidades.
Dumaan ang ilang linggo at dumating na ang mga hearing. Pagkatapos ng tatlong hearing sa loob ng dalawang buwan. Dalawang set ng kaso ang naipanalo namin. At napatunayan naming mali ang pagkakahuli samin at hindi ilegal ang walang mask sa samukha, hindi ilegal ang walang vaccination card, at hindi ilegal magtipon sa isang Freedom Park. Simula noon at wala nang makakaharang sakin kahit wala akong diaper sa mukha. Ikinalat namin ang court decision sa mga taong gusto nang huminga ng malaya!
Muli akong nakipag-ugnayan kay Rok Gonzaga pagkalaya ko. Hindi na naibalik sa amin nila Capt. Rey Valeros at Mel Lugod ang page na may 156k followers, kaya gumawa kami ng panibagong page na “Isang Malaya”. Umabot ito ng 16k followers bago burahin ng Facebook.
Sinabi sakin ni Rok na ibinunyag ni Atty. Tanya Lat, ng Legal Lightworkers for Life and Liberty Ph, ang ang rally noong January 11 ay planado nang may mangdadakip sa amin. Na alam daw ni Capt. Rey ang mangyayari.
Ilang linggo ang makalipas at tinatanong ni Dan ang aming abogado na si Atty JR. kung anong gagawin sa kaso. Sa madaling salita, December 2022, at hindi pa kami nakakapag-file ng counter. Iniisip ko ngayon, malaki ang punto nila Atty. Tanya Lat. Kaya ba madali akong napulot dahil meron sa kampo ang nakakaalam at kasabwat?
Ngayon Customary Lawyer na kami ni Datu Mangpanimbang Mangbaruganan. Kakatayo lang ng Tribal Hall sa Zambales. Abangan ang kahahantungan ng hustisya sa Pilipinas.
Wala akong partidong pinaglalaban, wala akong ambisyong pulitikal. Pinaglaban ko ang aking konsesyang huminga ng malaya, dugong malaya, at magsalita ng malaya. Panalo tayo sa mata ng batas. Hindi dito nagtatapos ang hustisya ng Pilipinas. Dadami pa ang ating mapapanalo!
Excerpt from Datu Mangpanimbang Mangbaruganan / Dan Parungao:
"I told you so..." - is what was occupying my mind when the reality of being jailed sunk in. Reminders of what my parent's sermon was on repeat as I anticipate what's going to haappen next. In hindsight, it was a rollercoaster of thoughts and emotions-- you feel anxious one day, and then proud the next. Thinking
about what my sister would think about my situation and how it will cause inconvenience to her with just the thought of me inside a jail cell. Containing my righteous indignation was probably one of the difficult task, as I understood back then, that this was the result of doing what is "right". Fortunately, the love of a sibling is so powerful that it got me through the whole ride.
The realization that I was not alone, with the apparent support of the patriots - sending in food, thoughts and prayers - is definitely a positive result and is an experience I will always cherish. Knowing that the actions I have taken were not in vain, as I know it aided in the awakening of most people to the imbalance of how the law is implemented, and that there are those who would sacrifice their well-being for the greater good. Sleepless nights, physical discomfort and the everyday stress of just coping, was negligible considering how we made a mark to the system, and in the hearts and minds of the people.
Realizing the lessons of morality is still far from being achieved, as this denotes a conclusion of the whole experience. While the actual case has been dismissed to our favor, justice has not been served, yet. Let's leave it at that.
21-DAY CHALLENGE - DAY 3
Ikigai
Evaluation:
-
What are you passionate about or enjoy doing with the fullest of your heart?
-
What skills do you excel in?
-
How do you want to help humanity?
-
How do you want to get paid?
If your answer aligns in harmony, you just formed your Ikigai
Task 1: Add 1% Value to each Aspect in one Day
Spiritual ____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Physical
___________________________________________________________________________________________________________________________________________
Mental/Emotional
____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Family
____________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Career
____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Financial
___________________________________________________________________________________________________________________________________________
Congratulations on Finishing Day 3!
No Comments