KABANATA VIII : PAGTUKOY, PAGSUSUKAT AT PAGKILALA SA LUPAING NINUNO
Seksyon 51. Pagtukoy, Pagsusukat at Pagkilala ng
mga Lupaing Ninuno. Ang Sariling Pagtukoy at
Pasusukat (SelfDelineation) ang magiging gabay na
panuntutnan sa pagtukoy at pagsusukat ng mga lupaing
ninuno. Sa gayon, ang mga kinauukulang Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay may
tiyak na gampanin sa lahat ng mga gawaing kaugnay
nito. Ang sinumpaang Salaysay ng mga Nakakatanda
hinggil sa lawak ng mga kalupaan at mga kasunduang
ginawa/pinasok o mga tratado sa mga kalapit na
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, kung mayroon man, ay mahalaga sa
pagpapasya sa lawak ng pagmamayari ng mga
tradisyunal na kalupaan. Gagawin ng pamahalaan ang
mga kinakailangang hakbang upang matukoy ang mga
lupang tradisyunal na sinasakop ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/katutubong Pamayanan at titiyakin
ang mabisang pangangalaga sa kanilang mga karapatan
sa pagmamayari ng mga ito. Magsasagawa ng mga
hakbanging angkop sa kalagayan, upang tiyakin ang
karapatan ng mga kaukulang katutubong pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan sa lupang maaaring
hindi na sila lamang ang naninirahan, subalit kanilang
nakaugaliang gamitin para sa kanilang ikinabubuhay at
nakaugaliang mga Gawain, lalo na ang mga Katutubong
pamayanang Kultural/katutubong pamayanan na
gumagala pa rin hanggang sa kasalukuyan at/o mga
palipat lipat na magbubungkal.
Seksyon 52. Mag Pamamaraan sa Pagtukoy at
Pagsusukat. Ang pagtutukoy at pagsusukat ng mga
lupaing ninuno ay gagawin ng naaayon sa mga
sumusunod na pamamaraan:
a. Mga Lupaing Ninuno na Natukoy/Nasukat
Bago pa ang Batas na ito. Ang mga
itinatadhana sa ilalim nito ay hindi sasaklaw sa
mga lupa/lupaing ninuno na natukoy/nasukat
na sa pamamagitan ng Pangasiwaang kautusan
Bilang 2, Serye ng 1993 ng Kagawaran sa
Kalikasan at Likas Yaman (DENRDAO93
02), o maging sa mga lupa/lupaing ninuno na
natukoy/nasukat sa ilalim ng ibang programa
ng pamayanan sa lupaing ninuno bago pa
magkabisa ang Batas na ito. Ang mga
katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanang nagmamayari ng mga
lupa/lupaing ninuno na natukoy/nasukat na
bago pa magkabisa ang batas na ito ay may
karapatang humiling ng katibayan ng
Pagkilala sa Lupaing ninuo sa lugar kahit
hindi sumailalim sa pamamaraang binabanggit
ditto;
b. Kahilingan Sa Pagtukoy/Pagsusukat. Ang
pamamaraan sa pagtukoy/pagsukat sa isang
tiyak na paligid ay maaaring simulan ng
PKKP/NCIP sa pahintulot ng kinauukulang
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, o sa pamamagitan ng kahilingan
sa pagtukoy/pagsukat na inihain sa
PKKP/NCIP ng nakararaming kasapi ng
Katutubong Pamayanang Kultural/katutubong
Pamayanan;
k. Pormal na Pagtukoy/Pagsukat. Ang pormal
na pagtukoy/pagsukat ng mga hangganan ng
lupaing ninuno, kabilang na ang sensus ng
lahat ng kasapi ng pamayanang naroroon, ay
kagyat na gagawin ng Tanggapan para sa
Lupaing Ninuno sa oras na hilingin ng mga
kaukulang Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan. Ang
pagtukoy/pagsukat ay gagawin sangayon sa
pakikipagugnayan sa kinauukulang
pamayanan at sa lahat ng panahon ay
isasaalangalang ang tunay na pakikisangkot at
paglahok ng mga kasapi ng kinauukulang
pamayanan;
c. Kinakailangang Katunayan. Ibibilang sa mga
katunayan ng Pagaangkin sa Lupaing Ninuno
ang Sinumpaang Salaysay ng mga nakatatanda o
pamayanan, at isa (1) sa mga iba pang mga
kasulatan na tuwiran o ditiwirang nagpapatunay
sa pagmamayari o pagsaklaw sa konsepto ng
nagmamayari, sa mga lugar na mula sa panahon
hanggang abot ng alaala ay pagaari, ariarian o
inaangking ariarian ng katutubong pamayanan o
katutubo sa konsepto ng pagmamayari, na
alinman sa mga sumusunod na tunay na
kasulatan:
1. Nasusulat na salaysay ng mga kaugalian
at pinagkaugalian ng mga Katutubong
pamayanang Kultural/katutubong
pamayanan;
2. Nasusulat na salaysay ng mga balangkas
pampulitika at linangan/institusyon ng
mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan;
3. Mga larawan na nagpapakita ng
mahabang panahon ng pagsklaw tulad
ng mga lumang pagpapaunlad, libingan
ng mga yumao, sagradong lugar at mga
lumang pamayanan.
4. Pangkasaysayang paglalahad, kabilang
ang mga pagkakaisa at kasunduan
hinggil sa mga hangganan, na
pinagkasunduan ng mga kaukulang
Katutubong pamayanang
cultural/Katutubong pamayanan at iba
pang katutubong pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan;
5. Plano ng pagsusukat at mga guhit ng
mapa;
6. Mga palatauhang datos (anthropological
data);
7. Mga talaan ng karuktungan ng
kapanganakan;
8. Mga larawan at naglalarawang
kasaysayan ng mga nakaugaliang
komunal na mga gubat at lugar
pangasuhan;
9. Mga larawan na naglalarawang
kasaysayan ng nakaugaliang
palatandaan katulad ng mga bundok,
ilog, sapa, burol, hagdanhagdang
palayan at iba pang katulad; at
10. Nakasulat na mga pangalan at lugar na
hango sa mga katutubong wika ng
pamayanan;
e. Paghahanda ng mga Mapa. Batay sa mga
pagsisiyasat at natuklasang katotohanang batay
dito, ang Tanggapan para sa Lupaing Ninuno
ng PKKP/NCIP ay maghahanda ng isang mapa
ng sukat na buong paligid, buo at may teknikal
na paglalarawan, at isang paglalarawan sa mga
likas na katangian at mga palatandaang naroon;
g. Ulat ng Pagsisiyasat at Iba pang mga
Kasulatan. Isang kumpletong sipi na naunang
sensus at isang ulat sa pagsisyasat ang gagawin
ng Tanggapan sa Lupaing ninuno ng
PKKP/NCIP;
h. Patalastas at Paglalathala. Isang sipi ng bawat
kasulatan, kasama ang sipi na nakasalin sa
wikang katutubo ng kaukulang Katutubong
pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
ng mga ito, ang ididikit sa isang lantad na lugar
nang hindi bababa sa labinlimang (15) araw. Ang kopya ng kasulatan ay ipapaskel din sa
lokal, panlalawigan at panrehiyong tanggapan
ng PKKP/NCIP, at ipapalathala sa isang
pahagang may malaganap na sirkulasyon minsan
isang lingo sa loob ng dalawang (2) magkasunod
na linggo upang mabigyan ng pagkakataon ang
iba pang may pagaangkin sa mga saklaw na
kalupaan na maghain ng pagtutol ditto sa loob
ng labinlimang (15) araw matapos ang araw ng
paglalathala: Datapwa’t sa mga lugar na walang
pahayagan, ang pagbabalita sa istasyon ng radio
ay isang matuwid na kapalit: Datapwa’t, kahit
ang pagdidikit lamang ay itinuturing nang sapat
kung ang parehong pahayagan at istasyon ng
radio ay hindi magagamit;
i. Paglilipat sa PKKP/NCIP. Sa loob ng
labinlimang araw (15) mula sa araw ng
paglalathaha na kasaad sa itaas, at ng mga
pamamaraan sa pagsisyasat, ang tanggapan para
sa Lupaing Ninuno ay maghahanda ng isang ulat
sa PKKP/NCIP na sinasangayunan nang buong
puso ang pagaangkin na ipinapalagay na may
sapat na katunayan. Subalit, kung ang katibayan
ay ipinapalagay na hindi sapat, ay hihingi ng
karagdagang katibayan ang Tanggapan para sa
Lupaing Ninuno: Sa kondisyon, na nag
Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ay hindi
tatanggap ng anumang pagaangkin na
ipinapalagay na mali o may daya matapos ang
pagsusuri at pagsisiyasat: Sa karagdagang
kondisyon, na sa kalagayan ng hindi pagtanggap,
bibigyan ng Tanggapan para sa Lupaing Ninuno
ang umaangkin ng naaayong pansin, at sipi ng
lahat ng kinauukulan, na nagsasaad ng
kadahilanan sa hindi pagtanggap. Ang di
pagtanggap ay maaaring habulin sa
PKKP/NCIP. Sa kondisyon, bukod pa roon, na
sa kalagayan na kung saan ang may
magkatunggaling pagaangkin sa hanay ng mga
Katutubong Pamayananng Kultural/Katutubong
Pamayanan hinggil sa mga hangganan ng
inaangking lupaing ninuno, paghaharapin ng
Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ang
nagtatalong mga panig at tutulungan silang
magkaroon ng panimulang pagsasaayos ng
hidwaan na walang kinikilingan sa ganap na
matalinong paghuhusgang nakasaad sa seksyon
sa ibaba
l. Pagsasauli sa Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong pamayanan ng mga
Lugar sa Loob ng Lupaing Ninuno na
Pinamamahalaan ng mga Ahensya ng
Pamahalaan. Ang Tagapangulo ng PKKP/NCIP
ay magpapatotoo na ng sakop ng lugar ay isang
lupaing ninuno. Ang mga Kalihim ng
Kagawaran ng Repormang Pansakahan, Kagawaran sa Kapaligiran at LikasYaman, Kagawaran sa Panloob at Panlokal na
Pamahalaan, at Kagawaran sa Katarungan, ang
Komisyoner ng Korporasyon sa Pambansang
Pagunlad, at iba pang ahensya ng pamahalaan
na aumaangkin sa pananakop sa mga lugar ay
bibigyan ng babala tungkol ditto. Ang nasabing
babala ay magbibigay wakes ng anumang legal
na batayan para sa pananakop na dating
angkin ng mga naturang ahensya sa naturang
mga lugar. m. Pagbibigay ng Katibayan ng pagkikilala sa
Lupaing Ninuno. Ang mga lupaing ninuno ng
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
pamayanan na pormal nang natukoy/nasukat
ng PKKP/NCIP ay gagawaran ng Katibayan
ng Pagkilala sa Lupaing Ninuno (CADT) sa
pangalan ng kaukulang pamayanan, na
naglalaman ng listahan ng lahat ng mga
natukoy sa sensus; at
n. Pagpapatala ng Katibayan ng Pagkilala sa
Lupaing Ninuno. Itatala ng PKKP/NCIP ang
mga naibigay na titulo sa lupaing ninuno
(CADT) at mga katibayan ng pagkilala sa mga
lupang ninuno sa Tanggapan ng Patalaan ng
mga Titulo/Ariarian ng lugar na kung saan
matatagpuan ang lupain.
Seksyon 53. Pagtukoy/Pagsukat at katibayan ng
Pagkilala sa mga Lupang Ninuno.
a. Ang pagbabahagi ng mga kalupaan sa loob ng
anumang lupaing ninuno at pagkakaloob ng
mga bahagi nito sa isang tao o katutubong
samahang nagaangkin ay ibibigay sa
kaukulang katutubong pamayanang
Kultural/katutubong pamayanan upang
pagpasyahan ng naaayon sa kaugalian at
pinagkaugalian.
b. Ang isang tao o mga samahan ng katutubong
nagaangkin ng lupang ninuno na wala sa loob
ng lupaing ninuno, ay maaaring pormal na
patunayan ang kanilang pagaangkin sa
pamamagitan ng pagpapatala ng kanilang mga
kahilingan sa pagtutukoy at pagsusukat sa
Tanggapan para sa Lupaing Ninuno. Ang
isang tao o kinikilalang pinuno ng pamilya o
angkan ay maaaring magpatala ng kanilang
kahilingan sa kaniyang pangalan o sa ngalan
ng kaniyang pamilya o angkan, ayon sa ayos
ng pagkakasunodsunod;
k. Ang talaan ng kahilingan (application form)
ay kailangang may kasamang mga patunay ng
nasabing pagaangkin na may kasamang
sinumpaang salaysay ng mga nakatatanda sa
pamayanan at iba pang mga dokumentong
tuwiran o dituwirang nagpapatunay sa
pagmamayari o paninirahan o paninirahan sa
mga lugar simula sa panahong hanggang abot ng
alaala ay pagmamayari o pagaangkin bilang
mayari ng isang tao o samahan ng mga tao ang
naturang mga lugar, na maaaring alin man sa
mga tunay na dokumentong inisaisa sa Sek. 52
(d) ng Batas na ito, kasama ang mga pahayag sa
buwis at patunay ng mga pagbabayad ng buwis;
d. Ang Tanggapanpara para sa Lupaing Ninuno ay
maaaring humingi mula sa bawat isang nag aangkin ng lupang ninuno na magbigay ng iba
pang mga dokumento, mga sinumpaang salaysay
at iba pang katulad, na sa palagay nito ay
maaaring makpagbigaylinaw sa katotohanan ng
mga nilalaman ng kahilingan/pagaangkin;
e. Pagkatanggap ng kahilingan para sa
pagtukoy/pagsukat at pagkilala ng pagaangkin
sa lupang ninuno, ilalathala ng Tanggapan para
sa Lupaing Ninuno ang kahilingan at isang sipi
ng bawat dokumentong ibinigay kasama ang sipi
ng nakasalin sa katutubong wika ng mga
kinauukulang Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa isang lantad
na lugar ng hindi bababa sa labinlimang (15)
araw. Ang sipi ng dokumento ay ipalalagay din
sa mga tanggapang panlokal, panlalawigan at
panrelihiyon ng PKKP/NCIP at ipalalathala sa
isang pahayagang may malawak na sirkulasyon
minsan isang lingo sa loob ng dalawang (2)
magkakasunod na lingo upang bigyan ng
pagkakataon ang ibang nagaangkin na
makapagbigay ng pagtutol. Sa kondisyon, Na sa
mga lugar na walang pahayagan, ang
pagbabalita sa istasyon ng radio ay sapat nang
kapalit. Sa karagdagang kondisyon, Na kahit
ang Pagdidikit lamang ay maituturing nang sapat
kung parehong pahayagan at istasyon ng radio
ay hindi magamit.
g. Labinlimang (15) araw mula sa araw ng
paglalathala, ang Tanggapan para sa Lupaing
Ninuno ay magsisyasat at magsusuri ng bawat
isang kahilingan, at kung makikitang karapat
dapat, ay maguutos ng pagsukat sa bahagi ng
lugar na inaangkin. Ang Tanggapan para sa
Lupaing Ninun ay tatangi sa anumang pag
aangkin na ipinapalagay nitong mali o may
daya matapos ang pagsisyasat at
pagpapatunay. Sa kalagayan ng di pagtanggap, ang Tanggapan para sa Lupaing
Ninuno ay magbibigay sa humihiling ng
kaukulang pabatid, na may sipi ang lahat ng
kinauukulan ng dokumento na naglalaman ng
mga dahilan sa pagtanggi. Ang di pagkakatanggap ay maaaring iapela sa
PKKP/NCIP. Sa kalagayan ng
magkatunggaling panig at tutulungan silang
magkaroon ng panimulang pagsasaayos sa
hidwaan, ng walang pagtatanggi upang ganap
itong maghukom nang naaayon sa itinatadhana
ng Seksyon 62 ng Batas na ito. Sa lahat ng
usaping/pandinig sa pagtukoy/pagsukat ng
mga lupaing ninuno na tinutukoy dito, ang
Patnugot ng mga Lupa (Director of the Lands
Management Bureau) ang kakatawan sa
kapakanan ng Republika ng Pilipinas;
h. Ang Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ay
maghahanda at magbibigay ng ulat sa bawat
isa at lahat ng mga kahilingan na natukoy at
nasukat sa PKKP/NCIP na kung sino naman
ang magtatamasa ng mga ulat na ibinigay. Kung nakita ng PKKP/NCIP na ng mga
kahilingan sa pagaangkin ay karapatdapat,
ito ay magbibigay ng isang Katibayang
Pagkilala sa Lupang Ninuno (CALT), na
nagpapahayag at nagpapatunay ng pag aangkin ng isang tao o korporasyon (pamilya o
angkan) sa mga lupaing ninuno.
Seksyon 54. Mga Mapanlinlang ng Pagaangkin. Ang Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ay maaari, sa
pamamagitan ng nakasulat na kahilingan mula sa mga
Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan, na balikaralan ang umiiral na mga pag aangkin na maaaring mapanlinlang na nakamit ng, at
ibinigay sa, sinumang tao o pamayanan at ito ay
maaaring ipawalangbisa ng PKKP/NCIP matapos ang
naaayong babala at pagdinig sa lahat ng panig na
nasasangkot.
Seksyon 55. Mga Karapatang Komunal. Sangayon
sa pasubaling nakasaad sa Sek. 56 ng Batas na ito, ang
mga lugar sa loob ng lupaing ninuno, natukoy/nasukat
man ito o hindi, ay ipinapalagay na pinamamalagiang
komunal o pampamayanan; Sa kondisyon, Na ang
karapatang komunal sa ilalim ng Batas na ito ay hindi
ipapakahulugan bilang Komunidad sa Mga Ariarian
(Coownership) na itinatadhana sa Batas ng Republika
Bilang 386, na kilala sa tawag na Bagong kodigo Sibil
ng Pilipinas.
Seksyon 56. Umiiral na mga Sistema/Rehimen sa
Pagmamayari at Ariarian. Ang mga karapatan sa
pagmamayari sa loob ng mga lupaing ninuno na umiiral
at/o kinikilala nab ago pa magkabisa ang Batas na ito ay
kikilalanin at igagalang.
Seksyon 57. Mga LikasYaman sa loob ng Lupaing
Ninuno. Ang mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay may natatanging
karapatan sa pagaani, pagkuha, pagpapaunlad o
paggamit ng anumang likasyaman sa loob ng mga
lupaing ninuno. Ang dikasapi ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay
maaaring payagan na makibahagi sa pagpapaunlad at
paggamit ng mga likasyaman sa loob ng panahong hindi
bababa sa dalawampu’t limang (25) taon: Sa kondisyon, na ang isang pormal at nakasulat na kasunduan ay
isasagawa ng kinauukulang Katutubong Pamayanan
Kultural/Katutubong Pamayanan o ng isang pamayanan, alinsunod sa sarili nitong kaparaanan sa pagpapasya, na
nagsasaad na sial ay sumasangayong pahintulutan ang
ganoong pagkilos. Sa kondisyong panghuli, na ang
PKKP/NCIP ay maaaring gamitin ang mga
kapangyarihan sa pagdalaw (visitorial powers) at
gumawa ng angkop na hakbang upang mapangalagaan
ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanan
Kulutral/Katutubong Pamayanan sa ilalim ng ganitong
mga kasunduan.
Seksyon 58. Mga Pagsasaalangalang sa
Kapaligiran. Ang mga lupaing ninuno o bahagi nito, na
mahalaga bilang maselan na tubighimpilan (watershed), mga bakawan (mangroves), mga kanlungan ng buhay-
ilang, kagubatan, pinangangalagaang lugar, kagubatan o
lugar para sa pagpapanumbalik ng kagubatan na natukoy
ng mga angkop na ahensya nang may ganap na
pakikilahok ng mga Katutubong Pamayanan
Kultural/Katutubong Pamayanan ay pananatilihin, pamamahalaan at pauunlarin nang may ganap at
mahusay na tulong ang mga ahensyang pampamahalaan. Kung pagpapasyahan ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan na isalin ang
pananagutan sa mga nasabing lugar, ang naturang pasya
ay dapat nakasulat. Ang pahintulot ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay dapat
ginawa ayon sa kanilang mga katutubong batas na
walang kapinsalaan sa mga batayang pangangailangan
ng umiiral na batas sa Malaya, nauuna at malinang na
paghintulot; Datapwa’t, ang pagsasalin ay
pansamantala lamang at sa katapusan ay mababalik sa
mga Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan ayon sa isang programa para sa pagsasalin
ng teknolohiya: Sa karagdagang kondisyon,Na walang
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ang maaalis o maililikas dahilan sa
layuning inisaisa sa ilalim ng seksyon na ito nang
walang nakasulat na pahintulot ang tiyak na taong
binigyan ng kapangyarihan na magbigay ng pahintulot.
Seksyon 59. Mga Itinatadhana Bago ang
Pagbibigay ng Katibayan. Lahat ng kagawaran ng
iba pang pampamahalaang ahensya simula ngayon ay
mahigpit na pinagbabawalang magbigay, mag ulit/magpanibago (renew) o magpahintulot ng
anumang konsesyon, lisensya o paupa, o pumasok sa
isang kasunduan sa pagbabahaginan sa produksyon, nang walang naunang katibayan mula sa PKKP/NCIP
na ang maaapektuhang lugar ay hindi sumasanib sa
alinmang lupaing ninuno. Ang nasabing katibayan ay
ibibigay lamang matapos ang isang aktwal na
pagsisyasat na isinagawa ng Tanggapan sa Lupaing
Ninuno sa kinauukulang lugar: Sa kondisyon, Na
walang katibayang ibibigay ang PKKP/NCIP nang
walang malaya at nauuna, malinang at nakasulat na
pahintulot ang kinauukulang Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan; Sa karagdagang
kondisyon, Na walang kagawaran, pampamahalaang
ahensya o samahan sa kalakal na pagmamayari o
pinamamahalaan ng pammahalaan ang maaaring
magbigay ng bagong konsesyon, pahintulot o
kasunduan sa pagbabahaginan sa produksyon habang
mayroong nakabinbing na kahilingan para sa
katibayan sa Pagmamayari sa Lupaing Ninuno: Sa
huling kondisyon, Na ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/katutubong Pamayanan ay may
karapatang pigilin o ipatigil, nang naaayon sa batas na
ito, ang anumang proyektong hindi nakasunod sa mga
kinakailangan sa pamamaraan ng pagsangguning ito.
Seksyon 60. Hindi Kasama sa Pagbubuwis. Lahat ng
lupang pinatitibayang lupaing ninuno ay hindi kasama
sa pagbabayad ng buwis na “real property”, natatanging pagbubuwis, at iba pang anyo ng
paniningil maliban sa mga bahaging lupaing ninuno na
sadyang ginagamit sa malawakang agrikultura, pang
komersyal na pagtatanim sa kagubatan at sa layuning
paninirahan o may titulo na nakapangalan sa
pribadong tao. Sa kondisyon, na lahat ng paniningil ay
gagamitin upang mapaayos ang pagpapaunlad ng mga
lupaing ninuno.
Seksyon 61. Pansamantalang kapangyarihan sa
Paghingi ng Tulong. Hangga’t hindi naitatag ang isang
institusyong may kakayanan sa pagsusukat ng lupain, at
mabisang makakaganap sa mga tungkuling nabanggit sa
itaas, ngunit kahit kalian ay hindi lalampas ng tatlong (3)
taon matapos ang pagsasabatas nito, ang PKKP/NCIP ay
bibigyan ng kapangyarihan na hilingin sa pangkat na
nagsasurbey ng Kagawaran sa Kalikasan at Likas
Yaman gayundin ang iba pang kasinghusay na mga
pangkat na nagsasurbey, sa pamamagitan ng isang
memorandum ng Kasunduan, na tukuyin/sukatin ang
mga paligid ng lupaing ninuno. Ang Kalihim ng
kagawaran sa Kalikasan at Likas Yaman ay magbibigay
ng hinihiling na kawani, sa loob ng isang (1) buwan
matapos matanggap ang kahilingan ng PKKP/NCIP: Sa
kondisyon, Na isasaad sa Memorandum ng Kasunduan, kasama ang iba pa, ang tadhana ng pagsasalin ng
kaalamang teknolohiya sa PKP/NCIP.
Seksyon 62. Pagaayos ng mga Hidwaan. Sa oras na o
kapag may magkasalungat na interes sa lupa, at kung
saan may magkalabang pagaangkin sa loob ng mga
lupaing ninuno na natukoy/nakasukat at nakamapa sa
isang “survey plan,” na hindi malutas, didinggin at
huhukuman ng PKKP/NCIP ang usapin o hidwaan
nagmumula sa pagtukoy at pagsukat ng lupaing ninuno, matapos ang karampatang pagbibigayalam sa
magkabilang panig, Sa kondisyon, Na kung ang hidwaan
ay sa pagitan at/ o sila mismong mga Katutubong
Pamayanang Kultura/Katutubong Pamayanan hinggil sa
tradisyunal na hangganan ng kanikanilang mga lupaing
ninuno, ang katutubong pamamaraan ang susundin. Ang
PKKP/NCIP ay magpapahayag ng kinakailangang mga
batas at alituntunin upang maipatupad ang kanyang
gampanin sa pagaayos ng hidwaan. Sa Karagdagang
kondisyon, Na anumang pasya, kautusan,gawad o hatol
ng PKKP/NCIP sa anumang hidwaan sa lupaing ninuo o
anumang bagay na may kaugnayan sa kahilingan, pagsasagawa, pagpapairal at pagpapakahulugan sa Batas
na ito ay maaring ihain bilang “Petition for Review” sa
Korte ng mga Apela ( Court of Appeals ) sa loob ng
labinglima (15) araw mula sa pagkatanggap ng sipi ng
gawad o hatol na nabanggit.
Seksyon 63. Nararapat ng mga Batas. Ang mga
kinaugaliang/katutubong batas, mga pinagkaugalian at
kinasanayan ng mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa mga lupa kung
saan ang hidwaan ay nagmula ay siya munang
gagamitin sa mga usapin ukol sa paggalang sa mga
karapatan sa ariarian, mga pagaangkin, pagmamay ari, mga pagkakasunodsunod na mana at pagsasaayos
ng mga hidwaan sa lupa. Anumang pagaalinlangan o
kalabuan sa pagpapairal at pagbibigaykahulugan sa
mga batas ay lulutasin sa kapakinabangan ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan.
Seksyon 64. Mga Hakbang Panlunas. Ang sapilitang
pagbawi (Expropriation) ay mapipilitang gamitin sa
paglutas ng mga tunggalian sa interes na sinusunod
ang panuntunang “kabutihan sa nakararami.” Ang
PKKP/NCIP ay gagawa ng nararapat na legal na
hakbang upang ipawalang bias ang mga titulong
opisyal na nakatala ngunit nakamit sa hindi legal na
paraan. Sa kondisyon, Na ang gayong pamamaraan ay
titiyak na ang mga karapatan ng matuwid na mayari
ay igagalang. Sa karagdagang kondisyon, Na ang mga
hakbang para sa pagpapawalangbisa ay gagawin sa
loob ng dalawang (2) taon mula sa pagkakabisa ng
Batas na ito. Sa katapusang kondisyon Na ang mga
hakbang sa pagsasauli (reconveyance) ay isasagawa sa
loob ng sampung (10) taon sangayon sa mga umiiral
na batas.
No Comments