Skip to main content

Chapter 13 - Hidden Religion

Iglesia, Katoliko, Kristyano, Muslim, Aetheist ka man o kung ano, lahat ng binanggit diyan ay binansagan
na Relihiyon at alam ng lahat ng tao. Pano kung merong relihiyon na parte ka pero hindi mo pa alam?
Ano ba ang mga pangunahing parte ng isang Relihiyon? Tignan nyo ito kung tama: Diyos na Sinasamba,
ministro, altar,doktrina, at simbahan, at mga tagasunod.
Sa aking panananaliksik ay natagpuan ko at sumabog utak ko. Hindi ako nagulat sa aking nakita pero
nanliwanag ang aking perspektibo. Isaalang-alang natin to:
Diyos - Desire
Doktrina - Consumerism
Ministro - Celebrity Endorser
Altar- Telebisyon/ Cellphone/ Computer

Simbahan - Mall

Ang mga inaasahan sayo ng lipunan sa pananamit, sa pamamahay may sasakyan ka man o wala, ay mga
konseptong kinakandado sayo upang hindi ka makakawala sa kwarto ng iyong sariling impyerno, kahit
bukas na bukas ang pinto.
Gusto mo ng bagong sapatos. Gusto mo ng pinakabagong telepono. Gusto mo ng mas maraming
sasakyan. Gusto mo ng mas malalaking mga bahay. Yan daw ang pagsukat ng tagumpay sa buhay. Walang
mali sa mga ito. Inuulit ko walang mali kung meron ka ng mga ito. Pero kung ang kapalit naman ay ang
peace of mind mo o pagkasira ng kaluluwa mo, tagumpay ka ba talaga sa buhay?
Kapag magulo pa rin ang buhay mo kahit nakukuha mo ang iyong gusto, makukulong sa tinatawag kong
“Matrix of False Desire”. Ito ay pagnanasa ng pagkatao mong hindi mo hinalukay kung ito ba talaga ang
gusto ng puso mo. Mabalutan ng ginto kahit bulok ang puso?
Sanay na tayo sa ating pagkatao. Lagi nating batbat, “Ito ako e! Ito na ako!”. Samantalang ang buong
araw mo puno ng stress, reklamo, minsan self-pity, minsan tinutulak mo na mga tao papalayo, may
pagkabalisa sa kinabukasan ka pa at depresyon dahil sa trauma ng kahapon. Ultimate combo! Sa
impyernong pamumuhay. Punong puno nga bank account mo pero ito ang araw araw mong pamumuhay?
Tatanggapin mo na ba na iyan ikaw dahil lang nasanay ka na iyan ikaw? Hindi mo man lang matanong
kung bakit ka ganyan at kung magagawan pa ng paraan na umayos buhay mo?

Nakakaawa na kasi. Maynila ang sukatan ng tagumpay sa buhay dito sa Pilipinas. Pero kung titignan mo,
sa ngalan ng pera, sobrang haba ng mga pila palagi. Sa mga bus ganun din. Ilang oras ang sinusunog ng
mga empleyado sa pagbyahe? Pagdating sa trabaho hindi naman lahat kasundo, katrabaho mo o boss mo.
Para matupad ang pangarap ng kumpanya? Nakaasa ang tagumpay natin sa buhay sa trabaho natin o sa
gobyerno. Hindi natin maisip ang ating sariling kakayahan at ang kapangyarihan ng inang kalikasan.
Hanga ako sa mga negosyante, lalo sa mga mabuti ang pakikitungo sa kanilang mga empleyado. Hindi
kailanman makakahanap ng Financial o Time Freedom sa pagiging empleyado.
Sa ngayon wala pang sistema na pangmasa ang nagbibigay ng kasaganahan. Kasi kakaunti pa lang ang
gumagawa. Ang sistema ng paghanap ng kasaganahan ay nasa lente ng pag-alaga lamang sa sarili o sa
pamilya. Nawala ang bayanihan. Meron nang mga lugar sa ibang dako ng mundo na hindi iniisip ng
komunidad ang pera ngunit naibibigay ang kanilang pangunahing mga pangagailangan.
Hindi ko maiwasang ikumpara ang pamumuhay ng simple ng mga Tribo laban sa pamumuhay ng isang
sibilyan. Wala naman sobrang pagnanasa sa Materyal ang mga Tribo, pero may pagkain sila, may bubong,
may tubig. Ang mga tribo karamihan lahat masiyahin, palangiti at buhay na buhay ang kaluluwa. Ang
mga sibilyan naman, lalo na ang masa ay maaring nagtitiis sa masisikip na espasyo, problemado sa utang,
problema sa kakainin at iinumin dahil wala namang libre sa siudad.
Hindi ko sinasabing mamundok o magtribo ang masa, tanungin lang natin ang sarili natin kung ang
sistema ng siudad ay nagpapaganda ba talaga ng mga buhay natin. Haggard na haggard ang karamihan sa
masa. Buti na lang ang Pilipino matiisin, palangiti, masiyahin. Kaso ayun nagpapa-alipin. Puro Tiis na
lang ba? Hanggang ang lente natin ay makasarili o hanggang pamilya lamang hindi tayo lahat
makakalaya. Tanging bayanihan ang sagot sa kalayaan nating lahat.
Bakit ako naniniwala na hindi ikaw ang forever haggard version mo? Dahil sa mga sanggol. Noong
pinanganak si Atlas, purong puro sya. Wala pang nagtuturo sakanya manakit, magmura, mastress at iba
pa. Kaya bantay ko ang paglaki nya at sino sinong nagtuturo sakanya.
Ang hassle lang sa ngayon, nag-gadgets si Atlas. Kaya gusto lagi ng bagong laruan. Sa aking pag-obserba
ay nakuha na rin siya ng tagong relihiyon. Dahil mahal natin ang bata, itinuturing natin na ang pagbili lagi
ng regalo sakanila ay kilos ng pag-ibig. Ang pagiging kuntento ay isang pangaral na dapat matutunan ng
mga bata para di matali sa tagong relihiyon, ngunit ang altar ng screen gadgets ang mismong
manghuhumaling sakanila sa Materyal. Baka iba naiisip sainyo, ang KJ mo naman AL, bakit ayaw mo
regaluhan anak mo ng mga laruan? Ibibigay ko lahat ng gusto ng anak ko. Ngunit alam ko sa kaibuturan
ng aking puso na may pinanggalingan lang ang kanyang gusto. Napakaraming bagay na pwedeng ibigay
sa bata na mas makakatulong pa sakanya.
May balanse ang lahat ng bagay. Meron naman talagang kulang at sobra. Isang perspektibo na pwede
nating tignan, bakit hindi natin pagsamahin ang nalalaman ng modernong tao sa nalalaman ng tribo? Sa
aking pangitain ay napakaganda ng resulta nito. Ang tribo ay hindi namroblema sa pagkain, pananamit,
tirahan dahil lahat kinukuha nila sa Inang Kalikasan. Ngunit sa ating pananaw tila walang dignidad ang
mga tribo dahil hindi kagandahan ang tirahan sa ating mga mata, at kanilang pananamit. Pano kung ang
ating mga arkitekto at mga designer ay kumuha ng inspirasyon sakanila sa nais na bigyan rin sila ng
modernong dignidad? Magandang bahay ngunit hindi nakakasira sa kalikasan. Magandang pananamit.
Masasarap na lutong pagkain. Modernong paraan ng kuryente at tubig na hindi nakakasira sa kalikasan.
Posible ang mga ito sa aking pagsasaliksik, dahil sa permaculture, free energy at ubuntu small town
concept. Siguro hindi pa kayo pamilyar sa ibang mga konsepto na iyan pero posible lahat yan sa
bayanihan. Pag-uusapan natin yan sa librong ito.

Pagnilayan natin ang nangyari sa ating pangunahing mga pangangailangan kung bakit tila ang hirap
makamit? Ano bang ginawa ng Cabal o ng sistema para malayo sa ating mga kamay ang binibigay ng
libre ng inang kalikasan?
Unahin natin ang pagkain. Dati ang pagkain ay "labor of love". Nagtatanim ang pamilya ang komunidad
para makakain ng masarap, masustansya at tama ang lahat. Ngayon ano na? Ito ay ginawang kalakal. May
katumbas na na salapi. Ang halaman, ang buto na itatanim ay libre galing sa kalikasan. Dahil sa
kasakiman ay itinali ang pagkain sa kalakal at nangagailangan na ang simpleng tao ng pera. Ang manok,
baboy, baka ay galing din sa inang kalikasan, ganun din ang nangyari. Ang malalaking kumpanya ngayon
noong ginawa nang kalakal ang hayop, hindi na naging maganda at trato at pagpapalaki sa mga ito. Pati
ang mga binhi ay namanipula upang sakanila ka ulit bili ng bili.
Lahat ng ito ay sa merkado o sa mga mall napupunta. Ngayon ang masa ay umaasa sa mga tindahang ito
para lang makakain. Nawala na ang labor of love sa pag pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Tila minaliit
kasi ng lipunan at mga otoridad ang pagsaka at pag-alaga ng hayop. Lumalayo ang kabataan ngayon sa
pagsasaka, at matatanda na lang ang natitirang interesado.
Pano kung bumalik tayo sa agrikultura bilang pamumuhay ng masa? Ikumpara natin. Magbigay ka ng 160
hrs minimum sa isang buwan upang makuha ang iyong sweldo. Pangbabayad mo ng kuryente, tubig,
pagkain, pamasahe, renta, utang, pagnasa sa materyal. Pano kung ilang oras ang ilaan ng pamilya mo sa
pagtatanim at pag-aalaga ng hayop? Hindi ba may kakainin na ang pamilya mo? At may pangbenta rin sa
komunidad? Sabihin na nating wala kang sahod sa pagtanim, pero hindi ka naman magugutom. Pwedeng
kumuha ng binhi kay inang kalikasan.
Ang tanong ng tao wala naman akong lupang matataniman at kapag tumigil ako sa trabaho ay mawawalan
ng pangbayad sa ibang pangagailangan. Itatalakay natin sa susunod na kabanata kung bakit bawat isang
tao ay may karapatan sa lupa ng Maharlika. Itatalakay natin kung pano maitatawid ang makalaya ka sa
iyong pinansyal na pangagailan. Posible lamang ito kung tanggalin natin ang ating mga piring at
magbayanihan.
Pag-usapan natin ang pananamit. Dati ang pananamit ay makabuluhan at hindi ka sobrang pagnanasa
lamang na gayahin ang mga celebrity endorser. Sa lipunang laging pinapaba pagpapahalaga sa sarili,
naka-asa ang tao sa panlabas na kasuotan, kolerete sa mukha, at alahas. Uulitin ko walang mali sa mga
ito, ngunit kung matatali ka sa utang at sa parusang trabaho, hindi ba't itinali mo na rin ang sarili mo sa
tagong relihiyon ng konsumerismo?
Pati ang pagsasapatos. Pansinin mo ang pakiramdam ng naka-paa sa kalikasan at nakasapatos. Ibang iba.
Nawawala ang stress at pagod kapag nakakonekta ka sa lupa. Ang tawag ngayon dito ay "earthing" o
"grounding". Napakalaki ng benepisyo nito!
Ang inang kalikasan ay puno ng malinis na enerhiya. Ang tao naman dahil sa stress ay bumababa. Kapag
nagyayapak tayo, tila hinihigop ng inang kalikasan ang ating stress. Bakit ang lipunan ay mababa ang
tingin sa naka-paa? Masamang balita pero nagbibigay ng sakit ang ating mga sapatos.
Tignan ang larawan sa itaas bakit meron silang sapatos na kaya pa rin kumonekta sa lupa? Posible naman
di ba? Ang pagyapak sa lupa ay ikokonekta ang ang magnetic field mo sa magnetic field ng mundo o ng
inang kalikasan. Dahil sa stress, radiation, bumababa ang ating magnetic field at doon tayo nagkakaroon
ng sakit. Ang magnetic field ng inang kalikasan ay magsisilbing kalasag mo sa manapanakit na mabibigat
na enerhiya.

Kaya nakakatuwa ngayon, kasama ko sa pagyapak ang kapatid ko na si Datu Mangpanimbang
Magbaruganan o kilala sa Patriot movement na si Dan Parungao, at si Kali Bae Panagbanga kilala bilang
Alexis Felizarta. Nakayapak kami kahit sa kalsada o sa loob ng gusali. Kultura natin ang pagyapak, at
walang gusali ang may karapatan mangdiskrimina. Kahit erpats ko minsan gagala kami ng nakapaa lang.
Kalayaan!
Pag-usapan natin ang tubig at kuryente. Isa sa mga pinakamahirap makuha ng libre sa ating lipunan.
Lingid sa kaalaman ng karamihan na merong mga teknolohiya noong unang panahon na mas maganda pa
sa ngayon, ang free at wireless energy. Dahil sa malinis na pagkuha nito walang polusyon sa hangin at sa
tubig. Libre rin dati ang malinis na tubig. Bakit ngayon nakaasa tayo sa nakaplastik na garapon ng tubig?
Na kapag nainitan ay lulusawan ang microplastics sa garapo, at malalason ang tubig.
Hanggang nakasalalay tayo sa sistemang pinakialaman nila, hindi tayo lalaya.
Hangga't hindi tayo tumingin sa sarili nating kakayahan sa tulong ng bayanihan at inang kalikasan ay
hindi magiging moderno at matiwasay ang ating pamumuhay. Ano nga pa bang pwede nating
panghawakan upang tumindig sa sistema ng Babylon? Sa sistema ng pera o fiat system? Inuna nating
ayusing ang espiritwal na aspeto ng ating buhay, ngunit ano ang materyal nating pwedeng panghawakan
upang makalaya kay Babylon? Abangan sa susunod sa mga susunod kabanta. Mainam sigurong
pag-usapan muna natin ang kasaysayan ng pera.

21- DAY CHALLENGE DAY 13

TASK 1: 21-minutes Meditation/ Planning
Evaluation 1:
How are my 7 aspects of life?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

Evaluation 2:
How is my 21 minute meditation?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
TASK 2:
What are your deepest pains and traumas?
1. What is your trauma regarding stability and safety?
2. What is your trauma regarding sexuality?
3. What is your trauma regarding self-esteem?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________

Congratulations on Finishing Day 13!