Chapter 20 - Markado
Ilang araw akong hindi nakasulat sa libro. So, sa halip na magtagal pa at walang masulat. Pag -usapan na
lang natin kung papaano ba makulong sa sariling impyerno. Sa ingles, ang tawag ko ay “Hell-Loop”.
Isa syang paulit ulit na pakiramdam na ihahalintulad sa isang kwartong hindi ka makaalis kahit bukas
naman ang pinto. Pwedeng sa nakakasawing karanasan dati o pagkabalisa sa mangyayari sa kinabukasan.
Dahil may kapit ka pa naman sa maykapal ay naglalaro ang karanasanan mo mula sa, papakawalan ko ito
at hahahayan ko na ang bathala at karanasang “tang ina, kelan ba matatapos to.”
Ang ubod ng aking pagsasaliksik tungkol sa pagkakaroon ng “heaven on earth”, ay isang indibidwal at
kolektibong trabaho. Trabaho kasi maraming kailangan gawin. Lahat may iaambag isang paraan o
marami.
Ang pagkakaintindi ko lang kapag tinapos mo ang “Hell Loops” mo sa buhay, ang sarili mong buhay ay
magiging heavenly. Simple? Lohikal? Pero hindi madali.
Parte ng paghihilom at pagtatapos ng “hell loops” ay ang pagtanggap ng buo ng nararamdaman at
nararanasan. Totoo yung sakit at hirap. Totoo yung parusa mo sa sarili mo. Ikaw lang rin naman
makakapagpakawala sayo nito.
Acknowledgement. Acceptance. Responsibility. Self-Determination.
Ang mensahe ba ng magandang balita ay “Hintayin nyo ang pagdating ko bago nyo matutunan ayusin
sarili nyo. Ako pagbalik ko lang ang tatapos sa impyernong dinadanas nyo.” Ganun ba ang mensahe?
Hindi ba nasa John 14:12-14 ang iniwan sa ating regalo ang lahat?
Hindi ba ang konsensyang naabot ni kristo ang iniwan nya hindi ang pang iidolo lamang sakanya? Gawin
ang mga ginawa nya? Maghilom ng mga tao, gumawa ng mga “mirakulo”. Ginusto nys ba na tignan sya
na mas nakakataas sakanya?
Ano ba ang mas less ego-centric, loving, empowering and efficient na leader? Yung sinasamba siya at
siya lamang ang susi o ang nilalamang naabot ang konsensya ng diyos at sinasabing “Kayo nyo rin
gawing ang ginawa ko at higit pa”.
Hindi ba mas maraming leader ang magagawa nun? Hindi lang mga tupa, taga-samba at sunod lang ng
sunod?
Oo may respeto at pagmamahal na ibibigay sakanya, sa lahat. Pero yung enerhiys ng pang iidolo? Yun ay
kawalan ng kapangyarihan. Ang konsensya ng Kristo o ng Bathala ay nasa iyo at iisa sayo. Naka upo sa
trono ng iyong puso.
Ang utak mo lolokohin ka, tatakutin ka, pupunuin ka ng pagdududa. Pinaghahari kasi natin ang utak.
Samantalang napatunayan na mas mataas ang impormasyong naproproseso ng puso at kapasidad.
Kalokohan ang tinuturuo ng “mainstream science” na pump lang ang puso.
Subukan nyong tumutok sa puso kahit gulong gulo na ng isip. Kahit anong katok ng isip. Huminga galing
sa puso. Imbitahin lahat ng nasa mas mataas na kaharian para sa ikabubuti mo. Ang pagkalma at
pagkawala sa portal sa puso, patungo sa mataas na kaharian.
Hindi mo pag mamay ari lamang ang hirap at sakit na dinadanas mo. Bago ka pumasok ng laro ng
mundong ito madami kang kapangkat. Pagkapasok mo sa mundong ito, bingi ka. Noong simula ng buhay
mo oo maganda st mabusilak pa. Pero hindi mo na alam kung sino sa paligid mo kalaban o kakampi. May
nananakit na. May nang-aabuso na. Bago ka pumasok sas mundong ito, sa mataas na kaharian, posible ba
ang nanakit?
Balik tayo sa Hell-Loops. Oo ikaw lang makakatapos nito, desisyon mo lang, pero...hindi sa wala kang
tulong. Ang dami mong koneksyon sa mundong kaitaas taasan. Hindi sila makakatulong sayo kung wala
ka sa hulog at tuliro. Para tayong mga electromagnet hindi ba? Pag nasa frequency tayo ng galit, takot,
duda, at iba pa, ang makakakonekts natin ay mga espirito ng mga iyon.
Hindi sila nakakatulong. Kailangan mahanap natin ang lakas para mahanap ang kalma sa gitna ng ating
puso at maitaas ang ating frequency. Hindi posibleng maitaas ng maayos ang frequency kung walang
pagtanggap ng katotohanan ng sakit, isang paalala.
Pinakamadaling paraan para tumaas ang enerhiya ay pasasalamat. Pasasalamat sa mga simpleng bagay.
Pasasalamat sa bubong na meron ka. Sa higaan na meron ka. Sa pagkaing merong ka. Pasasalamat sa
katotohanang kapag nalagpasan mo ang kahirapan na sa utak mo, ay lalakas ka lamang.
Ngayong kalma ka na at nasa ayos, lahat ng tulong pwede mo nang hingin. Nakasulat sw bibliya sa
Matthew 7:7 NIV, “Ask and it shall be given to you, seek and you will find, knock and the door will be
opened to you.”
Ang tanong, ano bang hinahanap subconsciously ng utak at puso mo? Nababantayan mo ba?
Ang memorya, kapag paulit ulit sa utak ay para na ring isang dasal. Mauulit sa ibang karanasan o paraan
pero parehas na sakit o mas malala pa hanggang matutunan mo ang leksyon. Yan ang batas ng uniberso.
“For every action there is an equal and opposite reaction”. Kung anong tinanim yun din ang aanihin. Ang
tanong alam mo ba ang mga tinatanim mo bawat segundo na tumatakbo utak at puso mo?
Kaya mo lang tapusin “Hell-Loops” mo kung kaya mo maging responsable sa bawat iniisip mo at
inisinasapuso mo. Lalabas at lalabas yun sa salita at gawa mo. Ang koleksyon ng “Hell-Loop” moments
ay nagbubunga ng malaimpyernong kinabukasan. Ang responsable namang pagtatapos ng mga loops na
ito ay magbubunga ng langit sa iyong buhay at kapaligiran.
Mapapatunayan ko ito dahil sa karanasan haabang kalma ka na st tumataas ang enerhiya. Aayos ka na ba
bilang electromagnet. Aayos na koneksyon ng radyomg spiritual mo. Makakakonekta na ang ating mga
kakampi sa kaitas-taasan.
Paghihilom? Hingi mo. Noong wala ka sa ayos. Subconscious mo namumuno sayo. Nagrerequest kung
saang saang negatibong stasyon at espirito ng kung ano anong panget.
o at sa mga taong nakikita kong ginagawa rin ito.
I am the master of my fate; I am the captain of my soul.” -William Ernest Henley
Summary, 2020 gulong gulo ang buhay ko. Ang alam kong kailangan kong ayusin para umayos buhay ko
ay ayusin ko muna ang buhay kong spiritwal. Komunsulta ako sa stranghero na maayos ang dating sakin.
Simula noon ay nagtutuloy ang pag unlad ko sa esperitwal.
Naalala ko sa kaibutunan ng aking kaluluwa ang ibig sabihin ng pang-unlad sa buhay. At hindi pera o
materyal. Nakita ko na ang pinakamalalim at pinamakamayaman na maiiwan ko sa anak ko at sa mundo
ay pamana ng kalayaan.
Lahat ng pagninilay at pagsasaliksik ay inalay ko. Sa dulo ang konklusyon ay hayaan dumating sayo ang
kasaganahan, padatingin mo. Magsaya dahil ang pag unlad sa buhay ay kalayaan ng kamalayaan,
kapayapaan ng pag iisip. Dadating at dadating ang pananakit ng sistema. Kapag may sakuna, ayusin ang
kaya, ang hindi ibigay kay bathala.
Magsaya at magpasalamat dahil natutunan mong magpatawad. Kapag totoong napatwad mo na lahat ng
nanakit sayo at napatawad mo na sarili mo...anong sakit pa ang mararanasan mo? Anong sakit pa ang
hindi mo malalagpasan? Kung may sasakit pa, may ititibay ka pa? End the cycle. Putulin ang lubid.
Tapusin na ang masamang karma, mabuti naman. Ihilom ang pagkakamali ng nakaraan, ng ninuno.
End Individual Hell Loops. Ends collective hell loops. Avalanche. Ending individual Hell loops creates
Individual Heavenly Bubbles. Individual Heavenly bubbles inspires other Heavenly Bubbles. That is how
we manifest Heaven on Earth.
Buhay ang sistema dahil sa mga “hell-loops” na nagpapatakbo nito. Mas marami tayong magagawa
trabahuin ang sarili natin kesa makipag ubusan ng enerhiya makipaglaro pa sa sistema.
Ito pa. Kapag nakipaglaro ka sa sistema, markado ka na. Hindi biro ang laban na ito. This is material and
spiritual warfare. Noong October 2022 napakadami kong Spiritual Attacks. Isa na rito yung apat kami
magkakaibigan na nasa Balik Tribo ang hinihiwalaayan ng partner namin. Pagkakataon lang ba yun? Dito
rin sa buwan na ito inatake sa puso ang Nanay ko.
November 2022, isang gabi ay nagigisng akong dighay ng dighay. Susubukan kong matulog ulit,
magigising ako na ang bigat ng tiyan at dighay ng dighay. Naaalala ko kapag nagmamasahe ako ng isang
taong stressed o bad vibes ay dumidighay din ako. Itong pagkakataon naman ay hindi siya matigil
hanggang umaga. Ang aking kutob ay parang may nag- "implant" sakin o kulam.
Early December 2022, binuhay ko ulit ang Facebook account ko at nakita ko ang post ng isa sa aking
mentor na si Lesshara. Meron daw mga aktibo sa awakening movement ang markado na, at nilagyan ng
implants o kinulam. Kilala ko sarili ko at ang nararamdam ko sa loob ko, o sa espirito ko ay parang may
nandadaig o nandadarag sakin sa loob. Hindi naman dapat ako mabigat o mabilis mainis pero ganun ang
aking nararamdaman.
Sa pribadong mensahe, inituro sakin ng aking mentor ang Divine Rays healing modality. Umabot ito ng
mahigit isang oras. At noong dumating yung panahon upang tignan muli kung nasa akin pa ang engkanto
gamit ang pendulum, sinabi ng pendulumn na nandoon pa ang engkanto. Tinanong ko kung nakapinsala
ba sakanya ang ginawa kong paghihilom, sabi ng pendulum ay oo.
Inulit ko ng tatlong beses ang clearing part ng healing modality na iyon at muling tinanong ang pendulum.
Ayun wala na nga! Napakalaking pagkakaiba sa loob ng dalawang buwan kung saan parang ang bigat
bigat ng mga araw ko, hindi naman ako taong masalimuot at mabigat kahit na may pinagdadaanan.
Ang lakas magsikap ng mga kalaban, lalo na at markado ka na sa larangan ng pag-gising ng tao.
Desperado na sila. Hindi maatim ng kanilang ego na aangat na ang tao at aangat na ang mundo. Ang
mundo na nagpapakain sakanilang ego ay matatapos na!
Marami silang teknolohiya para pahinain ka. Lalo kung markado ka. Ang pinakamainam gawin ay
kilalanin mo sarili mo yung best version mo at kung merong nandadaig sa isip o kalooban mo.
Ituring din natin silang sparring partner. Paano tayo gagaling at aangat kung mismong mga espiritu natin
ay di natin maalaagan? Kung takot tayo sa mababang elemento? Ang sinabi pa sakin ng mga gabay
pagkaalis nung engkanto ay masaya lamang ang engkanto noong hindi pa siya nakikita. Noong siya ay
pinapalabas na at naghihilom na, malaking abala na ito sakanya!
Mas nakakataas ang Diyos natin at mga kakampi kesa sa mga ito! Pag-aralan lamang kung papaano sila
paalisin. Ang pinakamadaling paraan ay magmeditate at humingi ng tulong sa mga gabay.
21- DAY CHALLENGE DAY 20
TASK 1: 21-minutes Meditation/ Planning
Evaluation 1:
How are my 7 aspects of life? Did it improve even 1% daily? How is my 21 minute meditation?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Evaluation 2:
How are your conversations with your accountability group?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
TASK 2:
Have an activity with your accountability group. Remember your out-of-the-box day? Plan one with
your group. Sing, dance, meditate, do an artwork together, or play with them. Any activity with the group
that you trust.
Evaluation 3:
How was your activity with your accountability group?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Congratulations on Finishing Day 20!
No Comments