KABANATA XI : MGA KAPARUSAHAN
Seksyon 72. Mga Gawaing May Parusa at iba pang
Naaangkop na mga Multa. Sinumang tao na
nakagawa ng paglabag sa alinman sa mga itinatadhana
ng Batas na ito, katulad ng, subalit hindi limitado sa, walang pahintulot at/o labag sa batas na
panghihimasok sa alinmang lupa o lupaing ninuno
katulad ng nakasaad sa Sek. 21 at 24 Kabanata V, Sek. 33 kabanata VI ditto, ay mapaparusahan anng naaayon
sa mga katutubong batas ng kaukulang mga
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan: Sa kondisyon, Na ang parusa ay hindi
maaaring ipataw ang parusang kamatayan o
pagbabayad ng sobrasobrang multa. Ang tadhanang
ito ay walang pagtatangi sa karapatan ng sinumang
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na makinabang sa pangangalaga ng mga
umiiral na batas. Sa anumang kalagayan, sinumang tao
na lumabag sa alinmang itinatadhana ng Batas na ito, kung mapapatunayang nagkasala ay mapaparusahan
ng pagkakabilanggo ng hindi bababa sa siyam (9) na
buwan at hindi lalampas sa labindalawang (12) buwan
o pagmumultahin ng hindi bababa sa Isandaang libong
Piso (P100,000,000) o hindi lalampas sa Limangdaang
Libong Piso (P500,000,000) o parehong multa at
pagkakabilanggo kung pinagpasyahan ng hukuman. Dagdag ditto, siya ay pipiliting magbayad sa
kinauukulang Katutubong Pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan ng anumang
pinsalang dinanas ng huli bilang kinalabasan ng
ginawang paglabag sa batas.
Seksyon 73. Mga Taong Maaaring Mapatawan ng
Parusa. Kung ang may katauhang hurikidal (juridical
persons), lahat ng pamunuan nito, katulad ng, ngunit
hindi limitado sa kaniyang Pangulo, Tagapamahala, o
Punong Tagapagpaganap ang siyang mananagot sa
lahat ng dimakatarungang galaw o kilos nito ang
siyang mananagot sa lahat ng dimakatarungang galaw
o kilos nito at siayng papatawan ng kasalanang
criminal, dagdag pa ditto ang pagbawi sa kanilang
lisensya o katibayan ng pagpaparehistro. Datapwa’t
kung ang may sala ay isang pinuno ng pamahalaan, ang kaparusahan ng disqualification para
manungkulan ay ipapataw rin.
No Comments