Chapter 16 - Kultura
Kulturang Pilipino? Kultura sa Pamilya? Kultura sa Organisasyon? Saan ba galing ang salitang Kultura?
Hindi sa salitang ‘Cult’? Ang susunod ko na tanong, lahat ba ng kultura natin ay tama?
Isa sa mga pangunahin kong tanong sa ating Kultura. Kultura natin ang kumain ng kanin kahit ito ay isa
sa unang dahilan ng Diabetes. Nagdudulot ng pamamaga sa loob ng katawan ang pagkain ng sobrang
kanin. Tuloy pa rin ba natin ang Kulturang ito? Gaano karaming lupain ang inalay rito? Kahit ako ay
hirap tumigil sa rice kasi masarap naman talaga.Ngayon ang katotohanan ay nasa labas na, rice causes
diabetes, anong gagawin natin bilang Pilipino? Bilang nag-iiisip na Maharlika?
Tignan mo ang binibili ng mga tao sa grocery. Kultura na rin ang grocery shopping hindi ba? Ni hindi nga
talaga pagkain ang kinakain ng tao ngayon. Ang pagkain na pinoproseso ay nagdudulot pamamaga sa
loob ng katawan. Nagpaparami rin ito ng taba sa katawan, dahil ang taba ay nag-iimbak ng lason.
Nagpapamanas rin ng katawan dahil kinakailangan ang tubig para balansehin ang asido galing sa
processed foods. Kapag nangyari ang pamamaga, pagdami ng taba, doon na dadating ang sakit. Kahit
kaunti lang ang kinakain sa bawat araw ay nag-aambag sa pangmatagalang kalusugan ng isang tao.
Tigilan na ba natin ang kultura ng pag-asa sa grocery stores?
Ang pamamaga ay nagsisimula sa loob. Hindi ibig sabihin na hindi mo nakikita ay hindi na nangyayari.
Ang mga pinoproseso na mga pagkain ay nilagyan ng kemikal na mabubusing ginawa para gawing
nakakaadik ang mga pagkaing ito. Subukan nyong iwanan ang ang burger ng mcdo at hindi ito nilalapitan
ng mga insekto. Karamihan sa mga naprosesong pagkain ay hindi nilalapitan ng mga hayop at insekto.
Ano ibig sabihin nun? Hindi makonekta ng tao ang pagkaing sinusubo nya at mga sakit na nararamdaman
nya. Hindi ba talaga importante ang pagkain? Bakit maraming tao ang napapaayos nila ang kanilang
kalusugan na inaayos lang ang kanilang pagkain at hindi na kailangan ng ospital?
Mas madali kasi bumili sa tindahan kesa magtanim ng pagkain o mag-alaga ng hayop. Mas mura, at ang
ganda ng pagkabalot. Makakatipid ka nga ng oras at pera sa naprosesong pagkain, pero parurusahan
naman ang katawan mo sa katagalan.
Ang pagkain natin ay nakakapaekto sa ating vibration ng katawan. Low vibation foods = Low vibration
bodies. Ang tamang pagkain galing kay inang kalikasan ay pinapayagan ang katawan mo maghilom kahit
namana pa ang sakit mo. Sa kultura ng pagkaka ignorante sa pagkain, hihilahin tayo sa kumunoy. Ang
kultura ng ignorante ay kultura rin ng duwag. Duwag malaman ang katotohanan.
Pag-usapan natin ang kaduwagan. Sa mga kwento ni Rizal tungkol kay Maria Clara. Si Maria Clara ang
naging poster girl ng mga dalagang pilipina. Nakatakip lagi ang bibig, mahiyain, at nasa sulok ng mga
pagtitipon. Walang boses ang kababaihan dati. Subersibo ang karamihan lalo kung wala sa posisyon.
Kultura ng Pinoy di umano ang maging subersibo? Kahit tinatapak-tapakan na ang kanilang mga
karapatan? Ang ating mga ninuno ay di kailanman naging subersibo. Lumabas na lamang ang mga
subersibo noong sapilitan na ang ginawang pang-aalipin sa Pilipino sa Polo y servicios.
Dahil sa panahon, at kawalang moral, ang Pilipino ay parang naging kalabaw. Matibay, walang arte ngunit
sunod lang ng sunod kahit pagod. Nanatili sa dugo natin ang dugo ng Agila at ng Bakulaw. Hindi
kailanman papaapi! Balang araw lalabas din ang mga Agila.
Meron ding Kultura sa Pamilya na, “Ako ang mas nakakatanda sayo lahat ng sasabihin ko ay sundin
mo!”. Kahit mali na ang sinasabi ay kinakailangan pa din sundin. Sa trabaho ay ganito rin. Kung mas
mataas ang posisyon, siya dapat ang kailangang sundin. Kahit mali na.
Laging tandaan na inilagay natin ang kalayaan natin sa kamay ng iilan noong nagsimula ang pandemya,
ang DOH at IATF. Hindi naman mga doktor pero nagdesisyon para sa ating laban sa gabay ng iisang
organisasyon sa taas nila ang, WHO. Blind belief in authority is the greatest enemy of truth!
Ipagpapatuloy pa ba natin ang kultura ng posisyon at seniority? Hindi ba dapat manaig ang tama at
katotohanan kahit sino ang magsabi? Hindi dapat matigil ang kasinungalingan kahit mataas pa ang
posisyon?
Ang daming pinasang “Kultura” na dapat bigyan natin ng pansin kung tama pa ba o mali. Nawala ang
kapangyarihan natin mag isip ng kritikal dahil binigay natin ang kapangyarihan natin sa iisipin o sasabihin
ng iba. Ano ba ang mas tama? Ang konsensya ng maykapal na nasasaiyo? O ang konsensya ng masa na
hindi halos pinag-iisipan ang nakasanayan?
Paano mo malalaman kung konsensya ba ng maykapal ang isinasabuhay mo? Sakin simple lang.
Galatians 5:22-23. Nang hindi ginagamit ang bibliya, pagiisip lang ng bata... ang ayaw ko gawin sakin ay
hindi ko gagawin sa iba. Tunay ba akong masaya o hindi? Ang bata alam iyon. Hindi kayang
magsinungaling ng mga bata, lalo sa mga sarili nila.
Ang komplikado naman lumaya! Ang daming kailangan alamin at linisin! Mas simple maging ignorante,
pero san ka dadalhin nun? Pila sa kamatayan? Hindi ba ang daming pumila sa kanilang kamatayan?
Sino ba kasi nagpapila? Bakit parang tama naman ginawa nila noong mga panahon na yon? Ang talino ng
kalaban no? Nagwawagi lang kalaban kung walang gagawin ang mabubuti. Nagwawagi ang kalaban kasi
pinapakialamanan nila ang ating Kultura. Hindi naman natin napapansin. Pansinin natin ang ibang kultura
na mahirap pag-usapan.
Kultura ng Marites. Sanay ang karamihan satin sa pagpapakalat ng tsismis na hindi naman totoo. Sanay sa
pagpapakalat ng negatibong bagay na hindi naman nakakatulong. Nakaka-adik di umano ang pagiging
marites. Mema. May mapag-usapan lang. Nasan ang kultura ng integridad? Maayos na legacy ba ang
iiwan mo kung legacy mo taga-tsismis? May nakikita naman akong positibo sa pagiging marites, mabilis
kumalat ang balita. Pero sana yung balitang nakakatulong at good vibes. Hindi paninirang tao. Kung may
gusto tayo sabihin sa ibang tao mas maganda harap-harapan at nakakabuong pagkatao.
Cancel Culture. Ang pagtanggi sa mga serbisyo o produkto na ginagamit ng taong taliwas sa iyong
paniniwala. It goes both ways. Pwede tayong magkanselan na lang ng magkanselan. Kaso sobrang toxic
nun. O pwede rin magkaroon tayo lahat ng empathy, intindihin kung bakit ganun ang paniniwala ng isang
tao. Tanggapin na wala kang kontrol doon, kontrol mo lang ang alam at paniniwala mo. Magdedesisyon
ka sa mga gagawin mo o tatangkilikin mo dahil alam mong nakakabuti sayo hindi dahil sinabi ng iba.
Meth culture. Huwag na tayo magkunwari, hindi ba’t pondo din ng drug lords ang pinangangampanya ng
ilang pulitiko? Panira ang kultura ng bato. Ang bumubuhay mismo mga oligarko sa Pilipinas na mas
malakas pa sa Pulis. Ang namamatay lang ang mga utusan sa ibaba, madalas kabataan. Kung sinong
nakaupong administrasyon, siya ang may control ng drug trade. O ngayonng 2022, sino? Hindi ba
Araneta ang asawa ni Bongbong Marcos? Hindi ba malapit rin ang Araneta sa mga Roxas? Left wing,
right wing = same bird. Illusion of choice.
Cannabis culture. Ito ang huwag niyo ikumpara sa bato. Natural na gamot. At napakadaming gamit nito sa
pananamit, bahay, pagkain, fuel at iba pa. Legal na sa Thailand at marami pang ibang bansa. Sa kultura ng
ating katutubo, sinauna pa ito. Ang totoong may-ari ng Pilipinas ay ang mga katutubo. Sila ang De Jure
Government. Ilegal lamang ang cannabis sa De Facto government, ang gobyerno sibil na sinimulan ng
traydor na si Aguinaldo. Hindi ito alam ng iba nating modernong katutubo. Walang karapatan ang De
Facto government pakialaman ang kultura ng De Jure government o ang ating mga katutubo.
Oo karamihan satin ay naka-subscribe sa Civil government. Pero hindi mawawala ang koneksyon natin sa
ating mga ninuno na nandito na bago pa dumating ang mga kastila. Ang karapatan nila dati ay karapatan
din natin ngayon. Aalamin mo pa lang kung pano gawin ng matiwasay dahil nga nakatali ka pa sa
gobyernong sibil. Ang pagbabalik kultura ay pagbabalik din ng tunay mong pagkakilanlan, kasama doon
ang iyong tunay na mga karapatan.
Malaya na ang cannabis. Ang kamalayan na lang natin bilang Pilipino ang hindi. Ang pundasyon ng ating
laban ay naka-asa pa rin sa sibil.
Hook-up/ Porn culture. Wala na atang bago sa ating mga teleserye. Lagi ang storya ay may kabit. May
anak sa labas. Nakakatulong ba ito sa pag-impluwensya na mabuo ang ating mga pamilya? Uso na ngayon
ang Tinder/ Grinder at iba pang hook-up applications. Napakadali nang makipagkita sa taong gusto ng
panandaliang saya. Hindi naituro sa atin ang kahalagahan ng Sexual Intimacy. Sex is Spiritual Energy
Exchange. Nagpapalitan ng enerhiya ang taong nagsisiping. Kung anong trauma o elemento ang
nakakapit sa isang tao ay siya ring dadaloy sa isa. Habang dumadami ang sexual partner ay dumadami din
ang nabibitbit na mabibigat na enerhiya.
Sa pornography naman, meron pa ring energy exchange. Nakikita mo ang hubad na katawan ng iba’t
ibang tao. Nagjakol ka kaya sumisigla rin ang root chakra mo. Kapag nilabasan ka na, ang sarap na
naramdaman mo ay nakakonekta sa iba’t ibang tao. Ang tawag doon, “Trauma Bonding”. Kapag
makikipagsex ka sa tunay na tao, hindi ba’t mahirap alisin sa utak ang mga nakita mo sa Porn? Imbis na
genuine ang koneksyon at palagayang-loob ng magkasintahan. Hindi buo ang koneksyon dahil hindi na
puro ang kamalayan dahil sa porn. Meron bang paraan na pasayahin sexually mag-isa nang hindi
dumadaan sa porn? Posible. Pag-aralan ang Tantric Art ng Sex. Sobrang banal ng Sex!
Ang Spirutal Energy Exchange noong panahon ng mga naunang modernong sibilisasyon ay ginagamit ito
sa pag-manifest at paglikha ng mga bagay. Sagrado ang Sex at hindi lamang sa libog. Malaki ang respeto
ko sa LGBTQ community, pero kung libog lang ang nagpapatakbo sayo, para saan ba ang pagladlad mo?
Hindi ba dapat nakabase sa pagmamahal?
Ang dali na ngayon makapanuod ng porn. Libre pa. Kahit anong edad madaling makakapanuod. Sabi nila
may mabuti daw na naitutulong ang Porn. Kung Spiritual Energy nga ang Sex. Ano pala ang
nararamdaman ng lalake at babae pagkatapos labasan? Hindi ba napapagod rin? Hindi ba ito kawalan ng
Spiritual Energy?
Mabuti ang aking hangarin sa aking sunod na mga sasabihin. Mahal na mahal ko ang ating mga kapatid
na nasa LGBTQ community. Ilan sa mga bestfriend ko ay parte nito at mahal na mahal ko. Sa aking
pagsasaliksik ay itintulak ang Transexual movement at pedophilia sa likod ng LQBTQ community.
Malalaman ng masa kung pano ang mga liderato tulad ni Joe Biden ay may programa na mula eskwela ay
dadalhin sa mga transition clinics. Bibigyan ng hormones ang mga bata. Kung babae ay kukumbinsihin
tanggalin ang dede, at kung lalaki at kukumbinsihin putulin ang ari.
Matagal ko nang tanong bilang siyentipiko, normal ba ang pagkabakla o tibo? Ilang porsyente ang
naidudulot ng genetics? At naidudulot ng environment?
Napaisip ako lalo na ang mga pagkain natin ay punong puno ng estrogen. Ang mga maternal milk ay
soya-based, kaya puno ng hindi magandang bersyon ng estrogen. Ang mga baby formula rin ay puno ng
estrogen. Sinasabing apat na beses ang laman ng estrogen pills ang bawat bote na iniinom ng bata.
Napansin ko ito kay Atlas.
Kalma lang siyang bata bago siya maging isang gulang. Mas nagiging iritable siya habang tumatagal.
Napansin ko rin ito sa akin at sa aking mga kapatid. Buong buhay namin ay Nido ang aming iniinom.
Marami samin ang mabilis magalit at mapikon.
Ang mga manok natin ngayon puno rin ng estrogen, ang mga isda sa fishpond. Kaya mismo idoublecheck
nyo. Pati ang ating mga bath and skincare products ay estrogen-triggering products. Kung ang araw araw
na kinakain natin at produkto ay puno ng estrogen. Hindi ba mukhang sinasadya na ang hormonal
imbalance sa masa?
Hindi ba’t mas madaling maging bading o tibo kung may hormonal imbalance? Ihalo mo pa ang mga
palabas sa telebisyon tungkol sa LGBTQ. Ihalo mo pa ang mga sexualized na mga programa. Madaling
maging manhid sa sexuality ang kabataan nang hindi pa sila nagkakaroon ng tamang pundasyon. Ang
pundasyon ng science at divinity ng Sex. Kapag ang mga bata ay manhid sa sex mas madali sila
mabibiktima ng pedophilia at sexual abuse.
Walang problema magladlad. Wala dapat kamuhian kahit isa sa atin. O idiskrimina. Wala! Bilang isang
sangkatauhan pwede ba nating isipin kung sinasadya nila ang pangbabaliktad at paglilito sa ating lahat?
Dahil pinapakialaman nila ang pagkain, gamit at kapaligiran natin?
Lahat ng ito lumalaganap lalo dahil bulok din ang kultura ng edukasyon natin. Ang kultura na
pinamamahalan ng iilan. Ang mgaoutdated na mga kurso at topic. Mas mabilis kasi ang pagkalaki ng
internet kesa sa pag-usad ng mga topic. Centralized education culture is bullshit. Walang bata ang kayang
mag-fit sa iisang sistema. Ang kultura ng edukasyon ay para lamang gumawa ng mga empleyado.
Matalino para gumawa ng trabaho, ngunit hindi masyado para lumaya at makapag-isip para sa sarili.
Kultura na nabibiyayaan ang tama, at pinaparusahan ang mali. Na mas importante ang mga score kesa sa
natutunan. Nakakalimutan naman taon taon. Ang pangganyak ng bata ay dahil sa grado at hindi dahil
gusto nyang matuto. Papaano natin ibabalik sa kabataan ang kasiyahan matuto? Paano natin ibabalik ang
sigla sa edukasyon?
Naalala ko noon katapusan ng linggo, lagi kong kasama ang aking mga kababata. Sina GB, Cha at Bryan.
Nagpupuyat kami para maglaro ng bahay-bahayan, computer, tagu taguan, luto-lutuan at iba pa. May
pinagpuyatan kaming libro na isisinusulat namin tuwing kami ay magkasama. Wala naman napilitan
samin magsulat. Natutuwa lang kami sa storyang nabubuo namin. May mga karakter. May mga back
story. May kalaban at may kakampi. Hindi naman ito assignment mula sa school pero giangawa namin.
Masaya kaming isinulat ito. May natutunan ba kami? School ba ang nagsabing magsulat kami ng libro?
Kaya tuloy nawala ang critical thinking. Noong nakapagtapos na ng kolehiyo at ng Law or Medicine.
Tumigil na sa pag-aaral. Nakatutok na lang sa linya. Okay naman imaster ang linya. Kaso kung ang
pundasyon ng iyong propesyon ay hindi mo dinouble-check, hindi bat maaring ikapahamak ka noon? Lalo
na at Rockefeller family ang nagsimula ng sistema ng edukasyon?
Ang kultura ng Relihiyoso ay malaking parte ng ating pagiging Pilipino. Pinagmamalaki na isa daw
tayong Christian Nation. Karamihan satin ay kristyano. Ano ang napatunayan nito? Kamusta ang kultura
ng ating pagiging relihiyoso? Ang pag-aaway away ng mga tao kung sinong tamang relihiyon at kung
sino lang pupunta sa langit? Nakakatulong ba sa pagkakaisa at bayanihan ng Maharlika? Sana ibalik natin
ang kultura ng pagiging isang diwa. Ang kultura ng pagkilala na tayong lahat ay iisa.
Ang isa pa sa pumutay sa ating kultura ng pagkakaisa at bayanihan ay Kultura ng Tribalism. Ipaglalaban
ko lang ang tribo ko. Ipaglalaban ko lang ang ka-relihiyon ko. Ipaglalaban ko lang ang Partido ko. Mas
proud pa ang mga Pilipino sa partido at kandido nila kesa proud maging Pilipino! Kulang tayo sa
Religious and Political Tolerance. Kaya hindi nanalo ang mga pinoprotesta kasi magkakahiwalay
magprotesta. Paano kung irespeto natin ang kalayaan at hangad ng bawat isa? Alamin talaga kung bakit
ganun ang pinaglalaban nila. Kapag pinaglaban natin ang kalayaan ng bawat Pilipino at hindi lang isang
partido/grupo/tribo, doon lang natin makakamit ang tunay na pagkakaisa at tunay na kalayaan. Ginamit
ang iba’t ibang paraan para paghiwalayin tayo, lalo na ang relihiyon.
Pansinin nyo. Sa mga lugar na laganap ang Islam. Hindi ko sinasabing perpekto ang Islam. At hindi rin
ako Muslim. Pero may tama siguro silang nagawa. Bakit? Madali bang nasakop ng Imperialismo? Saan
nakasentro ng Imperialismo? Hindi ba’t sa Maynila at Cebu? Ginamit ang relihiyon upang gawing
subersibo ang mga Pilipino. Pinaniwalang nakahiwalay sakanila ang Diyos at kinakailangan pa ng
otoridad maliban sa kanilang Diyos sa loobin, para kanilang sundin. Grabeng kapangyarihan ang napunta
sa mga Prayle. Mapapatunayan yan ngayon. Sino ang majority stock holder sa BPI o Bank of the
Philippine Islands? Anong mga pamilya ngayon ang mga oligarkong may hawak ng malalaking mga
lupa? Konektado ba sa mga apelyido ng mga Prayle dati?
Isa isahin natin ang ating mga kultura. Marami taong magandang kultura at marami ring mali. Nasa sa
atin kung ano ang ipapalaganap. Tapusin na natin ang maling mga kultura. Ang kulturang ipagpapatuloy
mo ay maipapamana mo sa anak mo. Kung ikaw nagbabasa ngayon, may oras ka pa para putulin ang mga
maling kultura. Huwag kulto ang kultura, alamin kung nakakabuti talaga ito para sa ating lahat.
21- DAY CHALLENGE DAY 16
TASK 1: 21-minutes Meditation/ Planning
Evaluation 1:
How are my 7 aspects of life?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Evaluation 2:
How is my 21 minute meditation?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Evaluation 3:
Have you meditated on your TRIGGERS listed last challenge? Have you applied acceptance and
forgiveness?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
TASK 2:
Notice your awareness of Triggers. Has your awareness increased? Have your triggers decreased?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________
Congratulations on Finishing Day 16!
No Comments