KABANATA XII : PAGSASANIB NG TANGGAPAN PARA SA TAGAHILAGANG KATUTUBONG PAMAYANAN (ONCC) AT TANGGAPAN PARA SA TAG TIMOG NA KATUTUBONG PAMAYANAN (OSCC)
Seksyon 74. Pagsasanib ng ONCC at OSCC. Ang
Tanggapan para sa TagaHilagang Katutubong
Pamayanan (ONCC) at Tanggapan para sa TagaTimog
na Katutubong Pamayanan (OSCC), na nilikha sa ilalim
ng Pampangasiwaang Utos bilang 122B at 122C, ayon
sa pagkakabanggit, ay pinagsasanib bilang mga
tanggapang organiko ng PKKP/NCIP at magpapatuloy
na gagampanan sa ilalim ng pinasigla at pinalakas na
katayuan upang makamtan ang mga layunin ng
PKKP/NCIP: Sa kondisyon, Na ang mga posisyon ng
Puno ng mga Kawani, Mga Patnugot sa Kawanihan, Kinatawan ng Punong Tagapagpaganap maliban sa
posisyon ng Panrehiyong Tagapagpaganap at mas
mababa pa ditto, ay inaalis na mula sa pagkakabisa ng
Batas na ito: Sa kondisyon pa, na ang mga opisyal at
kawani ng mga inalis na mga tanggapan na may
kakayahan ay maaaring humiling para muling italaga sa
PKKP/NCIP at maaaring bigyan ng pangunang
karapatan sa pagbubuo ng mga bagong gawang
posisyon, nang naaayon sa mga katangiang itatalaga ng
Komite sa Pagtatakda (Placement Committee): Sa
karagdagang kondisyon, Na sa pangyayari kung saan
ang isang katutubo at isang dikatutubo na may
magkatulad na katangian ang magprisinta sa parehong
posisyon, ang unang pagkakataon ay ibibigay sa una. Ang mga tanggapan at kawani na aalisin bunga ng
pagsasanib ng mga tanggapang ito ay bibigyan ng
karapatan sa pabuya sa halagang katumbas ng isa at
kalahating (1 1/2) buwang sahod sa bawat taon ng tuloy-
tuloy na nakalulugod na paglilingkod o ang katumbas sa
pinakamalapit na hatingbilang nito na may bentahe sa
kanila batay sa pinakamataas na sahod na natanggap.
Kung sila ay may karapatan ng tumanggap ng mga
kabayaran sa pamamahinga at pagalis, sila ay may
laying mamili alinman sa mga benepisyo sa
pagpapahinga sa trabaho o kabayarang ibinibigay sa mga
umalis na kawani katulad ng nakasaad ditto. Ang mga
pinuno at kawani na maaaring maibalik sa dating
tungkulin ay magbabalik ng natanggap na benepisyo
sa pagpapahinga sa trabaho o kabayarang ibinigay sa
umalis na kawani. Sa huling kondisyon, na ang mga
tinanggap na kawani ay kailanganag makapasa sa
katangian at pamantayang itinatalaga sa Serbisyong
Sibil ng Komite sa Pagtakda na binuo ditto.
Seksyon 75. Panahon sa Paglilipat. Ang ONCC at
OSCC ay binibigyan ng anim (6) na buwan mula sa
pagkakabisa ng Batas na ito upang tapusin ang
kanilang mga Gawain at gumawa ang awdit sa mga
pera nito.
Seksyon 76. Pagsasaling nga mga pagmamayari at
Kagamitan. Lahat ng mga tunay at personal na
pagmamayari, o ariarian ng pinagsanib na mga
tanggapang binaggit ay isasalin sa PKKP/NCIP na
hindi na kinakailangan ng pagsasabi, pagsasalin at
paglilipat ng titulo at gagawin sa parehong dahilan
katulad ng pagtatago sa mga iyon sa dating tanggapan. Sa kondisyon, Na lahat ng mga kontrata, talaan at
dokumentong may kaugnayan sa pagpapalakad ng
mga pinagsanib na mga tanggapan ay isasalin sa
PKKP/NCIP. Lahat ng mga kasunduan at kontratang
papasukin ng pinagsanib na tanggapan ay
mananatiling may lakas at bias maliban kung tinatapos
na, binago o sinusugan ng PKKP/NCIP.
Seksyon 77. Komite sa Pagtatakda ng Kawani. Ayon sa mga tuntunin ng muling pagbabalangkas ng
pamahalaan, isang Komite sa Pagtatakda ng Kawani
ang bubuuin ng PKKP/NCIP, sa pakikipagugnayan sa
Komisyon sa Paglilingkod Sibil, na tutulong sa
makatarungang pagpili at paglalagay ng mga tauhan
upang ang pinakamahusay at pinakakarapatdapat na
mga tao ang maitatalaga sa muling binagong ahensya. Ang Komite sa Pagtatakda ng Kawani ay bubuuin ng
pitong (7) Komisyonado at isang katutubong
kinatawan mula sa una at pangalawang bahagdan ng
samahan ng mga kawani sa OSCC at ONCC, mga
samahang dipampamahalaan na nakapaglingkod sa
pamayanan ng hindi bababa sa limang (5) taon at mga
samahang pantao na nabubuhay ng hindi bababa sa
limang (5) taon. Sila ay gagabayan ng pmantayan ng
pagpapanatili at pagtatalaga na gagawin ng lupong
sanggunian (consultative body) at ng kaukulang
tadhana ng batas sa paglilingkod sibil.
No Comments