Skip to main content

Chapter 2 - Tunay na Kalayaan

 

Sa panimula, ang Tunay kalayaan ay kung ang isang indibidwal ay magagawa ang gusto nyang gawin para sa ikabubuti nya at ng lahat na walang nasasaktang iba. Mamaya na natin pag-usapan ang moralidad. Ang pagbitbit ng baril. Ang pagkitil ng buhay ng sanggol sa tiyan. Ang pag-ipit sa isang indibidwal sa gitna ng kanyang pinagkakaitan at pagiging parte ng eksperimento.

Sa paglaganap ng kahirapan, sa pagdagdag ng distansya ng mayaman sa mahirap, damang dama mo na hindi tayo pare-parehas ng bangka. Pareparehas tayo ng bagyo pero iba’t iba tayo ng bangka. Kasalanan ba ng ating mga ninuno? Kasalanan ba ng mga sakim? Posible ba na pumantay ang mga tao sa oportunidad at kalidad ng pamumuhay?

Hindi ko naman sinasabi na lahat ng tao may mansion. Pero sana naman hindi siksikan sa sa mga squatters area, siksikan sa mga condo, siksikan sa traffic. Napakaraming lupaing hindi nagagamit. Sa pagdisenyo nila ng sistema, gusto nila magsumiksik tayo sa isang modernong selda, na tayo ang gumawa. Bukas na bukas ang pinto pero hindi tayo makalabas.

Napatanong ako. Lahat naman tayo pinanganak sa iisang mundo. Sa iisang Inang Kalikasan. Nasakanya ang hangin, tubig, lupa, lahat ng hayop at halaman. Bakit tila wala tayong hawak sa mga bagay na ito at tila lahat may presyo? Mas moderno nga ba ang pamumuhay sa siudad kesa mas malapit kay inang kalikasan?

Ang hilig ko sumali sa mga Personal Development Training at Seminar noong 16 pa lamang ako. Minsan aabuting ng tatlong araw, pero lagi akong present kahit nawawala ang mga pahinga ko sa katapusan ng linggo. Ninais ko at pinlano kong maging milyonaro. Maging Financially free. Ilalatlahat ko ang detalye nito sa isa pang libro magsisilbi bilang aking memoir. Puno’t dulo ng kwento ay bago ako mag 25 years old ay nakamit ko ang milyon. Nakapundar ng sasakyan at 6 digits ang monthly na kinikita. Nakita ko ang sarili ko sa isang balkonahe, inuubos ang isang kaha ng yosi, tinatanong ang sarilig kung bakit hindi ako masaya.

Bumaliktad ang lahat, sa pananaksil at balahurang trabaho at mas lalo ko ito ikinadapa ng damdamin at pagkamukmok. Kinakailangan kong buhayin ang aking pamilya at umabot pa rin sa punto ka kumita ako ng 5 digits a day. Sinabay na rin ang online teaching para sa karagdagang kita.

Hindi ko mapaliwanag bakit inis na inis ako sa ginagawa ko at mas pipiliin ko pang maging panadero na lang sa bakery ng matalik kong kaibigan at makinig sa podcasts. Ngmeditate pagkatapos. Naalala ko yung usapan namin ng asawa ko nung gusto ko na kumawala sa pamumuhay ko dating ikinadapa ko. Sabi ko “Baby ayaw ko magtrabaho na doon, kaso pano tayo mabubuhay?” Ramdam nya ang hirap sa aking pag amin, na tila ayaw pang aminin. Pride ng lalake ang magbuhay ng pamilya nya.

Sabi nya naman, “Hindi naman tayo pinapabayaan ng Diyos”.

Sa dami ng gabing hindi ako makatulog. Ang pagkasabi nya ang nagbigay sakin ng isa sa pinaka mahimbing kong tulog. Darating kaya ang panahong hindi ko hahanapin ang kinakailangan at kusang darating?

Birthday ko June 7,2020. Sa tulong ng Panaeolus cyanescens. Nakahiga ako at nagmemeditate. Sa kalagitnaan ng aking pagninilay, ang daming pares ng mga kamay ang nasa harap ko at napakalinaw ng detalye. Di tumagal, ay nagpakita si Kristo at marami pang kasama. May mga nilalang na mas mataas pa sa gusali. Ang mensahe nila ay “Maligayang Pagdating sa opisina ng Kamalayan ni Kristo. Ipasa mo ang paghirang”.

Simula noon tumutok ako sa pinaalala saking misyon ag pagkaisahin ang mga tao hanapin ang tunay na kalayaan, para sa lahat.

Nagtiwala akong ibibigay niya ang lahat ng kakailanganin ko at ng pamilya ko. Sa kasalukuyang panahong itinutuloy ko itong librong ito, November 2022, sa kalagitnaan ng pinakamalalang ekonomiya, sobra sobra ang pagkain ng pamilya at nagagawa naman ang mga gustong gawin.

Nagtiwala ako sa maykapal at alam kong marami pang paparating, para sa lahat. Dalawa lang ang susi sa Tunay na Kalayaan sa panahong ito. Meron kang sandamakmak na pera o may pamumuhay kang hindi mo kakailanganin ito. Dahil hindi pera ang tinutukan mo kung hindi ang tadhana mo upang tumulong isakatuparan ang kaharian dito sa lupa, at ang Bathala ang magbibigay ng sagana.

Bayanihan

Bayan-Bayani-Anihan

Bayan, ibig sabihin ay espiritu ng pagkakaisa ng pamayanan.

Bayani, ibig sabihin ay pagtutulungan sa trabaho.

Anihan, ibig sabihin ay makamit ang isang layunin.

Yan ay nakuha sa Konstitusyon ng Federal Maharlika. Nakikita ko naman ang ibig sabihin para sakin ng Bayan. Isinulat ni Supremo Gat Andres Bonifacio ng Kaharian ng Bayan ng Panay, isang bayan ng iba’t ibang tribo, sakanyang tula “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, parte nito ay nagsasabing:

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga,wala.

Nasa Maharlika movement ako sa loob pa lamang ng dalawang taon. Pero buong buhay ko, Kalayaan, yan ang galaw ng kaluluwa at damdamin ko. Nandito ako sa Baguio, habang sinusulat itong parteng ito ng Libro. Napatambay ako sa balkonahe habing nag-papausok, “Bakit ba mahal na mahal kita Inang Bayan?” Halos pag-awayan namin ni misis ang mga gawain ko sa labas para sa protest, para sa Balik Kultura/ Balik Tribo activities. “May halaga pa ba ang pagmamahal ko sayo at pag-alay ng buong buhay ko?”. Hayaan nyong mabuo ang litrato.

Pinanganak ako at ang Magulang ko ay Kristyano. Ang doktrina na tinuturo noong bata ako ay madaming bawal. Bawal ang baboy, bawal ang isdang walang kaliskis tulad ng hito, at marami pang iba. Kapag hindi ka sumunod sa doktrina pagtatapos mo ay sa Lawa ng Apoy.

Nadikdik sa konsensya ko ito at ako ay masunuring bata, mabait habang “happy-go-lucky” o hayahay lang sa buhay. Madali akong makipagkaibigan lalo na sa mga taong mapag-isa. Madali ako makisama halos kanino. Kahit bata pa lamang elementary o high school ay napag-uusapan na rin naming magkakaklase ang tungkol sa mga relihiyon namin.

Tuwing nakakakita ako ng kaklase dati na kumakain ng baboy, nagugulat buong pagkatao ko. Kawawa naman to, lawa ng apoy kasama si satanas! Nakaka-awang isipin na doktrina lang namin ang kayang magdala ng tao sa langit. Hindi ko makakasama mga matalik kong kaibigan, sobrang babait naman pero ayun kumakain ng baboy e. Lungkot! Sino ba naman ayaw makasama mga tropa sa langit di ba?

Hindi nagtagal, nagbago ang doktrina ng aming simbahan. Naghiwalay ang mga taong sumusunod sa dating doktrina at sa mga gustong sumunod sa bagong doktrina. Ang bagong Doktrina ay nakabase sa grasya. Hindi ang mga gawa mo kundi ang grasya ni Hesus ang magsasalba sayo papuntang langit. Nakahinga ako ng maluwag! May tsansa na mga tropa ko at ako makasama sa langit!

Tinanong ko naman ang pastor na malapit sa aming pamilya, “Kung grasya po ng panginoon ang magsasalba sa atin at hindi ang ating mga gawa, ibig sabihin lahat kasali?” Diyos yun di ba. Tapos sayang naman kung 99.9% lang ang kayang isalba ng kapangyarihan nya, ano tayo germs?

Ang sagot nya, “Hindi ako naniniwala sa Universalism”. Ang dating sakin ay para sakanya hindi lahat makakaranas ng langit. Nakahinga na nga ng maluwag, meron pa ring bumabagabag sa likod ng isip ko. Na kung baka may gawin akong mali o mga tropa ko, ay impyerno pa rin punta nila.

Dumating ang Kolehiyo, nahaluan na ang usaping langit at impyerno. Usaping pera at trabaho na. Ang usaping pera, pulitika at relihiyon ay tanging sa mga dikit mo lamang na kaibigan napag-uusapan.

Dahil sa hilig ko sa Personal Development programs, at ang kinagisnan ng aking mga magulang sa Sales at Networking, ang naging isa sa personal kong mungkahi sa buhay ay magkaroon ng kalayaan sa pera. Ang lagi kong nasa puso at isip, gusto ko lumaya din ang iba at nasa paligid ko.

Kahit anong ipintura nilang “dog-eat-dog” world sa akin, hindi mawala sa isipin ang tanong sa aking kaluluwa, posible ba ang Tunay na Kalayaan para sa lahat?

Hindi mawala sa isip ko ang posibilidad dahil lahat naman ay nakay Inang Kalikasan! Binansagan akong idealist ng mga tropa. Pinakawalan ko ito at paliit na lang ng paliit ang pangarap ko. Noong pagkatapos ko ng apat na taon sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Call Center kagad ang punta ko.

Kinain ako ng Matrix, pero pilit akong sinusuka wala akong trabahong tinagalan. Isang taon lang ang pinakamatagal, yun pay pagtuturo, isa mga pinakamahal kong gawin. Sa mundo ng Casino ko nahanap ang pera, ngunit kinalagapak ng aking kaluluwa, nakilala ko ang asawa ko at di kinalaunan lumabas si Atlas. Ang kanyang pagkapanganak ay ang pinaka-esperitwal na kaganapan sa maikli ko pang buhay. Lahat ng tutok at gawain ko ay para sakanya. Ayaw ko siyang malulong sa sweets at gadgets. Gusto ko lumaki siya ng matino. Gusto ko maranasan nya ang Tunay na Kalayaan. Alam ko na ang sweets ay meth for kids at gadgets naman ay dopamine machine. Parehas na droga. Kapag natuto ang anak ko neto ay mahihirapan siyang lumaya mula sa mga ito.

Noong 2020 ay magdadalawang taon pa lamang si Atlas. March 15, 2020, unang beses tumigil ang buong bansa kasabay ng buong mundo. Lahat halos ng tao ay nasa loob ng kanilang mga bahay. Kasama ang pamilya ko doon. Naalala ko pa si Mama Flor noon, “Hindi naman totoo yan, virus virus na yan!”. Samantalang kami lahat takot na takot at sinabihan siyang sumunod na lang dahil dalawang linggo lang naman. Minumura ko pa noon ang magtatay na naglalaro lamang sa parke at mga deboto sa simbahan na labas pa ng labas.

Bago ang pandemya ay paborito pa naman ni Atlas at Kuya Nathan na lumabas sa parke at maglaro. Noong buwan na iyon ay puro silip lang sila sa bintana at sa pinto, puro lang kami pagbabawal sa kanilang lumabas. Sa pangatlo hanggang pang-apat na linggo nang tumigil ang mundo, nasa sala kami at sabay humagulgol ang mga bata. Hindi siya basta bastang iyak kasi hindi naman sila umiyak buong lockdown na iyon, at hindi naman sila nag-aaway. Alam ko kaagad ang iyak na iyon, Early Childhood depression.

Sinabihan ko kagad si Misis na ilabas man lang kahit sa harap at gilid ng bahay, masisira ang ulo ng mga bata. Maligo na lang pagkatapos at nilalagyan pa ni misis ng alcohol. Noong naextend pa at tinawag nilang ECQ ang lockdown napatanong na ako at sinabing hindi na tama ito. Maraming isang kahig isang tuka ang walang hanap buhay, mawawalan sila ng pambili ng pagkain at gamot. Ganoon na din sa mga maliliit na negosyante umaasa sa dami ng taong dadaan sa pwesto nila.

Nagkataong may isang magulang sa pinagtuturuan kong school ang nakita ko sa mga facebook groups at nagkaroon kami ng mahabang palitan sa chat. Nagkapalitan kami ng comment sa post ng isang kaibigan. Doon na nagsimula ang lahat.

Doon ako nagsimula magsaliksik kung para sa ikabubuti pa talaga ng lahat ang ginagawa ng Department of Health lalo na at notorious ang kasalukuyang Health Secretary at hindi pa nanagot sa Dengvaxia vaccines.

Pagkatapos ko magsaliksik, naisip kong tatagal ito. Naisip ko kaagad ang masamang epekto sa mga bata. Hindi sila matututong makipag-usap o makipag-laro sa mga bata. Mawawalan sila ng kakayahan sa pakikipag ugnayan. Kinumpara ko ito sa aking naranasan nung 90’s. Aalis ng maaga lalabas, maglalaro, magbabad sa arawan, pupulot ng kung ano ano, kakain ng tanghalian, lalabas ulit pagkatapos, maglalaro ng sandamakmak na laro, uuwi bago sumapit ang dilim.

Ang mga karanasan ko noon ay ang pinakamasayang kaganapan sa buhay ko. Bakit tila hindi mararanasan ng aking anak? Hindi ako papayag. Tila may mali. At ang susunod na nasa isip ko, may parehas ko bang mag-isip? Kasi parang lahat na nasa paligid ko at takot at sunod na lamang ng sunod?

Kung gusto ko makaranas ng kalayaan ang aking mga anak, alam kong hindi ko kaya mag-isa. Alam kong imposible humarap sa mga malalaking tao at institusyon. Pero hindi kaya ng kaluluwa kong mamatay nang hindi ipinaglaban ang kalayaan ng aking anak. Hinding hindi kayang tanggapin ng kaluluwa ko mamanahin nila ay isang malaking preso!

Tanong ko ulit, posible ba ang Tunay na Kalayaan para sa lahat? Kailangan bang maging posible sa utak bago gawin ng puso? Dahil alam ng puso na hindi na tama ang nangyayari sa panahon ngayon? Iaalay ko ang buhay ko para sa paglaya ng aking anak. Anong klaseng pamana ang meron ako kung marangya nga pero hindi malaya?

Sa aking pagsasaliksik at pagtatanto, napamura ako, “Tang ina, matagal nang hindi nakakaranas ng Tunay na Kalayaan ang Inang Bayan!”. Niyurakan, ginahasa, nilapastangan, at ang mga taong nakatira dito ay nag-aaway away ni hindi na mapansin ang nangyari sa Inang Bayan. Kung hindi tayo magtutulungan para palayain si Inang Bayan, hindi rin lalaya ang ating mga anak! Kung kaya kong ialay ang buhay ko para sa anak ko, para sa kanyang kalayaan, ganun din kay Inang Bayan.

Kalayaan sa Material.

Kalayaan sa Espiritwal.

Posible ba parehas? Ilalathala ko ang aking personal na pananaliksik at karanasan kung bakit posible ito parehas, para sa lahat.Panahon na. Hindi natin maaintindihin kung paano naging posible kung hindi natin aaralin ang Tunay na Kasaysayan, hindi yung pinipilit idoktrina sa atin dahil sila ang nanalo sa mga naunang gera.

Kung hindi ka malaya noong pinanganak ka parehas sa espiritwal at materyal, hindi mo kasalanan yon. Pero sa panahon ngayon lahat ng impormasyon ay nariyan na, kasalanan mo na kung hindi mo gagawan ng paraan ang paglaya mo.

Hindi itong libro ang magpapalaya sayo, o kahit sino. Ikaw lang.

Itong librong ito ay magsisilbing gabay at salamin lamang para sa buong ikabubuti mo pinakamahusay na bersyon mo bilang tao sa panahon ngayon.











21 DAY CHALLENGE - DAY 2

Task 1: Add 1% Value to each Aspect in one Day

Example: Spiritual - Meditate for a few minutes, pray. Physical - Stretch for 5 minutes, Mental/ Emotional - Read a book, Take a breather etc.

Spiritual ____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Physical

___________________________________________________________________________________________________________________________________________


Mental/Emotional

____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Family

____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Social

____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Career

____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Financial

___________________________________________________________________________________________________________________________________________

Evaluation: How did you add 1% Value to all your aspects? Which aspects haven't you added 1% value unto?