Chapter 14 - Kasaysayan ng Pera
Paano ba ang kalakal dati bago maimbento ang papel na pera o fiat currency? Nagpapalitan sa barter trade
ang ating mga ninuno. Papalit ng manok sa gulay o prutas, damit para sa serbisyo, at iba pa depende sa
usapan ng magpapalitan. Dahil dikit sila sa kalikasan ay nakakakuha rin sila ng mga napapahalagahang
produkto ng kalikasan tulad ng mga "shell". Ito ay pangkaraniwan na ginagamit sa kalakal na nagsimula
sa Tsina at kumalat sa bansa tulad ng India. Di nagtagal ay nakakapagmina sila sa kalikasan ng ginto,
tanso at iba pa. Alam nila ang halaga ng mga ito at ginamit rin sa pangangalakal.
Walang pormang barya pa noong una, kaya kung pano nila lusawin ang mga metal na ito ay ang porma ng
kanilang naiaabot sa kanilang kausap na mangangalakal. Minsan bara ng ginto, alahas at iba pa. May mga
mamahaling hiyas rin na kanilang ginagamit. Ang mga unang mga barya ay gawa sa mas mahalagang
mga metal tulad ng ginto hindi tulad ngayon na copper, nickel na lang ang gamit. Ginawa ang
unipormeng barya upang madaling mabitbit at uniporme ang halaga.
Nakatulong ito para mapadali ang kalakal, ngunit may mga kaakibat na suliranin din ito. Ang mga
mauutak na madaya sa kalakal ay tinatabasan ang mga gilid ng barya mga gawa sa ginto o pilak. Kaya
nilagyan ng tagaytay o "ridge" ang mga gilid ng barya upang malaman kung binawasan ba ito o hindi.
Kinalaunan maraming nakapag-imbak ng mga ginto. Mga tanyang na pamilyang inalagan ang yaman.
Ang sinaunang banking system simula pa noong panahon ng Sumeria ay nagpapautang lamang ng mga
grains o buto para sa mga magsasaka. At ang modernong sistema ng banko na naglalaman na ng
mahalagang mga metal, ay mahahanap ang bakas ng simula sa Italya. Nagkaroon ng mga pagbabago na
ipinatupad ng mga taga Amsterdam hanggang London. Dahil sakop ng British Crown ang pamamahala,
ang nakapag-impluwensya sa mga banko ng Amerika ay sila rin.
Ang papel na pera ay isang uri ng negotiable promisory note. Sa kadahilangan kapag malakihang
transaksyon na ay mabigat ang barya. Nakatulong ito para mapadali ang kalakal. Tapat ang katumbas ng
papel sa kung ano mang ginto, tanso o pilak ang kapalit nito. Ang papel naman talaga ay mailit o halos
balewala ang halaga. Papaano kung ang Central Banking system ay hindi mabantayan ang pag-imprenta
nito?
Itinayo noong 1913 sa panahon ng Presidente ng Amerika na si Woodrow Wilson, ang Federal Reserve na
dinaan sa Kongreso. Ito ay nagsilbing Bangko Sentral ng Estados Unidos. Ang dahilan nila ng pagtayo
nito ay upang maiwasan ang nangyari noong 1907 financial crisis kung saan bumagsak ng 50% ang New
York Stock exchange. May mga kumontrang oposisyon na mga mayayaman na negosyante na sila Jacob
Aster, Isidor Straus, at Benamin Gugenheim, kung saan ang ilang ay miyembro Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Estados Unidos.
Nagkatoong noong 1912 ng Abril 14, ay lumubog ang Titanic. Bumangga di umano sa dambuhalang yelo.
Sino ang sakay ng Titanic? Yung mismong tatlong tao na kumontra sa pagtayo ng Centrallized Banking
System. Ano kayang alam nila bakit nila ito kinontra? Pagkakataon lang ba o aksidenete ang
pagkakamatay nila?
Naalala ko tuloy yung Malaysian Airlines Flight 17 o (MH17/MAS17), dumaan sa Easter Ukraine, Lahat
ng 238 na pasahero at t15 na crew ay namatay. Sino ang nilalaman ng Flight? Isang Doctor lang naman na
nagngangalang Dr. Joep Lange na nakatakdang mag-anunsyo na ang HIV ay sakit na nilikha ng iilang tao.
Noong 1933, panahon ng Presidente Franklin Roosevelt ay nagkaroon naman ng Gold prohibition act sa
pamamagitan ng Executive Order 6102. Minandato ang lahat ng Amerikano na isuko ang ari arian nilang
Ginto maliban lamang sa maliit na barya at maliit na gintong alahas. Paparusahan $10,000 at pagkakulong
ng sampung taon kung mahuhuli kang nag-iimbak ng ginto. Panigurado may mga nagtago. Pero
panigurado karamihan ay sumunod rito. Tinignan ng kasaysayan na mabuti itong gawin dahil sa Great
Depression noong Wall Street Crash noong 1929.
Anong nararanasan natin ngayong 2022? Record inflation, record market crash, patuloy na lumalayo ang
agwat ng mayaman at mahirap. Tila kahit anong pagtaas ng sahod natin taon taon ay hindi makahabol sa
inflation rate. Kung mismong sa papel na pera tayo nakaasa, pera ang kokontrol sa ating buhay. Kung
hindi mabantayan sa likod ng mga saradong pinto ang pag-imprenta ng Banko sentral, masisigurado ba na
natin na parehas na dadagdag ang kintong dapat na katumbas nito? Kung hindi dumadagdag ang ginto at
parami ng parami ang papel, ano tawag doon? Lokohan? Kaya kung sino may kontrol sa printing machine
siya ang may kontrol sa mundo. Kaya siguro kinontra ng mga sinaunang negosyante ang Central Banking
System.
Ang Federal Reserve ayon sa kanilang website ay parehas na privately owned at government owned. Isa
itong korporasyon, na hindi nangangailangan ng maaprubahan ng Presidente at Senado at bantay lamang
ng Kongreso. Ito ang ang hamon naman sa ating pag-iisip. Kapag ba ibig sabihin ng government owned
ay may say na ang mga tao? Papaano kung korporasyon lang din ang isang gobyerno? Edi ilusyon lang
pala na may paki sila sa desisyon o sasabihin ng tao pagdating sa paghawak ng pera ng bayan?
Alam nyo ba kung sinong pamilya ang may-ari ng mga bangko sentral sa mundo maliban sa iilang hindi?
Ang pamilya ng mga Rothschild. Bangko Sentral ng Pilipinas, sila ang may-ari? Pati ang World Bank at
IMF? Na kapag may bansang kumontra sakanila sa pagtayo ng bangko sentral ay ginegara nila? Tulad ng
Libya at Iraq?
Sa ngayon mas mainam na mamuhunan sa ginto, at pilak kesa sa mga negosyong nakaasa sa papel na
pera. Kahit imprenta sila ng imprenta, ang ginto mo hindi nababawasan. Mas mainam pa na ang pera ay
ipamuhunan sa pagtanim o pag-alaga ng hayop. Bakit? Makakain mo ba yung papel? Bakit yung iba
nakatengga ang salapi sa banko? Magkano ba ang binibigay na interes nito? Habang lahat ng masa ay
nagtratrabaho para sa pera, may mga mautak na ang pera ay pinapatrabaho nila para sakanila kesa
nakatengga sa banko.
Mainam na basahin ang libro ni Robert Kiyosaki na "Conspiracy of the Rich" upang malaman ang
detalyadong kasaysayan ng pera. Ang inaakala nating magpapagaan ng ating pamumuhay ay siyang
umiipit satin ngayon. Ipinaliwanag niya sa libro kung paano pati ang stock market at ekonomiya ng isang
bansa ay pinaglalaruan lang kakaunting mga tao. Kung pano ginagamit ang utang para itali ang masa o
isang bansa sa leeg at kontrolado. Ang sistema ng bangko ay nagbago dahil sa teknolohiya. Ang mga
dating transaksyon na sa papel at tseke ay naging digital na dahil sa computer. Kung dati ay nahirapang
magbuhat ng mga baryang tanso ang mga Tsino, kaya naimbento ang papel, Mas pinagaan pa ng digital
world dahil wala ka nang papel na bitbit, isang maliit na card na lang o di kaya ay memoryado mo ang
importanteng mga detalye.
Cryptocurrency
Ang Bitcoin ay nagsimula noong 2008 at sinasabi nilang sinimulan ng isa o grupo ng mga taong
nagngangalang Satoshi Nakamoto. Nagkaroon ng access ang mga tao dito noong 2009 bilang open-source
software.
Ang prinsipyo ng bitcoin ay tila naging sagot sa problema na ginagawa ng Centrallized Banking System
na sinimulan ng Federal Reserve. Ang walang katapusang pag-imprenta ng pera, at problema ng tao dahil
sa pagiging middleman ng mga banko. Lalo silang nawawalang ng kontrol.
Dahil ang mga banko sentral ay imprenta lang ng imprenta, hindi nasusunod ng maayos ang batas ng
supply and demand. Ang ginto ay hindi dumadami, ang papel ay walang katapusan. Kaya ang tunay na
halaga ng papel ay kakarampot na lamang o wala, Mickey Mouse money.
Sinagot ito ng teknolohiya ng cryptocurrency. Inilathala ng mga "Crypto Experts" na ang kasaysayan ng
pera ay nagkasundo lamang ang mga tao sa halaga ng barya o papel noon. Nagkasundo lang sila na ito
ang porma ng aming pera, iyan ang porma ng inyong pera at halaga, tayo ay mangalakal. Tinanggap ng
parehas na partido at tuloy tuloy na ang mga transaksyon.
At dahil nga walang katapusan ang pag-imprenta ng pera, minarapat ng Bitcoin na may Bitcoin lamang
sila na may hangganan at nakapirming dami. Nilagay nila ito sa 21 milyon na bitcoins. Masusunod ang
batas ng supply and demand. Finite supply, magpapataas ng demand nito. As of January 2022, ayon sa
investopedia ay 18.9 milyon na bitcoin na ang namina.
Nakakakuha ng bitcoin ang isang tao, kung magmimina siya nito gamit ng kanyang computing power.
Iginaya sa konsepto ng Peer-to-peer network ang seguridad at utak ng sistema ang buong cryptocurrency
system. Ikumpara mo sa pagdownload mo mo ng torrent noon sa Piratebay at iba pa. Kung sinong ibang
tao sa mundo na may computer ay nakadownload na ng pelikula na gusto mo, ay pwede kang tulungan
upang mas mabilis mo itong madownload.
Ito ay tinawatag na Blockchain. Ang blockchain ay ang backbone ng cryptocurrency upang hindi
madaling manakaw ang pera, mapakialamanan ang transaksyon o ma-hack, o dayain ang sistema. Dahil sa
lumalaking network ng computer ng Peer-to-Peer na sistema ay lumalaki din ang kakayahan nito sa
computing power para idepensa ang buong sistema.
Nakatulong din ang teknolihya ng Blockchain at Cryptocurrency upang maging anonymous ang mga
transakyon, ang kanilang layunin ay upang hindi mapakialaman ang privacy ng mga tao at hindi
mapaki-alamanan ng banko.
Ako mismo ay sumubok sa larangan ng Bitcoin o cryptocurrency. Ang dami naging milyonaro at
Bilyonaro sa Bitcoin. Hindi ako yun, sakto lang dahil tinigil ko rin noong nalaman ko ang tunay na pakay
ito.
Ngayon naging bankarote noong November 11, 2022 ang pangalawa sa mundo sa pinakamalaki o
pinakaraming trading volume, ang kumpanyang FTX. Nalagpasan nito ang coinbase at ang Binance na
nanguguna ngayon. Natagpuan na nag-abuloy ito ng malaking pera sa mga pulitiko, partikular a Estados
Unidos parehas sa Kaliwa at Kanang partido para sakanilang Eleksyon. Ngayon ang may ari na si Sam
Bankman-Fried ay umiikot sa social media at sumasagot sa Interview. Ang kanyang tono ay, "Nagkamali
ako, ako ay nagiging tapat sainyo". Ngunit hanggang ngayong sinusulat ko ito hindi pa siya nakukulong.
Mga tanyag na tao tulad nila Stephen Curry at Tom Brady ang nagpromote ng FTX at ang resulta ay mas
maraming taong naglagay ng pera dito. Hindi na naibalik ang pera ng mga tao. Ayon sa Fortune.com, $51
Billion ang ang nawala at nagpabagsak sa kumpanya.
Nasan ang sinasabi ng crypto expert na seguridad sa pera? Na kahit pangalawa ka na sa pinakamalaking
kumpanya, ay tumba ka pa rin? Meron kasing pangunahing problema ang cryptocurrency, na ang
katumbas ng crypto ay "bytes" lamang ng data. Parang hangin. Wala itong praktikal na halaga maliban na
lamang sa napagkasunduang halaga nito dahil sa supply at demand. Dahil may mga mangangalakal na
tinanggap ito bilang anyo ng bayad.
Kapag nawala o naipit ang crypto mo sa hardware nito, makalimutan mo ang password o masira ang
hardware mo, wala na ito lahat. Ikumpara natin sa ginto at sertipiko ng ginto. Sunugin mo man o mawala
ang sertipiko, kung nasa iyo nakatago ang ginto, hindi ito mawawala. Napakadaming praktikal na gamit
ng ginto kaya mataas ang halaga nito.
Ang anonimity ng cryptocurrency ay parang espadang may dalawang talim. Pwede ito magamit sa
kabutihan, pwede rin na magamit ito sa kasamaan. Pamilyar ba kayo sa Dark o Deep Web? Ang internet
natin ngayon na nakikita gamit ng ating mga browser ay tuktok lamang malaking yelo. Ang Dark o Deep
Web ay hindi hamak na mas malaki, at napakadaming tinatagong ilegal na hindi alam ng karamihan ng
tao. Kinakailangan mo ng bagong browser upang makapasok dito at matinding seguridad.
Dahil sa anonimity ng crypto ay maari kang bumili sa Deep o Dark Web ng mga baril, droga, child
pornography, mail order bride (oo nabibiling asawa) at ang pinakamalala para sakin ay ang pwede kang
bumili ng mga bata. Huwag kayo maniwala sakin, kayo mismo tumuklas kung totoo ito o hindi.
Malalaman ng tao sa mga susunod na na buwan kung sino talaga ang gumawa ng Bitcoin. Ayon sa aking
pagsaliksik ang gumawa nito ay si John McAfee. Ang gumawa ng McAfee antivirus software. Sundan mo
ang pera. Siya rin ang pangunahing nag-implementa ng internet security noong 1987 na nagsimula siya ng
kanyang kumpanya. Noong 1994 nagbitiw siya sa sarili niyang kumpanya at ibinenta ang natitirang
bahagi niya dito. Siya ang naging pinamalaking kritiko ng sarili ng kumpanya at produkto at
kinukumbinse ang mga customer nito na tanggalin ang antivirus software nya sa kanilang mga computer.
Tinawag niya itong "bloatware". Maraming sobrang tampok na hindi mo naman kailangan.
Noong June 23 2021, natagpuan di umano na nagpatiwakal si John McAfee. Sakanyang mga videos bago
siya mamatay ay sinasabi nyang meron siyang "dead-man switch". Kapag siya ay namatay ay
mapapakawalan ang datos na kanyang nakolekta. Dahil siya ang nag-imbento ng Bitcoin diumano, akala
ng kalaban ay anonymous at decentrallized ang mga transaksyon. Hindi nila alam na lahat ng transaksyon
nila ay alam nya. Sa kanyang mga video bago siya mamatay sinabi nya na, "I caught them all." Nahuli
silang lahat. At kapag namatay o pinatay siya ay makakarating ito sa kinauukulan.
Ikumpara mo sa bahay na puno ng ginto at bukas ang pinto. Ganito siguro ang naramdaman ng mga
gustong gamiting ang bitcoin sa kasamaan. Kahit anong kabalastugan ang gawin nila sa Dark web ay
magagawa nila. Ngunit hindi nila alam na ito ay isang patibong para malaman kung sino ang mga
kriminal sa mundo. May hinalang parte si John Mcafee sa Q movement. Na nakikipagtrabaho sa NSA na
may access sa Quantum Computers. Meron siyang 31+ Terabytes ng data na naglalaman ng baho mga
mga kurakot na pulitiko, CIA agents at iba pa, ayon sa kanyang Tweet Noong June 9, 2019.
Cashless Society
Tila ito ang nangyayari ngayon sa buong mundo. Nasanay na ang tao sa digital transactions at wala na
silang hawak na papel na pera o barya. Isa sa kanilang rason ay madumi daw ang barya at papel at maari
pang magkalat ng sakit o pandemya. Ang pagsubok naman dito ay ang panunukli at ang mga internet/
system black out na hindi naman kontrolado ng may-ari ng pera.
Kapag nangyari ang total cashless society, mawawalan ng tuluyan ng kontrol ang mamayan sa kanilang
pera. Ang dali dali nga mag-error kadalasan ng Gcash. Mga banko nag-offline rin. Kinakailangan balanse.
Sa ating kinabukasan ay magkakaroon tayo matinding seguridad gamit ang Quantum Technology na ikaw
lang mismo makaka-access ng account mo. Napakarami nang scandal ng Banco De Oro at ng iba pang
mga bangko dahil sa mga nahack na accounts nito na tila hindi masolusyonan.
Hindi pa makakatulong na ang mismong internet system natin ay CIA o DARP ang nagsimula, kaya nga
may deepweb o darkweb. Kasi ang nagsimula ng internet ay pinapayagan ito. Kung mabuting mga tao
ang gumawa ng internet, hahayaan ba nila na mangyari ang karumaldumal na transaksyon sa Dark Web?
Kinabukasan ng Pera
Naniniwala ako sa digital currency ngunit hindi sa kung pano ginamit ang crypto o bitcoin. Ang sa tingin
kong kinabukasan ng digital currency ay ma-baback up ito ng precious metal assets. At hindi rin dapat
mawalan ng barya at papel, dahil hindi lahat ng tao ay gugustuhing gumamit ng teknolohiya. Ang maliliit
na negosyante ay makakapag-ipon kesa naman ang mga sukli nila ay paunti unting kinukuha ng digital
world.
Pansinin nyo pag bibili kayo ng MRT card o Beep Card. Bibilin mo sa isang halaga gamit ng papel o
barya. Pag mag-swipe ka ang sukli mo nasa loob lang ng card. Hindi mo magamit sa ibang transaksyon.
Ilang milyong tao ang gumagamit ng Beep card? Ilang sukli kaya ang naiipit sumatutal? Napakatalinong
paraan sa mga nagimbento dahil kahit piso ang naiipit sa loob, ay milyon naman tayo. Magagamit at
magagamit pa nila ang pera na iyon at paikutin sa ibang negosyo. Mga wais na mga tarantado.
Bumabalik na ngayon ang mga bansa sa Gold Standard tulad ng Brazil, India, Russia, Saudi Arabia,
China at South Africa. Ito ang mangyayari sa buong mundo dahan dahan. Na ang dating ekonomiya natin
ay nakabase lamang sa walang katapusan na pag-imprenta ng pera, ngayon naman ay striktong meron na
itong katumbas na ginto o pilak.
Dadating ang panahon na ang mga accounts natin ay magiging specific lang sa ating DNA. Non-invasive
dahil sa Quantum Technology. So ibig sabihin ikaw lang mismo ang makaka-access ng account mo kahit
alam pa ng ibang tao ang PIN o password mo. Wala nang kriminal ang makakapagtransaksyon ng ilegal
dahil malalaman kung sila ang gumawa nito. Yun ang kulang ngayon sa cryptocurrency, accountability at
check and balance.
Sasagana ang mundo dahil sa pagbalik ng World Bank sa nararapat may-ari nito, ang mga tao sa mundo
hindi lamang ng pribadong indibidwal, at pamilya tulad ng mga Rothschilds. Kakamatay lang ng kanilang
isang Patriarka na si Evelyn de Rothschild sa edad na 91 noong November 7, 2022.
Kung inyong susuriin ang Executive Order ni Trump noong December 21, 2017 na nagngangalang
"Executive Order Blocking the Property of Persons Involved in Serious Human Rights Abuse or
Corruption" nabawi sa likod ng kurtina ang may hawak sa Federal Reserve at World Bank. Noong
nanalo siya ay nagkaroon siya ng access sa NSA. Ang NSA ay naririnig lahat ng tawag natin, nakikita
lahat ng messages natin, at alam kung saan tayo sa buong mundo. Sa isang kabanata ay paguusapan natin
nito ng mas detalyado.
Ang mga malalaking kriminal na ito ay komportableng umasa rin sa teknolohiya sa kanilang mga
transaksyon tulad ng drug trafficking at sex trafficking. Nahuli ang mga kalaban gamit ng E.O order na ito
at na-seize/ frozen lahat ng kanilang mga assets sa tulong ng Militar. Sa tamang panahon ay ibabalik sa
tao ang kinamkam ng Rothschilds family at ng iba pang mga cabal. Magkakaroon ng kasaganahan para sa
mga tao.
Pagkatapos ng ilang taon habang nililigpit na ang mga kalaban at nakakapagsimula na ng maayos ang
mga tao, malalaos rin ang pera dahil lahat ng tao ay meron naman na nito at sobra sobra. Ang mga kalakal
ay gagawin base sa pasion ng mga tao at hindi lamang dahil sa pera. At dahil marami nang sistema ang
nakaset-up para libre ang pagkain, tubig, transpartasyon at pabahay. Ang hirap paniwalaan at makita sa
ngayon. Pero sa mga nakakaalam sa Golden Age at Age of Aquarius, ito ay mangyayari sa tamang
panahon lang. Ang pagkamatay ng lumang sistema ng utang, at pagiging alipin sa pera, pagkapanganak sa
sistema ng bagong mundo ng kasaganahan at kapayapaan.
At malalaman natin na napakalaki ng gagampanan ng Maharlika, ng mga Pilipino sa kasaganahan at
kapayapaan na ito. Abangan! Gising Maharlika!
21- DAY CHALLENGE DAY 14
TASK 1: 21-minutes Meditation/ Planning
Evaluation 1:
How are my 7 aspects of life?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Evaluation 2:
How is my 21 minute meditation?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Evaluation 3:
Have you meditated on your traumas listed last challenge? Have you applied acceptance and
forgiveness?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
TASK 2:
Part 2: What are your deepest pains and traumas?
-What is your trauma regarding love and compassion?What is your trauma regarding
truth and lies?What are your fears of your future? What is your fear of purpose or life
path?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________
Congratulations on Finishing Day 14!
No Comments