KABANATA V : KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO
Seksyon 21. Pantay na Pangangalaga ng Batas at
Pagpawi sa Dipagkakapantaypantay. Alinsunod sa
pantay na pangangalaga ng batas na nakasaad sa Saligan
Batas ng Republika ng Pilipinas, sa tsarter ng mga
Nagkakaisang Bansa (U.N.), sa Pandaigdigang Pahayag
ng mga Karapatang Pantao kasama na ang Kumbensyon
sa pagpawi ng dipagkakapantaypantay laban sa
Kababaihan at Pandaigdigang Batas sa Karapatang
Pantao, igagawad ng Estado sa Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong pamayanan, ayon sa nararapat na
pagkilala sa kanilang natatanging katangian at
pagkakakilanlan, ang mga karapatan, pangangalaga ng
batas at pribelihiyong katulad ng tinatamasa ng lahat ng
mga tao. Igagawad din sa kanila ang katulad na
karapatan sa paggawa, mga pagkakataon, batayang
serbvisyo, pang edukasyon at iba pang mga karapatan at
pribelihiyong tinatamasa ng lahat ng tao sa lipunan. Gayundin, titiyakin ng Estado na nag paggamit ng
anumang anyo ng dahas o panghihimasok laban sa mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay haharapin ng naaayon sa batas.
Titiyakin ng Estado na ang mga batayang karapatang
pantao at kalayaan na nakadambana sa Saligang Batas at
iba pang kaugnay na mga pandaigdignag kasunduan ay
titiyakin din sa mga katutubong kababaihan. Sa gayon, walang itinatadhana sa batas na ito ang maaaring
ipagpalagay na magdudulot ng pagmamaliit sa mga
karapatan at kagalingang dati nang kinikilala at
iginagawad sa mga kababaihan sa ilalim ng mga umiiral
na batas na may pangkalahatang saklaw.
Seksyon 22. Mga Karapatan sa Panahon ng
Armadong Tunggalian/Digmaan. Ang mga Katutubo
ay may karapatan sa dipangkaraniwang pangangalaga at
katiyakan sa mga panahon ng armadong tunggalian o
digmaan. Susundin ng Estado ang mga Pandaigdigang
pamantayan, higit sa lahat, ang IkaApat na Kapulungan
sa Geneva ng 1949, para sa pangangalaga ang mga
populasyonng sibilyan sa mga pangyayaring kagipitan at
armadong tunggalian/digmaan. Hindi mangangalap mula
sa Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, ng kasapi ng hukbong sandatahan, ng
labag sa kanilang kagustuhan, at sa particular para
gamitin laban sa ibang mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan; o mangalap ng mga
kasapi mula sa katutubong kabataan para sa
sandatahang lakas sa anumang kalagayan; o pilitin ang
mga katutubo para lisanin ang kanilang mga lupa,
teritoryo at kabuhayan, o ilipat ng lugar sa natatanging
sentro para sa layuning panghukbo na may anumang
kalagayan ng diskriminasyon o ng di pagkakapantay pantay.
Seksyon 23. Kalayaan mula sa Diskriminasyon at
Karapatan sa Pantay na Pagkakataon at
Pakikitungo. Karapatan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan na
maging Malaya sa anumang anyo ng diskriminasyon, kaugnay sa pangangalap ng manggagawa at mga
kalagayan sa paggawa, na sila ay magtamasa ng
pantay na pagkakataon para sa pagtanggap sa
hanapbuhay, pangkalusugan at panlipunang tulong, kaligtasan at iba pang kaugnay na mga pakinabang
panghanapbuhay, ipabatid sa kanila ang kanilang mga
karapatan sa ilalim ng umiiral na mga batas sa
paggawa at mga paraang magagamit nila upang
makagawa ng lunas, hindi sumailalim sa anumang
sistema ng pamimilit na pagkuha ng bagong
manggagawa, kabilang na ang mapang aliping
paggawa at iba pang anyo ng utangpagkabusabos, at
pantay na pagkakataon sa hanapbuhay para sa babae at
lalaki, kabilang ang pangangalaga laban sa
pangkasariang panliligalig.
Sa gayon, pagtitibayin ng Estado, alinsunod sa
balangkas ng mga pambansang batas at patakaran, at
sa pakikipagtulungan sa mga kaukulang Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan, ang
natatanging mga hakbang upang matiyak ang
mabisang pangangalaga hinggil sa pagkuha ng bagong
manggagawa at mga kalagayan sa hanapbuhay ng mga
taong nabibilang sa pamayanang ito, lalo na kung
hindi sila mabisang napapangalagaan ng mga batas na
ipinatutupad sa mga manggagawa sa kabuuan.
Ang mga Katutubong Pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan ay may karapatan sa
samahan at kalayaang bumuo at magpalakad ng mga
unyon, karapatang makipagtalastasan sa mayari ng
pagawaan. Sila rin ay may karapatang hindi
sumailalim sa mga kalagayan sa paggawa na
makakapinsala sa kanilang kalusugan, lalo na sa
pamamagitan ng pagkalantad sa mga pestisidyo at iba
pang nakalalasong mga bagay.
Seksyon 24. Mga gawaing Labag sa Batas Kaugnay
sa Paggawa. Labag sa batas para sa sinumang tao na:
a. Magtangi laban sa sinumang katutubo hinggil sa
mga itinakda at kondisyon sa paggawa dahil sa
kanilang uring pinagmulan. Pantay na kabayaran
ang ibibigay sa mga katutubo at dikatutubo para
sa gawing magkapantay ang halaga; at
b. Pagkaitan ang sinumang katutubong
manggagawa ng karapatan o
kapakipakinabangang itinatadhana o itiwalag
sila sa layuning hadlangan silang tamasahin ang
alinman sa mga karapatan o kapakinabangang
itinatadhana ng Batas na ito.
Seksyon 25. Mga Batayang Serbisyong Panlipunan. Ang mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay may karapatan sa natatanging mga
hakbang para sa kagyat, mabisa at tuloytuloy na pag unlad ng kanilang pangkabuhayan at panlipunang
kalagayan, kasama ang mga usapin sa hanapbuhay, panghanapbuhay na pagsasanay at muling pagsasanay, pabahay, kalinisan, kalusugan at katiyakanng
panlipunan. Bibigyan ng natatanging pansin ang mga
karapatan at naiibang pangangailangan ng mga
katutubong kababaihan, matatanda, kabataan, bata at
mga kapansanan. Nang naaalinsunod, titiyakin ng Estado
ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa mga batayang
serbisyong panlipunan ng pamahalaan na kabilang, subalit hindi limitado sa, kagamitan sa tubig at pailaw, edukasyon, kalusugan at imprastraktura.
Seksyon 26. Kababaihan. Ang mga katutubong
kababaihan ay magtatamasa ng pantay na mga karapatan
at pagkakataon katulad ng sa kalalakihan, hinggil sa
panlipunan, pangkabuhayan, pampulitika at
pangkalinangang sakop ng buhay. Ang paglahok ng
katutubong kababaihan sa kaparaanan ng pagpapasya sa
lahat ng mga antas, gayundin sa pagunlad ng lipunan, ay bibigyan ng maayos na paggalang at pagkilala.
Ang Estado ay magbibigay ng ganap na pagkakataon sa
edukasyon, pangangalaga sa bata at ina, kalusugan at
nutrisyon, at mga serbisyong pabahay sa katutubong
kababaihan. Ang pagsasanay sa panghanapbuhay,
teknikal, pandalubhasaan at iba pang anyo ng
pagsasanay ay ibibigay upang ang mga kababaihang
ito ay makalahok sa lahat ng aspeto ng buhay sa
lipunan. Hanggat maaari, titiyakin ng Estado na ang
lahat ng mga katutubong kababaihan ay magkakaroon
ng pagkakataon sa Lahat ng paglilingkod na nasa
wikang sarili.
Seksyon 27. Kabataan at Batang Katutubo.
Kikilalanin ng Estado ang mahalagang gampanin ng
mga bata at kabataang katutubo sa paghubog ng
lipunan at itataguyod at pangangalagaan ang kanilang
pisikal, moral, ispiritwal, pangkatalinuhan at
panlipunang katauhan. Tungo sa hangaring ito,
itataguyod ng Estado ang mga programang
pampamahalaang nakaukol sa pagpapaunlad at pag aaruga ng mga bata at kabataang katutubo para sa
mahusay na lipunan at magtatatag ng mga
kinakailangang pamamaraan upang maipagtanggol ang
mga karapatan ng mga bata at kabataang katutubo.
Seksyon 28. Kabuuang Sistemang Pang Edukasyon. Ang Estado, sa pamamagitan ng NCIP,
ay magbibigay ng husto, sapat at kabuuang sistemang
pangedukasyon na angkop sa pangangailangan ng
mga bata at kabataang katutubo.
No Comments