Chapter 24 - Walang Mukha ang Kalayaan
We are in A Civil War. A Faceless revolution is the answer.
Ang Enerhiya ng pag-iidolo yan ang nagpapatalo sa atin. Ang pagbibigay ng enerhiya sa mga lumang
sistema at kadalasang pagkawalang bahala, pagbubulagbulagan, o pagsisinungaling sa sarili sa mga bagay
na sa mga bagay, oras na binibigay mo sa lumang enerhiya, sa lumang sistema.
Yoon ang nagpapatuloy ng buhay ni Babylon. Yoon ang nagpapatuloy ng sistema ng pagkaalipin.
Bakit ba sobrang importante ng Kalayaan? Bakit maraming tao ang sumubok na kunin ito? Tila hindi pa
nakaranas ang Inang Bayan ng tunay na kalayaan.
Ang mundo, ang bawat sistema, o gobyerno sa mundo hindi pa nakakaranas ng tunay na kalayaan. Tignan
mo ang Tsina. Bago ito. Sa loob ng napakahabang panahon, simula 1983, bibihira ang nagproprotesta sa
komunistang partido, ngayon tuloy tuloy na, napakadami.
Ang Pilipino tapos na nga ang pandemya, naloko na nga sa eleksyon, tulog pa din ang karamihan.
Masasabi mo talagang tunay na Pilipino ka? Kung wala kang iisang puso, iisang diwa sa kapwa mo
Pilipino?
Kung tumutakbo sa puso at isip mo, ay galing sa sistema at mga taong nakapaligid sayo na hindi rin na
nagdadalawang isip na gayahin lang ang daloy ng mamamayan. Ang mamamayan na tutok na tutok sa
telebisyon. Tutok na tutok sa balita. Na ang mismong may ari ay mga oligarko. Na kapag ang kanilang
mga master sa “Global Stage” ay sinabi itong Balita, ito ang bayad, sa tingin nyo ba hindi nila ito
ibabalita?
Obvious na to. Fake ang Mainstream Media. ABS CBN. Fake news. TV 5. Fake news.
GMA 7 Fake news. Rappler. Fake news.
Mas mapagkakatiwalaan pa ang taong grasang makakasalamuha sa labas. At mga taong nasa probinsya.
Bakit ba importante ang Kalayaan? Sigurado ka bang mapapamana mo ang ari-arian mo, yung pera mo,
trabaho o negosyo mo sa anak mo kung ang mundong mismo, na halatang halata na ngayon na ang pera
ay nalalaman na ang tunay na halaga at dahilan kung bakit ito ginagamit.
Makasayayang Inflation, makasaysayang presyo ng mga bilihin, trabahong hindi sigurado kung hindi ka
ba iipitin sa ekperimento sa mga susunod na panahon.
Kung hindi mo alam ang nangyayari ngayon, at tutok ka pa din sa pagbibigay buhay sa lumang sistema,
sa pagiging hipokrito, sa pagiging ignorante. BABALIKTAD ANG MUNDO MO.
Mapapakwestyon ka sa realidad dahil hindi mo tinanong ang sarili mo sa lahat ng natutunan mo sa buhay.
Tama ba o katotohanan? Mabuti ba o masama?
Tinuruan ka na kampihan ang kalaban. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamalalang may “Stockholm
Syndrome”. Pinoprotektahan ng master, at ang taong nagpapalaya ay kinakastigo binabato. Parang
kwento ng Aliping sagigilid at Aliping namamahay.
Aliping Sagigilid at Aliping Namamahay
Ang Aliping Sagigilid ay walang matinong pananamit, hindi kumakain ng kung anong kinakain ng
kanyang master. Ang Aliping Sagigilid ay sa labas ng bahay nakatira, parang hayop halos ang trato,
walang boses o kalayaan maghayag ng damdamin.
Ang aliping namamahay ay matiwasay ang pananamit, parehas ng kinakain ng kanyang master, puwede
siyang magsalita, may boses.
Kapag ang Aliping Sagigilid ay hindi sumusunod, gustong lumayas o hindi ginagawa ang trabaho nya,
ang Aliping namamahay ang gagamitin ng kanyang master para kausapin ang rebeldeng Alipin.
Hands off ang master. Ayaw nya ng dirty work.
Ang Aliping namamahay, siya ang kakastigo sa kapwa nya Alipin. Kung kailangang saktan o igapos ay
gagawin nya para lang bumalik sa linya ang kapwa niya Alipin. Kung hindi ay mawawala ang maganda
nyang pribilehiyo.
Hindi ba ganyan ang nangyayari sa Pilipino? Pare parehas lang Alipin. Yung iba namamahay lang. Ang
gand ganda ng mga nakabalot sa katawan. Nakabalot sa Mukha. Nakabalot sa social media. Alipin pa rin
ng lumang sistema.
Tinatawanan nila yung kabilang partido, kabilang kulay. Lahat ng pagkakaiba nila pinag-aawayan pa rin
nila.
We are in a Civil War, Mahal kong Pilipinas.
Ngunit ang gerang hindi laban ng barilan at saksakan. Kundi paghihidwaan ng mga pamilya.
Pagbabanggaan ng mga idelohiya. Nakalimutan na kung anong importante. Iisa lahi tayo. Iisang Pilipino.
Hindi dapat mga Alipin ang nagaaway away. Pare-parehas tayong magkasundo na lumaya na sa ting mga
master. Kasi iisa lang ang master. Ang Maykapal na gumawa sa atin. Walang tao ang dapat nananapak sa
atin. Walang tao ang dapat nagpapagitna satin at, nagpapa-away away sa atin. Yan ang nawala satin.
Noong unang mga panahon ang kultura ng Pilipino, nagbabatian sa umaga sa harap ng kanilang mga
bahay. Ngayon hindi na natin makita ang mga ngiti ang mukha. Bawas na ang yakapan. Nag-aaway away
ang mga pamilya. Nag-aaway away ang mga tao. Ito ang pinakamalalang Civil War.
Na imbes ang enerhiya natin ay magkaisa at gumawa ng solusyon para mawala ang kahirapan ng mga
Pilipino, magbayanihan, napupunta ang enerhiya sa iba. Tayo’y nauubos at napaparalisa. Nakakahiyang
gumalaw para sa Kalayaan. Kasi mukha mo ang nakataya.
Kung ikaw ay may impluwensya at may plataporma, at obvious ang nangyayari, bakit hindi mo
ginagamit? Takot ka. Walang mukha ang Kalayaan. Palakasin natin ang mensahe kahit walang mukha.
Sa ating mga mapilya, komunidad masimulan natin ang binhi ng Kalayaan. Kalayaang nagsisimula sa
puso at isip. Mas malala ngayon, kasi ang mga selda natin nasa isip. Kung hindi pa obvious sa ngayon sa
mga tao, nasa Matrix tayo.
Sa matrix ng kagustuhan ng iilang mga tao. Nakahanap sila ng paraan upang ituro sa atin ang pamumuhay
na sa atin ngayon ay hindi naman nakakapagpamigay ng kasaganahan, pagmamahalan at pagkakaisa.
Kabaliktaran, kabaliktaran ang nasa mundo ngayon. Kahirapan. Nag-aaway away. Kagaguhan.
Lokohin mo ko ng isang beses kasalanan mo, lokohin mo ko ng pangalawang beses kasalanan ko. Ilang
daang taon na ba tayo niloloko? Ilang libong taong hindi nakaranas ng Tunay na kalayaan. Kung may
pake ka pa sa sarili mo, kung may pake ka pa sa Pilipinas, sa mga magiging anak mo. Kung naniniwala ka
pa sa kabutihan. Kung naniniwala ka pa na ang Inang Kalikasan ay nilalapastangan ng mga oligarko araw
araw, pilit sinisira at inuubos.Ang mga katutubo isinasantabi, ang mga mahihirap ay pilit na ginagawang
mangmang. Ang buong mundo ay gumigising na.
Huling huli na ang Pilipinas. Kung ikaw nakikinig ka ngayon, maligayang pagdating sa pangmalawakang
pag-gising. Marami nang tao umaalis sa Matrix. Sa Matrix ng consumerism, sa matrix ng hate, sa matrix
ng division, sa matrix ng lack at ng poverty. Dahil alam nila na sa labas ng Matrix, ang Inang Kalikasan
ay magbibigay. Ang maykapal ay nagbibigay. Lahat ng kailangan nila ay naroon na. Hindi ba yon ang
magandang balita? Hindi yun dapat ang binibigyan natin ng oras? Napaka hipokrito natin. Mas importante
ang Diyos, mas importante ang pamilya, pero ang oras natin nasa paghahanap ng pera. Walang masama sa
pera. Pero kung ang katumbas naman nito ay ang ayos ng isip at ng puso mo. Kasiyahan ba o kadiliman
ba ang mararanasan mo?
Salamin ang tunay na Kalayaan. Pag tumingin ka sa salamin, nakikita mo yung panglabas, hindi mo
matanggap kadalasan. Pilit mong tinatakpan, kolerete o filter sa mga social media app. Pero hindi mo
makita yung salamin sa loob. Lahat ng problema mo hindi naman nagsisimula sa panglabas. Nasa loob
ang mga salamin ng mga tanong, salamin ng mga pangyayari sayo na binaon mo, salamin ng impyernong
nakapaligid sayo na paulit ulit mong pinapasok. Bukas na bukas ang pinto pero hindi ka makalabas.
Nakikita mong may mga taong masasaya. Nakikita mong may mga taong tagumpay sa buhay nila at gusto
mong malaman bakit sila nagtatagumpay. Bakit hindi ka makawala sa impyerno mo? Sa sakit na
nararamdaman mo? Nawawalan ka na ng paki sa buhay.
Kung ikaw ay nasa dilim at wala ka ng makitang liwananag, baka yung liwanag na yon, ikaw. Hindi mo
lang makita kasi hindi mo tinitignan yung salamin sa loob. Lahat tayo pinanganak na ilaw, malaya ang
utak at isip, mataas mangarap, anong nangyari?
Ang masa ay sumuko na. Tila gusto na magpaalipin.
Pero hindi ako nag-iisa. Madami kami. Maraming mananagot. Dadaan ang bansa sa kadiliman, at
maraming mga kurakot ang mananagot.
Walang mukha ang Kalayaan. Salamin ang susi sa Tunay na Kalayaan. Naghihintay ka ng sasalba sayo,ng
bababa mula sa langit, ng bayaning gagawa ng trabaho para sayo. Tanging susi sa Kalayaan mo, at ng
pamilya mo ay ilaya mo ang sarili mo. Salamin ang susi sa tunay na kalayaan. Walang mukha ang Tunay
na Kalayaan.
Pagpapatawad, oo. Ibibigay natin yan. Pero hindi tayo makakalimot at hindi malalagpasan ang hustisya.
Ang mga nanakit, ang mga nang-abuso, ang mga nag-eksperimento, ang mga nangamkam. Mananagot
kayo sa Tao. Walang mukha ang Tunay na Kalayaan.
Hindi na kayo makakalakad sa labas mga kalaban. Hindi na kayo makakalakad sa labas. Matakot kayo sa
mga taong makakasalubong nyo.Pag nakita nila ang kanilang mga salamin. Pag natanggal ang kanilang
mga piring, matakot kayo. Matakot kayo pag naalalang magmamahal ng mga tao. Maalala nilang iisa
silang Pilipino. Matakot kayo dahil hindi na kami takot.
Letter to AL Santillan, Datu Tagpaliwanag Manghuhusay
Magandang araw AL,
Nagising ka noong umaga sumilip kagad sa paligid mo at makahanap ng makakakonekta. Nandoon si
kapatid na Dan, at nakabalik na ang kama ni Datu Ligdong.
Masaya ka dahil sa mga nakita mo. Nagpapasalamat ka dahil alam mong kasama mo na ang mga tao ang
dapat mong makasama. Mga taong totoo. Mga taong madali rin makakita ng sinungaling.
Kinakausap mo sarili mo ngayon kasi may bumagabag sa isip mo. Ramdam mo na parang ang dalawang
paa mo ay nasa makapal na putik ng kumunoy. Putol ang iyong mga pakpak, madungis at hubo't hubad.
Nasanay ka nang umilaw sa dilim, umilaw para kanino?
Tanggapin mong hindi mo pa kilala sarili mo. Tanggapin mong hindi mo pa nagagawa ang kailangan
mong gawin.
Sinasabi mong gusto mong tumulong pero hindi mo matulungan sarili mo sa mundong dapat paghaharian
at pagsisilbihan mo.
Excuses at justification ang impyerno. Binibigyan mo ng bigat ang mga bagay na hindi naman dapat
pumipigil sayo. Regaluhan mo sarili mo ng Focus ngayong pasko. Ang dami mo na nasimulan sa buhay
ngunit mali ang pundasyon. Ang Tunay na Kalayaan ay nasa pagbalanse ng Spiritual at Materyal.
Oo, dahil sa sistemang nakabalot sa pera ay natrauma ka. Masayahin kang bata at walang pinroproblema.
Nawala ang iyong pagiging Happy-Go-Lucky kapag usaping pera na at usaping trabaho na. Tanggapin mo
iyon at patawarin. Regalo mo sa sarili mo ang self-determination. Ang kaharian na iyong hinahanap, ang
korona, ay hindi binibigay lamang. Kinukuha ito!
Gusto mong tumulong sa maraming tao pero ikaw mismo wala kang katatagan. Ang pagtatapak ng paa sa
lupa. Ang pagbibigay buhay para sa Heaven on Earth, ay hindi basta basta nandyan. Kailangan bungkalin
ang lupa. Isa sa pag regalo sa sarili mo ng self-determination ay ang pagtapos ng librong ito. Ang isa sa
mga buto ng kaharian mong gustong mabuo.
Sinabi ng mga ninuno na babaguhin natin ang ibig sabihin ng hari at reyna. Paano natin babaguhin iyon
kung mismong sarili natin hindi natin matulungan?
Oo, ilang taon ka nakaranas ng pangungutya at pag-uusig. Ilang beses ka sumubok sa sistema at pili kang
isinusuka. Magaling ka naman sa lahat ng mga trabaho mo, ngunit ikakamatay ng kaluluwa mo ang
mabuhay ng isang minuto pa sa sistema. Hindi ka nakatakdang bumagay sa sistema, kahit ginalingan mo,
itinadhanang gumawa ka ng bago kasama ng ibang katulad mo.
Kelan at Paano? Hihintayin mo na lang? Ilang putik sa kamay mo? Ilang pangagawigt ng iyong daliri?
Gusto mo bang iabot na lang sayo ng maykapal? Anong klaseng kwentuhan ang meron tayo kapag
kasama na natin ang mga ninuno natin at napanganak na ang Heaven on Earth? Pagkatapos ng ilang
dekada o daang taon, ano ang magandang kwento?
“Ah yung Heaven on Earth binigay lang namin sa mga tao di nila kaya e paralisado sila” o kaya “Tuwang
tuwa kami sa mga tao, kahit anong dilim hirap ang dinanas nila, ginamit nila ang kanilang mga diwa,
kamay at paa upang itayo ang Heaven on Earth”.
TAGPALIWANAG MANGHUHUSAY? Dati nang ikaw yan. Pero ang balabal mo, ang baton, ang
korona, ang kastilyo, ang mga tirahan ng mga tao, ang sakahan, lahat yan hindi binibigay at ihanahayag at
ginagawa!
Ibalik mo ang mga natutunan mo dati. Ang “Do-Whatever-It-Takes” attitude. Malaking pagkakaiba na
ngayong pinupuro mo ang puso mo at maganda ang pundasyon mo. Tang ina. PERA LANG YAN!
Salamat sayo Al. Salamat sa katawan mo. Salamat sa buhay mo. Marami pa tayong gagawin. Marami
pang selebrasyon. Wag mo hintayin. Gawin mo. Iregalo mo sa sarili mo ang librong ito. Ang
self-determination. Obra na walang makakaagaw sayo.
Sobra kang mapagbigay. Bigyan mo naman sarili mo. Kapag naranasan mo ulit ang pakiramdam ng
pagbigay ng buo sa sarili, makakabigay din tayo ng buo sa iba.
Mahal na Mahal kita,
Salamin
No Comments