Skip to main content

KABANATA II : KAHULUGAN NG MGA SALITA

Seksyon 3. Kahulugan ng mga salita. Sangayon sa
layunin ng Batas na ito, ang mga sumusunod na salita
ay mangangahulugan ng:
a. Lupaing Ninuno maliban sa pasubaling
nakasaad sa Seksyon 56 ng Batas na ito, ay
tumutukoy sa lahat ng mga pook na sa
kalahatan ay pagmamay­ari ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na bibubuo ng mga kalupaan, mga
katubigan sa ilaya, baybaying dagat, at mga
likas yaman dito, na pagmamay­ari, inangking
pagaari, sinaklaw, ginagamit o pinaninirahan
ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, nila mismo
o sa pamamagitan ng kanilang mga ninuno, maging ito’y kumunal/pangmadla o panarili, mula pa sa panahong hanggang abot ng alaala
(time immemorial), patuloy hanggang sa
kasalukuyan maliban kung ito’y nagambala ng
digmaan, sapilitang paglikas dahil sa dahas,
panlinlang o pagnanakaw o bunga ng mga
proyekto ng pamahalaan o iba pang sariling­ kusang kasunduang sinagayunan ng
pamahalaan at mga pribadong
indibidwal/korporasyon, na kinakailangan
upang matiyak ang kanilang kagalingang
pangkabuhayan, panlipunan at
pangkalinangan. Isasama dito ang mga
lupaing ninuno, kagubatan, pastuhan, lupang
residensyal, pansakahan at iba pang mga
pansariling lupa anu man ang kasalukuyang
kaurian nito, mga lugar na pinangangasuhan,
libingan, lugar na sagrado o pinagsasambahan, mga katubigan, mineral at iba pang mga likas­
yaman, at mga lupang maaaring hindi na
tanging ang mga katutubong Pamayanang
cultural/Katutubong pamayanan lamang ang
naninirahan subalit kinaugaliang kanilang
nagagamit para sa kanilang kabuhayan at mga
nakaugaliang Gawain, particular ditto ang
kahabaan ng hanay na pinaninirahan ng mga
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na nananatiling lagalag (nomad)

at/o mga nagpapalipat­lipat na mambubungkal
(shifting cultivators);
b. Lupang Ninuno maliban sa pasubaling
nakasaad sa Seksyon 56 ng batas na ito, ang
lupang ninuno ay tumutukoy sa lupang ariarian, sinaklaw, inari at ginagamit ng indibidwal, pamilya o angkan ng mga kasapi ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong pamayanan
mula pa sa panahong hanggang abot ng alaala, sa pamamgitan ng kanilang mga sarili o kanilang
ninuno, sa ilalim ng pagaangking pansarili o

tradisyunal na pagmamay­ari ng grupo, tuloy-
tuloy hanggang sa kasalukuyan maliban kung

nagambala ng digmaan, sapilitang paglikas dahil
sa dahas, panlilinlang o pagnanakaw, o bilang
bunga ng proyekto ng pamahalaan at iba pang
sariling­kusang kasunduang sinangayunan ng
pamahalaan at pribadong
indibidwal/korporasyon, kabilang subalit hindi
limitado sa, mga lupang residensyal, hagdan­ hagdang palayan (rice terraces) o palayan, mga
pribadong gubat, kaingin at lupang natatamnan
ng mga punongkahoy;
k. Katibayan ng Pagkilala sa Lupang Ninuno
(CALT) tumutukoy sa titutlo na pormal na
kumikilala sa mga karapatan ng pagmamay­ari
ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa kanilang
lupaing ninuno na tinukoy at nasukat nang
naaayon sa batas na ito;
d. Katibayan ng Pagkilala Sa Lupang Ninuno
(CALT) tumutukoy sa titulo na pormal na
kumikilala sa mga karapatan sa pagmamay­ari
ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa kanilang
lupang ninuno;
e. Pag­aangking Kumunal tumutukoy sa mga pag­ aangkin sa lupa, at likas yaman o sa mga
karapatan dito, na pagmamay­aring pangmadla o
pagmamay­ari ng buong pamayanan/tribu sa
loob ng isang tukoy na teritoryo o lugar;
g. Mga Kinaugaliang Batas/Katutubong Batas
tumutukoy sa lupon ng mga nakatala at/o di­
nakalatang mga alituntunin, kasanayan, kaugalian

na tradisyunal at patuloy na kinikilala,
tinatanggap at sinusunod ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan;
h. Malaya Nauna at Malinang na
Kapahintulutan (Free andPprior Informed
Consent) Sangayon sa pagkakagamit sa batas
na ito, ay mangangahulugan ng
pagkakasundo­ sundo ng lahat ng kasapi ng
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na titiyakin sang­ayon sa kanilang
mga kinaugaliang/katutubong batas at
kagawian, malaya sa anumang panlalang mula
sa taga­labas, panghihimasok at pamimilit, at
natamo at matapos ipagbigay alam at
ipaliwanag nang lubos ang lahat ng kabatiran
ukol sa, layunin at lawak ng Gawain, sa wika
at pamamaraang nauunawaan ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan;
i. Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan tumutukoy
sa isang pangkat ng mga tao o magkakauring
mga lipunan na nakikilala sa sariling
pagpapatunay o pagpapatunay ng iba, na
tuloy­tuloy na namuhay bilang organisadong
pamayanan sa isang tukoy at kumunal na
teritoryo, na mula pa sa panahong hanggang sa
abot ng ala­ala ay magmamay­ari, o
umaangkin, namumuhay at naninirahan sa
naturang mga teritoryo, nabubuklod nga
sariling wika, mga kaugalian, salindunong/tradisyon at iba pang mga
natatanging katangiang pangkalinangan, o
mga pamayanang dahil sa pagtutol sa
pampulitika, panlipunan at pangkalinangang
panghihimasok at pananakop ng mga dayuhan
ay makasaysayang nagging bukod o iba sa
nakararaming Pilipino. Kabilang sa mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay yaong mga tao na itinuturing na
katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga
ninuno na nanirahan sa bansa nang una pa sa
panahon ng paglupig o pananakop o sa
panahon ng pagtatatag ng hindi katutubong
mga relihiyon at kultura o nang una pa sa
panahon ng pagtatatag ng mga kasalukuyang
mga hangganan ng estado, na nakapagpanatili
ng ilan o lahat ng kanilang sariling
panlipunan, pangkabuhayan, pangkultura at

pampulitikang mga linangan/institusyon, na
maaaring napaalis na sa kanilang mga
tradisyunal na lupain o kaya’y namumuhay na sa
labas ng kanilang lupaing ninuno.
l. Katutubong Balangkas Pampulitika tumutukoy
sa mga pamamaraan o balangkas ng pang­ organisasyon at pangkulturang pamumuno, mga
linangan/institusyon, pagkakaugnay, huwaran at
kaparaanan para sa pagbubuo ng mga pasiya at
paglahok, na kinikilala ng mga Katutunong
pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
tulad ng, ngunit hindi limitado sa, Kapulungan
ng mga Nakatatanda, Kapulungan ng mga
Timuay, Nangangalaga ng Bodong, o anumang
iba pang hukuman o lupong may katulad na
katangian sa mga nabanggit sa unahan;
m. Pag­aangking Pansarili tumutukoy sa mga pag­ aangkin sa lupa at mga karapatan ditto na
marapat para sa mga indibidwal, pamilya at
angkan, kasama, ngunit hindi limitado sa, mga
lupang residensyal, hagdan­hagdang palayan at
mga palayan at lupang natatamnan ng mga
punongkahoy;

n. Pambansang Komisyon ng Katutubong
Pamayanan tumutukoy sa tanggapang binuo sa
ilalim ng batas na ito, na mapapasailalim ng
Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, na siyang
pangunahing tanggapan na pampamahalaan na
may pananagutan sa mga pagbubuo at
pagsasagawa ng mga patakaran, plano at
programa upang kilalanin, pangalagaan at
itaguyod ang mga karapatan ng Katutubong
pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan;
o. Karapatan sa Lupaing Ninuno (Native Title)
tumutukoy sa mga karapatan ng mga
Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan sa lupa at lupain ninuno na may bias
at kinkilala nang una pa sa panahon ng
pananakop, at nakabatay sa katuwiran na, mula
pa sa panahong hanggang abot ng alaala, ay
pribadong pagmamay­ari na o inaangkin na
pribadong ariarian ng Katutubong pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan, kung kaya’t
ang mga lupaing ito ay hindi kailanman nagging
lupang publiko at sa gayon, hindi
mapapasubalian na pribadong pag­aari nga ito

ng mga Katutubong Pamayanan/Katutubo
bago pa man ang pananakop ng mga Kastila;
p. Mga Samahang Di­Pampamahalaan (NGO)
tumutukoy sa mga samahang pribado na may
layuning di­napagkakakitaan at kusang­loob
na binuo upang makapagbigay ng ibat­ibang
mga paglilingkod sa mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan, may matibay na kasaysayan/record ng
mabisang paglilingkod at katanggap­tanggap
sa pamayanang pinaglililngkuran nito;
q. Samahan ng mga Tao (PO) tumutukoy sa
mga samahang pribado at may layuning di­ pinagkakakitaan na kusang loob na binubuo
ng mga katutubo, at sa kanilang sariling pasiya
ay maaaring maging kinatawan ng mga
katutubo sa mga usapin na may kinalaman sa
pamayanan.
r. Karapatan sa Salindunong/Tradisyunal at
Likas­Kayang Paggamit ng Likas­Yaman
tumutukoy sa mga karapatan ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
sa tuloy­tuloy at mapangalagang paggamit,
pamamahala, at pangangalaga sa a) mga
kalupaan, hangin, mga katubigan at mga
mineral; b) mga halaman,hayop at iba pang
organismo; k) mga lugar pangisdaan at
pangasuhan; d) mga sagradong lugar; at e) iba
pang lugar na may halagang pangkabuhayan, pangritwal at pangsining sang­ayon sa
kanilang katutubong kaalaman, paniniwala, sistema at kasanayan; at
s. Panahong Hanggang Abot na Alaala
tumutukoy sa isang takdang panahong
hanggang kayang abutin ng alaala o
natatandaan, ay may tanging katutubong
pamayanang cultural/Katutubong pamayanan
na nagmamay­ari, sumaklaw, umaangking
bilang may­ari; at gumagamit ng isang tiyak
na kalupaan na isinalin sa kanila, sa
pamamagitan ng katutubong batas o minana sa
kanilang mga ninuno, nang naaayon sa
kanilang mga kaugalian at pinagkakaugalian at
salindunong/tradisyon.