Chapter 12 - The Matrix
Alam nyo pa ba yung pelikulang The Matrix Series? Ang kwento ni Neo, na simpleng programmer lang,
ay kinausap sa kanyang sariling programa na simulation/progama lamang ang buhay nya.
Hindi nagtagal ay nakalabas siya sa Matrix. Ang Matrix daw isang programa ng mga grupo ng mga
makina at ang katawan ng tao ay ginagamit nilang pinagkukunan ng kapangyarihan para sa kanilang
pamumuhay.
Nakakulong lamang sa paulit ulit na pamumuhay ang mga tao nang hindi nalalaman ang tunay na
nangyayari sa labas. Sa pelikula ang totoong katawan nila ay TULOG, nasa loob ng sisidlan at ito ang
tanging pinagkukuhanan ng enerhiya ng kalabang mga makinaryang nagpapatakbo sa Matrix.
Hindi ba ito ang nangyayari sa mundo natin ngayon? Na ang enerhiya natin ay napupunta sa sistema? Mas
marami ang oras sa paghahanap ng pera. Mag-aaral ng 16-20 years para makakuha ng diploma at maayos
na trabaho. Iaalay ang 30-40 taon ng buhay sa Trabaho. Pinakamaliit na walong oras sa trabaho hindi pa
kasama ang oras sa byahe sa hassle na traffic, pagpila at siksikan sa MRT o Bus.
Yun ba talaga ang malaya at saganang pamumuhay? Wala ba talaga ibang pwedeng pagpiliang
pamumuhay? Samantalang tuwang tuwa manood sa youtube ng mga content creator na simpleng
mamuhay at binibigay naman ng Inang Kalikasan ang kanilang kailangan. Yung mga Primitive Channel!
Yung mga Penny challenge!
Pera ba ang nagpapatakbo ng buhay mo? Ikaw ba kukomokontrol sa pera mo o ang konsepto ng pera ang
kumokontrol sayo? Nakalimutan mo na ang mas importanteng mga parte ng buhay tulad ng peace of
mind, pagmamahal at tiwala sa maykapal.
Hindi ka makakalabas sa Matrix kung hindi mo alam na totoo at umiiral ito. Mas mahirap pang lumabas
dahil may mga Agent Smith na pipigil sayo kapag nakikita mo na ang programa. Tanda nyo yung mga
Karen? Yun ang mga Agent Smith ng ating mundo. Ang mga taong magbabansag sayo ng conspiracy
theorist, baliw o walang magawa sa buhay. Karamihan sa atin naging Agent Smith sa buhay natin. Misery
loves its company. Ang mga tulog at miserable ay mas gugustuhing hilahin ka pabalik sa pagtulog. Sa
aking nakita mula noong 2020,mas gugustuhin ka nilang makasama sa Katay.
Naalala ko tuloy yung kaibigan ni Mama Flor. Alas siete ata o alas otso ng umaga ang lakas ng katok sa
bintana at pinto namin. Akala namin kung anong emergency. Pagkatapos pagbuksan ni mama at
nakausap, tinanong ko kung ano ang Pakay. Magpapabooster shots pala si Tita. Yayain pa with excitement
si Mama. I saw Tita's eyes before she left the house. I saw her eyes, but If eyes are the windows of the
soul, I saw no windows. Creepy. Si Mama Flor nagpaturok ng isang beses, dinugo ng solid, nagkamyoma,
araw araw na ngayong mahina sakitin at hindi mawalang ubo. Long Covid? Lokohin nyo lelang nyo. Buti
na lang nakangiti si mamang nag "excuse" kay Tita. Sinabi nyang may ubo sya. Totoo naman.
Ang dami nating niyayaya sa buhay. Pag may maganda kang trabaho, yayain mo mga kaibigan mo. Pag
may magandang party, magyayaya ka. Kung hindi pa tayo mulat na merong Matrix, yayayain at yayayain
natin ang mga tao pabalik ng Matrix. Tanginang Matrix yan. Fuck the Agent Smiths!
Buti na lang may Matrix 4 (The Matrix Resurrection). Sa Matrix 3, namatay ang bida na si Neo at Trinity.
Isinakripisyo nila ang buhay nila noong ibangga nila ang kanilang ship sa core ng makina. Sa Matrix 4
muling binuo ang katawan nila ng mga makina at ibinalik sa Matrix nang walang memorya. Dinaanan
muli ni Neo at Trinity ang paulit ulit na pamumuhay patungo sa wala. Sa pelikula hindi naging madali ang
pag-gising muli ni Neo at Trinity. Ang gumabay sakanila ay mga taong dating nasa Matrix din, mga
kanilang nabigyan ng inspirasyon na mag-isip din at umalis sa Matrix.
Sa Matrix 3 nakapandulot sila ng pinsala sa kalaban. Sa Matrix, they finally took control of the Matrix.
Pwede sila maglabas pasok sa Matrix, pero hindi nila ito iniwanan. They found it sino ang programmer, at
mismong mga Agent Smith ay nagising na. Hindi man naging purong mabuti ang mga Agent Smith pero
napagtanto na rin nga mga Bida na hindi sila kayang pigilan ng programmer. Sila mismo ay kayang
ireprogram ang Matrix.
Pwede natin gawin ang ginawa ni Buddhist monk Thích Quảng Đức noong June 10 1963.
Makakapagpadala tayo ng napakalaking mensahe na yayanig sa Matrix. Ginawa niya ito dahil sa
pag-uusig sa kanyang mga kapatid. Pero ayun wala na siya dito sa physical realm. Pwede tayong mag
ermitanyo, mamundok at gumawa ng sarili nating mundo, hindi tayo maapektuhan ng Matrix. Ang tanong
yun ba talaga gusto nyo? Yun ba talaga layunin at karamihan ng tao sa mundo? O pwede ba nating gawin
ang ginawa nila Neo at Trinity sa Matrix 4? Hanapin kung sino ang programmer at baguhin ang Matrix!
Walang iisang Neo o Trinity ang gagawa nito para sa atin. Kung may natutunan ako ay walang iisang
Chosen One. Malakas kong isisigaw na kahit ang pagiging Chosen One ay hindi ginustong bansag sa
taong tinatawag nilang Hesukristo. Ang mensahe nya ay lahat tayo ay nakapaloob s Diyos at walang
makapghihiwalay sa atin sakanya. Ang mensahe nya ay kung nagawa nya ang mga mirakulo bilang tao,
kaya rin natin. Siya ay diyos na nagkatawang tao. Ang mensahe nya? Tayo rin. Ibig sabihin ba non mas
mataas tayo sa iba? Na dapat sinasamba at pinaniniwalaan mga turo natin? Hindi. Ang mensahe ay tayo
lahat ay pantay. Makapangyarihan sa abot ng ating gustong magawa.
Lahat tayo ay chosen one sa ating napiling tahak sa buhay. Lahat tayo ay may layunin sa Mundo.
Tanggapin natin na hindi lahat makakaranas ng Heaven on Earth dahil sakanilang mga pinili, at kanilang
layunin. Pero ganun din ang pupuntahan ng lahat ang umangat sa kamalayan, maranasan ang mas
nakakataas na enerhiya, mabuhay ng masaya at masagana. Iba ibang timing lang.
I do not think of myself as Big or Small in this world. It is all subjective. These labels shouldn't stop you
from fulfilling your purpose. If you see other beings and authorities as chosen ones beside yourself, you
are paralyzed. You are the chosen one to change your life, not anyone else. Hindi ba mapapakamot ang
Diyos na sinasamba mo kung ginawa nyang perpektong likha, puno ng karunungan at kapangyarihan, ay
hindi kayang baguhin ang tahak ng kanyang buhay? Oo hindi madali! Hindi madali maging mayaman at
maging masaya sa buhay. Pero hindi din madali maging mahirap at malungkot. Mamili ka.
Habang namimili ka araw araw, may mga Agent Smith na nakapaligid. Kamakailan lang ay nagbago ang
pananaw ko sa mga Agent Smith. Dati kong tinuturing na kalaban at kinamumuhian. Yun pala, natural
silang parte ng ating pag-angat. Natural na parte ng pagiging isang buong tao, divino.
Sila ay mga sparring partner. Pano tayo magiging kampeon sa buhay kung walang pagsubok? Ang dami
na natin naka-sparring na Agent Smith sa buhay natin. Nasa sa atin kung papatalo tayo o susuko. Sa loob
ng ilang taon, ang mga taong nalagpasan ang kanilang mga pagsubok at tumibay, sinala ang mga taong
magmamana ng mundo. Matthew 5:5," The meek shall inherit the earth"
Ang panget ng pagkakalarawan ng salitang "meek" sa Oxford Dictionary. Naisali ang salitang submissive.
Ang salitang meek para sakin ay nagkakahulugan na mapagkumbaba, malumanay at pasensyo. Pero hindi
ibig sabihin nito ay madali na mapapasunod sa maling gawain. Sa loob ng dalawang taon, mas lumabas
ang mga mayayabang at mapangkutya at hindi man lang marunong makinig. May panahon pa magbago
kung buhay ka pa sa panahong nailabas itong libro. Pero nasasayo.
Ang mga taong hindi pumila sa katay kahit nasa gitna sila ng pinakamating pag-uusig, ay silang
mapipiling gabay sa bagong mundo. Ang tsanya na ikaw yon ay 100%. At tsansang tanggapin mo yon at
isasabuhay, ang porsyento ng posibilidad ay nasasaiyo.
Ito ang pag-angat ng langis sa tubig. Ito ang paghiwalay ng palay sa ipa. Hindi tayo magkahiwalay sa
kalaban. Tayo rin sila. Kung sino man sila ay magkakatsansa silang mamuhay ng mabuti. Nagkataon lang
sa panahon ngayon, aangat at aangat tayo. Ang lumang sistema babagsak at hihiwalay.
Kung pipiliin natin ang pagmamahal aangat tayo na parang langis sa tubig. Kahit gano kadumi ang tubig
hindi tayo hahalo. Kung pipiliin mo ang enerhiya, sistema ng takot at kontrol, sabay kang babagsak,
madudurog kasama nito. Nasasa iyo.
Ang enerhiya ng pag-ibig ang maglalabas sa atin sa Matrix ng takot at kontrol!
Blue Pill, Red Pill, Black Pill
Sa pelikulang The Matrix may dalawang klase ng gamot ang inabot ng gabay ni Neo na si Morpheus. Ang
asul ay pabalik ng Matrix, ang pula palabas ng Matrix. Nasasayo ang pagpili. Sa Matrix 4 napansin ko na
ang Psychiatrist ni Neo sa loob ng Matrix ay nag-aabot ng Blue pills. Sa katotohanan kahit itong pharma
meds na bibinigay ng mga Psychiatrist ay makakasama lamang ng ating utak at katawan. Sa ating isipan
at realidad napakaraming blue pills. Araw araw na nanunuod ka ng Telebisyon, lumalaklak ka ng Blue
pills. Ganon din pag paniwalang paniwala ka sa mga taong nagpapatakbo ng sistema.
Ang blue pill madali makuha at madali inumin. Ang red pill naman ang hirap mahanap. Minsan nasa
harap mo na tinatanggihan mo pa. Naalala ko yung tropa ko na bumisita sakin ilang buwan pa lamang
pagkatapos ng kasagsagan ng lockdowns. Sabi nya, "Hindi kasi ako Red Piller". Tahimik lang ako nung
sinabi nya yon, namangha rin. Dahil alam nila ang salita ngunit subconsciously ay tinatanggihan na nila.
Walang pilitan sa Red pill!
Kapag ang red pill ay lumabas na sa mainstream, at mas marami nang magigising, marami ding pipitik at
mababaliw. Patuloy na tatambay sa estado ng pagtanggi. Handa tayo para sa panahong iyon. Ang mas
hindi maiwasan ng tao ay ang tinatawag kong Black Pill.
Ang black pill ay ang hindi alam na naiinom na ng mga gising na dati. Nagising na nga sa katotohanan sa
iilang bagay, pero ang nasa isip at puso pa rin nila ay mananalo ang kalaban o magugunaw ang mundo.
Merong din nag-iisip na mananalo pero pagdating pa ng katawan ni Kristo dito sa mundo. Maraming
ibang klase ng black pill. Mga taong inip at nakakapit sa mga katotohanang sinaliksik nila at isinuot ito
bilang korona o championship belt. Mga taong pinairal ang utak pero hindi ang puso. Mga hindi pa
nakakonekta sa kataas-taasan. Kung alam mo talaga pano gumana ang Uniberso, alam mong panalo na
tayo. Alam mong panalo na ang Diyos. Dahil ang enerhiya ng pagkawasak ay hindi kailanman lalamang
sa enerhiya ng paglikha. Mawawasak ang buong uniberso kapag nangyari yon. Don't take the black pill
guys!Inilarawan ko ang epekto ng mga "pills" na ito upang suriin kung nasan na ba tayo sa paglalakbay sa
Matrix. Hindi para magdiskrimina. Lahat naman tayo pag-ibig ang pupuntahan.
Ano ang mga napansin mong parte ng Matrix sa iyong buhay? Sa iyong Lipunan? Mas madaling
manalamin kung hahatiin mo ito sa aspeto ng espiritwal, pisikal, mental/ emosyonal, relasyon, pamilya,
pinagkakaitan at inibiig na pasion.
Sa mga nakalabas na sa Matrix, saludo sainyo. Ang aking paalala ay napakarami pang dimensyon ng
buhay, at ang lawak lawak ng quantum realm at mga posibilidad. Huwag sana nating isipin na kahit
nakalabas na tayo sa Matrix ay wala na tayong ibang Matrix na aalisan. There is always a higher
perspective or dimension. What I found out is that even if things get more beautiful as the dimensions
increase, it gets simpler. The Highest dimension, The Last Matrix sa aking pagkakaunawa ay ang
Unconditional Love. Wala ng mas sisimple o tataas pa doon. Ang karanasan at pakiramdam ng
Unconditinal Love ay hindi pwede ikwento, kailangan ikaw mismo makakita.
Ang pag-akyat ng dimension ay parang ilog na paikot-ikot pataas. Labanan mo ang agos at ikakapahamak
mo ito. Kung alam mong paikot ikot lang ang buhay mo. Totoo naman. Minsan masaya, minsan
napakasama. Pero ito lahat ay para patibayin ka. Ang buhay, sasagadin ang buong pagkatao mo hanggang
mapunta ka sa gilid ng bangin. At mapagtatanto mo na lang, bilang tao ay hindi mo na alam ang gagawin.
Ilog man na paikot ikot o bangin, ang pinakamainam na gawin ay pakawalan. Pakawalan ang control.
Hindi naman nakokontrol ang ilog ng buhay.
Gamitin nating ang "Free Will" o malayang kalooban upang mapabuti ang sarili natin. Kung hindi natin
nais ang nangyayari sa atin, ibig sabihin ba noon ay hindi tayo mahal ng maykapal? Pinaparusahan tayo?
Hindi natin nagamit ng maayos Free will natin? O lahat ng nangyayari sa buhay ay may rason? Walang
iisang tao ang kayang kumontrol ng mundo. Walong bilyong tao ang nasa hibla ng kamalayan. Ang ating
kabuong kamalayan ang nagpapatakbo sa mundo. Kung hindi maganda ang nangyayari sayo, tanging
kamalayan mo lang ang pwede mong balikan. Hindi madali makita ang oportunidad sa tinatawag nating
mga problema, pero ito lang ang paraan upang umangat.
Ang repentance na binanggit sa bibliya ay nanggaling sa greek word na repenten na ang ibig sabihin ay
"to change perspective". Hinaluan ito ng turo ng kahihiyan at pagramdam na makasalanan tayo. Tama
naman makaramdam ng hiya o pagsisisi sa mga maling nagawa. Pero kung maiiwan tayo sa mabigat na
enerhiya na iyon, hinding hindi tayo aangat. Pagkatapos mapagtanto na mali ang iyong ginagawa, ang
nakakalimutang mga hakbang na itinuro ay pagsuko ng bigat at nararamdaman sa maykapal, pagtanggap
ng pagkakamali, at pag-angat ng nararamdaman ng puso.
Ang paglabas ng Matrix ay mismong ganon, pagpapalit ng pananaw. Sa mundo na marupok na plastic na
karamihan mga utak ng tao, napakahirap gawin nito. At ang isa sa pinakamalaking aral na nakuha ko sa
paglabas ng Matrix, ay pagkatapos mo makalabas, bumalik ka at iabot ang kamay sa mga taong gusto rin
makalaya.
Hindi tayo lalabas ng Matrix para takasan ang mundo, ang mga tao, at ang mga problema. Inaangat natin
ang ating kamalayan sa mas mataas na dimension para mas mahalin at mapahalagaan nating itong
dimension na ito.
Hindi tayo umangat ng kamalayan para lamang mag ermitanyo at magtago sa bundok. Personal na
desisyon iyon at walang masama. Mas marami lang tayong epekto sa lipunan kung itatapak pa rin natin
ang pao dito sa dimensyon na ito at magtulungan.
Sa mundong puno ng sakit at hindi pagkakaintindihan, madaling tumakas at tabunan ang mga problema,
takasan ang mga tao. Sana magamit nating rekado ang matitinding sakit na pinagdadaanan natin dito
upang palakasin pa tayo at ilabas ang tunay nating pagkatao at pagka-divino.
Hindi natin kaagad makikita lahat ng kailangan nating malaman para makalabas ng Matrix. Kailangan
lang natin ang sapat, at derecho na sa aksyon ng pagpapaganda sa dimensyong ito. Meron pa ngang parte
ng matrix na napakahirap rin mapansin ng tao, kasi tago ito! Abangan sa susunod na kabanata.
21- DAY CHALLENGE DAY 12
TASK 1: 21-minutes Meditation/ Planning
Evaluation 1:
How are my 7 aspects of life?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Evaluation 2:
How is my 21 minute meditation?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
TASK 2:
Do something out of the box today, sing, dance, make artwork, help somebody. As long as that
activity makes you light and happy.
Evaluation 3:
What out-of-the-box experience did you have today?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Congratulations on Finishing Day 12!
No Comments