IPRA LAW Tagalog

BATAS NG REPUBLIKA
BLDG. 8371

Republika Bldg. 8371
Batas na Kumikilala, Nagtatanggol at
Nagtataguyod sa Karapatan ng Katutubong
Pamayananng Kultural/Katutubong Pamayanan,
Nagbubuo ng Pambansang Komisyon para sa
Katutubong Pamayanan, Nagtatadhana ng
Kaukulang Kaparaanan sa Pagpapatupad, at
Naglalaan ng Gugulin para ditto at para sa aiba
Pang layunin.
BATAS NG REPUBLIKA BILANG 8371­IPRA
Republika ng Pilipinas
Batasan ng Pilipinas
Lungsod ng Metro Manila
Ikasampung Kongreso
Pangkalahatang Karaniwang Session
Sinimulan at Ginanap sa Metro Manila
Ika­28 ng Hulyo 1997
(BATAS NG REPUBLIKA BILANG 8371)
Batas na kumikilala, Nagtatanggol at, Nagtataguyod sa Karapatan ng
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanang Pilipino,
Nagbubuo ng Pambansang Komisyon para sa Katutubong Pilipino,
Nagtatadhana ng Kaukulang Kaparaanan sa Pagpapatupad at Naglalaan
Ng Gugulin para dito sa para sa iba pang Layunin.

KABANATA I : MGA TADHANANG PANGKALAHATAN

Seksyon 1. Maikling Pamagat. Ang batas na ito ay
tatawaging “Batas Ukol sa Karapatan ng mga
Katutubo ng 1997.”
Seksyon 2. Pahayag ng Patakaran ng Estado.
Kinikilala at itinataguyod ng Estado ang lahat ng mga
karapatan ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan na nakasaad ditto
alinsunod sa balangkas ng Saligang Batas ng Pilipinas:
a. Kikilalanin at itataguyod ng Estado ang mga
karapatan ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong pamayanan alinsunod sa
balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag­ unlad;
b. Pangangalagaan ng Estado ang mga karapatan
ng Katutubong pamayanan sa kanilang lupaing
ninuno upang matiyak ang kanilang
kagalingang ekonomiko, panlipunan at
pangkultura. Kikilalanin at paiiralin ng Estado
ang mga nakaugaliang batas/katutubong batas
hinggil sa mga karapatan o mga ugnayan sa
ariarian sa patiyak sa pagmamay­ari at saklaw
ng mga lupaing ninuno;
k. Kikilalanin, igagalang at pangangalagaan
ng Estado ang mga karapatan ng
Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan na
pangalagaan at paunlarin ang kanilang
mga kalinangan, salindunong/tradisyon at
mga linangan/institusyon. Ang mga
karapatang ito ay isasaalang­alang sa
pagbubuo ng mga pambanang batas at
patakaran;
d. Titiyakin ng estado na tatamasain ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, anuman ang kasarian, ang ganap
na mga karapatang pantao at kalayaan nang
walang hadlang o pagtatangitangi;
e. Magsasagawa ng mga hakbang ang Estado
kaugnay sa pakikibahagi ng mga Katutubong
Pamayanan sa pagtatanggol ng kanilang mga

karapatan, tiyakin ang paggalang sa kabuoan ng
kanilang kalinangan, at titiyakin din na ang mga
kasapi ng Katutubong Pamayanang
cultural/Katutubong Pamayanan ay magtatamasa ng
pantay na mga karapatan at pagkakataon na katulad
ng iginagawad ng mga pambansang batas at
patakaran sa iba pang mamamayan; at
g. Tinatanggap ng Estado ang kanyang tungkuling
tumugon sa malakas na pahayag ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan para
sa kabuoan ng kanilang kalinangan. Dahil dito
titiyakin ng estado na may lubos na paglahok ang
mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan sa tunguhin ng edukasyon, kalusugan at
iba pang mga paglilingkod, upang ang mga nasabing
paglilingkod ay higit na nakatutugon sa mga
pangangailangan at pagnanais ng mga pamayanang
ito;
Tungo sa mga layuning ito, itatatag at itataguyod ng
estado ang mga kaukulang kaparaanan upang maipairal
at matiyak ang katuparan ng mga karapatang ito, na may
pagsasa­alang­alang sa mga kaugalian, salindunong/tradisyon, paniniwala, interes at
linangan/insitusyon ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, at upang magpatibay
at maipatupad ang mga hakbang upang maipagtanggol
ang kanilang mga karapatan sa kanilang lupaing ninuno.

KABANATA II : KAHULUGAN NG MGA SALITA

Seksyon 3. Kahulugan ng mga salita. Sangayon sa
layunin ng Batas na ito, ang mga sumusunod na salita
ay mangangahulugan ng:
a. Lupaing Ninuno maliban sa pasubaling
nakasaad sa Seksyon 56 ng Batas na ito, ay
tumutukoy sa lahat ng mga pook na sa
kalahatan ay pagmamay­ari ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na bibubuo ng mga kalupaan, mga
katubigan sa ilaya, baybaying dagat, at mga
likas yaman dito, na pagmamay­ari, inangking
pagaari, sinaklaw, ginagamit o pinaninirahan
ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, nila mismo
o sa pamamagitan ng kanilang mga ninuno, maging ito’y kumunal/pangmadla o panarili, mula pa sa panahong hanggang abot ng alaala
(time immemorial), patuloy hanggang sa
kasalukuyan maliban kung ito’y nagambala ng
digmaan, sapilitang paglikas dahil sa dahas,
panlinlang o pagnanakaw o bunga ng mga
proyekto ng pamahalaan o iba pang sariling­ kusang kasunduang sinagayunan ng
pamahalaan at mga pribadong
indibidwal/korporasyon, na kinakailangan
upang matiyak ang kanilang kagalingang
pangkabuhayan, panlipunan at
pangkalinangan. Isasama dito ang mga
lupaing ninuno, kagubatan, pastuhan, lupang
residensyal, pansakahan at iba pang mga
pansariling lupa anu man ang kasalukuyang
kaurian nito, mga lugar na pinangangasuhan,
libingan, lugar na sagrado o pinagsasambahan, mga katubigan, mineral at iba pang mga likas­
yaman, at mga lupang maaaring hindi na
tanging ang mga katutubong Pamayanang
cultural/Katutubong pamayanan lamang ang
naninirahan subalit kinaugaliang kanilang
nagagamit para sa kanilang kabuhayan at mga
nakaugaliang Gawain, particular ditto ang
kahabaan ng hanay na pinaninirahan ng mga
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na nananatiling lagalag (nomad)

at/o mga nagpapalipat­lipat na mambubungkal
(shifting cultivators);
b. Lupang Ninuno maliban sa pasubaling
nakasaad sa Seksyon 56 ng batas na ito, ang
lupang ninuno ay tumutukoy sa lupang ariarian, sinaklaw, inari at ginagamit ng indibidwal, pamilya o angkan ng mga kasapi ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong pamayanan
mula pa sa panahong hanggang abot ng alaala, sa pamamgitan ng kanilang mga sarili o kanilang
ninuno, sa ilalim ng pagaangking pansarili o

tradisyunal na pagmamay­ari ng grupo, tuloy-
tuloy hanggang sa kasalukuyan maliban kung

nagambala ng digmaan, sapilitang paglikas dahil
sa dahas, panlilinlang o pagnanakaw, o bilang
bunga ng proyekto ng pamahalaan at iba pang
sariling­kusang kasunduang sinangayunan ng
pamahalaan at pribadong
indibidwal/korporasyon, kabilang subalit hindi
limitado sa, mga lupang residensyal, hagdan­ hagdang palayan (rice terraces) o palayan, mga
pribadong gubat, kaingin at lupang natatamnan
ng mga punongkahoy;
k. Katibayan ng Pagkilala sa Lupang Ninuno
(CALT) tumutukoy sa titutlo na pormal na
kumikilala sa mga karapatan ng pagmamay­ari
ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa kanilang
lupaing ninuno na tinukoy at nasukat nang
naaayon sa batas na ito;
d. Katibayan ng Pagkilala Sa Lupang Ninuno
(CALT) tumutukoy sa titulo na pormal na
kumikilala sa mga karapatan sa pagmamay­ari
ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa kanilang
lupang ninuno;
e. Pag­aangking Kumunal tumutukoy sa mga pag­ aangkin sa lupa, at likas yaman o sa mga
karapatan dito, na pagmamay­aring pangmadla o
pagmamay­ari ng buong pamayanan/tribu sa
loob ng isang tukoy na teritoryo o lugar;
g. Mga Kinaugaliang Batas/Katutubong Batas
tumutukoy sa lupon ng mga nakatala at/o di­
nakalatang mga alituntunin, kasanayan, kaugalian

na tradisyunal at patuloy na kinikilala,
tinatanggap at sinusunod ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan;
h. Malaya Nauna at Malinang na
Kapahintulutan (Free andPprior Informed
Consent) Sangayon sa pagkakagamit sa batas
na ito, ay mangangahulugan ng
pagkakasundo­ sundo ng lahat ng kasapi ng
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na titiyakin sang­ayon sa kanilang
mga kinaugaliang/katutubong batas at
kagawian, malaya sa anumang panlalang mula
sa taga­labas, panghihimasok at pamimilit, at
natamo at matapos ipagbigay alam at
ipaliwanag nang lubos ang lahat ng kabatiran
ukol sa, layunin at lawak ng Gawain, sa wika
at pamamaraang nauunawaan ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan;
i. Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan tumutukoy
sa isang pangkat ng mga tao o magkakauring
mga lipunan na nakikilala sa sariling
pagpapatunay o pagpapatunay ng iba, na
tuloy­tuloy na namuhay bilang organisadong
pamayanan sa isang tukoy at kumunal na
teritoryo, na mula pa sa panahong hanggang sa
abot ng ala­ala ay magmamay­ari, o
umaangkin, namumuhay at naninirahan sa
naturang mga teritoryo, nabubuklod nga
sariling wika, mga kaugalian, salindunong/tradisyon at iba pang mga
natatanging katangiang pangkalinangan, o
mga pamayanang dahil sa pagtutol sa
pampulitika, panlipunan at pangkalinangang
panghihimasok at pananakop ng mga dayuhan
ay makasaysayang nagging bukod o iba sa
nakararaming Pilipino. Kabilang sa mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay yaong mga tao na itinuturing na
katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga
ninuno na nanirahan sa bansa nang una pa sa
panahon ng paglupig o pananakop o sa
panahon ng pagtatatag ng hindi katutubong
mga relihiyon at kultura o nang una pa sa
panahon ng pagtatatag ng mga kasalukuyang
mga hangganan ng estado, na nakapagpanatili
ng ilan o lahat ng kanilang sariling
panlipunan, pangkabuhayan, pangkultura at

pampulitikang mga linangan/institusyon, na
maaaring napaalis na sa kanilang mga
tradisyunal na lupain o kaya’y namumuhay na sa
labas ng kanilang lupaing ninuno.
l. Katutubong Balangkas Pampulitika tumutukoy
sa mga pamamaraan o balangkas ng pang­ organisasyon at pangkulturang pamumuno, mga
linangan/institusyon, pagkakaugnay, huwaran at
kaparaanan para sa pagbubuo ng mga pasiya at
paglahok, na kinikilala ng mga Katutunong
pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
tulad ng, ngunit hindi limitado sa, Kapulungan
ng mga Nakatatanda, Kapulungan ng mga
Timuay, Nangangalaga ng Bodong, o anumang
iba pang hukuman o lupong may katulad na
katangian sa mga nabanggit sa unahan;
m. Pag­aangking Pansarili tumutukoy sa mga pag­ aangkin sa lupa at mga karapatan ditto na
marapat para sa mga indibidwal, pamilya at
angkan, kasama, ngunit hindi limitado sa, mga
lupang residensyal, hagdan­hagdang palayan at
mga palayan at lupang natatamnan ng mga
punongkahoy;

n. Pambansang Komisyon ng Katutubong
Pamayanan tumutukoy sa tanggapang binuo sa
ilalim ng batas na ito, na mapapasailalim ng
Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, na siyang
pangunahing tanggapan na pampamahalaan na
may pananagutan sa mga pagbubuo at
pagsasagawa ng mga patakaran, plano at
programa upang kilalanin, pangalagaan at
itaguyod ang mga karapatan ng Katutubong
pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan;
o. Karapatan sa Lupaing Ninuno (Native Title)
tumutukoy sa mga karapatan ng mga
Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan sa lupa at lupain ninuno na may bias
at kinkilala nang una pa sa panahon ng
pananakop, at nakabatay sa katuwiran na, mula
pa sa panahong hanggang abot ng alaala, ay
pribadong pagmamay­ari na o inaangkin na
pribadong ariarian ng Katutubong pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan, kung kaya’t
ang mga lupaing ito ay hindi kailanman nagging
lupang publiko at sa gayon, hindi
mapapasubalian na pribadong pag­aari nga ito

ng mga Katutubong Pamayanan/Katutubo
bago pa man ang pananakop ng mga Kastila;
p. Mga Samahang Di­Pampamahalaan (NGO)
tumutukoy sa mga samahang pribado na may
layuning di­napagkakakitaan at kusang­loob
na binuo upang makapagbigay ng ibat­ibang
mga paglilingkod sa mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan, may matibay na kasaysayan/record ng
mabisang paglilingkod at katanggap­tanggap
sa pamayanang pinaglililngkuran nito;
q. Samahan ng mga Tao (PO) tumutukoy sa
mga samahang pribado at may layuning di­ pinagkakakitaan na kusang loob na binubuo
ng mga katutubo, at sa kanilang sariling pasiya
ay maaaring maging kinatawan ng mga
katutubo sa mga usapin na may kinalaman sa
pamayanan.
r. Karapatan sa Salindunong/Tradisyunal at
Likas­Kayang Paggamit ng Likas­Yaman
tumutukoy sa mga karapatan ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
sa tuloy­tuloy at mapangalagang paggamit,
pamamahala, at pangangalaga sa a) mga
kalupaan, hangin, mga katubigan at mga
mineral; b) mga halaman,hayop at iba pang
organismo; k) mga lugar pangisdaan at
pangasuhan; d) mga sagradong lugar; at e) iba
pang lugar na may halagang pangkabuhayan, pangritwal at pangsining sang­ayon sa
kanilang katutubong kaalaman, paniniwala, sistema at kasanayan; at
s. Panahong Hanggang Abot na Alaala
tumutukoy sa isang takdang panahong
hanggang kayang abutin ng alaala o
natatandaan, ay may tanging katutubong
pamayanang cultural/Katutubong pamayanan
na nagmamay­ari, sumaklaw, umaangking
bilang may­ari; at gumagamit ng isang tiyak
na kalupaan na isinalin sa kanila, sa
pamamagitan ng katutubong batas o minana sa
kanilang mga ninuno, nang naaayon sa
kanilang mga kaugalian at pinagkakaugalian at
salindunong/tradisyon.

KABANATA III : MGA KARAPATAN SA LUPAING NINUNO

Seksyon 4. Konsepto ng Lupa/Lupaing Ninuno.
Kasama sa konsepto ng lupa/lupaing ninuno ay yaong
mga pagkakaunawa sa kalupaan na sumasaklaw hindi
lamang sa pisikal na kapaligiran, kundi ang kabuuang
kapaligiran kabilang ang pang­espiritwal at
pangkalinangang buklod ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong pamayanan sa mga
lugar na saklaw, inari at ginagamit nila bilang kanilang
ariarian at/o pag­aangkin.
Seksyon 5. Katutubong Konsepto sa Pagmamay­ari. Ang katutubong konsepto sa pagmamay­ari ay
tumutukoy sa pananaw na ang lupaing ninuno at lahat ng
mga yamang matatagpuan dito ay magsisilbing material
na batayan ng kanilang pangkalinangang kabuoan. Ang
katutubong pagkakaunawa sa pagmamay­ari sa kabuuan
ay nananangan na ang lupaing ninuno ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay pribado ngunit pagmamay­aring
komunal/pangmadla ng lahat ng salinlahi at kung gayon
ay hindi maaaring ipagbili, ipamigay o sirain. Kasama
rin ditto ang salindunong/tradisyunal at likas­kayang
karapatan sa likas­yaman.
Seksyon 6. Saklaw at Kabuuan ng Lupa/Lupaing
Ninuno. Ang lupa/lupaing ninuno ay binubuo ng lahat
ng pook na sa kabuuan ay pagmamay­ari ng mga
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan katulad ng tinutukoy sa ilalim ng sek. 3 (a)
at (b) ng batas na ito.
Seksyon 7. Mga Karapatan sa Lupaing Ninuno. Ang
mga karapatan sa pagmamay­ari at pamumusisyon ng
mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan sa kanilang mga lupaing ninuo ay kikilalanin
at ipagtatanggol. Kasama sa mga karapatang ito ay:
a. Karapatan sa Pagmamay­ari. Ang karapatan sa
pagmamay­ari ng mga kalupaan, mga katubigan
na tradisyunal at/o aktwal na pinananahanan ng
mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, mga
sagradong lugar, salindunong/tradisyunal na
mga lugar na pangasuhan at pangisdaan, at sa

lahat ng mga pagbabagong ginawa nila, anumang panahon, sa loob ng mga lupaing
ninuno;
b. Karapatang Paunlarin/Linangin ang Lupa at
Likas­Yaman. Maliban sa pasubaling
nakasaad sa Sek. 56 ng Batas na ito, ang
karapatang paunlarin, kapangyarihang
patnubayan at gamitin ang mga lupa at
teritoryong tradisyunal na tinitirahan, inaari o
ginagamit; karapatang pamahalaan at
pangalagaan ang mga likas yaman sa loob ng
mga teritoryo alinsunod sa pagtalima sa
pananagutan para sa mga susunod na salinlahi;
makinabang at makabahagi sa pakinabang
mula sa pagbabahagi at paggamit ng mga likas
yaman na matatagpuan ditto; ang karapatang
makipagkasundo at magtakda ng mga
kondisyon para sa paggalugad ng mga likas
yaman sa mga lugar upang matupad ang
layuning matiyak ang pangangalaga sa
ekolohiya at kapaligiran, alinsunod sa
kinaugaliang/katutubong batas at pambansang
batas; ang karapatan sa malinang at
matalinong pakikibahagi sa pagbubuo at
pagpapatupad ng mga programa, pribado man
o pampamahalaan, na makakaapekto sa mga
lupaing ninuno at tumanggap ng tama at sapat
na kabayaran sa anumang pinsalang
magagawa bilang resulta ng mga nabanggit na
programa; karapatan sa mga mabisang
hakbang/kilos ng pmamahalaan upang
mapigilan ang anumang balakid, pagwawalang­bahala at pagyurak sa mga
karapatang ito;
k. Karapatang Manatili sa mga Teritoryo. Ang
karapatan na manatili sa teritoryo at hindi
mapaalis o mailikas mula ditto. Wlang
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
pamayanan na maililikas nang wala silang
Malaya, nauuna at malinang ng pagsang­ayon, sa anu mang kadahilanan maliban sa
kapangyarihan ng Estado na kunin ang
pribadong ariarian para sa gamit pambayan sa
kaparaanan ng batas at may wastong
kabayaran (eminent domain). Kung ang
paglilipat o paglilikas ay pangangailangan
bilangtanging paraan (exceptional measure), ang paglilipat o paglilikas ay magaganap
lamang kung may Malaya nauuna at malinang

na pagsang­ayon ang kinauukulang katutubong
Pamayanan. Sa anumang minarapat na panahon, o sa anumang sandali na ang kadahilanan ng
paglikas ay mawala na, ay may karapatan ang
mga Katutubong Pamayananng
Kultural/Katutubong Pamayanan na bumalik sa
kanilang lupaing ninuno o mga lugar na
pansamantalang nilisan. Sakaling hindi na
posible ang pagbabalik sa mga nilisan na mga
lugar, at sangayon sa nararapat na kasunduan at
kaparaanan, ang Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay bibigyan ng
mga kapalit na lupain katumbas ng o may
kalidad at legal na katayuan tulad ng mga
lupaing sapilitang nilisan, angkop at
makakatugon sa kanilang kasalukuyang
pangangailangan at panghinaharap na kaunlaran. Ang mga taong sapilitang maililipat o maililikas
ay tatanggap ng wastong kabayaran para sa anu
mang kaugnay na kawalan o pinsala sanhi ng
sapilitang paglikas;
d. Karapatan Kung may Paglikas. Kung ang
sapilitang paglikas ay nagging bunga ng
malalaking sakuna, pagsisikapan ng Estado na
mailipat ng kinaroroonan ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan sa
naaangkop na mga lugar kung saan maaari
silang magkaroon ng pansamantalang
pansuportang pangkabuhayan; Datapwa’t ang
mga katutubong nailikas ay may karapatang
bumalik sa kanilang mga lugar kung ang
kaayusan at kaligtasan sa mga lupang iyon ay
bumalik na; At karagdagan pa, na kung ang
panunumbalik ng katiwasayan at kaligtasan sa
lupaing ninuno sa dating kalagayan ay hindi na
possible pa, ang mga nailikas na mga katutubo
ay magkakaroon ng seguridad sa paninirahan sa
mga lupang kanilang nilipatan: Sa
karagadagang kondisyon na, ang mga batayang
serbisyo at kabuhayan ay ibibigay sa kanila
upang matiyak na ang kanilang pangangailangan
ay maayos na natutugunan;
e. Karapatang Isaayos ang Pagpasok ng mga
Dayuhan o mga Makikipanirahan. Karapatan
sa pagpapahintulot at pagsasaayos ng pagpasok
ng sino mang mga migrante o mga taong
makikipanirahan at mga organisasyon sa mga
lupaing ninuno;

g. Karapatan sa Ligtas at Malinis na Hangin at
Tubig. Sangayon sa layuning ito, dapat
pakinabangan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural?Katutubong pamayanan
ang kabuoang sistema at anumang kaparaanan
upang mapangalagaan ng wasto ang mga
kanilang mga katubigan at himpapawid.
h. Karapatang Angkinin ang mga Bahagi ng
Reserbasyon. Ang karapatang angkinin ang
mga bahagi ng mga lupaing ninuno na nailaan
para sa iba’t­ibang mga layunin, maliban sa
mga nakalaan at itinalaga para sa
pangkalahatan at pampublikong kapakanan at
serbisyo;
i. Karapatang Lutasin ang Hidwaan. Ang
karapatan na lutasin ang mga hidwaan sa lupa
ayon sa mga kinaugaliang/katutubong batas ng
Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan na nakakasaklaw sa lupa na sanhi
ng hidwaan, at kung hindi magtagumpay ang
kinaugaliang pamamaraan sa pag­aayos ay
saka pa lang maaaring isampa ang nauukol na
reklamo sa hukuman o sa iba pang kaparaanan
ng maayos na paglulutas ng hidwaan.
Seksyon 8. Mga Karapatan sa Lupang Ninuno. Ang
karapatan sa pagmamay­ari at pamumusisyon ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
pamayanan sa kanilang mga lupang ninuno ay
kikilalanin at ipagtatanggol.
a. Karapatang Isalin ang Lupa/Ari­arian. Kasama sa karapatang ito ang mga karapatan
sa paglilipat ng lupa o ari­arian sa pagitan ng
mga kasapi ng mga magkakatulad na
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, subalit sasailalim sa mga
kinaugaliang/Katutubong batas at kaugalian
ng kinauukulang pamayanan.
b. Karapatan sa Pagbawi. Sa mga kalagayan na
kung saan nakita na ang paglipat ng mga
karapatan sa lupa/ari­arian sa pamamagitan ng
anumang kasunduan o kaparaanan, sa isang di­
katutubo ay nababahiran ng maling pahintulot
ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, o naisalin sa
kapalit ng di­makatwirang halaga, ang
nagsasaling Katutubong Pamayanang

Kultural/Katutubong Pamayanan ay may
karapatan na muling bawiin ang naturang
lupa/ari­arian sa loob ng takdang panahong hindi
lalagpas sa labinlimang (15) taon mula sa araw
ng pagkasalin.
Seksyon 9. Mga Pananagutan ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan sa
Kanilang Lupaing Ninuno. Ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan na
naninirahan sa isang tukoy na lupaing ninuno ay
mayroong mga sumusunod na pananagutan.
a. Panatilihin ang Timbang at Kanais­nais na
Ekolodyi. Pangalagaan, mapanumbalik at
panatilihin ang timbang at kanais­nais na
ekolodyi sa lupaing ninuno sa pamamagitan ng
pangangalaga sa mga halaman at hayop,
katubigan at iba pang reserbasyon.
b. Panumbalikin kalayan ng mga nakalbong mga
gubat. Aktibong pangunahan, isakatuparan at
lumahok sa pagpapanibagong gubat ng mga
nasirang lugar at sa iba pang mga programa at
proyektong pangkaunlaran ayon sa naaayon at
matuwid na kabayaran; at
k. Sumunod sa mga Batas. Tumalima at sumunod
sa mga isinasaad ng Batas na ito at sa patakaran
at panuntunan para sa mahusay na pagpapatupad
nito.
Seksyon 10. Walang Pahintulot at Labag sa Batas na
Panghihimasok. Ang walang pahintulot at labag sa
batas na panghihimasok sa, o paggamit ng anumang
bahagi ng lupaing ninuno, o anumang paglabag sa mga
karapatang nabanggit sa una, ay parurusahan sa ilalim ng
Batas na ito. Karagdagan pa ditto, ang Pamahalaan ay
gagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang
pagsasamantala ng mga di­katutubo sa mga kaugalian ng
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan.
Seksyon 11. Pagkilala sa mga Karapatan sa Lupaing
Ninuno (Native Title). Ang mga Karapatan sa Lupaing
Ninuno (Native Title) ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay kinikilala at
iginagalang. Ang pormal na pagkilala, kung hinihiling
ng mga nasabing Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, ay ipapaloob sa isang
Katibayan ng Pagkilala sa Lupaing Ninuno (CADT), na

kumikilala sa titulo/karapatan ng kaukulang
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan sa mga teritoryong natukoy at nasukat.
Seksyon 12. Karapatang Makapamili ng
Kaparaanan upang Mabigyan ng Katibayan ang
Pagmamay­ari sa Lupa, Sang­ayon sa Batas
Commonwealth Bilang 141, at mga susog nito, o sa
Batas sa Pagpapatala ng Lupa Bilang 496. Ukol sa
kanilang pansariling ari­arian, ang indibidwal na
kasapi ng Katutubong Pamayanan
Kultural/Katutubong Pamayanan, na sa kanilang sarili
o pamamagitan ng kanilang mga ninuno
pinagmanahan, na patuloy na namumusisyon at
naninirahan sa kanilang mga lupang ninuno o lupa
bilang isang nagmamay­ari, sa panahong hindi
kukulangin sa 30 taon, matapos mapagtibay ang Batas
na ito at kung hindi tinutulan ng mga kasapi ng katulad
ng nabanggit na Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan, ay may karapatang
makapamili ng katibayan sa kanilang mga lupang
ninuno sa ilalim ng probisyon ng Batas
Commonwealth bilang 141 at mga susog nito, o sa
ilalim ng Batas sa Pagpapatala ng Lupa bilang 496.
Sa katuparan ng layuning ito, ang mga nasabing
lupang ninuno na pansariling pagmamay­ari ng
indibidwal, na may katangiang pang­agrikultura at
sadyang ginagamit para sa agrikultura, bahayan, pastuhan at lupang ginagamit sa pagtatanim ng puno, kasama ang mga gulod na 18% o mahigit pa ang taas,
ay itinuturing na lupang agricultural na maaaring ilipat
o ipagbili.
Ang karapatang makapamili ng karapatan ng
pagpapatibay ng karapatan sa pagmamay­ari na
iginagawad sa ilalim ng Seksyon na ito ay magagamit
lamang sa loob ng dalawampung (20) taon mula sa
pagkakabisa ng Batas na ito.

KABANATA IV : KARAPATAN SA SARILING PAMAMAHALA AT KAPANGYARIHAN

Seksyon 13. Sariling Pamamahala. Kinikilala ng
Estado ang likas na karapatan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan sa sariling
pamamahala at sariling pagpapasya at iginagalang ang
kanilang mga kaugalian, gawi at linangan/institusyon. Sa
gayon, titiyakin ng Estado ang karapatan ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan na
malayang itaguyod ang kanilang pangkabuhayan, panlipunan at pangkulturang pag­unlad.
Seksyon 14. Tulong sa mga Nagsasariling Rehiyon. Patuloy na palalakasin at itataguyod ng Estado ang mga
nagsasariling rehiyon na nilikha sa ilalim ng Saligang
Batas kung kanilang hihilingin o kakailanganin. Gayundin, hihikayatin ng Estado ang ibang Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan na hindi
kasama o nasa labas ng Muslim Mindanao at Cordillera
na gamitin ang anyo at laman ng kanilang mga gawi sa
buhay na maaring kaugma ng batayang mga karapatang
itinakda sa Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at
iba pang kinikilalang pandaigdigang karapatang pantao.
Seksyon 15. Sistemang Pangkatarungan, Mga
Linangan/Institusyon sa Pag­aayos ng mga
Tunggalian, Mga pamamaraan sa Paglikha ng
Kapayapaan. Ang mga Katrutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay may karapatang
gamitin ang kanilang sariling pamamaraang
pangkaturungan na pangkaraniwang tinatanggap, mga
linangan/instiutsyon sa pag­aayos ng tunggalian, mga
pamamaraan sa paglikha ng kapayapaan o mga
kaparaanan at iba pang mga katutubong batas at
kasanayan sa loob ng kanilang kaukulang pamayanan na
maaaring kaugma ng pambansang sistemang
pangkatarungan at ng pandaigdigang karapatang pantao.
Seksyon 16. Karapatang Lumahok sa Pagpapasya. Ang mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay may karapatang lumahok nang ganap,
kung kanilang mamarapatin, sa lahat ng mga antas ng
pagpapasya sa mga bagay na maaaring makaapekto sa
kanilang mga karpatan, buhay at kahihinatnan sa
pamamagitan ng mga paraang sila mismo ang pipili, gayundin upang panatilihin at paunlarin ang kanilang

sariling katutubong balangkas pampulitika. Dahil
ditto, titiyakin ng Estado na ang mga katutubong
balangkas pampulitika. Dahil ditto, titiyakin ng Estado
na ang mga katutubo ay mabibigyan ng kinatawan sa
mga pangkat na gumagawa ng pasya at iba pang local
na konsehong lehislatibo.
Seksyon 17. Karapatang Itakda at Pagpasyahan
kung anu­ano ang Pangunahing Gawain para sa
Kaunlaran. Ang mga katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay may karapatang
itakda at pagpasyahan ang kanilang sariling mga
prayoridad sa pagpapaunlad na makakaapekto sa
kanilang mga buhay, paniniwala, linangan/insitutsyon, o pangispiritwal na katauhan, at an gmga lupang
kanilang pagmamay­ari, sinasaklaw o ginagamit. Sila
ay lalahok sa mga pagbubuo, pagsasagawa at pagtatasa
ng mga patakaran, plano at programa para sa
pambansa, panrehiyon at panlokal na pagpapaunlad na
maaaring tuwirang makaapekto sa kanila.
Seksyon 18. Katutubong Barangay. Ang mga
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na naninirahan sa magkakaratig na mga
lugar o pamayanan kung saan sila ang bumubuo ng
higit na nakakarami sa populasyon, ay maaaring
magbuo o magtatag ng isang hiwalay na baranggay
sang­ayon sa itinakda ng Kodigo ng Local na
Pamahalaan hinggil sa pgbubuo ng katutubong
baranggay.
Seksyon 19. Gampanin ng mga Samahang Pantao.
Kinikilala at iginagalang ng Estado ang gampanin ng
mga nagsasariling samahan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan upang
maipagpatuloy at mapangalagaan ang kanilang
marapat at sama­samang mga interes at adhikain sa
pamamagitan ng mapayapa at matuwid na
pamamaraan.
Seksyon 20. Mga Pamamaraan sa Paglinang at
Pagbibigay Kapangyarihan sa mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan. Ang pamahalaan ay magbubuo ng mga pamamaraan
para sa ganap na pag­unlad/pagka­maykapagyarihan
ng sariling mga linangan/institusyon at pagkukusa ng
mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan at, kung kinakailangan, ibibigay ang mga
kinakailangan, ibibigay ang mga kinakailangang
tulong para ditto.

KABANATA V : KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO

Seksyon 21. Pantay na Pangangalaga ng Batas at
Pagpawi sa Di­pagkakapantay­pantay. Alinsunod sa
pantay na pangangalaga ng batas na nakasaad sa Saligan
Batas ng Republika ng Pilipinas, sa tsarter ng mga
Nagkakaisang Bansa (U.N.), sa Pandaigdigang Pahayag
ng mga Karapatang Pantao kasama na ang Kumbensyon
sa pagpawi ng di­pagkakapantay­pantay laban sa
Kababaihan at Pandaigdigang Batas sa Karapatang
Pantao, igagawad ng Estado sa Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong pamayanan, ayon sa nararapat na
pagkilala sa kanilang natatanging katangian at
pagkakakilanlan, ang mga karapatan, pangangalaga ng
batas at pribelihiyong katulad ng tinatamasa ng lahat ng
mga tao. Igagawad din sa kanila ang katulad na
karapatan sa paggawa, mga pagkakataon, batayang
serbvisyo, pang edukasyon at iba pang mga karapatan at
pribelihiyong tinatamasa ng lahat ng tao sa lipunan. Gayundin, titiyakin ng Estado na nag paggamit ng
anumang anyo ng dahas o panghihimasok laban sa mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay haharapin ng naaayon sa batas.
Titiyakin ng Estado na ang mga batayang karapatang
pantao at kalayaan na nakadambana sa Saligang Batas at
iba pang kaugnay na mga pandaigdignag kasunduan ay
titiyakin din sa mga katutubong kababaihan. Sa gayon, walang itinatadhana sa batas na ito ang maaaring
ipagpalagay na magdudulot ng pagmamaliit sa mga
karapatan at kagalingang dati nang kinikilala at
iginagawad sa mga kababaihan sa ilalim ng mga umiiral
na batas na may pangkalahatang saklaw.
Seksyon 22. Mga Karapatan sa Panahon ng
Armadong Tunggalian/Digmaan. Ang mga Katutubo
ay may karapatan sa di­pangkaraniwang pangangalaga at
katiyakan sa mga panahon ng armadong tunggalian o
digmaan. Susundin ng Estado ang mga Pandaigdigang
pamantayan, higit sa lahat, ang Ika­Apat na Kapulungan
sa Geneva ng 1949, para sa pangangalaga ang mga
populasyonng sibilyan sa mga pangyayaring kagipitan at
armadong tunggalian/digmaan. Hindi mangangalap mula
sa Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong

Pamayanan, ng kasapi ng hukbong sandatahan, ng
labag sa kanilang kagustuhan, at sa particular para
gamitin laban sa ibang mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan; o mangalap ng mga
kasapi mula sa katutubong kabataan para sa
sandatahang lakas sa anumang kalagayan; o pilitin ang
mga katutubo para lisanin ang kanilang mga lupa,
teritoryo at kabuhayan, o ilipat ng lugar sa natatanging
sentro para sa layuning panghukbo na may anumang
kalagayan ng diskriminasyon o ng di pagkakapantay­ pantay.
Seksyon 23. Kalayaan mula sa Diskriminasyon at
Karapatan sa Pantay na Pagkakataon at
Pakikitungo. Karapatan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan na
maging Malaya sa anumang anyo ng diskriminasyon, kaugnay sa pangangalap ng manggagawa at mga
kalagayan sa paggawa, na sila ay magtamasa ng
pantay na pagkakataon para sa pagtanggap sa
hanapbuhay, pangkalusugan at panlipunang tulong, kaligtasan at iba pang kaugnay na mga pakinabang
pang­hanapbuhay, ipabatid sa kanila ang kanilang mga
karapatan sa ilalim ng umiiral na mga batas sa
paggawa at mga paraang magagamit nila upang
makagawa ng lunas, hindi sumailalim sa anumang
sistema ng pamimilit na pagkuha ng bagong
manggagawa, kabilang na ang mapang aliping
paggawa at iba pang anyo ng utang­pagkabusabos, at
pantay na pagkakataon sa hanapbuhay para sa babae at
lalaki, kabilang ang pangangalaga laban sa
pangkasariang panliligalig.
Sa gayon, pagtitibayin ng Estado, alinsunod sa
balangkas ng mga pambansang batas at patakaran, at
sa pakikipagtulungan sa mga kaukulang Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan, ang
natatanging mga hakbang upang matiyak ang
mabisang pangangalaga hinggil sa pagkuha ng bagong
manggagawa at mga kalagayan sa hanapbuhay ng mga
taong nabibilang sa pamayanang ito, lalo na kung
hindi sila mabisang napapangalagaan ng mga batas na
ipinatutupad sa mga manggagawa sa kabuuan.
Ang mga Katutubong Pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan ay may karapatan sa
samahan at kalayaang bumuo at magpalakad ng mga
unyon, karapatang makipagtalastasan sa may­ari ng
pagawaan. Sila rin ay may karapatang hindi
sumailalim sa mga kalagayan sa paggawa na
makakapinsala sa kanilang kalusugan, lalo na sa

pamamagitan ng pagkalantad sa mga pestisidyo at iba
pang nakalalasong mga bagay.
Seksyon 24. Mga gawaing Labag sa Batas Kaugnay
sa Paggawa. Labag sa batas para sa sinumang tao na:
a. Magtangi laban sa sinumang katutubo hinggil sa
mga itinakda at kondisyon sa paggawa dahil sa
kanilang uring pinagmulan. Pantay na kabayaran
ang ibibigay sa mga katutubo at di­katutubo para
sa gawing magkapantay ang halaga; at
b. Pagkaitan ang sinumang katutubong
manggagawa ng karapatan o
kapakipakinabangang itinatadhana o itiwalag
sila sa layuning hadlangan silang tamasahin ang
alinman sa mga karapatan o kapakinabangang
itinatadhana ng Batas na ito.
Seksyon 25. Mga Batayang Serbisyong Panlipunan. Ang mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay may karapatan sa natatanging mga
hakbang para sa kagyat, mabisa at tuloy­tuloy na pag­ unlad ng kanilang pangkabuhayan at panlipunang
kalagayan, kasama ang mga usapin sa hanapbuhay, panghanapbuhay na pagsasanay at muling pagsasanay, pabahay, kalinisan, kalusugan at katiyakanng
panlipunan. Bibigyan ng natatanging pansin ang mga
karapatan at naiibang pangangailangan ng mga
katutubong kababaihan, matatanda, kabataan, bata at
mga kapansanan. Nang naaalinsunod, titiyakin ng Estado
ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa mga batayang
serbisyong panlipunan ng pamahalaan na kabilang, subalit hindi limitado sa, kagamitan sa tubig at pailaw, edukasyon, kalusugan at imprastraktura.
Seksyon 26. Kababaihan. Ang mga katutubong
kababaihan ay magtatamasa ng pantay na mga karapatan
at pagkakataon katulad ng sa kalalakihan, hinggil sa
panlipunan, pangkabuhayan, pampulitika at
pangkalinangang sakop ng buhay. Ang paglahok ng
katutubong kababaihan sa kaparaanan ng pagpapasya sa
lahat ng mga antas, gayundin sa pag­unlad ng lipunan, ay bibigyan ng maayos na paggalang at pagkilala.
Ang Estado ay magbibigay ng ganap na pagkakataon sa
edukasyon, pangangalaga sa bata at ina, kalusugan at
nutrisyon, at mga serbisyong pabahay sa katutubong
kababaihan. Ang pagsasanay sa panghanapbuhay,
teknikal, pandalubhasaan at iba pang anyo ng

pagsasanay ay ibibigay upang ang mga kababaihang
ito ay makalahok sa lahat ng aspeto ng buhay sa
lipunan. Hanggat maaari, titiyakin ng Estado na ang
lahat ng mga katutubong kababaihan ay magkakaroon
ng pagkakataon sa Lahat ng paglilingkod na nasa
wikang sarili.
Seksyon 27. Kabataan at Batang Katutubo.
Kikilalanin ng Estado ang mahalagang gampanin ng
mga bata at kabataang katutubo sa paghubog ng
lipunan at itataguyod at pangangalagaan ang kanilang
pisikal, moral, ispiritwal, pangkatalinuhan at
panlipunang katauhan. Tungo sa hangaring ito,
itataguyod ng Estado ang mga programang
pampamahalaang nakaukol sa pagpapaunlad at pag­ aaruga ng mga bata at kabataang katutubo para sa
mahusay na lipunan at magtatatag ng mga
kinakailangang pamamaraan upang maipagtanggol ang
mga karapatan ng mga bata at kabataang katutubo.
Seksyon 28. Kabuuang Sistemang Pang­ Edukasyon. Ang Estado, sa pamamagitan ng NCIP,
ay magbibigay ng husto, sapat at kabuuang sistemang
pang­edukasyon na angkop sa pangangailangan ng
mga bata at kabataang katutubo.

KABANATA VI : KARAPATAN SA KABUOANG PANGKALINANGAN

Seksyon 29. Pangangalaga sa Katutubong
Kalinangan, Salindunong/Tradisyon at mga
Linangan/Instiutsyon. Igagalang, kikilalanin at
pangangalagaan ng Estado ang karapatan ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na mapanatili at mapangalagaan ang
kanilang kalinangan, mga salindunong/tradisyon at
linangan/institusyon. Isasaalang­alang ang mga
karapatang ito sa pagbubuo at paggamit ng mga
pambansang plano at patakaran.
Seksyon 30. Sistemang Pang­edukasyon. Pagkakalooban ng Estado ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong pamayanan ng walang
kilik at pantay na pagkakataon sa pakinabang
pangkalinangan sa pamamagitan ng sistemang pang­ edukasyon, pampubliko o pribadong mga lupong
pangkalinangan, iskolarship, tulong pinansyal at iba
pang pabuya nang walang pagtatangi at walang pinsala
sa kanilang karapatang magtatag at pamahalaan ang
kanilang sistemang pang­edukasyon at mga
linangan/institusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng
edukasyon sa sarili nilang wika, sa isang paraang angkop
sa kanilang pamamaraang pangkalinangan sa pagtuturo
at pag­aaral. Ang mga katutubong bata at kabataan ay
may karapatan sa lahat ng antas at anyo ng edukasyon ng
Estado.
Seksyon 31. Pagkilala sa Pagkakaiba­iba ng mga
Kalinangan. Sisikapin ng Estado na masalamin sa lahat
ng mga anyo ng edukasyon, kaalamang pampubliko at
palitang pang­edukasyon at pangkalinangan ang
karangalan at pagkakaiba­iba ng kalinangan, salindunong/tradisyon, kasaysayan at mithiin ng mga
Katutubong Pamayanan Kultural/Katutubong
Pamayanan. Dahil dito, gagawa ang Estado ng
mabisang mga hakbang, kaugnay ng mga kaukulang
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, na alisin ang maling palagay at
diskriminasyon upang itaguyod ang pagsasaalang­alang,
unawaan at magandang relasyon sa pagitan ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan at sa lahat ng bahagdan ng lipunan. Dagdag

pa, ang pamahalaan ay gagawa ng mabisang mga
hakbang upang matiyak na ang mga media na

pagmamay­ari ng pamahalaan ay marapat na isaalang-
alang ang pagkakaiba­iba ng kalinangan. Titiyakin din

ng Estado ang paglahok ng mga nararapat na mga
katutubong namumuno sa mga paaralan, pamayanan at
pandaigdigang samahan katulad ng pagdiriwang, pulong, seminar, palihan upang itaguyod at pahusayin
ang kanilang kakaibang kaugaliang mana.
Seksyon 32. Mga Karapatan sa Pagmamay­aring
Intelektwal. Ang mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay may karapatan na
isagawa at muling buhayin ang kanilang sariling
pangkalinangang pinagkauglian at kaugalian. Pananatilihin, pangangalagaan at pauunlarin ng Estado
ang nakaraan, kasaluyan at hinaharap na mga
pagpapakilala sa kanilang mga kalinangan gayundin
ang karapatan na mapanumbalik ang mga kalinangan, pangkarunungan, may kinalaman sa relihiyon, at pang
espiritwal na pagmamay­ari na kinuha sa kanila nang
walang Malaya, nauuna at malinang na pagsang­ayon
o labag sa kanilang mga batas, salindunong/tradisyon
at kaugalian.
Seksyon 33. Mga Karapatang may Kinalaman sa
Relihiyon, mga Pook Pangkalinangan at mga
Seremonya. Ang mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay may karapatana
ipahayg, isagawa, paunlarin at ituro ang kanilang mga
salindunong/tradisyong may kinalaman sa ispiritwal at
relihiyon, mga kaugalian at seremonya; ang
karapatang panatilihin, pangalagaan at magkaroon ng
pagkakataon sa kanilang lugar pang­relihiyon at
pangkalinangan; ang karapatang gamitin at patnubayan
ang mga gamit pang seremonya; at ang karapatan na
ibalik ang mga labi patay. Nang naalinsunod, ang
Estado ay magsasagawa ng mga mabibisang hakbang, sa pakikipagtulungan sa mga kaukulang Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan, upang
matiyak na ang mga sagradong lugar ng katutubo, kabilang ang mga libingan, mapangalagaan, maigalang
at maipagtanggol. Upang makamit ang mga layuning
ito, magiging labag sa batas na:
a. Saliksikin/siyasatin, hukayin o gumawa ng
mga paghuhukay sa mga sinaunang lugar ng
mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan para sa
layuning makakuha ng mga kagamitan na may
pangkalinangang halaga nang walang malaya,

nauuna at malinang na pagsang­ayon ang
kinauukulang pamayanan; at
b. Sirain, alisin o sa ibang paraan ay sirain ang mga
bagay na ginawa ng tao (artifacts) na may
malaking kahalagahan sa mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
para sa pagpapanatili ng kanilang kalinangang
mana.
Seksyon 34. Karapatan sa Katutubong
Karunungan, Sistema at Pamamaraan (IKSPs) sa
Pagpapaunlad ng Sariling mga Agham at
Teknolohiya. Ang mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay may karapatan
sa pagkilala at ganap na pagmamay­ari, pamamahala
at pangangalaga ng kanilang mga karapatang
pangkalinangan at pang­intelektwal. Sila ay may
karapatan sa natatanging mga hakbang sa
pamamahala, pagpapaunlad at pangangalaga ng
kanilang mga agham, teknolohiya at
pangkalinangan, mga pagkakakilanlan, kabilang ang
pantao at iba pang yamanng henetiko, mga binhi, kasama ang pinagmulan ng ganitong yaman, katutubong gamut at kasanayang pangkalusugan, mahahalagang halamang gamut, mga hayop at
mineral, katutubong karunungang sistema at
pamamaraan, kaalaman sa katangian ng mga hayop
at halaman, pasalitang kaugalian (oral tradition), panitikan, debuho, pampaningin at gumagampang
sining (visual and performing arts).
Seksyon 35. Karapatan sa Yamang Bayolohika at
Henetiko. Ang mga pagkakataon sa yamang
bayolohiko at henetiko at sa katutubong kaalaman
kaugnay sa pagpapanatili, paggamit at
pagpapayaman ng ganitong mga yaman, ay
papayagan lamang sa loob ng mga lupa at lupaing
ninuno ng mga katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan kung may Malaya, nauuna at malinang na kapahintulutan ng mga
nabanggit na pamayanan, na nakuha sang­ayon sa
katutubong batas ng mga kaukulang pamayanan.
Seksyon 36. Likas­Kayang Pag­unlad sa
Sakahan­Teknolohiya. Kikilalanin ng Estado ang
Karapatan ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa likas­kayang
pag­unlad ng sakahan­teknolohiya. Gagawa at
magpapatupad ang Estado ng mga Gawain para sa
mahusay na pagpapatupad nito. Itataguyod din ng

Estado ang “bio­genetic” at mga pamamaraan ng
pamamahala sa yaman sa hanay ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan at hihikayatin ang pakikipagtulungan
ng mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak
ang tagumpay ng likas­kayang pag­unlad ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan.
Seksyon 37. Pondo para sa mga
Makasaysayang Pook. Ang mga katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay
may karapatang tumanggap mula sa pambansang
pamahalaan ng mga pondo na tanging nakaukol o
nakalaan para sa pamamahala at pangangalaga ng
kanilang mga makasaysayang pook at mga bagay
na gawa ng tao sa pamamagitan ng tulong
pampinasiyal at teknikal mula sa mga pambansang
ahensya ng pamahalaan.

KABANATA VII : PAMBANSANG KOMISYON SA KATUTUBONG PAMAYANAN PKKP/NCIP

Seksyon 38. Pambansang komisyon sa
Katutubong Pamayanan PKKP/NCIP. Upang
maipatupad ang mga patakarang itinakda ditto, bubuuin ang Pambansang Komisyon sa
Katutubong Pamayanan, na magiging
pangunahing sangay ng pamahalaan na may
tungkulin sa paghubog at pagpapatupad ng mga
patakaran, plano at programa upang itaguyod at
pangalagaan ang mga karapatan at kagalingan ng
mga Katutubong Pamayanang Kultural/katutubong
Pamayanan at upang ipatupad ang pagkilala sa
kanilang mga lupaing ninuno gayundin ang
kanilang mga karapatan ditto.
Seksyon 39. Inatas na Tungkulin. Ang
PKKP/NCIP ay mangangalaga at magtataguyod
ng interes at kagalingan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ng
may pagsasaalang­alang sa kanilang mga
paniniwala, kaugalian, salindunong/tradisyon at
linangan/institusyon.

Seksyon 40. Kabuoan. Ang PKKP/NCIP ay isang
nagsasariling ahensya sa ilalim ng Tanggapan ng
Pangulo at bubuuin ng pitong (7) Komisyonado na
kung saan pipili ng isang Tagapangulo. Ang mga
Komisyonado ay hihirangin ng Pangulo ng Pilipinas
mula sa talaan ng mga rekomendadong iniharap ng
mga tunay na Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan: Sa kondisyon, Na
ang Pitong Komisyonado ay mahihirang particular
isa mula sa mga sumusunod na etnograpikong lugar:
Rehiyon I at Cordillera; Rehiyon II; Iba pang mga
etnograpikong lugar sa Luzon; mga Pulo­pulo
kasama ang Mindoro, Palawan, Romblon, Panay at
iba pang bahagi ng Kabisayaan; hilaga at Kanlurang
Mindanao; Timog at Silangang Mindanao; at
Gitnang Mindanao; Sa karagdagang Kondisyon na, hindi bababa sa dalawa (2) mula sa pitong
Komisyonado ang babae.
Seksyon 41. Mga Katangian, Lawig ng
Panunungkulan at Karampatang Sahod. Ang
Tagapangulo at ang anim (6) na Komisyonado ay
katutubong inank na mamamayang Pilipino, tunay
na katutubong kasapi ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayana na pinatutunayan ng
kaniyang tribo, dalubhasa sa mga pangyayari sa
katutubo at nakipagtrabaho ng hindi bababa sa
sampung (10) taon sa isang Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan at/o
anumang ahensya ng pamahalaan para sa mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, hindi bababa sa tatlumpu’t­limang (35)
taong gulang sa panahon ng pagkakahirang at
kinakailangang may napatunayang katapatan at
karangalan; Sa kondisyong, hindi bababa sa dalawa
(2) mula sa pitong (7) Komisyonado ang dapat ay
mananaggol na nakapasa sa “Philippine Bar.” Sa
karagdagang kondisyon, na ang mga kasapi ng
NCIP ay maglilingkod sa loob ng taning na
panunungkulan na tatlong (3) taon, at maaaring
muling mahirang sa isa pang katulad ding taning ng
panunungkulan: Sa karagdagang kondisyon, na
walang tao ang manunungkulan ng higit sa dalawang
(2) buong taning ng panunungkulan. Ang paghirang
sa alinmang bakante, kung sakali, ay para lamang sa
takdang panahon na hindi natapos ng sinundan at
walang anumang pangyayari na ang isang kasapi ay
mahihirang para sa pansamantalang pagganap. Sa
kondisyon pa rin, na ang Tagapangulo at mga
Komisyonado ay may karapatang pasahuran nang

naaayon sa naalinsunod na “Salary Standarization
law.”
Seksyon 42. Pag­aalis sa Panunungkulan. Sinumang kasapi ng PKKP/NCIP ay maaaring
alisin sa panunungkulan ng Pangulo, sa sarili
nitong pagkukusa o ayon sa tagubilin o
rekomendasyon ng alinmang katutubong
pamayanan, bago matapos ang knayang taning na
panahon ng panunungkulan kung may legal na
kadahilanan at matapos sundin ang naaayong
pamamaraang hinihingi ng batas.
Seksyon 43. Paghirang sa mga Komisyonado. Ang pangulo ay hihirang ng pitong (7)
Komisyonado ng PKKP/NCIP sa loob ng siyam na
pung (90) araw matapos magkabisa ang Batas na
ito.
Seksyon 44. Mga Kapangyarihan at Tungkulin. Upang maisagawa ang mga ipinag­uutos sa kanya, ang PKKP/NCIP ay mga sumusunod na
kapangyarihan, nasasaklawan at tungkulin:
a. Magsilbing Pangunahing ahensya ng
pamahalaan kung saan ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
ay makakahingi ng tulong at magsisilbing
isang tulay kung saan ang gayong tulong ay
maaaring ipaabot;
b. Aralin at tasahin ang mga kalagayan ng
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, kabilang na ang mga umiiral na
mga batas at patakarang may kaugnayan sa
kanila at magmungkahi ng pagsasabatas ng
mga makabuluhang atas at patakaran upang
makatugon at magampanan nila ang kanilang
gampanin para sa pambansang kaunlaran;
k. Balangkasin at ipatupad ang mga patakaran, plano, programa at proyekto para sa
pangkabuhayan, panlipunan at
pangkalinangang pag­unlad ng mga
katutubong pamayanan/katutubo at
subaybayan ang pagpapatupad ng mga iyon;
d. Hilingin at gamitin ang paglilingkod at tulong
ng mga dalubhasa mula sa ibang mga
ahensyang pamahalaan o upahan ang mga

pribadong dalubhasa at taga­pagsangguni kung
kinakailangan upang matugunan ang mga layunin
nito;
e Maggawad ng katibayan ng pagkilala sa
lupa/lupaing ninuno;
f. Sang­ayon sa umiiral na mga batas, pumaloob sa
mga kontrata, kasunduan o kaayusan sa mga
ahensya ng pamahalaan o pribadong grupo kung
kinakailangan upang maabot ang mga layunin
ng Batas na ito, at batay sa pagsang­ayon ng
Pangulo, umutang mula sa mga
pampamahalaang institusyong nagpapautang
o/at sa iba pang institusyong pautangan upang
pondohan ang mga programa nito;
g. Makipagkasundo ukol sa mga pondo at
tumanggap ng mga bigay, donasyon, handog
at/o ari­arian anumang anyo nito, mula saan
mang mapagkukunan, panlokal man o
pandaigdig, alinsunod sa pagsang­ayon ng
Pangulo ng Pilipinas, para sa kapakinabangan ng
mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan at pangasiwaan
ito ayon sa mga nakasaad doon; o kung walang
anumang panuntuanan, ay pangasiwaan sa
paraang naaayon sa mga interes ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan at
sa umiiral na mga batas;
h. Pagtugmain ang mga programa at proyektong
pangkaunlaran para sa pagsulong ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan at subaybayan ang wastong
pagpapatupad nito;
i. Magtakda ng napapanahong kumbensyon o
pagtitipon ng mga katutubo upang aralin at
tasahin, at magmungkahi, ng mga patakaran o
plano;
j. Payuhan ang Pangulo ng Pilipinas sa lahat ng
mga usaping may kaugnayan sa mga katutubo at
maghain sa loob ng animnapung (60) araw
makalipas ang pagtatapos ng bawat taon, ng ulat
ng mga pagpapalakad at mga nagawa nito.
k. Maghain sa Kongreso ng mga panukala ukol sa
pagpapatupad ng mga patakarang nakasaad sa
batas na ito;

l. Ihanda at ihain ang nauukol na laang guguling
salapi sa Tanggapan ng Pangulo. m. Magbigay ng naaayong katibayan bilang
paunang kondisyon sa pagbibigay ng
pahintulot, pahintulot sa pag­upa, at iba pang
kahalintulad na kapangyarihan para sa
pagbibigay ng pahintulot sa pamimigay, paggamit, pamamahala at paglalaan sa
sinumang pribadong tao, samahang
pangangalakal o anumang ahensya ng
pamahalaan, korporasyon o bahagi nito, sa
alinmang bahagi ng lupaing ninuno na
isinaalang­alang ang pinagkaisahan ng mga
nasasangkot na mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan;
n. Hatulan ang lahat ng mga paghahabol mula sa
mga pasya at Gawain ng lahat ng tanggapan sa
loob ng Komisyon;
ng. Pairalin ang kinakailangang mga tuntunin at
patakaran para sa pagpapatupad ng Batas na
ito;
o. Isagawa ang iba pang kapangyarihan at
tungkulin na maaaring ipag­utos ng Pangulo
ng Republika ng Pilipinas;
p. Katawanin ang mga katutubong Pilipino sa
lahat ng pandaigdigang pulong at kumbensyon
na tumatalakay sa mga katutubo at iba pang
kaugnay na mga bagay.
Seksyon 45. nalalapitan at Bukas na
Panunungkulan. Maliban sa mga taning na
itinatadhana ng batas o ng mga tuntunin at patakarang
ipinapahayag kasunod nito, lahat ng mga opisyal na
talaan, kasulatan at dokumento na tumutukoy sa
opisyal na mga batas, mga pakikipag­usap o
kapasyahan, gayundin ang mga pananliksik ng datos
na ginagamit bilang batayan sa pagpapaunlad ng
patakaran ng Komisyon ay gagawing bukas sa
publiko.
Seksyon 46. Mga Tanggapan sa loob ng
PKKP/NCIP. Ang PKKP/NCIP ay magkakaroon ng
mga sumusunod na tanggapan na may pananagutan sa
pagpapatupad ng mga patakarang isinasaad ditto.

a. Tanggapan para sa Lupaing Ninuno. Ang
tanggapan para sa Lupaing Ninuno ay may
pananagutan para sa pagtutukoy, pagtukoy/pagsukat, pagkilala ng mga
lupa/lupaing ninuno ng naaayon sa isang
pangkabuoang plano gayundin ang
pagpapatupad ng mga karapatan sa lupa/lupaing
ninuno ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan katulad ng
itinatadhana sa Kabanat II ng Batas na ito. Ito
rin ang magbibigay, sang­ayon sa Malaya, nauuna at malinang na pahintulot ng mga
nasasangkot na mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ng katibayan
ng pagkilala bago igawad ang anumang lisensya, paupa/pahiram o pahintulot para sa paggalugad
ng mga likas yaman na makakaapekto sa mga
interes ng Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan o sa kanilang
mga lupaing ninuno. Ito rin ang magsasagawa
ng iba pang mga tungkuling ipinapalagay ng
Komisyon na angkop at kinakailangan;
b. Tanggapan para sa Paghubog ng Patakaran, Pagpaplano at Pananliksik. Ang tanggapan
para sa Paghubog ng Patakaran, Pagpaplano at
Pananaliksik ang may pananagutan sa
pagbabalangkas ng mga naaangkop na mga
patakaran at programa para sa mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanang
katulad ng, ngunit hindi limitado sa, paggawa ng
isang Limang­Taong Pangkalahatang Plano para
sa mga Katutubong Pamayanang
cultural/katutubong Pamayanan. Ang nasabing
plano ay sasailalim sa isang pamamaraan kung
saan tuwing ikalimang taon, ang Komisyon ay
gagawa ng pagtatasa sa plano at gagawa ng
naaangkop na pagbabago batay sa pagbabago ng
kalagayan. Ang tanggapan ay magsasagawa rin
ng pagtatala ng katutubong batas at magtatayo at
magpapanatili ng isang Sentro sa Pananliksik
upang magsilbing imbakan o ipunan ng
etnograpikong kaalaman para sa pagsubaybay, pagtatasa at pagbubuo ng patakaran. Tutulong
ito sa lehislatibong sangay ng pambansang
pamahalaan sa pagbubuo ng naaangkop na mga
batas para sa kapakanan ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan;

k. Tanggapan para sa Edukasyon, Kalinangan
at Kalusugan. Ang Tanggapan para sa
Edukasyon, Kalinangan at Kalusugan ang may
pananagutan ukol sa mabisang pagpapatupad
ng mga karapatan sa edukasyon, kultura at iba
pang kaugnay na karapatan katulad ng
nakasaad sa Batas na ito. Ito ay tutulong, magtataguyod at susuporta sa mga paaralang
pampamayanan pormal man o di­pormal para
sa kapakanan ng lokal na katutubong
pamayanan, lalo na sa mga lugar kung saan
ang umiiral na pasilidad sa pag­aaral ay hindi
umaabot sa mga katutubo. Magbibigay ito ng
mga programa para sa libreng pag­aaral at iba
pang karapatang pang­edukasyong nakalaan
para sa mga katutubo sa pakikipag­ugnayan sa
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports
at sa Komisyon para sa mas mataas na
Kaalaman. Ito rin ay gagawa, sa loob ng
nasasaklawang laang pondo, ng isang
natatanging programa kasama ang pagsasanay
sa wika at pangkabuhayan, kalusugang
pampubliko at programa para sa tulong
pampamilya at iba pang mga kaugnay na mga
paksa.
Tutukuyon din nito ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
na may kakayahan sa pagsasanay sa larangan
ng kalusugan at hihikayatin at tutulungan
silang makapagtala sa mga paaralan sa
medisina, “nursing, physical theraphy” at iba
pang kaugnay na na may mga kursong may
kaugnayan sa propesyong pangkalusugan.
Tungo sa hangaring ito, ang PKKP/NCIP ay
magtatalaga ng isang kinatawan sa bawat
tanggapan na siyang personal na gagawa ng
mga nabanggit na tungkulin at siyang personal
na gagawa ng mga nabanggit na tungkulin at
siyang tatanggap ng mga sumbong mula sa
mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan upang
makagawa ng karampatang aksyon ang
kinauukulang ahensya. Susubaybayan din nito
ang mga Gawain ng Pambansang Museo at iba
pang katulad na ahensya ng pamahalaan na sa
kabuuan ay nakaukol sa pamamahala at
pagpapanatili ng mga makasaysayang gawa ng
katutubo at magkakaroon ng tungkulin sa
pagpapatupad ng iba pang gawaing

ipinapalagay ng PKKP/NCIP na angkop at
kinakailangan;

d. Tanggapan para sa Panlipunang-
Pangkabuhayan, Paglilingkod at natatanging

Gawain. Ang Tanggapan para sa Panlipunan­ Pangkabuhayang Paglilingkod at natatanging
Gawain ay maglilingkod bilang isang
Tanggapan kung saan ang PKKP/NCIP ay
makikipag­ugnayan sa ibang ahensya ng
pamahalaan na sadyang nakatuon sa
pagpapatupad ng iba’t­ibang mga batayang
panlipunan­pangkabuhayang paglilingkod, mga
patakaran, plano at programang nakakaapekto sa
mga katutubong pamayanan/katutubo upang
matiyak na ang mga ito ay maaayos at direktang
napapakinabangan nila. Ito rin ang may
pananagutan sa iba pang gawaing ipinapalagay
ng PKKP/NCIP na angkop at kinakailangan;
e. Tanggapan para sa Paghubog­Kapangyarihan
at mga Karapatang Pantao. Ang tanggapan
para sa Paghubog­kapangyarihan at mga
Karapatang Pantao ang magtitiyak na ang mga
karapatang panlipunan, pampulitika, pangkalinangan at pangkabuhayan ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay igagalang at kikilalanin. Titiyakin
din nito na ang mga pamamaraan sa pagbubuo
ng kakayanan ay maitatatag, at ang mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ay mabigyan ng lahat ng
pagkakataon, kung kanilang pipiliin, para sa
paglahok sa lahat ng mga antas ng paggawa ng
mga pasya. Gayundin, titiyakin nito na nag mga
batayang karapatang pantao, at iba pang mga
karapatan na maaaring matukoy ng
PKKP/NCIP, batay sa umiiral na mga batas, panuntunan at patakaran, ay pinangangalagaan
at itinataguyod.
g. Tanggapan para sa Pangangasiwa. Ang
Tanggapan sa Pangangasiwa ay magbibigay sa
PKKP/NCIP ng pangkabuhayan, mahusay at
mabisang paglilingkod na may kaugnayan sa
mga tauhan, pananalapi, talaan, kagamitan, seguridad, gamit at iba pang kaugnay na mga
paglilingkod. Ito rin ang mamamahala ng Pondo
para sa Lupaing Ninuno.

h. Tanggapan Panlegal. Magkakaroon ng
Tanggapang Panlegal na magpapayo sa
PKKP/NCIP sa lahat ng mga bagay kaugnay
sa usaping panlegal ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
at may pananagutan sa pagbibigay sa mga
Katutubong Pamayanan ng tulong panlegal sa
paglilitis na may kaugnayan sa kapakanan ng
katutubong pamayanan. Ito ang magsasagawa
ng unang pagsisiyasat batay sa mga sumbong
ng mga Katutubong pamayanang
Kultural/katutubong pamayanan laban sa mga
taong pinaniniwalaang lumabag sa karapatan
ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan. Batay sa
kanyang mga natuklasan, ito ang mangunguna
sa pagsasampa ng angkop na legal o
administratibong reklamo sa PKKP/NCIP.
Seksyon 47. Iba Pang Mga Tanggapan. Ang
PKKP/NCIP ay may kapangyarihang magbuo ng
karagdagang mga tanggapan na maaari nitong ituring
na kinakailangan batay sa umiiral na mga tuntunin at
patakaran.
Seksyon 48. Mga Tanggapang Panrehiyon at
Panlabas. Ang mga umiiral na panrehiyon at panlabas
na tanggapan para sa katutubo ay mananatili sa ilalim
ng pinalakas na balangkas ng organisasyon ng
PKKP/NCIP. Ang iba pang tanggapang panlabas ay
lilikhain kung saan naangkop at ang huwaran sa
paglalagay ng mga kawani ay pagpapasyahan ng
PKKP/NCIP: Sa kondisyon na sa mga lalawigan kung
saan mayroong mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ngunit walang mga
tanggapang panlabas, ang PKKP/NCIP ay magtatayo
ng mga tanggapang panlabas sa mga nasabing
lalawigan.
Seksyon 49. Tanggapan ng Punong
Tagapagpaganap. Ang PKKP/NCIP ay magbubuo ng
Tanggapan ng Punong Tagapagpaganap na siyang
magsisilbi bilang Kalihiman. Ang Tanggapan ay
pamumunuan ng isang Punong Tagapagpaganap na
hihirangin ng Pangulo ng Pilipinas sa tagubilin ng
PKKP/NCIP sa isang palagiang posisyon. Ang
paglalagay ng tauhan ng tanggapan ay pagpapasyahan
ng PKKP/NCIP batay sa umiiral na mga tuntunin at
patakaran.

Seksyon 50. Sangguniang Kapulungan. Isang
kapulungan na binubuo ng mga tradisyunal na mga
pinuno, nakatatanda at kinatawan ng kababaihan at
kabataan ng iba’t­ibang Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ang pana­panahong
bubuuin ng PKKP/NCIP upang magpayo dito hingil sa
mga usaping may kaugnayan sa mga suliranin, adhikain
at kapakanan ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan.

KABANATA VIII : PAGTUKOY, PAGSUSUKAT AT PAGKILALA SA LUPAING NINUNO

Seksyon 51. Pagtukoy, Pagsusukat at Pagkilala ng
mga Lupaing Ninuno. Ang Sariling Pagtukoy at
Pasusukat (Self­Delineation) ang magiging gabay na
panuntutnan sa pagtukoy at pagsusukat ng mga lupaing
ninuno. Sa gayon, ang mga kinauukulang Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay may
tiyak na gampanin sa lahat ng mga gawaing kaugnay
nito. Ang sinumpaang Salaysay ng mga Nakakatanda
hinggil sa lawak ng mga kalupaan at mga kasunduang
ginawa/pinasok o mga tratado sa mga kalapit na
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, kung mayroon man, ay mahalaga sa
pagpapasya sa lawak ng pagmamay­ari ng mga
tradisyunal na kalupaan. Gagawin ng pamahalaan ang
mga kinakailangang hakbang upang matukoy ang mga
lupang tradisyunal na sinasakop ng mga Katutubong
Pamayanang Kultural/katutubong Pamayanan at titiyakin
ang mabisang pangangalaga sa kanilang mga karapatan
sa pagmamay­ari ng mga ito. Magsasagawa ng mga
hakbanging angkop sa kalagayan, upang tiyakin ang
karapatan ng mga kaukulang katutubong pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan sa lupang maaaring
hindi na sila lamang ang naninirahan, subalit kanilang
nakaugaliang gamitin para sa kanilang ikinabubuhay at
nakaugaliang mga Gawain, lalo na ang mga Katutubong
pamayanang Kultural/katutubong pamayanan na
gumagala pa rin hanggang sa kasalukuyan at/o mga
palipat lipat na magbubungkal.
Seksyon 52. Mag Pamamaraan sa Pagtukoy at
Pagsusukat. Ang pagtutukoy at pagsusukat ng mga

lupaing ninuno ay gagawin ng naaayon sa mga
sumusunod na pamamaraan:
a. Mga Lupaing Ninuno na Natukoy/Nasukat
Bago pa ang Batas na ito. Ang mga
itinatadhana sa ilalim nito ay hindi sasaklaw sa
mga lupa/lupaing ninuno na natukoy/nasukat
na sa pamamagitan ng Pangasiwaang kautusan
Bilang 2, Serye ng 1993 ng Kagawaran sa
Kalikasan at Likas Yaman (DENR­DAO93­
02), o maging sa mga lupa/lupaing ninuno na
natukoy/nasukat sa ilalim ng ibang programa
ng pamayanan sa lupaing ninuno bago pa
magkabisa ang Batas na ito. Ang mga
katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanang nagmamay­ari ng mga
lupa/lupaing ninuno na natukoy/nasukat na
bago pa magkabisa ang batas na ito ay may
karapatang humiling ng katibayan ng
Pagkilala sa Lupaing ninuo sa lugar kahit
hindi sumailalim sa pamamaraang binabanggit
ditto;
b. Kahilingan Sa Pagtukoy/Pagsusukat. Ang
pamamaraan sa pagtukoy/pagsukat sa isang
tiyak na paligid ay maaaring simulan ng
PKKP/NCIP sa pahintulot ng kinauukulang
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan, o sa pamamagitan ng kahilingan
sa pagtukoy/pagsukat na inihain sa
PKKP/NCIP ng nakararaming kasapi ng
Katutubong Pamayanang Kultural/katutubong
Pamayanan;

k. Pormal na Pagtukoy/Pagsukat. Ang pormal
na pagtukoy/pagsukat ng mga hangganan ng
lupaing ninuno, kabilang na ang sensus ng
lahat ng kasapi ng pamayanang naroroon, ay
kagyat na gagawin ng Tanggapan para sa
Lupaing Ninuno sa oras na hilingin ng mga
kaukulang Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan. Ang
pagtukoy/pagsukat ay gagawin sang­ayon sa
pakikipag­ugnayan sa kinauukulang
pamayanan at sa lahat ng panahon ay
isasaalang­alang ang tunay na pakikisangkot at
paglahok ng mga kasapi ng kinauukulang
pamayanan;

c. Kinakailangang Katunayan. Ibibilang sa mga
katunayan ng Pag­aangkin sa Lupaing Ninuno
ang Sinumpaang Salaysay ng mga nakatatanda o
pamayanan, at isa (1) sa mga iba pang mga
kasulatan na tuwiran o di­tiwirang nagpapatunay
sa pagmamay­ari o pagsaklaw sa konsepto ng
nagmamay­ari, sa mga lugar na mula sa panahon
hanggang abot ng alaala ay pag­aari, ari­arian o
inaangking ariarian ng katutubong pamayanan o
katutubo sa konsepto ng pagmamay­ari, na
alinman sa mga sumusunod na tunay na
kasulatan:
1. Nasusulat na salaysay ng mga kaugalian
at pinagkaugalian ng mga Katutubong
pamayanang Kultural/katutubong
pamayanan;
2. Nasusulat na salaysay ng mga balangkas
pampulitika at linangan/institusyon ng
mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan;
3. Mga larawan na nagpapakita ng
mahabang panahon ng pagsklaw tulad
ng mga lumang pagpapaunlad, libingan
ng mga yumao, sagradong lugar at mga
lumang pamayanan.
4. Pangkasaysayang paglalahad, kabilang
ang mga pagkakaisa at kasunduan
hinggil sa mga hangganan, na
pinagkasunduan ng mga kaukulang
Katutubong pamayanang
cultural/Katutubong pamayanan at iba
pang katutubong pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan;

5. Plano ng pagsusukat at mga guhit ng
mapa;
6. Mga palatauhang datos (anthropological
data);

7. Mga talaan ng karuktungan ng
kapanganakan;

8. Mga larawan at naglalarawang
kasaysayan ng mga nakaugaliang
komunal na mga gubat at lugar
pangasuhan;
9. Mga larawan na naglalarawang
kasaysayan ng nakaugaliang
palatandaan katulad ng mga bundok,
ilog, sapa, burol, hagdan­hagdang
palayan at iba pang katulad; at
10. Nakasulat na mga pangalan at lugar na
hango sa mga katutubong wika ng
pamayanan;

e. Paghahanda ng mga Mapa. Batay sa mga
pagsisiyasat at natuklasang katotohanang batay
dito, ang Tanggapan para sa Lupaing Ninuno
ng PKKP/NCIP ay maghahanda ng isang mapa
ng sukat na buong paligid, buo at may teknikal
na paglalarawan, at isang paglalarawan sa mga
likas na katangian at mga palatandaang naroon;
g. Ulat ng Pagsisiyasat at Iba pang mga
Kasulatan. Isang kumpletong sipi na naunang
sensus at isang ulat sa pagsisyasat ang gagawin
ng Tanggapan sa Lupaing ninuno ng
PKKP/NCIP;
h. Patalastas at Paglalathala. Isang sipi ng bawat
kasulatan, kasama ang sipi na nakasalin sa
wikang katutubo ng kaukulang Katutubong
pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan
ng mga ito, ang ididikit sa isang lantad na lugar
nang hindi bababa sa labinlimang (15) araw. Ang kopya ng kasulatan ay ipapaskel din sa
lokal, panlalawigan at panrehiyong tanggapan
ng PKKP/NCIP, at ipapalathala sa isang
pahagang may malaganap na sirkulasyon minsan
isang lingo sa loob ng dalawang (2) magkasunod
na linggo upang mabigyan ng pagkakataon ang
iba pang may pag­aangkin sa mga saklaw na
kalupaan na maghain ng pagtutol ditto sa loob
ng labinlimang (15) araw matapos ang araw ng
paglalathala: Datapwa’t sa mga lugar na walang
pahayagan, ang pagbabalita sa istasyon ng radio
ay isang matuwid na kapalit: Datapwa’t, kahit
ang pagdidikit lamang ay itinuturing nang sapat
kung ang parehong pahayagan at istasyon ng
radio ay hindi magagamit;

i. Paglilipat sa PKKP/NCIP. Sa loob ng
labinlimang araw (15) mula sa araw ng
paglalathaha na kasaad sa itaas, at ng mga
pamamaraan sa pagsisyasat, ang tanggapan para
sa Lupaing Ninuno ay maghahanda ng isang ulat
sa PKKP/NCIP na sinasang­ayunan nang buong
puso ang pag­aangkin na ipinapalagay na may
sapat na katunayan. Subalit, kung ang katibayan
ay ipinapalagay na hindi sapat, ay hihingi ng
karagdagang katibayan ang Tanggapan para sa
Lupaing Ninuno: Sa kondisyon, na nag
Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ay hindi
tatanggap ng anumang pag­aangkin na
ipinapalagay na mali o may daya matapos ang
pagsusuri at pagsisiyasat: Sa karagdagang
kondisyon, na sa kalagayan ng hindi pagtanggap,
bibigyan ng Tanggapan para sa Lupaing Ninuno
ang umaangkin ng naaayong pansin, at sipi ng
lahat ng kinauukulan, na nagsasaad ng
kadahilanan sa hindi pagtanggap. Ang di­
pagtanggap ay maaaring habulin sa
PKKP/NCIP. Sa kondisyon, bukod pa roon, na
sa kalagayan na kung saan ang may
magkatunggaling pag­aangkin sa hanay ng mga
Katutubong Pamayananng Kultural/Katutubong
Pamayanan hinggil sa mga hangganan ng
inaangking lupaing ninuno, paghaharapin ng
Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ang
nagtatalong mga panig at tutulungan silang
magkaroon ng panimulang pagsasaayos ng
hidwaan na walang kinikilingan sa ganap na
matalinong paghuhusgang nakasaad sa seksyon
sa ibaba
l. Pagsasauli sa Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong pamayanan ng mga
Lugar sa Loob ng Lupaing Ninuno na
Pinamamahalaan ng mga Ahensya ng
Pamahalaan. Ang Tagapangulo ng PKKP/NCIP
ay magpapatotoo na ng sakop ng lugar ay isang
lupaing ninuno. Ang mga Kalihim ng
Kagawaran ng Repormang Pansakahan, Kagawaran sa Kapaligiran at Likas­Yaman, Kagawaran sa Panloob at Panlokal na
Pamahalaan, at Kagawaran sa Katarungan, ang
Komisyoner ng Korporasyon sa Pambansang
Pag­unlad, at iba pang ahensya ng pamahalaan
na aumaangkin sa pananakop sa mga lugar ay
bibigyan ng babala tungkol ditto. Ang nasabing
babala ay magbibigay wakes ng anumang legal

na batayan para sa pananakop na dating
angkin ng mga naturang ahensya sa naturang
mga lugar. m. Pagbibigay ng Katibayan ng pagkikilala sa
Lupaing Ninuno. Ang mga lupaing ninuno ng
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
pamayanan na pormal nang natukoy/nasukat
ng PKKP/NCIP ay gagawaran ng Katibayan
ng Pagkilala sa Lupaing Ninuno (CADT) sa
pangalan ng kaukulang pamayanan, na
naglalaman ng listahan ng lahat ng mga
natukoy sa sensus; at

n. Pagpapatala ng Katibayan ng Pagkilala sa
Lupaing Ninuno. Itatala ng PKKP/NCIP ang
mga naibigay na titulo sa lupaing ninuno
(CADT) at mga katibayan ng pagkilala sa mga
lupang ninuno sa Tanggapan ng Patalaan ng
mga Titulo/Ari­arian ng lugar na kung saan
matatagpuan ang lupain.
Seksyon 53. Pagtukoy/Pagsukat at katibayan ng
Pagkilala sa mga Lupang Ninuno.
a. Ang pagbabahagi ng mga kalupaan sa loob ng
anumang lupaing ninuno at pagkakaloob ng
mga bahagi nito sa isang tao o katutubong
samahang nag­aangkin ay ibibigay sa
kaukulang katutubong pamayanang
Kultural/katutubong pamayanan upang
pagpasyahan ng naaayon sa kaugalian at
pinagkaugalian.
b. Ang isang tao o mga samahan ng katutubong
nag­aangkin ng lupang ninuno na wala sa loob
ng lupaing ninuno, ay maaaring pormal na
patunayan ang kanilang pag­aangkin sa
pamamagitan ng pagpapatala ng kanilang mga
kahilingan sa pagtutukoy at pagsusukat sa
Tanggapan para sa Lupaing Ninuno. Ang
isang tao o kinikilalang pinuno ng pamilya o
angkan ay maaaring magpatala ng kanilang
kahilingan sa kaniyang pangalan o sa ngalan
ng kaniyang pamilya o angkan, ayon sa ayos
ng pagkakasunod­sunod;
k. Ang talaan ng kahilingan (application form)
ay kailangang may kasamang mga patunay ng
nasabing pag­aangkin na may kasamang

sinumpaang salaysay ng mga nakatatanda sa
pamayanan at iba pang mga dokumentong
tuwiran o di­tuwirang nagpapatunay sa
pagmamay­ari o paninirahan o paninirahan sa
mga lugar simula sa panahong hanggang abot ng
alaala ay pagmamay­ari o pag­aangkin bilang
may­ari ng isang tao o samahan ng mga tao ang
naturang mga lugar, na maaaring alin man sa
mga tunay na dokumentong inisa­isa sa Sek. 52
(d) ng Batas na ito, kasama ang mga pahayag sa
buwis at patunay ng mga pagbabayad ng buwis;
d. Ang Tanggapanpara para sa Lupaing Ninuno ay
maaaring humingi mula sa bawat isang nag­ aangkin ng lupang ninuno na magbigay ng iba
pang mga dokumento, mga sinumpaang salaysay
at iba pang katulad, na sa palagay nito ay
maaaring makpagbigay­linaw sa katotohanan ng
mga nilalaman ng kahilingan/pag­aangkin;
e. Pagkatanggap ng kahilingan para sa
pagtukoy/pagsukat at pagkilala ng pag­aangkin
sa lupang ninuno, ilalathala ng Tanggapan para
sa Lupaing Ninuno ang kahilingan at isang sipi
ng bawat dokumentong ibinigay kasama ang sipi
ng nakasalin sa katutubong wika ng mga
kinauukulang Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan sa isang lantad
na lugar ng hindi bababa sa labinlimang (15)
araw. Ang sipi ng dokumento ay ipalalagay din
sa mga tanggapang panlokal, panlalawigan at
panrelihiyon ng PKKP/NCIP at ipalalathala sa
isang pahayagang may malawak na sirkulasyon
minsan isang lingo sa loob ng dalawang (2)
magkakasunod na lingo upang bigyan ng
pagkakataon ang ibang nag­aangkin na
makapagbigay ng pagtutol. Sa kondisyon, Na sa
mga lugar na walang pahayagan, ang
pagbabalita sa istasyon ng radio ay sapat nang
kapalit. Sa karagdagang kondisyon, Na kahit
ang Pagdidikit lamang ay maituturing nang sapat
kung parehong pahayagan at istasyon ng radio
ay hindi magamit.
g. Labinlimang (15) araw mula sa araw ng
paglalathala, ang Tanggapan para sa Lupaing
Ninuno ay magsisyasat at magsusuri ng bawat
isang kahilingan, at kung makikitang karapat­
dapat, ay mag­uutos ng pagsukat sa bahagi ng
lugar na inaangkin. Ang Tanggapan para sa
Lupaing Ninun ay tatangi sa anumang pag­

aangkin na ipinapalagay nitong mali o may
daya matapos ang pagsisyasat at
pagpapatunay. Sa kalagayan ng di­ pagtanggap, ang Tanggapan para sa Lupaing
Ninuno ay magbibigay sa humihiling ng
kaukulang pabatid, na may sipi ang lahat ng
kinauukulan ng dokumento na naglalaman ng
mga dahilan sa pagtanggi. Ang di­ pagkakatanggap ay maaaring i­apela sa
PKKP/NCIP. Sa kalagayan ng
magkatunggaling panig at tutulungan silang
magkaroon ng panimulang pagsasaayos sa
hidwaan, ng walang pagtatanggi upang ganap
itong maghukom nang naaayon sa itinatadhana
ng Seksyon 62 ng Batas na ito. Sa lahat ng
usaping/pandinig sa pagtukoy/pagsukat ng
mga lupaing ninuno na tinutukoy dito, ang
Patnugot ng mga Lupa (Director of the Lands
Management Bureau) ang kakatawan sa
kapakanan ng Republika ng Pilipinas;
h. Ang Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ay
maghahanda at magbibigay ng ulat sa bawat
isa at lahat ng mga kahilingan na natukoy at
nasukat sa PKKP/NCIP na kung sino naman
ang magtatamasa ng mga ulat na ibinigay. Kung nakita ng PKKP/NCIP na ng mga
kahilingan sa pag­aangkin ay karapat­dapat,
ito ay magbibigay ng isang Katibayang
Pagkilala sa Lupang Ninuno (CALT), na
nagpapahayag at nagpapatunay ng pag­ aangkin ng isang tao o korporasyon (pamilya o
angkan) sa mga lupaing ninuno.
Seksyon 54. Mga Mapanlinlang ng Pag­aangkin. Ang Tanggapan para sa Lupaing Ninuno ay maaari, sa
pamamagitan ng nakasulat na kahilingan mula sa mga
Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan, na balik­aralan ang umiiral na mga pag­ aangkin na maaaring mapanlinlang na nakamit ng, at
ibinigay sa, sinumang tao o pamayanan at ito ay
maaaring ipawalang­bisa ng PKKP/NCIP matapos ang
naaayong babala at pagdinig sa lahat ng panig na
nasasangkot.
Seksyon 55. Mga Karapatang Komunal. Sang­ayon
sa pasubaling nakasaad sa Sek. 56 ng Batas na ito, ang
mga lugar sa loob ng lupaing ninuno, natukoy/nasukat
man ito o hindi, ay ipinapalagay na pinamamalagiang
komunal o pampamayanan; Sa kondisyon, Na ang
karapatang komunal sa ilalim ng Batas na ito ay hindi

ipapakahulugan bilang Komunidad sa Mga Ari­arian
(Co­ownership) na itinatadhana sa Batas ng Republika
Bilang 386, na kilala sa tawag na Bagong kodigo Sibil
ng Pilipinas.
Seksyon 56. Umiiral na mga Sistema/Rehimen sa
Pagmamay­ari at Ari­arian. Ang mga karapatan sa
pagmamay­ari sa loob ng mga lupaing ninuno na umiiral
at/o kinikilala nab ago pa magkabisa ang Batas na ito ay
kikilalanin at igagalang.
Seksyon 57. Mga Likas­Yaman sa loob ng Lupaing
Ninuno. Ang mga Katutubong pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan ay may natatanging
karapatan sa pag­aani, pagkuha, pagpapaunlad o
paggamit ng anumang likas­yaman sa loob ng mga
lupaing ninuno. Ang di­kasapi ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay
maaaring payagan na makibahagi sa pagpapaunlad at
paggamit ng mga likas­yaman sa loob ng panahong hindi
bababa sa dalawampu’t limang (25) taon: Sa kondisyon, na ang isang pormal at nakasulat na kasunduan ay
isasagawa ng kinauukulang Katutubong Pamayanan
Kultural/Katutubong Pamayanan o ng isang pamayanan, alinsunod sa sarili nitong kaparaanan sa pagpapasya, na
nagsasaad na sial ay sumasang­ayong pahintulutan ang
ganoong pagkilos. Sa kondisyong panghuli, na ang
PKKP/NCIP ay maaaring gamitin ang mga
kapangyarihan sa pagdalaw (visitorial powers) at
gumawa ng angkop na hakbang upang mapangalagaan
ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanan
Kulutral/Katutubong Pamayanan sa ilalim ng ganitong
mga kasunduan.
Seksyon 58. Mga Pagsasa­alang­alang sa
Kapaligiran. Ang mga lupaing ninuno o bahagi nito, na

mahalaga bilang maselan na tubig­himpilan (watershed), mga bakawan (mangroves), mga kanlungan ng buhay-
ilang, kagubatan, pinangangalagaang lugar, kagubatan o

lugar para sa pagpapanumbalik ng kagubatan na natukoy
ng mga angkop na ahensya nang may ganap na
pakikilahok ng mga Katutubong Pamayanan
Kultural/Katutubong Pamayanan ay pananatilihin, pamamahalaan at pauunlarin nang may ganap at
mahusay na tulong ang mga ahensyang pampamahalaan. Kung pagpapasyahan ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan na isalin ang
pananagutan sa mga nasabing lugar, ang naturang pasya
ay dapat nakasulat. Ang pahintulot ng Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay dapat
ginawa ayon sa kanilang mga katutubong batas na

walang kapinsalaan sa mga batayang pangangailangan
ng umiiral na batas sa Malaya, nauuna at malinang na
paghintulot; Datapwa’t, ang pagsasalin ay
pansamantala lamang at sa katapusan ay mababalik sa
mga Katutubong Pamayanang cultural/Katutubong
Pamayanan ayon sa isang programa para sa pagsasalin
ng teknolohiya: Sa karagdagang kondisyon,Na walang
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan ang maaalis o maililikas dahilan sa
layuning inisa­isa sa ilalim ng seksyon na ito nang
walang nakasulat na pahintulot ang tiyak na taong
binigyan ng kapangyarihan na magbigay ng pahintulot.
Seksyon 59. Mga Itinatadhana Bago ang
Pagbibigay ng Katibayan. Lahat ng kagawaran ng
iba pang pampamahalaang ahensya simula ngayon ay
mahigpit na pinagbabawalang magbigay, mag­ ulit/magpanibago (renew) o magpahintulot ng
anumang konsesyon, lisensya o paupa, o pumasok sa
isang kasunduan sa pagbabahaginan sa produksyon, nang walang naunang katibayan mula sa PKKP/NCIP
na ang maaapektuhang lugar ay hindi sumasanib sa
alinmang lupaing ninuno. Ang nasabing katibayan ay
ibibigay lamang matapos ang isang aktwal na
pagsisyasat na isinagawa ng Tanggapan sa Lupaing
Ninuno sa kinauukulang lugar: Sa kondisyon, Na
walang katibayang ibibigay ang PKKP/NCIP nang
walang malaya at nauuna, malinang at nakasulat na
pahintulot ang kinauukulang Katutubong Pamayanang
Kultural/Katutubong Pamayanan; Sa karagdagang
kondisyon, Na walang kagawaran, pampamahalaang
ahensya o samahan sa kalakal na pagmamay­ari o
pinamamahalaan ng pammahalaan ang maaaring
magbigay ng bagong konsesyon, pahintulot o
kasunduan sa pagbabahaginan sa produksyon habang
mayroong nakabinbing na kahilingan para sa
katibayan sa Pagmamay­ari sa Lupaing Ninuno: Sa
huling kondisyon, Na ang mga Katutubong
Pamayanang Kultural/katutubong Pamayanan ay may
karapatang pigilin o ipatigil, nang naaayon sa batas na
ito, ang anumang proyektong hindi nakasunod sa mga
kinakailangan sa pamamaraan ng pagsangguning ito.
Seksyon 60. Hindi Kasama sa Pagbubuwis. Lahat ng
lupang pinatitibayang lupaing ninuno ay hindi kasama
sa pagbabayad ng buwis na “real property”, natatanging pagbubuwis, at iba pang anyo ng
paniningil maliban sa mga bahaging lupaing ninuno na
sadyang ginagamit sa malawakang agrikultura, pang
komersyal na pagtatanim sa kagubatan at sa layuning
paninirahan o may titulo na nakapangalan sa

pribadong tao. Sa kondisyon, na lahat ng paniningil ay
gagamitin upang mapaayos ang pagpapaunlad ng mga
lupaing ninuno.
Seksyon 61. Pansamantalang kapangyarihan sa
Paghingi ng Tulong. Hangga’t hindi naitatag ang isang
institusyong may kakayanan sa pagsusukat ng lupain, at
mabisang makakaganap sa mga tungkuling nabanggit sa
itaas, ngunit kahit kalian ay hindi lalampas ng tatlong (3)
taon matapos ang pagsasabatas nito, ang PKKP/NCIP ay
bibigyan ng kapangyarihan na hilingin sa pangkat na
nagsa­surbey ng Kagawaran sa Kalikasan at Likas
Yaman gayundin ang iba pang kasing­husay na mga
pangkat na nagsa­surbey, sa pamamagitan ng isang
memorandum ng Kasunduan, na tukuyin/sukatin ang
mga paligid ng lupaing ninuno. Ang Kalihim ng
kagawaran sa Kalikasan at Likas Yaman ay magbibigay
ng hinihiling na kawani, sa loob ng isang (1) buwan
matapos matanggap ang kahilingan ng PKKP/NCIP: Sa
kondisyon, Na isasaad sa Memorandum ng Kasunduan, kasama ang iba pa, ang tadhana ng pagsasalin ng
kaalamang teknolohiya sa PKP/NCIP.
Seksyon 62. Pag­aayos ng mga Hidwaan. Sa oras na o
kapag may magkasalungat na interes sa lupa, at kung
saan may magkalabang pag­aangkin sa loob ng mga
lupaing ninuno na natukoy/nakasukat at nakamapa sa
isang “survey plan,” na hindi malutas, didinggin at
huhukuman ng PKKP/NCIP ang usapin o hidwaan
nagmumula sa pagtukoy at pagsukat ng lupaing ninuno, matapos ang karampatang pagbibigay­alam sa
magkabilang panig, Sa kondisyon, Na kung ang hidwaan
ay sa pagitan at/ o sila mismong mga Katutubong
Pamayanang Kultura/Katutubong Pamayanan hinggil sa
tradisyunal na hangganan ng kani­kanilang mga lupaing
ninuno, ang katutubong pamamaraan ang susundin. Ang
PKKP/NCIP ay magpapahayag ng kinakailangang mga
batas at alituntunin upang maipatupad ang kanyang
gampanin sa pag­aayos ng hidwaan. Sa Karagdagang
kondisyon, Na anumang pasya, kautusan,gawad o hatol
ng PKKP/NCIP sa anumang hidwaan sa lupaing ninuo o
anumang bagay na may kaugnayan sa kahilingan, pagsasagawa, pagpapairal at pagpapakahulugan sa Batas
na ito ay maaring ihain bilang “Petition for Review” sa
Korte ng mga Apela ( Court of Appeals ) sa loob ng
labinglima (15) araw mula sa pagkatanggap ng sipi ng
gawad o hatol na nabanggit.
Seksyon 63. Nararapat ng mga Batas. Ang mga
kinaugaliang/katutubong batas, mga pinagkaugalian at
kinasanayan ng mga Katutubong pamayanang

Kultural/Katutubong Pamayanan sa mga lupa kung
saan ang hidwaan ay nagmula ay siya munang
gagamitin sa mga usapin ukol sa paggalang sa mga
karapatan sa ari­arian, mga pag­aangkin, pagmamay­ ari, mga pagkakasunod­sunod na mana at pagsasa­ayos
ng mga hidwaan sa lupa. Anumang pag­aalinlangan o
kalabuan sa pagpapairal at pagbibigay­kahulugan sa
mga batas ay lulutasin sa kapakinabangan ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan.
Seksyon 64. Mga Hakbang Panlunas. Ang sapilitang
pagbawi (Expropriation) ay mapipilitang gamitin sa
paglutas ng mga tunggalian sa interes na sinusunod
ang panuntunang “kabutihan sa nakararami.” Ang
PKKP/NCIP ay gagawa ng nararapat na legal na
hakbang upang ipawalang bias ang mga titulong
opisyal na nakatala ngunit nakamit sa hindi legal na
paraan. Sa kondisyon, Na ang gayong pamamaraan ay
titiyak na ang mga karapatan ng matuwid na may­ari
ay igagalang. Sa karagdagang kondisyon, Na ang mga
hakbang para sa pagpapawalang­bisa ay gagawin sa
loob ng dalawang (2) taon mula sa pagkakabisa ng
Batas na ito. Sa katapusang kondisyon Na ang mga
hakbang sa pagsasauli (reconveyance) ay isasagawa sa
loob ng sampung (10) taon sang­ayon sa mga umiiral
na batas.

KABANATA IX : HURISDIKSYON AT MGA PAMAMARAAN SA PAGPAPATUPAD NG MGA KARAPATAN

Seksyon 65. Pagiging Pangunahin ng mga
Kinaugaliang/Katutubong Batas at mga Kaugalian. Ang mga hidwaan sa pagitan ng mga kapwa Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan ay
lulutasin sa pamamagitan ng kinaugaliang/katutubong
batas at kaugalian.
Seksyon 66. hurisdiksyon ng PKKP/NCIP. Ang
PKKP/NCIP, sa pamamagitan ng kanyang mga
Tanggapang Panrehiyon ang may tanging hurisdiksyon
(jurisdiction) o kapangyarihan sa lahat ng mga pag­ aangkin at hidwaan na tungkol sa mga karapatan ng mga
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan. Dahil dito, walang hidwaang idudulog sa
PKKP/NCIP maliban kung ang magkabilang panig ay
naubusan na ng lahat na kaparaanan ng panlunas na
itinatadhana sa ilalim ng kanilang mga kinaugaliang
katutubong batas. Sa katuparan ng layuning ito, gagawa
ng isang katibayan ang Kapulungan ng mga
Nakatatanda/Pinuno ng tribo na lumahok sa
pagtatangkang maayos ang hidwaang hindi rin nalutas,
na ang katibayan ay isang kondisyon bago ang
paghahain ng petisyon sa PKKP/NCIP maliban kung ang
magkabilang panig ay naubusan na ng lahat
nakaparaanan ng panlunas na itinatadhana sa ilalim ng
kanilang mga kinaugaliang/katutubong batas. Sa
katuparan ng layuning ito, gagawa ng isang katibayan
ang Kapulungan ng mga Nakakatanda/Pinuno ng tribo
na lumahok sa pagtatangkang maayos ang hidwaang
hindi rin nalutas, na ang katibayan ay isang kondisyon
bago ang paghahain ng petisyon sa PKKP/NCIP.
Seksyon 67. Mga Paghahabol sa Hukuman para sa
Paghahabol (Court of Appeals). Ang mga kapasyahan
ng PKKP/NCIP ay maaaring habulin sa Hukuman para
sa Paghahabol sa pamamagitan ng isang “Petition for
Review.”
Seksyon 68. Pagpapatupad ng mga Pasya, Gawad at
Kautusan. Sakaling sa pagtatapos ng panahong
nakatadhana ditto, walang paghahabol na mabubuo ang

sinuman sa magkatunggaling panig, ang Punong
Tagadinig ng PKKP/NCIP, sa sarili nitong pagkukusa
o mula sa kahilingan ng isang panig, ay magbibigay ng
isang “Writ of Execution ́utos sa pagpapatupad na
kinakailangan ng ‘sherif’ o ng wastong opisyal/tauhan
upang ipatupad ang pangwakas na pagpapasiay, kautusan o gawad ng Panrehiyong Punong Tagadinig
ng PKP/NCIP.
Seksyon 69. Mala­Hukumang Kapangyarihan ng
PKKP/NCIP. Ang PKKP/NCIP ay mayroong
sumusunod na mga lakas at kapangyarihan:
a. Magpahayag ng mga tuntuning at kautusan na
sumasaklaw sa pagdinig at pag­aayos sa mga
kasong ihinain ditto gayundin ang ibang may
kaugnayan sa mga panloob na tungkulin at
mga kautusan at tuntunin na maaaring
kailanganin sa pagpapatupad ng mga layunin
ng Batas na ito;
b. Mamamahala ng mgasinumpaang salaysay,
tawagin ang mga panig na may hidwaan, maglabas ng mga ‘subpoena’ na
nangangailangan ng pagdalo at pahayag ng
mga saksi o paggawa ng mga aklat, kasulatan, kontrata, talaan, kasunduan at iba pang
kasulatang may katulad na katangian na
maaaring mahalaga sa makatarungang
pagpapasya sa mga bagay na isinasailalim sa
pagsusuri o pagdinig na ginagawa sa
pagsasakatuparan ng Batas na ito;
k. Pigilin ang sinumang taong nanghamak o
lumapastangan sa hukuman, tuwiran man o
hindi, at magpataw ng kaukulang parusa para
dito;
d. Ipatigil ang alinman o lahat ng mga batas na
may kaugnayan o nagmula sa anumang
kasong nakasampa ditto kung saan, kung hindi
kagyat na mapipigilan, ay maaaring magdulot
ng maselan at di­mapagtatakpan pinsala sa
alinmang panig sa kaso o malubhang
maaapektuhan ang gawaing panlipunan at
pangkabuhayan.
Seksyon 70. Pansamantalang Utos sa Pagpigil
(Restraining Order) o “Preliminary Injucntion.” Walang mababang hukuman sa Pilipinas ang
magkakaroon ng kapangyarihan na magpalabas ng

anumang kautusan na nagpipigil (restraining order) o
kasulatan sa panimulang kautusan (writ of preliminary
injunction) laban sa PKKP/NCIP o alinmang kaso, hidwaan o pagtatalong nagmula, o kailangan sa
pagpapakahulugan sa Batas na ito at iba pang mga
kaugnay na batas hinggil sa mga Katutubong
Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanan at sa
lupang ninuno.

KABANATA X : PONDO PARA SA LUPAING NINUNO

Seksyon 71. Pondo para sa Lupaing Ninuno. Sa
pamamagitan nito ay bubuuin ang isang natatanging
pondo, na makikilala bilang Pondo para sa Lupaing
Ninuno, ang panimulang halaga na Isang Daan at
Tatlumpong Milyong Piso (P130,000,000) ay itatalaga
upang mabayaran ang mga lupang binawi, ang pagtukoy
at pagsukat at pagpapaunlad sa lupaing ninuno. Ang
halagang Limampung Milyong Piso (P50,000,000) ay
magmumula sa kinita (gross income) ng Philippine
Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa operasyon
ng lotto, Sampung Milyong Piso (P10,000,000) mula sa
mga tinanggap na buwis (gross receipt) na ipinataw sa
mga manlalakbay ng nakaraang taon, ang pondo ng
Konseho sa Panlipunang Pagbabago (Social Reform
Council) na nakalaan sa surbey at pagsusukat ng mga
lupa/lupaing ninuno, at iba pang mapagkukunan na
maituturing ng pamahalaan na naaangkop. Pagkatapos
nito, ang nasabing pondo ay isasama na sa taunang
Pangkalahatang batas sa Paglalaan ng Gugulin (General
Appropriations Act). Ang mga pondong lokal at nagmula
sa ibang bansa na ibinigay para sa mga pamahalaan ng
Pilipinas ay padadaanin sa PKKP/NCIP. Ang
PKKP/NCIP ay maaari ring mangalap at tumanggap ng
mga donasyon, bigay at iginawad sa anyo ng mga
abuloy, at ang nasabing kaloob ay hindi papatawan ng
buwis (income and gift taxes), mga singil o butaw na
ipinapataw ng pamahalaan o anumang pampulitikang
bahagi o mga ahensya nito.

KABANATA XI : MGA KAPARUSAHAN

Seksyon 72. Mga Gawaing May Parusa at iba pang
Naaangkop na mga Multa. Sinumang tao na
nakagawa ng paglabag sa alinman sa mga itinatadhana
ng Batas na ito, katulad ng, subalit hindi limitado sa, walang pahintulot at/o labag sa batas na
panghihimasok sa alinmang lupa o lupaing ninuno
katulad ng nakasaad sa Sek. 21 at 24 Kabanata V, Sek. 33 kabanata VI ditto, ay mapaparusahan anng naaayon
sa mga katutubong batas ng kaukulang mga
Katutubong pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan: Sa kondisyon, Na ang parusa ay hindi
maaaring ipataw ang parusang kamatayan o
pagbabayad ng sobra­sobrang multa. Ang tadhanang
ito ay walang pagtatangi sa karapatan ng sinumang
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong
Pamayanan na makinabang sa pangangalaga ng mga
umiiral na batas. Sa anumang kalagayan, sinumang tao
na lumabag sa alinmang itinatadhana ng Batas na ito, kung mapapatunayang nagkasala ay mapaparusahan
ng pagkakabilanggo ng hindi bababa sa siyam (9) na
buwan at hindi lalampas sa labindalawang (12) buwan
o pagmumultahin ng hindi bababa sa Isandaang libong
Piso (P100,000,000) o hindi lalampas sa Limangdaang
Libong Piso (P500,000,000) o parehong multa at
pagkakabilanggo kung pinagpasyahan ng hukuman. Dagdag ditto, siya ay pipiliting magbayad sa
kinauukulang Katutubong Pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan ng anumang
pinsalang dinanas ng huli bilang kinalabasan ng
ginawang paglabag sa batas.
Seksyon 73. Mga Taong Maaaring Mapatawan ng
Parusa. Kung ang may katauhang hurikidal (juridical
persons), lahat ng pamunuan nito, katulad ng, ngunit
hindi limitado sa kaniyang Pangulo, Tagapamahala, o
Punong Tagapagpaganap ang siyang mananagot sa
lahat ng di­makatarungang galaw o kilos nito ang
siyang mananagot sa lahat ng di­makatarungang galaw
o kilos nito at siayng papatawan ng kasalanang
criminal, dagdag pa ditto ang pagbawi sa kanilang
lisensya o katibayan ng pagpaparehistro. Datapwa’t
kung ang may sala ay isang pinuno ng pamahalaan, ang kaparusahan ng dis­qualification para
manungkulan ay ipapataw rin.

KABANATA XII : PAGSASANIB NG TANGGAPAN PARA SA TAGA­HILAGANG KATUTUBONG PAMAYANAN (ONCC) AT TANGGAPAN PARA SA TAG­ TIMOG NA KATUTUBONG PAMAYANAN (OSCC)

Seksyon 74. Pagsasanib ng ONCC at OSCC. Ang
Tanggapan para sa Taga­Hilagang Katutubong
Pamayanan (ONCC) at Tanggapan para sa Taga­Timog
na Katutubong Pamayanan (OSCC), na nilikha sa ilalim
ng Pampangasiwaang Utos bilang 122­B at 122­C, ayon
sa pagkakabanggit, ay pinagsasanib bilang mga
tanggapang organiko ng PKKP/NCIP at magpapatuloy
na gagampanan sa ilalim ng pinasigla at pinalakas na
katayuan upang makamtan ang mga layunin ng
PKKP/NCIP: Sa kondisyon, Na ang mga posisyon ng
Puno ng mga Kawani, Mga Patnugot sa Kawanihan, Kinatawan ng Punong Tagapagpaganap maliban sa
posisyon ng Panrehiyong Tagapagpaganap at mas
mababa pa ditto, ay inaalis na mula sa pagkakabisa ng
Batas na ito: Sa kondisyon pa, na ang mga opisyal at
kawani ng mga inalis na mga tanggapan na may
kakayahan ay maaaring humiling para muling italaga sa
PKKP/NCIP at maaaring bigyan ng pangunang
karapatan sa pagbubuo ng mga bagong gawang
posisyon, nang naaayon sa mga katangiang itatalaga ng
Komite sa Pagtatakda (Placement Committee): Sa
karagdagang kondisyon, Na sa pangyayari kung saan
ang isang katutubo at isang di­katutubo na may
magkatulad na katangian ang magprisinta sa parehong
posisyon, ang unang pagkakataon ay ibibigay sa una. Ang mga tanggapan at kawani na aalisin bunga ng
pagsasanib ng mga tanggapang ito ay bibigyan ng
karapatan sa pabuya sa halagang katumbas ng isa at

kalahating (1 1/2) buwang sahod sa bawat taon ng tuloy-
tuloy na nakalulugod na paglilingkod o ang katumbas sa

pinakamalapit na hating­bilang nito na may bentahe sa
kanila batay sa pinakamataas na sahod na natanggap.
Kung sila ay may karapatan ng tumanggap ng mga
kabayaran sa pamamahinga at pag­alis, sila ay may
laying mamili alinman sa mga benepisyo sa
pagpapahinga sa trabaho o kabayarang ibinibigay sa mga
umalis na kawani katulad ng nakasaad ditto. Ang mga

pinuno at kawani na maaaring maibalik sa dating
tungkulin ay magbabalik ng natanggap na benepisyo
sa pagpapahinga sa trabaho o kabayarang ibinigay sa
umalis na kawani. Sa huling kondisyon, na ang mga
tinanggap na kawani ay kailanganag makapasa sa
katangian at pamantayang itinatalaga sa Serbisyong
Sibil ng Komite sa Pagtakda na binuo ditto.
Seksyon 75. Panahon sa Paglilipat. Ang ONCC at
OSCC ay binibigyan ng anim (6) na buwan mula sa
pagkakabisa ng Batas na ito upang tapusin ang
kanilang mga Gawain at gumawa ang awdit sa mga
pera nito.
Seksyon 76. Pagsasaling nga mga pagmamay­ari at
Kagamitan. Lahat ng mga tunay at personal na
pagmamay­ari, o ari­arian ng pinagsanib na mga
tanggapang binaggit ay isasalin sa PKKP/NCIP na
hindi na kinakailangan ng pagsasabi, pagsasalin at
paglilipat ng titulo at gagawin sa parehong dahilan
katulad ng pagtatago sa mga iyon sa dating tanggapan. Sa kondisyon, Na lahat ng mga kontrata, talaan at
dokumentong may kaugnayan sa pagpapalakad ng
mga pinagsanib na mga tanggapan ay isasalin sa
PKKP/NCIP. Lahat ng mga kasunduan at kontratang
papasukin ng pinagsanib na tanggapan ay
mananatiling may lakas at bias maliban kung tinatapos
na, binago o sinusugan ng PKKP/NCIP.
Seksyon 77. Komite sa Pagtatakda ng Kawani. Ayon sa mga tuntunin ng muling pagbabalangkas ng
pamahalaan, isang Komite sa Pagtatakda ng Kawani
ang bubuuin ng PKKP/NCIP, sa pakikipag­ugnayan sa
Komisyon sa Paglilingkod Sibil, na tutulong sa
makatarungang pagpili at paglalagay ng mga tauhan
upang ang pinakamahusay at pinaka­karapat­dapat na
mga tao ang maitatalaga sa muling binagong ahensya. Ang Komite sa Pagtatakda ng Kawani ay bubuuin ng
pitong (7) Komisyonado at isang katutubong
kinatawan mula sa una at pangalawang bahagdan ng
samahan ng mga kawani sa OSCC at ONCC, mga
samahang di­pampamahalaan na nakapaglingkod sa
pamayanan ng hindi bababa sa limang (5) taon at mga
samahang pantao na nabubuhay ng hindi bababa sa
limang (5) taon. Sila ay gagabayan ng pmantayan ng
pagpapanatili at pagtatalaga na gagawin ng lupong
sanggunian (consultative body) at ng kaukulang
tadhana ng batas sa paglilingkod sibil.

KABANATA XIII : MGA HULING TADHANA

Seksyon 78. Mga Natatanging Tadhana. Ang Lungsod
ng Baguio ay mananatili sa ilalim ng Batas na lumikha
sa kanya. Ang lahat ng mga kalupang ipinahayag bilang
bahagi ng ng “townsite reservation” ay mananatiling
gayon hanggang hindi binabago ang uri ng angkop na
batas. Sa kondisyon, Na ang hanggang hindi binabago
ang uri ng angkop na batas. Sa kondisyon, Na ang
naunang karapatan sa lupa at titulong kinikilala at/o
nakuha sa pamamagitan ng anumang paghukom at
pamamahala at iba pang pamamaraan bago magkabisa
ang Batas na ito ay mananatiling may bias: Sa
karagdagang kondisyon, na hindi isasama sa tadhanang
ito ang anumang lugar na naging bahagi ng Baguio bago
magkabisa ang Batas na ito.
Seksyon 79. Mga Laang Gugulin. Ang halagang
kinakailangan upang tustusan ang unang pagpapatupad
ng Batas na ito ay magmumula sa kasalukuyang laang
gugulin ng ONCC at OSCC. Matapos ito, ang halagang
kinakailangan para sa patuloy na pagpapatupad ng batas
na ito ay isasama sa taunang Pangkalahatang Batas sa
Laang Gugulin.
Seksyon 80. Mga Tuntunin at Alituntunin sa
Pagpapatupad. Sa loob ng animnapung (60) araw
matapos ang paghirang, ang PKKP/NCIP ay gagawa ng
kinakailangang mga tuntunin at alituntunin sa
pagpapatupad (Implementing Rules) and Regulations
(IRR), sa pakikipagsangguni sa mga Komite sa
Pambansang Katutubong Pamayanan sa Mababang
Kapulungan at sa Senado para sa mabisang
pagpapatupad ng batas na ito.
Seksyon 81. Nakalaang Tadhana. Hindi maaapektuhan
ng Batas na ito sa anumang paraan ang mga karapatan at
kapakipakinabangan ng mga Katutubong Pamayanang
Kultural/katutubong Pamayanan sa ilalim ng ibang
kumbensyon, mga mungkahi, pandaigdigang kasunduan, pambansang batas, gawad, kaugalian at kasunduan.
Seksyon 82. Tadhana sa Pagkakahiwahiwalay. Sa
pagkakataon na alinman sa itinatadhana ng Batas na ito
o alinmang bahagi ditto ay isinaad na hindi sang­ayon sa
Saligang batas ng isang may kakayahang hukuman, ang
ibang tadhana ay hindi maaapektuhan.

Seksyon 83. Tadhanang Nagpapawalang Bisa. Ang
Panguluhang Utos Bilang 410, Pampangasiwaang
Utos bilang 122­B at 122­C, at lahat ng iba pang mga
batas, utos, tuntunin at kautusan o mga bahagi nito na
salungat sa Batas na ito ay ipinapawalang bias o
binabago nang naaayon ditto.
Seksyon 84. Ang batas na ito ay magkakabisa sa loob
ng labinlimang (15) araw matapos na mailathala sa
Official Gazette o alinman sa dalawang (2)
pahayagang may malawak na sirkulasyon.
PINAGTIBAY
(NILAGDAAN)
JOSE DE VENECIA, JR.
Speaker of the House of Representatives
ERNESTO M. MACEDA
President of the Senate
Ang Batas na ito ay pinagsanib sa Senate Bill 1728 at
house Bill No. 9125 na isinabatas ng Senado at HOR
noong Ika­22 ng Oktobre, 1997.
(NILAGDAAN)
ROBERTO P. NAZARENO
Secretary General, HOR
LORENZO P. LEYNES, JR. Secretary of the Senate
PINAGTIBAY; IKA­29 NG OKTUBRE, 1997
FIDEL V. RAMOS
President of the Philippines