Skip to main content

KABANATA III : MGA KARAPATAN SA LUPAING NINUNO

Seksyon 4. Konsepto ng Lupa/Lupaing Ninuno.
Kasama sa konsepto ng lupa/lupaing ninuno ay yaong
mga pagkakaunawa sa kalupaan na sumasaklaw hindi
lamang sa pisikal na kapaligiran, kundi ang kabuuang
kapaligiran kabilang ang pang­espiritwal at
pangkalinangang buklod ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong pamayanan sa mga
lugar na saklaw, inari at ginagamit nila bilang kanilang
ariarian at/o pag­aangkin.
Seksyon 5. Katutubong Konsepto sa Pagmamay­ari. Ang katutubong konsepto sa pagmamay­ari ay
tumutukoy sa pananaw na ang lupaing ninuno at lahat ng
mga yamang matatagpuan dito ay magsisilbing material
na batayan ng kanilang pangkalinangang kabuoan. Ang
katutubong pagkakaunawa sa pagmamay­ari sa kabuuan
ay nananangan na ang lupaing ninuno ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay pribado ngunit pagmamay­aring
komunal/pangmadla ng lahat ng salinlahi at kung gayon
ay hindi maaaring ipagbili, ipamigay o sirain. Kasama
rin ditto ang salindunong/tradisyunal at likas­kayang
karapatan sa likas­yaman.
Seksyon 6. Saklaw at Kabuuan ng Lupa/Lupaing
Ninuno. Ang lupa/lupaing ninuno ay binubuo ng lahat
ng pook na sa kabuuan ay pagmamay­ari ng mga
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan katulad ng tinutukoy sa ilalim ng sek. 3 (a)
at (b) ng batas na ito.
Seksyon 7. Mga Karapatan sa Lupaing Ninuno. Ang
mga karapatan sa pagmamay­ari at pamumusisyon ng
mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan sa kanilang mga lupaing ninuo ay kikilalanin
at ipagtatanggol. Kasama sa mga karapatang ito ay:
a. Karapatan sa Pagmamay­ari. Ang karapatan sa
pagmamay­ari ng mga kalupaan, mga katubigan
na tradisyunal at/o aktwal na pinananahanan ng
mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, mga
sagradong lugar, salindunong/tradisyunal na
mga lugar na pangasuhan at pangisdaan, at sa

lahat ng mga pagbabagong ginawa nila, anumang panahon, sa loob ng mga lupaing
ninuno;
b. Karapatang Paunlarin/Linangin ang Lupa at
Likas­Yaman. Maliban sa pasubaling
nakasaad sa Sek. 56 ng Batas na ito, ang
karapatang paunlarin, kapangyarihang
patnubayan at gamitin ang mga lupa at
teritoryong tradisyunal na tinitirahan, inaari o
ginagamit; karapatang pamahalaan at
pangalagaan ang mga likas yaman sa loob ng
mga teritoryo alinsunod sa pagtalima sa
pananagutan para sa mga susunod na salinlahi;
makinabang at makabahagi sa pakinabang
mula sa pagbabahagi at paggamit ng mga likas
yaman na matatagpuan ditto; ang karapatang
makipagkasundo at magtakda ng mga
kondisyon para sa paggalugad ng mga likas
yaman sa mga lugar upang matupad ang
layuning matiyak ang pangangalaga sa
ekolohiya at kapaligiran, alinsunod sa
kinaugaliang/katutubong batas at pambansang
batas; ang karapatan sa malinang at
matalinong pakikibahagi sa pagbubuo at
pagpapatupad ng mga programa, pribado man
o pampamahalaan, na makakaapekto sa mga
lupaing ninuno at tumanggap ng tama at sapat
na kabayaran sa anumang pinsalang
magagawa bilang resulta ng mga nabanggit na
programa; karapatan sa mga mabisang
hakbang/kilos ng pmamahalaan upang
mapigilan ang anumang balakid, pagwawalang­bahala at pagyurak sa mga
karapatang ito;
k. Karapatang Manatili sa mga Teritoryo. Ang
karapatan na manatili sa teritoryo at hindi
mapaalis o mailikas mula ditto. Wlang
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
pamayanan na maililikas nang wala silang
Malaya, nauuna at malinang ng pagsang­ayon, sa anu mang kadahilanan maliban sa
kapangyarihan ng Estado na kunin ang
pribadong ariarian para sa gamit pambayan sa
kaparaanan ng batas at may wastong
kabayaran (eminent domain). Kung ang
paglilipat o paglilikas ay pangangailangan
bilangtanging paraan (exceptional measure), ang paglilipat o paglilikas ay magaganap
lamang kung may Malaya nauuna at malinang

na pagsang­ayon ang kinauukulang katutubong
Pamayanan. Sa anumang minarapat na panahon, o sa anumang sandali na ang kadahilanan ng
paglikas ay mawala na, ay may karapatan ang
mga Katutubong Pamayananng
Kultural/Katutubong Pamayanan na bumalik sa
kanilang lupaing ninuno o mga lugar na
pansamantalang nilisan. Sakaling hindi na
posible ang pagbabalik sa mga nilisan na mga
lugar, at sangayon sa nararapat na kasunduan at
kaparaanan, ang Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay bibigyan ng
mga kapalit na lupain katumbas ng o may
kalidad at legal na katayuan tulad ng mga
lupaing sapilitang nilisan, angkop at
makakatugon sa kanilang kasalukuyang
pangangailangan at panghinaharap na kaunlaran. Ang mga taong sapilitang maililipat o maililikas
ay tatanggap ng wastong kabayaran para sa anu
mang kaugnay na kawalan o pinsala sanhi ng
sapilitang paglikas;
d. Karapatan Kung may Paglikas. Kung ang
sapilitang paglikas ay nagging bunga ng
malalaking sakuna, pagsisikapan ng Estado na
mailipat ng kinaroroonan ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan sa
naaangkop na mga lugar kung saan maaari
silang magkaroon ng pansamantalang
pansuportang pangkabuhayan; Datapwa’t ang
mga katutubong nailikas ay may karapatang
bumalik sa kanilang mga lugar kung ang
kaayusan at kaligtasan sa mga lupang iyon ay
bumalik na; At karagdagan pa, na kung ang
panunumbalik ng katiwasayan at kaligtasan sa
lupaing ninuno sa dating kalagayan ay hindi na
possible pa, ang mga nailikas na mga katutubo
ay magkakaroon ng seguridad sa paninirahan sa
mga lupang kanilang nilipatan: Sa
karagadagang kondisyon na, ang mga batayang
serbisyo at kabuhayan ay ibibigay sa kanila
upang matiyak na ang kanilang pangangailangan
ay maayos na natutugunan;
e. Karapatang Isaayos ang Pagpasok ng mga
Dayuhan o mga Makikipanirahan. Karapatan
sa pagpapahintulot at pagsasaayos ng pagpasok
ng sino mang mga migrante o mga taong
makikipanirahan at mga organisasyon sa mga
lupaing ninuno;

g. Karapatan sa Ligtas at Malinis na Hangin at
Tubig. Sangayon sa layuning ito, dapat
pakinabangan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural?Katutubong pamayanan
ang kabuoang sistema at anumang kaparaanan
upang mapangalagaan ng wasto ang mga
kanilang mga katubigan at himpapawid.
h. Karapatang Angkinin ang mga Bahagi ng
Reserbasyon. Ang karapatang angkinin ang
mga bahagi ng mga lupaing ninuno na nailaan
para sa iba’t­ibang mga layunin, maliban sa
mga nakalaan at itinalaga para sa
pangkalahatan at pampublikong kapakanan at
serbisyo;
i. Karapatang Lutasin ang Hidwaan. Ang
karapatan na lutasin ang mga hidwaan sa lupa
ayon sa mga kinaugaliang/katutubong batas ng
Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan na nakakasaklaw sa lupa na sanhi
ng hidwaan, at kung hindi magtagumpay ang
kinaugaliang pamamaraan sa pag­aayos ay
saka pa lang maaaring isampa ang nauukol na
reklamo sa hukuman o sa iba pang kaparaanan
ng maayos na paglulutas ng hidwaan.
Seksyon 8. Mga Karapatan sa Lupang Ninuno. Ang
karapatan sa pagmamay­ari at pamumusisyon ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
pamayanan sa kanilang mga lupang ninuno ay
kikilalanin at ipagtatanggol.
a. Karapatang Isalin ang Lupa/Ari­arian. Kasama sa karapatang ito ang mga karapatan
sa paglilipat ng lupa o ari­arian sa pagitan ng
mga kasapi ng mga magkakatulad na
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, subalit sasailalim sa mga
kinaugaliang/Katutubong batas at kaugalian
ng kinauukulang pamayanan.
b. Karapatan sa Pagbawi. Sa mga kalagayan na
kung saan nakita na ang paglipat ng mga
karapatan sa lupa/ari­arian sa pamamagitan ng
anumang kasunduan o kaparaanan, sa isang di­
katutubo ay nababahiran ng maling pahintulot
ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, o naisalin sa
kapalit ng di­makatwirang halaga, ang
nagsasaling Katutubong Pamayanang

Kultural/Katutubong Pamayanan ay may
karapatan na muling bawiin ang naturang
lupa/ari­arian sa loob ng takdang panahong hindi
lalagpas sa labinlimang (15) taon mula sa araw
ng pagkasalin.
Seksyon 9. Mga Pananagutan ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan sa
Kanilang Lupaing Ninuno. Ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan na
naninirahan sa isang tukoy na lupaing ninuno ay
mayroong mga sumusunod na pananagutan.
a. Panatilihin ang Timbang at Kanais­nais na
Ekolodyi. Pangalagaan, mapanumbalik at
panatilihin ang timbang at kanais­nais na
ekolodyi sa lupaing ninuno sa pamamagitan ng
pangangalaga sa mga halaman at hayop,
katubigan at iba pang reserbasyon.
b. Panumbalikin kalayan ng mga nakalbong mga
gubat. Aktibong pangunahan, isakatuparan at
lumahok sa pagpapanibagong gubat ng mga
nasirang lugar at sa iba pang mga programa at
proyektong pangkaunlaran ayon sa naaayon at
matuwid na kabayaran; at
k. Sumunod sa mga Batas. Tumalima at sumunod
sa mga isinasaad ng Batas na ito at sa patakaran
at panuntunan para sa mahusay na pagpapatupad
nito.
Seksyon 10. Walang Pahintulot at Labag sa Batas na
Panghihimasok. Ang walang pahintulot at labag sa
batas na panghihimasok sa, o paggamit ng anumang
bahagi ng lupaing ninuno, o anumang paglabag sa mga
karapatang nabanggit sa una, ay parurusahan sa ilalim ng
Batas na ito. Karagdagan pa ditto, ang Pamahalaan ay
gagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang
pagsasamantala ng mga di­katutubo sa mga kaugalian ng
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan.
Seksyon 11. Pagkilala sa mga Karapatan sa Lupaing
Ninuno (Native Title). Ang mga Karapatan sa Lupaing
Ninuno (Native Title) ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay kinikilala at
iginagalang. Ang pormal na pagkilala, kung hinihiling
ng mga nasabing Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, ay ipapaloob sa isang
Katibayan ng Pagkilala sa Lupaing Ninuno (CADT), na

kumikilala sa titulo/karapatan ng kaukulang
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan sa mga teritoryong natukoy at nasukat.
Seksyon 12. Karapatang Makapamili ng
Kaparaanan upang Mabigyan ng Katibayan ang
Pagmamay­ari sa Lupa, Sang­ayon sa Batas
Commonwealth Bilang 141, at mga susog nito, o sa
Batas sa Pagpapatala ng Lupa Bilang 496. Ukol sa
kanilang pansariling ari­arian, ang indibidwal na
kasapi ng Katutubong Pamayanan
Kultural/Katutubong Pamayanan, na sa kanilang sarili
o pamamagitan ng kanilang mga ninuno
pinagmanahan, na patuloy na namumusisyon at
naninirahan sa kanilang mga lupang ninuno o lupa
bilang isang nagmamay­ari, sa panahong hindi
kukulangin sa 30 taon, matapos mapagtibay ang Batas
na ito at kung hindi tinutulan ng mga kasapi ng katulad
ng nabanggit na Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, ay may karapatang
makapamili ng katibayan sa kanilang mga lupang
ninuno sa ilalim ng probisyon ng Batas
Commonwealth bilang 141 at mga susog nito, o sa
ilalim ng Batas sa Pagpapatala ng Lupa bilang 496.
Sa katuparan ng layuning ito, ang mga nasabing
lupang ninuno na pansariling pagmamay­ari ng
indibidwal, na may katangiang pang­agrikultura at
sadyang ginagamit para sa agrikultura, bahayan, pastuhan at lupang ginagamit sa pagtatanim ng puno, kasama ang mga gulod na 18% o mahigit pa ang taas,
ay itinuturing na lupang agricultural na maaaring ilipat
o ipagbili.
Ang karapatang makapamili ng karapatan ng
pagpapatibay ng karapatan sa pagmamay­ari na
iginagawad sa ilalim ng Seksyon na ito ay magagamit
lamang sa loob ng dalawampung (20) taon mula sa
pagkakabisa ng Batas na ito.